page 60 | narration
"Ehem?" sabay kaming napatingin sa pinaggalingan ng boses.
"Ma'am?!" agad akong lumayo kay Nicholas. Nakakahiya!
"Ma'am! Inilagay ko po kasi 'yong thesis book sa mataas na shelf tapos nahulog po ako ro'n sa upuan tapos po hindi ko po namalayan na sa likod ko po yata si Nicholas. Tumaob po ako sa kan'ya, Ma'am, kaya po gano'n ang posisyon namin! Sorry po!" dere-deretso kong paliwanag.
Tinaasan niya kami ni kilay. "Ganoon ba?" naka-cross pa ang mga braso nito sa dibdib niya. Ang taray niyang tingnan.
"Opo."
"Yes po. . ."
Napatingin ako sa gawi ni Nicholas. Dere-deretso ang paglunok nito dahil sa kaba. Sa ano'ng kaba kaya? Kaba dahil nakita kami ni Ma'am sa ganoong posisyon o sa kaba dahil sa nangyari kanina?
"Siguraduhin niyo lang, Ms. Garcia and Mr. Sanchez." pagbabanta niya at bumalik sa pwesto niya kanina.
Agad naman akong napabuntong-hininga nang makalayo si Ma'am Rhodora.
"Nicholas, sorry."
Hindi ko siya magawang tingnan ngayon sa mata dahil sa kahihiyan.
". . . It's okay. . . Are you. . . Uh, Are you alright?" patigil-tigil niyang sabi. Kinakabahan pa rin ba siya?
"Ahh, oo. . ." iginalaw ko ang kanang paa ko para tingnan kung masakit ba ito. Masama na, baka na-sprain. "Okay naman 'yong paa ko. Hindi naman masakit."
"Hmm. Okay. . . Ano, una na ako." pagpapaalam ni Nicholas. Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Hindi ko rin ramdam na may nakatingin sa 'kin. Siguro nahihiya rin siya.
Napakagat na lang ako sa labi ko nang makalayo siya.
Puso, kumalma ka! Kanina ka pa kumakabog!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro