Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

page 59 | narration

"But, yeah. . . You're pretty."

"Tangina, Ameri. Ilang beses mo bang paulit-ulitin 'yan?" inis sa tanong sa 'kin ni Aviona.

Nasa may bench kami ngayon na malapit sa school. Masyado kaming napa-aga kaya naghihintay kami rito ng oras bago pumasok. Wala namang flag ceremony kaya mahaba-haba pa ang hihintayin namin.

Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Aviona at hinarap ko siya sa 'kin.

"Ang ganda ko raw!" I cheerfully said then grabbed her siopao cheeks and squeezed it.

"Aray!" daing niya. "At oo na, beh. Naririnig ko talaga. Kaya please, mag-earphones ka nga! It's so nakakarindi na!" maarte nitong sabi at itinuon ang sarili sa kan'yang cellphone.

Thesis defense kasi nila ngayon kaya kinakabahan nang bongga si Aviona. Kaya rin mabilis mag-init ang ulo. Buti kami next week pa.

After a few minutes, naglakad na kami papasok ng campus.

Una kong pinuntahan ang library, dahil may books akong kailangang ibalik. Si Aviona naman ay dumeretso na sa room nila para kausapin ang mga kagrupo sa thesis.

"Good morning po, Ma'am." casual na bati ko kay Ma'am Rhodora, librarian ng school.

"Maaga pa, ah?" sabi niya pagkatapos tumingin sa orasan.

"Ah, Ma'am, ibabalik ko lang po ito," sabi ko at saka pinakita ang tatlong thesis books na hiniram namin para sa research.

Tumango naman siya at pumunta sa aisle ng mga thesis books.

"Ay. Ang taas pala," bulong ko sa sarili nang makitang sa taas ko dapat ilagay ang isang thesis book.

Gusto ko sanang ilapag na lang sa may table kaso baka pagalitan ako ni Ma'am. Ayaw pa naman niyang pakalat-kalat 'tong mga thesis, since it was already grouped based on their topics.

Naghanap ako ng masisingitan ng book sa may ibaba kaso siksikan na rin sila. Mahilig rin kasing magsiksik dito 'yong ibang students. Kaya minsan, kaming mga student librarians ang laging nag-iimis.

Dahil hindi ko makita 'yong elephant ladder ng library, naghanap ako ng matutungtungan.

Kinuha ko 'yong isang upuan at do'n tumuntong.

Ayos. Buti na lang wala masyadong tao at hindi ako naka-skirt. Successful kong nailagay 'yong thesis book sa upper shelf.

But when I'm about to go down. . . My ankle got twisted and caused me to fall off the chair.

Napamura ako sa loob-loob ko. Tinawag ko rin nang sobrang bilis ang mga santo, si Papa Jesus, at ang mga anghel.

Mahuhulog ako, tapos una mukha.

But instead of landing on the concrete floor, I felt something more on the softer side.

My eyes are still shut. Feeling ko may dinaganan akong tao.

Oo, tao nga. I heard him groaned. Kaamoy pa ni Nicholas. Amoy downy at baby powder.

Mabilis ko ring minulat ang mata ko at tiningnan 'yong taong sumalo sa 'kin.

We are in a weird position. I am on top of him. Sapo-sapo ng kanang kamay niya ang likod ng ulo niya at ang kaliwang kamay naman nito ay nakayakap sa likod ko.

Ito na naman ang mga ibon, umaawit na naman sila. Tapos 'yong mga paro-paro, nagpaparty na naman sa tiyan ko. Ihabol mo pa na -

"Are you okay?" napabalik ako sa wisyo nang magsalita siya.

"Ha? Ano. . . Oo. . ."

Isang segundo. . .

Dalawa. . .

Tatlo. . .

Ba't walang gumagalaw sa 'ming dalawa? We're just looking at each other's eyes. We're still in this weird position— he's still hugging me, I'm still on him.

I examined Nicholas' expression right now. I think he's blushing, too. I think his heart beats faster, too. I think he's feeling the same way I'm feeling right now, too.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro