page 65
Nakasimangot akong pumasok sa library.
Kahit kinilig ako sa sinabi ni Nicholas kahapon, hindi naman niya ako pinansin hanggang uwian. Iniiwasan kumbaga.
Kinakabahan daw siya kapag malapit ako. Aba, ako rin kaya! Pero nakayanan ko. Hindi ako hineart-attack!
Gusto niya rin kaya ako? Bakit naman siya kakabahan, 'di ba? Crush niya rin siguro ako. Siguro, hehe.
Hindi ko rin nakita si Nicholas ngayong tanghali. Natapos na ang apat na morning subjects, at kahit anino niya ay hindi ko nahagilap.
Kinuha ko sa shelf 'yong poetry book na binabasa ko no'ng isang araw.
Kaso no'ng kinuha ko 'yon, may biglang nahulog na nakatuping papel.
Nangunot naman ang noo ko. Sino namang mag-iipit nito rito? E, sa pagkakaalam ko, ako lang ang nagbabasa nitong book. Bakit naman biglang may mag-iipit ng papel at gawin itong bookmark?
Pinulot ko 'yon. Itatapon ko sana kaso nakatupi kaya curious ako binuklat. Agad nanlaki ang mata ko at inilibot ang paningin sa loob ng library para hanapin si Nicholas.
Lord, ano 'to?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro