Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

page 34 | narration

Pagkalabas ko ng bahay, sinilip ko muna 'yong malaking basurahan sa tapat.

At tama ang hinala ko. Tinapon na naman ni mama ang mga art materials ko.

Pagkatapos kong kunin ang mga iyon ay agad-agad akong pumasok sa loob.

"Bakit dala-dala mo na naman 'yang mga basurang 'yan?" tumigil ako sa pagpanhik sa hagdanan nang marinig ko si mama mula sa kusina.

"Ma, bakit niyo na naman ba tinatapon 'tong art materials ko?" mangiyak-ngiyak kong tanong.

Pangatlong beses na niya 'tong ginawa. Bakit ba lagi silang hadlang sa mga gusto kong gawin?

"Gastos lang naman ang mga 'yan! Kung tinutulungan mo na lang kaya mga kapatid mo sa school nila?"

"Ma, pera ko naman 'to! Sarili kong pera ginastos ko rito. Ni-minsan nga ay hindi ako humingi sa inyo kahit piso." sagot ko.

Never akong humingi sa kanila nang kahit ano. Kahit nga bayarin sa school, ako pa rin.

Minsan akong gumagawa ng drawing commissions. Hindi naman ako kagalingan kaya minsanan lang akong pumapayag sa nagpapadrawing sa 'kin. Mga apat o limang beses lang. Karamihan pa doon ay si Aviona, ang nag-iisang taong kayang suportahan lahat ng ginagawa ko.

"Ayun na nga! Ang dami-daming gastusin dito sa bahay pero panay pagguguhit lang ang inaatupag mo!" sigaw pa ni mama sa akin. "Imbis na i-tutor mo ang kapatid mo kahapon pero panay kayo drawing! Puro drawing! Ano bang maidudulot n'yan kapag lalo tayong naghirap? Kakainin natin 'yang mga papel na yan?!"

". . . Hindi niyo talaga maintindihan." bulong ko at pumanhik na sa kwarto ko.

Pagkababa ko, hindi ko na nilingon si mama. Dere-deretso ako sa labas at nag-abang ng jeep.

Hindi kami mayaman. Simula no'ng iwan kami ni papa, nawalan na ng gana sa buhay si mama. Panganay pa ako sa tatlong magkakapatid kaya lahat ng pressure ay nasa akin. Hindi ko kayang patuloy na gawin 'yong mga gusto ko, kasi kailangan kong tingnan at alagaan ang mga kapatid ko.

Ang hirap.

Tahimik lang ako buong byahe papuntang school habang pinipilit ang sarili na huwag maiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro