Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

The continuation of this novel can be found at dreame.com
Go to link: https://bit.ly/3g1CQ7M

Or go to link: https://www.dreame.com/novel/FmB4pzXf6XgqcNkr85feLQ%3D%3D-BEWILDERED-PASSION.html

~ SORRY FOR INCONVENIENCE ~

Announcement:
"Nais n'yo bang magtanong at makachikahan ang author na si Mar Mojica?
Sa loob ng isang oras, ang Wattpad Ambassador Philippines ay magbibigay ng pagkakataon upang makapagtanong kayo sa author ng aklat na ito. Abangan ngayong Mayo, 2020."
From WP Ambassador PH

Sundan ang FB Page:
https://m.facebook.com/WattpadAmbsPH/?tsid=0.7778590945892897&source=result


Doblekara

"Wow, Moon! Ikaw na naman pala ang nanalo! Balato naman d'yan." Si Mang Ambo na kapitbahay namin at tambay sa may kanto. Nasalubong niya akong may hawak na trophy. Siguradong naaamoy niya ang Central Bank sa katawan ko.

"Mang Ambo, magdamit ka naman. Nasisilaw ako sa ganda ng katawan mo, eh." Inuuto ko lang po siya. Ang totoo, tumaba na si Mang Ambo dahil sa kakatambay at kakahintay ng grasya.

"Sinasabi ko na nga ba at may lihim kang pagnanasa sa akin. Gusto mo ba na ikaw na ang ipalit ko sa asawa ko?" tanong ng bastos niyang bibig. Napalunok ako nang nilabas niya ang dila niya sabay tingin sa nakalitaw na hita ko.

"Mang Ambo nandiyan po ang tatay ko. Gusto n'yong bisitahin muna?" balik-tanong kong panakot sa kanya. Tingnan ko kung ano ang magiging reaksiyon niya.

Huh! Hindi siya makatingin ng diretso ngayon. "Uh... Kailan pa dumating ang tatay mo? Hindi na ba siya nagtatrabaho kay Don Diego?" Kitang-kita ko kung paano siya biglang nataranta sa harap ko.

"Nagtatrabaho pa rin siya sa mansyon. Pero may sisingilin daw siyang tao kaya bumalik muna." Pagkasabi ko no'n ay agad niya akong tinalikuran na parang walang narinig.

Hay, Mang Ambo talaga! Hanggang ngayon takot pa rin sa tatay ko. Eh, paano naman kasi, sandamukal na ang utang niya hindi naman nagbabayad. Napailing ako at nagpatuloy na naglakad pauwi.

"Oy Moon, doblekara ka na naman, ah. Saan ka rumaket ngayon?" Humikab ang kapitbahay naming si Hilda na puyat na naman. Syempre, panggabi ang propesyon niya. Sexpert siya sa lahat ng posisyon. Bilib nga ako at hindi siya nabubuntis.

"Diyan lang sa tabi-tabi!" Sagot ko. Magulo ang buhok ni Hilda, maputi at maganda siya. Habulin ng mga lalaki, lalo na kapag libre.

"Ganda ng outfit mo! Kanino mo ipinagawa iyan?" Mabilis niya akong nilapitan at hinila pa ang laylayan ng paldang suot ko. "Lalaki at babae. Paano mo napag-iiba ang boses mo, ha?" Nakapamaywang niyang tanong. Napanood na kasi niya akong minsan sa isang piyesta, nang sumali ako at syempre, ako ang nanalo.

"Madali lang naman. Practice, practice lang 'pag may time." Kinindatan ko siya gamit ang kalahati ng katawan ko na nakasuot ng panlalaki. Pati boses ko ay binabaan ko.

"Hay grabe, kinilabutan naman ako! Sa'n baul mo ba nakukuha ang boses lalaking iyan? Grabe talent mo. 'Kaw na naman nanalo, 'no?" Inagaw niya ang trophy na hawak ko. "Pssh 'di ka naman magkakakwarta sa pekeng trophy na 'to! Pinagawa lang ito sa recto, eh." Alam ko naman iyon. Pero makakatulong din naman ang konting cash prize. Isa pa, alam kong dugo't pawis ko nanggaling. Inagaw ko pabalik sa akin ang munting tropeo na muntik pang mahulog.

"Matulog ka na nga, Hilda!" Tinulak ko siya ng bahagya. "Saka na tayo mag-usap kapag hindi ka na puyat!" Kailan ba siya hindi naging puyat?

"Bakit kasi 'di ka na lang sumama sa akin? Siguradong bebenta ka kaagad, Moon!" Aniyang itinaas ng bahagya ang palda ko.

Binugaw ko siya at luminga-linga sa paligid. Mabuti at nagsisiyesta pa ang marami kaya iilan lang ang tao sa iskinita namin. "Ano ka ba? Para sa mga sexy lang iyan!" Akmang tatalikod na ako nang hilahin niya ang braso ko.

"Moon, sexy ka. Maganda, maputi, talented at higit sa lahat, donselya! Iyan ang hinahanap sa club kaya mag-isip ka!"

Binatukan ko si Hilda. Iyon bang batok na mahihilo siya. Ganyan ako sa kanya kapag sinisimulan niya akong asarin sa topic na iyan. Ang kulit, eh. "UM!!! May padonse-donselya ka pang nalalaman diyan. Kung nakinig ka sa akin noon, 'di ka sana pokpok ngayon! Ang tamad mo kasing mag-aral at puro lalaki ang inaatupag mo!" Magkaklase kami ni Hilda hanggang grade 10. Tapos lumandi na siya. Ganoon lang naman.

"Aray! Masakit iyon, ha." Bago pa niya ako mahuli at magantihan ay nagtatakbo na ako pauwi. Papayag naman ako na gantihan niya, huwag lang ngayong puyat siya. Masamang magalit si Hilda kapag kulang sa tulog, eh.

Pagbukas ng pinto ay agad kong nabungaran ang babaeng isinawsaw sa pintura. Naghahasa siya ng kanyang mga kuko. Napatingin siya sa akin pagpasok ko.

"Ano? Magkano?" Tanong niya. Napansin na niya agad ang trophy na hawak ko kaya alam na niyang may dala akong pera. Kung sana marunong din mag-sideline ang isang ito, eh, 'di sana hindi kami kinakapos. Two months na kaming hindi nakakabayad ng kuryente.

"Tatlo lang." Pagsisinungaling ko. Siyempre kupit ko iyong kalahati. Kapag nalaman niya kung magkano ang napanalunan kong pera ay siguradong idadaldal niya agad kay itay. Speaker si Georgia ng bahay na ito.

"Ba't ang liit? Saan ka ba sumali?" Kunot-noong tanong ng step sister kong si Georgia.

"Sa may palengke lang. Donation nga lang ang pinanggalingan ng premyo, tss." Kunwari lang ulit dahil sa totoo lang, may nag-sponsor na nagbigay ng anim na libo para sa mananalo. Isa-isa kong tinanggal ang costume kong suot. Kahit mainit at nagmumukha na akong tanga sa mga isinusuot ko kapag sumasali sa mga amateur talent contest ay nagtitiyaga ako. Isa pa, enjoy naman ako.

"Kumain ka na ba?" Uy! Concern ang ate? Tuloy pa rin siya sa pagmamasilya ng kuko niya.

"Hindi pa nga, eh." Pagod akong umupo sa de-kahoy na silya sa loob ng aming munting sala.

"Magluto ka na! Wala pa ang nanay mo! Bwisit kanina ko pa hinihintay. Hindi man lang nagluto bago umalis. Punyet*!" Padabog siyang tumayo.

Pambihira! Akala ko pa naman ay concern siya. Kahit kailan talaga itong si Georgia ay kontra bulate sa buhay ko. Mabuti sana kung mayaman kami, pwede siyang magmatapobre. Kaso, isang kahig isang tuka lang naman kami pero nag-e-effort siyang magsosyal at magtaray.

Mabilis siyang pumasok ng kwarto namin. Bago pa niya naisara ang pinto ay nagawa pa niyang sumigaw. "Hoy Moon! Ibigay mo sa akin ang isang libo ng pera mo, ha. May lakad kami ng mga friends ko. At dalian mong magluto!" Ayun eh. Buti na lang tatlo lang sinabi ko at hindi anim. Or else mas malaki ang gusto niyang balato.

"Hindi pwede! Pambayad 'to ng kuryente!" Sigaw ko rin kahit nakasara na ang pinto. Narinig kong may ibinalibag siya dahil sa lakas ng tunog. Bruhilda de cacao talaga!

Umiiling akong tumayo para mag-saing. Habang nakasalang ang bigas ay isa-isa kong tinanggal ang mga natitira pang damit sa katawan ko, hanggang manipis na sando at shorts na lang ang natira. Ganito ako nasanay sa loob ng aming mainit na bahay. Kung babalutin ko ang katawan ko, siguradong para na akong pinakuluang sinaing sa loob ng maghapon.

Saan naman kaya nagpunta si inay? Dati-rati ay nag-iiwan iyon ng pagkain bago umalis. Saka nagte-text iyon sa akin kahit isa o dalawang mensahe lang para sabihin kung nasaan siya. Bigla tuloy akong kinabahan.

Dali-dali akong nagluto ng ulam. Iyong pinakamadaling lutuin. Adobo.

Kalagitnaan ng pagluluto ko nang may padarag na pumasok ng pintuan. Si itay na pasalampak na umupo sa mahabang silya. Umaalon ang dibdib niya at alam kong mainit ang ulo. Linggohan lang kung umuwi si itay. Huwebes pa lang ngayon kaya nakakapagtaka na narito siya. Masama siyang tumitig sa akin nang salubungin ko siya para magmano. Hindi ko pa man nahahawakan ang kamay niya ay binugaw na niya agad.

"Magbihis ka! Sasama ka sa akin ngayon!" Mataas ang boses niya. Saan naman kaya kami pupunta? Maggagabi na, ah.

"P-Po? Saan po?" Atubili akong nagtanong.

"Saan pa? Kundi sa bahay ni Don Diego!" Nakita kong kumuyom ang kamao ni itay. Napalunok ako.

"M-May nangyari po ba?" Napagsalikop ko ang aking mga kamay.

"Marami ang nangyari at iyan ay dahil sa kagagawan ng nanay mo! Kung hindi niya ako iniwan, hindi magkakanda-letse-letse ang trabaho ko!"

Magtatanong pa sana ako nang lumabas mula sa kwarto si Georgia. "Itay, ano'ng nangyayari? Bakit nandito ka?"

"Put*ngina ang nanay nitong kapatid mo!" Napatiim-bagang ako sa tinuran ni itay.

"Hindi ko kapatid iyan, 'no!" Mataray na humalukipkip si Georgia.

"Tinawagan ako kanina habang nasa harap ako ni Don Diego. Iiwan na raw niya tayo at magpapakalayo-layo na. T*ngnang babae iyan sana hindi na lang siya ang ibinahay ko!"

Parang may kung anong humarang sa lalamunan ko. Ano ang ibig sabihin ni itay? Anong magpapakalayo-layo na? Ano ang mga sinasabi niya?

"Sumama siguro sa ibang lalaki! Malandi naman talaga si Tita Rosal, 'no!" Sobrang tabil ang dila ni Georgia at gusto kong ibuhol sa ilong niya.

"I-Itay, ano po ba talaga ang nangyari?" Gusto ko pa rin magpakahinahon. Kung sasabayan ko ang init ng ulo ni itay ay siguradong mas wala akong maiintindihan.

"Umalis na ang nanay mo, Moon! Hindi na siya babalik." Aburido si itay. Alam kong masamang-masama ang loob niya ngayon. "Tinawagan niya ako kanina at sa sobrang galit ko ay nahampas ko ang mamahaling paso sa loob ng mansyon. Kitang-kita ni Don Diego at kulang na lang ay ipahabol ako sa mga aso niya!"

"S-Saan naman daw po siya pupunta?" Nag-aalala ang boses ko.

"Gaga ka, hindi mo alam? Sa ibang lalaki nga!" Sabad ni Georgia at sumandal sa dingding.

"Tumigil ka, Georgia! Gusto mong sa iyo ko ibuhos ang galit ko sa babaeng iyon?" Napadiretso ng tayo si Georgia at tila umurong ang matalas na dila nang marinig niya ang sinabi ni itay. "Moon, kasalanan ng nanay mo kaya nagkaroon ako ng malaking utang kay Don Diego. Sasama ka sa akin at simula ngayon ay magsisilbi ka na sa mansyon!"

Napalunok ako sa narinig ko. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa ibinalita niyang iniwan na kami ni inay, tapos ay dadagdagan pa niya ng panibagong masamang balita? Kilala sa paggiging matapang si Don Diego. Marami ang takot sa kanya at isa na ako roon. Hawak ni Don Diego ang buong siyudad ng Rigarinda. Marami ang nasasakupan niya at pati kapulisan ay napapasunod niya.

"B-Baka naman po pwede pang magawan ng paraan? Magkano po ba ang utang n'yo?" Baka pwedeng ibayad ang anim na libo na napanalunan ko kanina.

"Limang milyon, Moon! Iyan ang utang ko kay Don Diego!"

Napanganga ako. Maging si Georgia ay nabigla. "ANO? Limang milyon? Paano kayo nagkautang ng ganoon kalaki?" Tanong niya kay itay.

"Baon na baon na ako sa utang kay Don Diego. Nadagdagan pa ng pagkakabasag ko ng antik na paso niya. Kaya wala akong ibang naisip kundi ang habang buhay na pagsilbihan siya."

"Teka, teka! Kasama ba kami ni Moon na magsisilbi sa Don Diego na iyan habang buhay?" Namaywang si Georgia.

Naguguluhan ako. Saang lupalop ng mundo kami makakakuha ng limang milyon? Kahit yata ugod-ugod na ako ay hindi pa rin kami makakabayad ng utang sa mayamang matandang iyon!

"Hindi ka pwede, Georgia. Ayaw ni Don Diego sa mga babae. Lahat ng nagsisilbi sa loob ng mansyon ay puro mga lalaki..."

Kumabog ang dibdib ko sa isiniwalat ni itay. Ano ang ibig niyang sabihin? Nakita kong makahulugang nagkatinginan ang mag-ama. Saka sabay na tumingin sa akin.

"Magpapanggap kang lalaki, Moon. Ikaw lang ang may kakayahang baguhin ang sarili mo..."

Bumuka ang bibig ko sa gulat. Ako? Magpapanggap na lalaki sa loob ng mansyon? Pambihirang buhay ito! Akala ko ay maswerte ako dahil mayroon akong talento na baguhin ang boses ko, ang itsura ko para magamit sa mga paraan na alam ko. Iyon pala ay magiging daan pa ito para masadlak ako sa ikapapahamak ko.

"Itay, ayoko po." Desperadang lumabas sa bibig ko. Natatakot ako. Paano kung hindi ko kayanin? Paano na ang plano ko na makapagpatuloy sa pag-aaral? Habang buhay akong magsisilbi kay Don Diego?

Tatalikod na sana ako pero mabilis akong nahawakan sa braso ni itay. "Wala kang karapatang umayaw, Moon. Sisihin mo ang nanay mo!" Nanlilisik ang mga mata ni itay. Alam kong hindi ko siya totoong ama. Alam kong sampid lang kami ni inay sa bahay na ito. Pero hindi naman ako aso na ganoon-ganoon na lang na ipamimigay at ipangbabayad utang!

"Mula ngayon ay ipagmamaneho mo ang anak ni Don Diego. Ngayong gabi ang dating niya galing Maynila. Kaya magbihis ka na ngayon din dahil sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo!" Walang kurap ang mga tingin ni itay sa akin. Sa gilid ng aking mga mata ay nagdiriwang ang mga ngiti ni Georgia. Lintik na babae iyan! Sana siya na lang ang naging lalaki.

Pabalya akong binitiwan ni itay. "Bilisan mo! Itago mo iyang sus0 mo at gupitin mo iyang buhok mo! Georgia, tulungan mo si Moon!"

Ngising aso akong nilapitan ni Georgia at siya na ang humila sa akin papasok ng kwarto.

Pagharap ko sa salamin ay hindi ko halos makilala ang sarili ko. Sobrang nipis ng buhok ko na halos kita na ang anit ko. Gusto kong umiyak habang halos kalbuhin na ako ng bruhildang si Georgia. Sana bumaligtad ang langit at bagsakan siya ng asteroid sa ulo!

Makapal na t-shirt na pinatungan pa ng jacket at maluwag na pantalon ang ipinasuot sa akin ni itay. Nagmukha akong mataba sa mga suot ko. Hindi kasi namin alam kung paano itatago ang dibdib ko.

"Ano ba naman kasi itong boobs mo? Konti na lang sinlaki na ng melon! Diyan ka mabubuking ni Don Diego!"

Narinig ni itay ang sinabi ni Georgia. "Tandaan mo, Moon! Ayaw na ayaw ni Don Diego sa mga babae. At kapag nalaman niyang babae ka, ipalalapa ka niya sa mga aso niya!"

Lintik naman talaga! Nininerbiyos na nga ako, tatakutin pa niya ako ng ganito! Magtatakbo kaya ako at ipaubaya ko na lang lahat sa kanila? Ako ang dehado rito, eh. Kaso, paano si inay? Paano kung magbalik siya? Ahhhh.... Pwede bang may kumurot sa akin at sabihing nananaginip lang ako?

Bumukas ang napalaking gate na kulay itim. Pawis na pawis na ako hindi lang dahil sa makapal na suot ko kundi dahil na rin sa kaba na kanina pa namamayani sa loob ng dibdib ko. Sinabihan ako ni itay na ipasok ang sasakyan sa loob ng napakalaking garahe. Ako ang pinagmaneho niya sa loob ng isang oras para raw maalala ko kung paano hawakan ang manibela.

Napalunok ako hindi dahil sa mga sumalubong na mga armadong lalaki kundi dahil na rin sa napakalawak na bahay na pinasok namin ni itay. Ito ang talagang matatawag na mansyon.

Nakatayo kami ni itay ilang hakbang bago tuluyang makapasok ng loob ng mansyon. "Tandaan mo, Moon! Lalaki ka! Naiintindihan mo?" Matigas na bulong ni itay sa tenga ko.

Marahan lamang akong tumango.

Mula sa mataas na hagdan ay may bumabang matandang lalaki na nakasuot ng makapal na roba. May nakasupalpal na tabako sa bibig at nakangising agad na dumako ang mga tingin sa pwesto namin ni itay. Siya na sigurado si Don Diego.

Kasunod ni Don Diego ay isang lalaking tingin ko ay kaedad ko lang. Para siyang anghel na bumababa mula sa langit. Ang amo ng kanyang mukha. May makapal na kilay, mahabang pilikmata, matangos na ilong at nakakabaliw na labi.

Napakurap-kurap ako at nagulat na nakatayo na pala sila sa harap namin ni itay. Hindi pa man namin naibubuka ang bibig ay agad nang nagsalita ang anghel, este ang lalaking katabi ni Don Diego.

"Hi!" Masaya niyang bati. Nagulat ako nang hawakan niyang bigla ang isang kamay ko. "I'm Jasper. You must be Moon? You'll be my personal driver from now on."

Napatanga ako. Lalo na nang titigan niya ang mga mata ko na parang sinisino ang tunay kong pagkatao.

_______________________
A/N: Mahalata kaya agad ang ating bida?

By Mar_Mojica
Follow, Vote and Comment

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro