Chapter 3
The continuation of this novel can be found at dreame.com
Go to link: https://bit.ly/3g1CQ7M
Or go to link: https://www.dreame.com/novel/FmB4pzXf6XgqcNkr85feLQ%3D%3D-BEWILDERED-PASSION.html
~ SORRY FOR INCONVENIENCE ~
Magnanakaw
Namamalikmata lang ba ako? Parang SPG ang nasa harap ko. Pwede bang pakipatay ang TV?
Yumakap pa ang babae kay Sir Jas. Parang may tumusok sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa mga oras na ito.
"Yvonne, were in public..." Narinig kong sabi ni sir.
"I miss you, Jas. Bakit ngayon ka lang dumaan dito? Kahapon ka pa dumating 'di ba?" Nakayakap pa ring malambing na sabi ng Yvonne.
Kumawala si Sir Jas sa pagkakayakap sa kanya ng babae.
"Meet my new driver, Moon. Siya ang pinadala ni Don Diego na maging personal companion ko..." Tumingin sa akin si sir. Samantalang hindi man lang ako tinapunan ni Yvonne kahit sulyap lang. At nagtataka ako sa sinabi ni sir. Una, Don Diego lang ang tawag niya sa tatay niya. Pangalawa, personal companion? Parang iba naman iyon sa pagiging driver lang?
"Itinuloy din pala ni Don Diego ang plano niya." Sumimangot si Yvonne. Doon pa lang siya tumingin sa akin. Pero nakairap. May ibinulong sa kanya si Sir Jasper. Grabe ang sweetness nila. Nakita kong napangiti si Yvonne. PDA ang dalawang ito.
"Pwede bang tama na ang landian na iyan! Nagugutom na ako!" Mahinang sabi ko habang nakatungo.
Bumitiw si Sir Jas kay Yvonne at tumingin sa akin na tila nanunuya. "Moon, may sinasabi ka ba?"
Narinig pa yata ako, lagot! "W-Wala sir. Kako lang eh nagugutom na ako. Hehe." Mas binabaan ko ang boses ko. Hinawakan ko rin ang tiyan ko.
Ngumuso ang babae at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napadiretso ako ng tayo. "Ano ulit pangalan mo?" Tanong ni Yvonne na parang ang kinakausap ay isang langgam. Ang liit ng tingin niya sa kin eh.
"Moon po mam." Yumukod ako sa harap niya. Napadako ang mga mata niya sa mga dala ko.
"What are those?" Hindi ko alam kung ako ang tinatanong niya o si sir. Pero naiintindihan ko naman siya kahit english iyon. Nag-aral din naman ako. Highest honors pa nga.
"Mam, galing po ang lahat ng ito kay sir!" Nagmamalaki kong sagot at iniangat pa ng kaunti ang mga bitbit. Nagkatinginan silang dalawa. Parang nagkakaintindihan na.
"I think we should eat." Nahuli ko agad ang pag-akbay ni Sir Jas kay Yvonne.
Sa isang mesa na tila napakaespesyal kami pumwesto. Ang ganda ng dining set up. May flowers at puting-puti ang table cloth na pinatungan ng pulang centerpiece.
Umorder si Sir Jas ng mga pagkain. At tunog pa lang, ginugutom na ako.
Habang hinihintay dumating ang order ay pirmi ang paglalambutsingan ng dalawa. Parang wala ako sa harap nila. Pinagmamasdan ko na lamang ang mga taong kumakain sa iba't ibang mesa. Naalangan akong bigla sa sarili ko. Lumang-luma na ang mga suot ko samantang lahat ng mga customer dito kundi mukhang bago ang mga suot ay mamahalin at branded pa. Muli akong napatingin sa dalawang amo. May mga tao talagang maswerte at meron din namang malas. At ang swerte ko ay mapasama sa mga malas.
Nakagat ko ang labi ko nang tumama ang paningin ko sa aking mga paa na suot ang lumang sapatos ni itay. Kupas na maong na pantalon, maluwag na t-shirt at mabigat na jacket. Nahagod ko rin ang halos kalbo kong ulo. Kagabi, akala ko ay nananaginip ako nang mapadako ako sa salamin. Magaan ang ulo ko at akala ko ay may nawawala sa akin.
Pero bakit ko nga ba iniisip ang mga bagay na ito? Dati naman akong masaya at kuntento sa kung ano ang meron ako ah. Si inay nga, hindi ko na rin iniisip. Ipinagpapasa-Diyos ko na lang. Kung mag-aalala ba ako sa kanya, may mangyayaring maganda? Kung palagi kong itatanong sa sarili ko, bakit kami iniwan ni inay, may makukuha ba akong sagot gayong wala nga siya?
Pag-angat ko ng tingin ay kamuntik pa akong mahulog sa upuan dahil nakapasok ang kamay ni Yvonne sa loob ng pantalon ni Sir Jas. Lintik naman, dito pa sila sa harap ko maghihipuan?! Pwede naman sa motel? Kung mayaman sila eh di sa hotel! Huwag naman dito sa loob ng restaurant na matao!
Pumikit na lang ako. Pero kusa namang dumidilat ang isang mata ko kaya kitang-kita ko kung paano dinilaan ni Yvonne ang tenga ni Sir Jas. Sh!ete naman talaga!!! Naalala ko tuloy si Hilda at kung paano niya ibenta ang sarili niya sa mga lalaki. Iba nga lang itong nasa harapan ko dahil libre si Yvonne para kay Sir Jas. Sabagay, sigurado namang maraming magkakandarapang maghubad sa harapan ni Sir dahil para siyang greek god na si Adonis mula ulo hanggang paa!
Kumain kami. Maganda ang presentation ng mga pagkain. Malalaman mong napakamahal ng mga in-order nila. Pero sa lasa, ewan ko ba? Hindi ako nag-enjoy eh. Marahil nasanay ako sa pagkaing simple o dahil nakakawalang gana lang kapag may nagsusubuan sa harap mo. Para kasing OA na. Parang plastik itong dalawang love birds kuno na panay ang pa-tweetums sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ganyan talaga sila o nang-iinggit lang sa mga nagdaraanang mga tao.
"CR lang po, sir." Paalam ko. Kanina pa kasi ako nangangati at hindi maabot ang likod ko. Sa kapal ba naman ng mga suot ko.
Tinanggal ko muna ang jacket saka ko hinubad ang ilang patong pang damit bago ko tuluyang nakamot ang likod ko. Hayyy, ang sarap mangamot!
Nasulyapan ko pang muli ang lock ng pinto. Sinigurong naisara ko iyon bago pa may pumasok na ibang lalaki rito sa loob ng banyo.
Naghilamos ako at natitigan ang sarili sa salamin. Kagabi, halos hindi na ako makapag-isip ng maayos sa bilis ng mga pangyayari. Iniwan kami ni inay at sumama raw sa ibang lalaki. Ganoon ba kadesperada ang nanay ko para maghanap ng iba? Pangalawang asawa na niya si itay aka Berting Gawampala. Nestor Morales ang totoong pangalan ng tatay ko. Nasaan na si itay? Ewan ko. Nilayasan din kami. Siguro, nakadestino talaga akong isilang ng dalawang magulang na nilalayasan ang pamilya. Nakakatawa. Dahil hindi ako umiyak nang iwan kami ng totoo kong tatay. At kagabi nang malaman kong umalis din si inay, wala rin akong maramdaman na gusto kong umiyak.
Sunod-sunod na hinilamos ko ang malamig na tubig sa mukha ko. At least dito sa poder ni Don Diego at ng anak niya, may pagkain. Merong tulugan, tubig at kuryente. Limang milyon ang utang ni itay Berting kaya mukhang habang buhay na kaming magsisilbi sa mga San Huwes. Tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib. Wala rin naman akong ibang pagpipilian.
Siniguro kong magmumukha talaga akong lalaki bago lumabas. Ang water resistant na eye liner na siyang ipinapahid ko sa mga mata ko, gilid ng bibig at panga ay sinipat kong maigi. Kumpleto ako sa gamit dahil na rin sa dami ng mga paligsahan na sinalihan ko simula pa pagkabata. Nakakatawa dahil pakiramdam ko ay nasa taas pa rin ako ng entablado, nagkukunwari sa harapan ng maraming tao kapalit ng kaunting pera para mabuhay ng maayos sa mundo.
Huminga ako ng malalim bago pinihit ang pinto. Pagbalik ko ay wala sila Sir Jas at Yvonne. Nag CR din kaya? Narito pa rin naman ang mga pinamili namin kanina at may mga plato pa ng dessert na hindi nagagalaw. Inilibot ko ang paningin ngunit hindi ko sila makita, kaya't nagpasya na lang akong maghintay.
Magdadalawang oras na ako sa loob ng restaurant na ito. Ibinigay na sa akin ng waitress ang bill at wala akong perang pwedeng ipambayad sa mga kinain namin.
"Hindi ka pwedeng umalis hangga't di mo binabayaran iyan!" Pahayag ng waitress habang nakatingin sa hawak kong resibo nang magpaalam ako para hanapin sina Sir Jas. "Sinabi na kasi sayo na umalis na si Mr. San Huwes at Mam Yvonne!" Kanina pa niya pinagpipilitan na iniwan na ako ng dalawa pero hindi ako naniniwala. "Ikaw nga raw ang magbabayad niyan! Kung ayaw mo, tatawag na kami ng pulis!" Pinagtitinginan na ako ng mga taong naririto at pakiramdam ko ay lulubog ako sa lupa dahil sa kahihiyan.
"Hindi nga gagawin ni Sir Jasper ang sinasabi mo!" tumaas na rin ang boses ko. Nabigla pa nga ang waitress dahil totoo kong boses ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung dahil sobra na akong napapahiya o dahil hindi ko matanggap na iniwan nga ako nina Sir Jas.
"Kung ayaw mong magbayad, tatawag na kami ng pulis!" Pagkasabi no'n ay tumalikod na ang mataray na waitress at pagbalik ay may kasama nang sekyu! Akala ko pa naman tunay ngang pulis.
Mahaba-habang paliwanagan din ang nangyari pero walang gustong maniwala sa akin. Lintik na buhay ito! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. May cell phone naman ako kahit luma na kaso hindi ko alam kung sino o kanino ako tatawag. Kung kay itay, malamang sermunan pa ako no'n. Hindi ko naman alam ang numero ni Sir Jas.
Nagulat ako nang hilahin ako ng sekyu. Sa laki ng palad niya, siguradong magkakapasa ang braso ko. Nakasunod pa rin sa amin ang mataray na waitress. Naiinis na ako sa kanya at gusto ko siyang ilubog sa kumukulong mantika.
Namataan kong pinasok namin ang loob ng kitchen. Agad nagkumpulan ang lahat ng mga mata sa akin. Hinila pa ako palapit sa nakasaradong pinto. Pagbukas ay napakalaking lababo, sandamukal na plato, baso, kaserola at mga planggana.
"Hugasan mo ang lahat ng iyan! Hindi ka aalis hangga't hindi mo natatapos iyan!" Ang taas ng kilay niya at iniwan ako sa dishwashing room.
Nagtaas baba ang dibdib ko. Tinanong ko ang aking sarili kung totoo ba na iniwan talaga ako nina Sir Jas. Para pagbayarin ng mga kinain namin at para maghugas ng mga plato! Lintik, napakasama naman!
Ang masakit pa, wala man lang gwantes na maisusuot. Ang tapang ng sabon nila rito kaya nangangalahati pa lang ang nahuhugasan ko ay sobrang hapdi na ng mga kamay ko. Parang nakikita ko ang mukha ni Sir Jas sa bawat platong niluloblob ko sa tubig. Nakangisi at nakatingin sa akin. Sinadya niya sigurong gawin ito. Pero bakit? Ano'ng naging kasalanan ko sa kanya?
Dalawang oras bago ko tuluyang natapos ang maruruming hugasin. Maging mga kaserola na inis-is ko ay napakintab ko. Yun nga lang, nagkabutas-butas yata ang mga daliri ko. At ang sakit ng likod ko!
Pinayagan akong umuwi, pero nang-uusig ang mga mata ng mga empleyado sa loob ng restaurant na iyon. Nilamon ko na lang ang hiya ko, may magagawa pa ba ako?
Bitbit ang pinamiling mga damit at sapatos ay nagsimula na akong maglakad pabalik. Noong naghagis ng kamalasan ang kung sinoman ay siguradong naroon ako. Kung bakit wala man lang akong dala ni piso sa bulsa! Obligado tuloy akong maglakad pauwi. Gusto ko nang mainis sa lahat ng nangyayari pero pilit kong kinakalma ang loob ko.
Masakit na ang mga kamay ko, masakit pa ang paa ko na natapilok kaninang umaga. Nang may mamataan akong bench ay naupo muna ako upang tanggalin ang suot na sapatos. Tama nga ang hinala ko dahil namamaga na ang paligid ng bukong-bukong ng paa ko. May bumabara na sa lalamunan ko pero umiihip na lang ako ng hangin paulit-ulit para maibsan ang sakit na nadarama ko.
Tutal naman ay binilhan ako ni Sir Jas ng sapatos, bakit hindi ko isuot ito ngayon pauwi? Hindi na ako nagdalawang-isip at isinuot ang bagong rubber shoes. Sh!te ang sarap ng pakiramdam nang suotin ko iyon. Kahit hindi ko na halos maitapak sa lupa ang isang paa ko dahil sa sprain ay natuwa naman ako dahil sa ginhawang dala ng bagong sapatos.
Nasa harap na ako ng napakalaking tarangkahan ng mansyon. Napangiti ako kahit tagaktak ang pawis ko dahil sa wakas ay nakauwi ako. Grabe ang pagod ko sa araw na ito. First job, first day, na puno ng kamalasan.
Ang akala ko ay tapos na ang kalbaryo ko nang pagtapak ko sa loob ng mansyon ay salubungin ako ng sampal ni itay. Sa sobrang lakas ay parang nabingi ang tenga ko. Hindi pa man ako nakakarecover ay isa pang sampal ang dumapo sa mukha ko. T*ngina ang sakit, parang sasabog ang utak ko!!!
"I-Itay, b-bakit po?" nanginginig na lumabas sa bibig ko. Bumagsak sa sahig ang mga bitbit kong paper bag.
Sa halip na sagutin ako ay dinuro ako ni itay. At sinipa ang binti ko. Nakagat ko ang labi ko dahil parang namanhid ang buong katawan ko. Napaluhod ako.
Pilit akong pinatatayo ni itay pero para akong naging lantang gulay. Gustong sumabog ng dibdib ko. Gustong lumaban. Gustong ipagtanggol ang sarili. Pero paano? Napakahina ko! Unti-unting nangilid ang mga luha ko.
Mariing hinawakan ni itay ang braso ko. "Saan ka galing punyet* ka? At bakit mo ninakawan si Sir Jasper? Manang-mana ka sa nanay mo." Mahina lang ang pagkakasabi ni itay na parang ayaw niya na may makarinig, ngunit madiin ang bawat salita. Nakakabingi!
Napalunok ako nang makita ko si Don Diego na pababa ng hagdan. Seryoso ang mga tingin. Napadiretso ng tayo si itay. At yumukod. "Don Diego, patawarin nyo po si Moon. Sabik po siya sa mga bagay na wala kami kaya niya nagawang magnakaw!"
Hindi ako makapaniwala. Gusto kong sabihing hindi ako magnanakaw. Wala akong ninakaw! Lintik! Bakit hindi ako makapagsalita? "Lumuhod ka sa harap ni Don Diego..." Bumulong si itay sa akin. "Humingi ka ng tawad, t*ng-ina ka!"
Matapang akong tumingin kay itay kahit nakaluhod na ako. "H-Hindi ako magnanakaw." Nagawa kong sabihin kahit hirap ang kalooban ko. Napakalakas na batok ang ginanti niya na halos sumubsob ako sa sahig.
"Ang boses mo!" mahina niyang wika sa likod ng tenga ko. "Nakalimutan mo na bang lalaki ka? Punyet*, umayos ka! Sige, humingi ka ng tawad!"
Napapikit ako. Bakit ako hihingi ng tawad? Wala akong ninanakaw! Hindi ako kumibo.
"Berting, paalisin mo na lang dito ang anak mo." Pahayag ni Don Diego na parang naiirita ang boses.
"Don Diego, patawarin nyo na po si Moon." Halos lumuhod si itay na nakadaop pa ang mga palad.
Nagulat ako nang hilahin niya ako palapit kay Don Diego at isinubsob sa sahig. Gusto ko nang pumalahaw ng iyak. Pero pigil na pigil ako.
Pag-angat ko ng aking ulo ay may nakatingin pala sa akin mula sa ibaba ng hagdan. Si Sir Jasper na galit ang mga mata. Para niya akong hinuhusgahan sa mga tingin niya. Kaya kahit ayoko, kusang pumatak ang pinipigil kong mga luha.
__________________
Follow, Vote and Comment
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro