Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

page 48 | narration

Few days have passed and I have made five portrait commisions. Una ay 'yong kay Nicholas tapos 'yong apat ay para sa mga pinsan ni Aviona. May mga ilang kaklase rin ang nagcommission sa 'kin ng nga digital arts. Nagkaroon ako ng sapat na pera para pangbayad sa tuition ko at pangdagdag sa savings.

Ilang araw na rin akong kinikilig dahil lagi kong kasama 'yong crush ko; tuwing flag ceremony every monday, minsan sa lunch, kadalasan sa uwian sa tabi ng school sa may pisbolan.

Shit, pangiti-ngiti na naman ako sa jeep.

Agad akong pumara nang matanaw ko na ang eskinitang papasok sa 'min.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang isipin na naman si Nicholas.

Grabe na 'to, hulog na hulog na ako sa kanya!

Sino ba naman kasing hindi mahuhulog sa lalaking matangkad, mabango, may dimples na kaliwang pisngi, at sobrang gentlemen?

"Nandito na po ako - "

"Ate!" patakbong lumapit sa 'kin si Andre, bunso kong kapatid, habang nagtatanggal ako ng sapatos sa may pinto.

Nagtaka naman ako dahil halos mangiyak-ngiyak siya nang lumapit sa 'kin.

"Oh? Ano'ng nangyari? Bakit ka umiiyak?" I asked worriedly as I kneeled in front of him.

"Si mama. . ."

"Oh, ano'ng meron kay mama?" tanong ko habang pinupunasan ang luha niya sa pisngi. He didn't answer but he pointed his index finger to the stairs.

Agad naman akong pumanhik sa taas. Kinakabahan. Ano na naman bang ginawa ni mama?

"Ma?" tawag ko.

Inisa-isa ko ang mga kwarto namin. Nang makalapit ako sa kwarto ko ay narinig ko ang mga sermon ni mama. Galit na galit. Sinsigawan si Ashlea, kapatid kong sumunod sa 'kin.

"Ayan! Puro kayo gan'yan! Ayaw niyo magpokus sa pag-aaral niyo! Putanginang mga papel 'to!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si mama na pinupunit ang mga drawings ko na nakadikit sa dingding ng kwarto. Pati na rin ang mga pahina ng sketchbook ko ay nakakalat sa sahig.

Nando'n rin si Ashlea na nahihirapang huminga dahil sa pag-iyak.

"Mama!" sigaw ko at lunapit sa kapatid ko. "Ano pong ginagawa niyo?! Ash, ayos ka lang?!"

"Pare-pareho kayo! Walang ibang inatupag kung 'di puro gan'yan! Ba't ayaw niyo na lang seryosohin pag-aaral niyo para naman may maidulot 'yong pagbabayad ko ng mga tuition niyo - "

"Ito po, Ma." natigilan siya at inabot sa kanya 'yong pera kong nakuha sa mga art commissions.

"Higit-kumulang limang libo po iyan. . ." tumigil ako para huminga at pigilan ang pag-iyak. "Nakuha ko po 'yan sa pagdodrawing. 'Yong sinabi niyong walang makukuhang pera, opo, doon po," pagpapatuloy ko.

Ibinaling ko ang atensyon kay Ashlea; pinunasan ko ang luha niya at itinayo. Sinenyasan ko siyang lumabas ng kwarto. Gano'n rin kay Andre na nakasilip sa 'min.

Si mama ay nasa kinatatayuan niya.

Habang pinupulot ko 'yong mga piraso ng mga punit na papel ay nagsalita muli ako.

"Huwag na po sanang mauulit 'to, Ma. Takot na takot po sila Ash at Andre. Bayad na rin po ang tuition ko ngayong semester, wala na po kayong aalahanin."

Naramdaman ko na lang na bumagsak ang luha ko. Lalabas na sana ng kwarto si mama nang nagsalita ulit ako habang sinusubukang hindi pumiyok dahil sa pag-iyak.

"Ma. . . balik ka na po. . . Matapos po nang iwan tayo ni papa, sobrang miss na miss na po kita. Mama, kailangan ka po namin. . ." tiningnan ko si Mama na ngayon ay nakayuko sa harap ng pinto. Hindi naman siya ganito dati no'ng hindi pa sila naghihiwalay ni papa.

Nang ibaling ko ulit ang atensyon ko sa mga papel ay narinig ko ang mga hakbang ni mama papalayo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro