Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7 - Life without her

(Ctto of the picture on this chapter)

Naglalakad si Benjie sa beach ng umagang yon, katulad ng bawat umagang dumaan sa buhay niya sa loob ng mahigit dalawang taon. May mangilanngilan ng tao sa beach. Sa Morong Beach, sa Sabtang Island, Batanes.  Ang lugar na naging kanlungan niya simula ng takasan niya ang kasal niya kay Mindy.

Nakasalubong niya ang isang grupo ng mga kabataan at narinig ang pagbibiruan ng mga ito. "Alam mo Gina, echoserang froglet ka rin eh. Kunyari ka pa!"

Napatingin siya sa nagsabi non... nakita naman ng mga ito na nakatingin siya. Bumati ito sa kanya. "Good morning po!"

Benjie: Good morning ladies oh mainit pa ang araw ha, make sure to put some sunblock masakit masunburn.

Ngumiti naman ang mga ito habang naglalakad palayo.  May naalala ni Benjie sa narinig... "Si Frogie at si Froglet... kamusta na kaya siya? Nasaan na kaya siya.  Naalala kaya niya ako?"

Naupo siya sa isang malaking bato at tumanaw sa dagat. Nahulog siya sa malalim na pagiisip... inalala niya kung ano ang nangyari ng nagdaang panahon.

Simula noong umalis sila ng Maynila tinungo nila ng Lola niya ang tahanan ng kanyang matalik na kaibigan g si  Cecilia Buenavidez.  Noon lang nalaman ng lola niya na pumanaw na pala ang kaibigan.  Pero kahit pa wala na ang kaibigan ay doon pa rin sila nanirahan. Bukod sa gusto nilang magtago at alam ni Donya Beatriz na hindi sila matutunton sa lugar na yon. Kinailangan din nilang tulungan ang inaanak ng Lola niya na anak ng bestfriend nito na si Angelo Buenavides. 

Dumating sila doon na nasa wheelchair at hindi nakakapagsalita  si Angelo. Awang-awa si Beatriz sa sinapit nito. Nang makita nito ang lola niya bigla itong nagiiyak na parang batang nakakita ng masusumbungan. Naging emosyonal, tumulo ang mga luha. Pinilit na magsalita, una mga ungol lang ang lumalabas sa bibig nito hanggang sa makuha nitong sabihing... "tulong". Humagulgol ito at ibinigay nito ang sulat ng kanyang anak para maintindihan nila ang nangyari sa kanila.

Nagkataon na wala na doon ang kinakasama nitong si Caridad. Kaya nakausap ni Beatriz ang katiwala ng bahay na si Mang Mando at ang ilang staff na si Ninay at Badong. Nagtanong-tanong sila tungkol sa ibig sabihin ng sulat ng anak ni Angelo. Naikwento ng mga ito ang nangyari sa kaisa-isa nitong anak pati na ang hinala nilang nilalason ni Caridad si Angelo.

Dahil maraming kilala at koneksyon  ang mga Santillan sa Gobyerno dahil dating Chief Justice ang ama ni Beatriz, nakakuha ng restraining order si Beatriz para hindi na makabalik pa sa Hacienda si Caridad.  Inihain nila ang hinalang nilalason ni Caridad ang kanilang amo. At pinaimbestigahan, pinahalughog ang buong lugar para sa mga gamot na maaring ginamit ni Caridad.  Maraming nakuha sa kwartong tinutulugan nito.  May ilang pahayag ang  eye witness. ang dalawang kusinera at katiwala, kaya napatunayan na nilalason nito si Angelo at nagsampa ng kaso si Beatriz laban kay Caridad.

Habang inaasikaso ng Lola niya ang pagtulong kay Angelo. Bumili ng isang beach front property sa Morong Beach si Benjie gamit ang perang iniwan sa kanya  ng kanyang  Mama. Ipinarenovate niya ang lugar para maging. tatlong kwarto na may toilet and bath; may living room; may kitchen at dining room ang unang palapag para maparentahan sa mga turista at inilagay ang anunsyo sa travelbook.ph.   Pinalagyan ng hagdan sa gilid papunta sa second floor kung saan naroon ang kanyang two bedroom apartment na kanyang tinitirhan.

Malapit lang ito Hacienda Buenavidez kung saan naman tumira ang kanyang Lola Beatriz kasama ang matandang katiwala na si Yaya Dolor at ang inaanak niyang si Angelo.   Masaya ang naging buhay nila ng Lola niya doon.  Tinanggap sila ng mga taga  Hacienda Buebavidez ng walang pagaalinlangan ng makita ng mga ito na inaalagaan nila ang kanilang Amo. Kaya si Benjie naging malapit sa mga taga Hacienda katulad nila Mang Mando, Yaya Dolor, Ninay, Badong at si Nitoy.

Tinulungan ni Beatriz na patakbuhin ang Farm at Hacienda. Nalaman din nila na pinagiinteresan ni Caridad ang mga kayamanan ng mga Buenavidez kaya para tigilan siya ni Caridad. Ibinenta ni  Angelo ang buong farm kay Donya Beatriz at  para madali din itong maasikasong mabuti ng maglola. Tinawag itong Perez-Santillan Farm na nasa loob ng Hacienda Buenavidez na kalaunan ay tinawag na Hacienda Pagmamahal.

Kumalat ang balita na ang buong Hacienda ay pagmamayari na ng maglola at wala ng halos kayamanang natira kay Angelo kung hindi ang mansyon na nasa pinakaloob ng Hacienda.  

Nagtayo din ng clinic si Benjie sa  may bukana ng Hacienda para kahit papano ay mapractice niya ang kanyang tinapos. At tulong na din kay Angelo at sa mga tauhan ng hacienda dahil tinanggap sila ng mga ito ng buong puso.  Araw-araw na nagtetherapy session si Angelo kay Benjie at nagiimprove naman ito. Kumuha din sila ng speech therapist para kay Angelo. Kaya sa loob ng dalawang taon ay malaki na ang ipinagbago nito. Hindi pa rin nakakalakad pero maayos na ang upo, malakas na ang pangangatawan at nakakapagsalita na kahit papano.

At siya naisip niya...malaki na din ang ipinagbago ng itsura at ugali niya. Umitim ang kulay,  natakpan na balbas ang kanyang dimples. Estrikto sa mga tauhan, madalas na mainit ang ulo at malakas ang boses. Bihirang ngumiti kapag nasa Hacienda at farm siya.

Pero kapag nasa clinic naman siya malambing siya sa mga batang pasyente. Ang clinic ni Benjie ay mistulang isang hospital. May tatlong kwarto. Una ang mismong clinic  at warehouse.  Pangalawa ay parang operating room at ICU in one.  Naroon ang lahat ng machine na meron siya at doon ginagawa ang paggagamot ng mg sugat. Pangatlo ang pinakamalaking kwarto na parang ward sa hospital.  May dalawang kama ito at may dalawang bedside table at sabitan ng dextrose.  Si Nitoy ang tumatao sa clinic doon na din siya nakatira. Ang apo naman ni Yaya Dolor na si Katrina na isang Nursing graduate ang kanyang Nurse.  Hindi pa ito nakakapasa sa board exam kaya doon muna ito namamalagi. 

Malaking tulong si Benjie sa mga tao doon,  dahil hindi ito nagpapabayad para sa sarili ang tanging sinisingil niya ay bayad sa gamot at mga gamit na nagagamit sa pagpapatingin nila at ang labor ng staff niya kung may maco-confine dahil sila ang nagbabantay at nagaalaga kaya gusto siya ng mga taga Hacienda.

Napabuntong hininga si Benjie,  Marami na ngang nangyari. Masaya siya para sa Lola niya dahil mukhang mas malakas na ito at alam niyang nageenjoy itong tulungan ang anak ng kaibigan nito.  

Mabait din sa kanya si Tito Angelo, simula ng makapagsalita ito. nakakakwentuhan na niya ito at natatanong tungkol sa mga alalahanin ng puso niya lalo na kapag wala ang Lola niya.  Katulad ng umuwi ang Lola niya ng Maynila dahil napabalitang nagkasakit ang kanyang Lolo.  Nang hapon na yon inabutan niya itong nakatanaw na naman sa gubat na bahaging yon ng Hacienda at nagsimula na namang tumulo ang mga luha nito.

Benjie:  Tito, ayan ka na naman hindi ba sinabi ko sa yo masama sa yo ang sobra sobrang emosyon, gusto mo bang mastroke ulit?

Angelo:  Naluha lang naman ako Hijo.  Naalala ko ang aking anak.  Mahigit dalawang taon na at wala pa rin  akong balita sa kanya.  Sa gubat na yan siya tumakbo at hanggang ngayon hindi ko na siya nakita.  Minsan napapatingin na nga ako sa obituaries sa sobrang pagaalala ko sa kanya. Simula ng umalis siya ilang beses na naming sinubukan ni Ninay na tawagan siya pero hindi na nagri-ring ang telepono niya.

Benjie:  Naku eh napakarami hong snatcher sa Maynila, kung firt time ho niya doon eh malamang na na-snatch na ang cellphone non kaya hindi na din makakontak sa inyo. 

Angelo:  Siguro nga pero kahit nagaalala ako, alam ko namang mapapabuti siya dahil matalino yon eh. Masayang kasama.  Sigurado marami ng Kaibigan yon sa Maynila. Tsaka matapang yon. Kung hindi ba akalain mo labanan yung manyak na pumasok sa kwarto niya, tinuhod at nakatakas siya.

Benjie:  Yun naman po pala eh, kaya huwag na po kayong malungkot.  Baka kumukuha lang ng tyempo at uuwi din yon dito.

Angelo:  Benjamin, ilang taon ka na?

Benjie:  Twenty six po Tito.

Angelo:  Yung dalaga ko 25 na yon. Pwede ng magasawa ng walang consent ng magulang.  Kung nasan man siya isa lang ang dasal ko, sana natuto siyang magmahal at sana nakahanap siya ng magmamahal sa kanya.

Napakunot ang noo ni Benjie.  Hindi napigil ang magtanong.

Benjie:  Tito, hindi ba ang legal age is 18 and  21?  Pwede na yong magasawa di ba?

Angelo:  Oo pero, kapag nagapply ng marriage license ang ganong idad kailangang kasama ang magulang.  Pero kapag 25 year old na kahit witness na lang pwede na.  Bakit mo natanong?

Benjie:  Hindi ba ho naikwento ko na sa inyo na tinakasan ko ang kasal ko don sa babaing ipinagkakasundo ng Papa ko sa akin.  Bago ho ako sumama kay Lola dito may nakilala ho akong babae.  Pareho kami ng kapalaran  tinatakasan din niya ang isang lalake. Nagkagustuhan po kami at nangako kaming magpapakasal.   I was 24 back then, siya palagay ko 23 lang.  Naisip ko lang kahit pala hindi siya umalis hindi din kami maikakasal dahil pareho naming kakailanganin ng consent ng magulang.

Angelo:  Alam kong ayaw mo na ipinagkakasundo ka, pero naiisip ko  kung makikilala mo ang anak ko palagay ko bagay kayo at magugustuhan ninyo ang isa't isa.

Benjie:  Si Tito talaga, hayaan mo Tito, kung hindi ko na makikita yung baby ko at umuwi dito ang anak mo pagiisipan ko yang sinabi mo. 

Pero para sa kanya biro lang yon.  Gusto lang niyang pasayahin ito.  Dahil sa totoo lang  isang palaisipan sa kanya na sa tagal niya sa Hacienda kahit minsan wala pa siyang nakitang litrato ng anak ni Angelo.  Pero naisip naman niya gwapo naman si Tito Angelo kaya malamang maganda din ang anak at kung mabait ito, malamang din na mabait ang anak.  Isa pa may pagpapahalaga sa sarili at kayang ipaglaban ang kanyang karapatan.  Naisip niya,  "Maybe just maybe, tama si Tito magugustuhan ko nga."  

Kaya ng magpunta siya sa opisina ng Hacienda ng hapon na yon desidido siyang malaman ang mga detalye. Naitanong niya kay Badong at Ninay ang tungkol sa anak ni Angelo.

Benjie:  Badong, Ninay, kilala ba ninyo ang anak ni Tito Angelo?

Nagkatinginan ang magkaibigan.

Ninay:  Sir, bakit ho ninyo naitanong?

Benjie:  Napagkwentuhan lang kasi namin ni Tito.  Namimiss niya kasi.  Isa pa nagtataka ako wala naman kasing mga litrato sa Mansyon. Kung ikwento naman ni Tito para namang maganda at masaya eh bakit walang litrato?

Ninay:  Ipinatanggal ho kasing lahat ni Aling Caridad ang lahat ng litrato ng pamilya ni Senyor noong tumira na siya sa mansyon.

Benjie:  Pero nakita ninyo siya, o nakilala? 

Muling nagkatinginan ang magkaibigan nagaalalang baka may masabi sila. Lumapit sa kanila si Mang Mando.

Mang Mando:  Ipagpaumanhin mo  Sir ang pagdadalawang isip nilang sagutin ka.  Ayaw lang nilang mapahamak pang muli ang matalik na kaibigan nila. Ako Sir Benjie, nagtitiwala na ako sa yo at alam kong bukal sa loob ninyo ni Donya Beatriz ang pagtulong kay Sir Angelo kaya sasabihin ko ang alam ko.  Dito ho ipinanganak, nagkaisip ang anak ni Sir Angelo kaya kababata siya ni Ninay at Badong.  Si Ninay ang matalik na kaibigan ng anak ni Sir Angelo at si Badong ang unang lalaking nagmahal at nagpahalaga sa kanya.

Napakamot si Badong sa ulo.

Benjie:  Badong anong itsura niya?  Mabait ba siya?

Badong:  Siya ang pinakamaganda sa paaralan namin noon, sila ni Ninay. Tampulan sila ng mga papuri at mga lalaking gustong magbigay ng regalo at manligaw. Itinanghal pa siyang  Mutya ng Dagat Morong noong high school kami.  Hindi lang ang mukha niya ang maganda.  Mas maganda ang kanyang kalooban.  Handa siyang tumulong sa mga nangangailangan. Tsaka Sir Benjie, mahinhin ho siya. Pinahahalagahan niya ang kanyang sarili  kaya talagang ipinaglaban niya ang sarili nung pasukin siya ni Mr. Cheng sa kwarto niya.

Napapaisip at bumubulong siya sa sarili... "pareho sila ng kapalaran ni froglet ko."

Badong:  Gusto mo bang makita ang litrato niya Sir?

Benjie:  May litrato niya kayo?

Inilabas ni Badong ang wallet. 

Badong:  Litrato ho naming tatlo nila Ninay noong grumaduate kami ng high school. Noong magcollege ho kasi siya bihira na namin siyang makasama dahil ayaw ni Aling Caridad na makipagkaibigan siya tulad naming mahihirap.

Pinagmasdan ni Benjie ang litrato ang nasa isip... "Mukhang Nene pa. Hindi siya sobrang ganda, pero maganda. Mukhang mabait nga at mukhang mahinhin. Parang si froglet ko lang pero eto sobrang manang grabe ang hanggang pwet na itim na itim na buhok nito at nakamahabang saya."

Benjie:  Para pala siyang si Rapunzel sa haba ng buhok.  Natawa sila.  

Pero ng muli niyang tignan ang litrato, parang nakikita niya si gladiator heels girl sa babaeng ito.  Ipinilig niya ang ulo.  Ipinikit at iminulat ang mata ng makita niya ulit ang mahabang buhok at mukhang manang na babae.  Nasabi niya sa isip... "sobrang miss ko na talaga siya. Kung saan saan ko na nakikita ang mukha niya eh."

Simula noon kapag magkakasama sila at ilang trabahador sa Hacienda sa hapon.  Nagpapakwento si Benjie tungkol sa anak ng kanyang Tito Angelo.  Hanggang kalaunan ay isinasama na ni Benjie si Tito Angelo doon hinayaan niyang marinig nito ang magaganda at masasayang alaala ng mga taga Hacienda tungkol sa kaisa-isa niyang anak Para makita nito kung gaano kamahal ng mga taga Hacienda ang kanilang Senyorita.. Laging sinasabi ng mga ito sa kanya. "Kaya Sir, magpagaling ka na para pagbalik ni Senyorita magiging masaya siya na makita ka."

Kahit papano bumalik ang sigla sa loob ng Hacienda. Napansin din ni Benjie na mukhang nakatulong sa recovery ni Tito Angelo ang mga kwento tungkol sa anak nito. Nadagdagan kasi ang pagpupursige nito na makatayo sa wheelchair niya. Kaya kahit malungkot ang puso niya, masaya naman siya para sa kanyang Tito Angelo at umusal siya ng dalanging, "sana nga bumalik na ang anak nito." 

Nanumbalik ang sigla ni Angelo dahil sa isiping magbabalik ang anak at gusto niya sa pagbabalik nito ay makita nito ang dating tahanan noong nabubuhay pa ang kanyang asawa.  Idinisplay niya ang mga masasayang larawan ng kanilang pamilya. Pati ang mga bagay na ginawa ni Sinag simula ng magkaisip ito na naitagong lahat simula ng tumira si Caridad doon. Isang painting ng bulaklak na Vuñitan (Lily) na ginawa niya ng siya ay anim na taong gulang; isang placemat na may araw sa gitna na ginawa niya ng siya'y walang taon; ang isang Vakul (Woman's Headgear) na ginawa niya nung sampung taon; Iba't ibang mga Ivatan Handicrafts tulad ng bag, sumbrero, pamaypay at basket na gawa sa Vuyavuy. Ginawa ni Sinag noong nabubuhay pa ang Ina at sumasama siya sa pagawaan nila. Lahat ay may pinta ng araw.

Ang harap ng Mansyon ay ipinaayos ni Angelo. Nilagyan ng bench na gawa sa katawan ng puno. At tinamnan ng maraming iba't ibang mga halamang namumulaklak tulad ng gusto ni Sinag at ng Mama niya noon. Hindi na lang nila nagawa dahil pumanaw ang kanyang asawa. Pinagawan niya ng pangalan ang lugar  na nakasulat sa kahoy ... "Casa Sinag Tala."   Na isinabit sa arko na papasok ng  main door ng mansyon.

Napangiti siya ng maikabit yon ni Mando.  Malakas na nagsalita...

Angelo:  Tala, Mahal Ko! Nagawa ko na ang pangarap ninyo ni Sinag.  Alam kong nakikita mo ito sana dumating ang araw na makita din ito ng ating anak.  Sana mapatawad niya ako sa nagawa ko.

Hinawakan ni Mando ang balikat ng amo.

Mang Mando: Sir Angelo, mabait ho si Sinag at naniniwala akong alam niya na lahat ng ginawa ninyo ay ang akala ninyong makakabuti sa kanya. Wala ho kayong kasalanan, nagkataon lang na ang taong akala ninyo mapagkakatiwalaan at isa palang huwad.

Angelo: Magbabalik ang anak ko, hindi ba Mando? Yun ang sabi niya sa sulat na iniwan niya bago siya tumakas. Tutuparin niya ang mga pangarap niya para maipagmamalaki ko siya at babalikan niya ako.

Mang Mando: Opo Sir, naniniwala akong matatapos din ang lungkot ninyo at magbabaliks si Sinag dahil alam niyang naghihintay ka sa kanya.

Naging sobrang magkasundo si Angelo at Benjie. May mga pagkakataong gustong maglibang ni Benjie sa mansyon sila nagiinom kasama sila ang mga staff ng Hacienda at kahit hindi umiinom ng alak, nakaupo lang si Angelo sa tabi ni Benjie at nakikinig sa mga kwento nito ng mga naging buhay at kalokohan noong nasa Maynila pa.

Sa sobrang close nila Angelo at Benjie, wala ng itinago si Benjie dito. Naikwento niya ang nakaraan niya pati ang araw na iwan sila ng kanyang ina. Naikwento din niya ang mga kaibigan at pati na si Froglet. Lagi tuloy siyang tinutukso ni Angelo kapag may nakikitang palaka...

Angelo: Hijo, that might be your frog princess, halikan mo na.

Benjie: Ikaw talaga Papsie ang lakas mong mangasar eh. Kapag nahanap ko ang Mama ko, ipapakilala ko siya sa yo para magkaron ka rin ng frog princess. Ligawan mo agad ha para matuluyuan na ang pagiging anak ko.

Angelo: Loko ka talaga eh. Para namang magugustuhan pa ako ng Mama mo sa kalagayan kong ito. Baka kahit tignan hindi ako tignan non.

Nagtawanan na lang sila.  Masaya siya sa lahat ng nangyari at nagawa nila para kay Angelo at sa mga tao ng Hacienda.  Pero naiisip pa rin niya , "kailan kaya sasaya naman ang puso ko?"

Pumasok siya sa  kanyang beach house.  Pinagmasdan ang  buong paligid.  Napangiti siya ng makita sa isang sulok ng kabahayan ang gladiator heels na yon  na pinagawan pa niya ng glass box para maidisplay sa salas ng bahay niya. Ang bagay na yon ang tanging alaalang naiwan sa kanya ni froglet. 

Kahit alam na niya ang palayaw nito hindi pa rin niya makuhang tawagin sa pangalan, mas gusto talaga niya ang froglet dahil may kalakip na  biruan ang pangalang yon at natatawa siya kapag naalala niya.  

Ang lugar na lang din na yon ang natirang alaala niya ng gabing yon.  Dahil ang design ng kanyang bungalow, ibinase niya sa  design ng two bedroom unit ni Rachel sa WH Residence kung saan pinagsaluhan nila ang magdamag.  Ang design kung papano niya ito naaalala.

Mas malaki ang isang kwarto kaysa sa isa.  Pareho yung may aircon pero  yung maliit may bentilador din.  Mas malaki lang ang sukat ng bawat bahagi ng bahay at pinalagyan niya ng ng dalawang veranda.  At sa isang sulok ng master's bedroom o ang kwarto niya may isang malaking clear na babasaging vase na may kung anong mga kulay puti sa loob. Nahiga siya sa kama kumuha ng tissue at gumawa ng bulaklak. Inilagay sa halos kalahati ng puno na vase.  Simula ng tumira siya sa lugar na yon, araw-araw gumagawa siya ng isang bulakbak na gawa sa tissue at inilagay niya sa bote dahil umaasa siyang muli silang magkikita ng babaeng umangkin sa puso niya.  At sa pagkikita nila ibibigay niya ang lahat ng bulaklak na nagawa niya para sa kanyang froglet.

Napakaigsi ng magdamag na pinagsaluhan nila pero alam ni Benjie sa maikling panahon na yon, napasok ni Shine ang puso niya at matapos ang nangyari sa kanila alam niyang hanggang buhay siya sa magdamag na yon iikot ang buhay pagibig niya.

Corny pero katulad ng pangalan nito...  "nilagyan ng  liwanag at pagasa nang dalaga  ang buhay niya."

Benjie:  Dalaga?  Eh dalaga pa nga kaya siya?  Baka naman ako na lang ang tangang umaasa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro