Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6 - Promises

Ilang oras ang lumipas, nakaluto na ng agahan si Sinag.

Sinag: Frogie, breakfast is ready, kain na tayo bago pa dumating si Rachel.

Lumabas ng banyo si Benjie na bagong ligo.  Natawa siya sa itinawag sa kanya nito.

Benjie:  Ikaw ha, tinutukso mo na naman si Frogie, mamaya mo hindi na naman ako makapagpigil idisect ko na naman yan si Froglet.

Sinag: OMG! ang harot mo Doc ang aga-aga eh! Sit down ang eat.

Benjie:  Which one will I eat?  The food on the table or my favorite pancakes

Sabay nguso sa bandang ibaba ni Sinag.

Sinag:  Ay ang halay! Stop it!

Namula ang mukha ni Sinag.  Hinawakan ni Benjie ang kamay niya at pinaupo siya sa kandungan nito at iniyakap ang dalawang braso sa katawan ng dalaga.

Benjie:  Ang cute mo lalo kapag nahihiya ka para kang red velvet cake sa sobrang pula.

Sinag:  Ikaw para kang red velvet cake sa kasweetan. Sige na please, kumain na tayo.  Baka dumating si Rachel eh.

Benjie:  So?

Sinag:  Anong So?  Doc, alam mo bang kagabi ang unang gabi ko dito sa Manila.  What will my Cousin say if she finds out that you spend the night here with me... more so na may nangyari sa atin?

Benjie:  Am sure she will just ask... how was the ride?

Hinampas niya si Benjie sa braso.

Sinag:  Naman eh... serious na kasi.

Benjie:  Seryoso naman ako eh... if she asked ang sasabihin ko lang... I hope you don't mind I spent the night kasama ang girlfriend ko.

Napatingin si Sinag sa lalaking katabi parang hindi makapaniwala sa naririnig.

Sinag:  Fine... what if she asks... kailan kayo nagkakilala?

Benjie:  Saw her last night around  9pm sa harap ng Ogawa Japanese Resto at na-crush at first sight ako.

Sinag: Kailan mo siya niligawan?

Benjie:  Took her out on a drinking date sa kotse ko, we spent hours talking about our childhood and our past and I took her home. Gave her a flower and ask her to be my girl.

Sinag:  Kailan ka niya sinagot?  

Benjie:  during the wee hours this morning at  1:22 am  

Nagulat si Sinag,  hindi niya akalain na alam talaga nito ang oras ng mangyari yon.  Akala kasi niya they were just discussing it last night para mawala yung hiya at kaba niya.  Tumingin si Benjie sa relo niya sa kamay... nakita niya 8:50am na.

Benjie:  So, you see... girlfriend na kita for 7 hours and 28 minutes.  Wala ng bawian yon.

Sinag:  Seryoso ba yon?  Seryoso ka talaga na tayo na?

Benjie:  You really think that I will be able to take you without you giving me some kindda right to do so?  I wanted the assurance that you are doing it because you really want to give yourself to me not because you needed to.

Sinag:  Papano tayo naging tayo eh... hindi nga tayo magkakilala.  Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo.

Benjie: Eh ano, ang importante kilala ako ng puso mo, yung kapag hinawakan ko ang kamay mo, napapangiti ka ng ganyan.  Yung kapag inilapit ko ang mukha ko sayo alam mong pwede mo akong halikan ng ganito.  Yung kapag niyakap mo ako alam mong sasabog sa saya ang dibdib ko.

Hindi nakaimik si Sinag.  Tahimik lang na napatingin kay Benjie.  

Benjie:  Froglet ko, Doctor ako remember.  Kasama sa major subjects ko ang psychology.  Kasama sa inaral namin kung papaanong bumasa ng mga kilos ng tao at alam kong ikaw yung tipo ng babaeng hindi papayag na maangkin kita ng hindi ka siguradong nagustuhan ako nito.  

Sabay turo sa tapat ng puso nito.

Benjie:  Believe it or not, hindi din ako yung tipo ng lalake na gusto ng one night stand. You are  not my first sexual intercourse kasi I gave up my virginity when I was 21 sa isang high society call girl.   But you are my first chance at making love.

Lalong nagulat si Sinag... 

Sinag:  Hindi na totoo yan, sabi mo you're 25 years old, mabarkada,mahilig gumimik, gwapo. Tapos sasabihin mo I am your first chance at making love. Ayoko na, naglolokohan na tayo.

Benjie:   You can ask my friends if you need to. I have my share of dates at least  ones in  two weeks.  I have my share of MOMOL  sa kotse ko, sa madilim na lugar sa loob ng bar. sa CR at kung saan-saan for just plain fun and adventure. Pero nothing more than second base.  You are the first woman who saw me naked.

Sinag:  Excuse me I didn't look at Frogie no. Scared ako.  But yes I felt your whole being naked.

Benjie:  at ikaw lang ang babaing nakasama ko under the shower.  Sayang lang ayaw mo kasing buksan yung ilaw eh.  Hindi tuloy kita nakita in your nudeness sa liwanag ng ilaw.

Natawa si Sinag. Hinampas niya ito sa dibdib.  Masaya nilang tinapos ang pagaagahan.  Magkatulong nilang niligpit at hinugasan ang mga pinagkainan. Tapos naupo  pa sila sa terrace ng magkahawak ng kamay hanggang sa tumunog ang cellphone ni Benjie.

Nakita niya ang Lola niya tumatawag.  Napangiti siya...

Benjie:  Ipapakilala kita sa Lola ko.

Sinagot ni Benjie ang tawag at inilagay sa speaker phone.

Benjie:  Good morning my dear Lola.

Beatriz:  Apo, sabi mo hindi ka maglalayas, sabi mo uuwi ka. Nagaalala na ako sa yo.

Benjie:  Pasensya na Lola ah, nakilala ko kasi ang destiny ko eh.  Kaya hindi ko na pinakawalan, am with her right now.   Say hello to my Lola baby.

Sinag: Hello po, good morning po.  Nice to meet you po.

Beatriz:  Hmmm, magalang. Tunog malambing ang boses. Hello Hija!

Benjie:  Maganda, smart and kind tapos nangungusap ang mga mata niya Lola parang si Mama.  her lips tastes like strawberries.

Beatriz:  Apo, too much info.  Why don't you bring her home with you?

Benjie:  Para ano Lola para insultuhin ni Papa.  No way! But don't worry. I'll set a dinner date with her soon kasama ka so you can meet her in person.

Beatriz:  Okay, pero umuwi ka na apo. Miss ka na ng Lola.

Benjie:  I will Lola.  Talk to you later.  Bye.

Sinag:  Ang sweet ninyo ng Lola mo.

Benjie:  Minsan tumatabi pa yon sa pagtulog sa akin, when she wanted to take a nap tapos hanggang hindi ko siya kinakantahan, hindi siya makakatulog.

Sinag:  Anong kanta?

Kumanta si Benjie...

Benjie: And I love you so ,The people ask me how? How I've lived till now? I tell them I don't know. I guess they understand How lonely life has been But life began again The day you took my hand.

Sinag:  Maganda nga yung lyrics niya.  Why don't you go home.  Miss ka na daw ng Lola mo eh.

Benjie:  Ayoko pa sana, I cannot get enough of you eh... pero ayaw ko din namang mataranta ka kapag nadatnan ako dito ni Rachel.  Pero we will eventually tell them about us okay?

Sinag:  Syempre...

Benjie: Promise yan ah.

Sinag: Opo promise.

Benjie:  Mamaya pupuntahan ko yung kaibigan ko sa city hall. Magtatanong ako tungkol sa pagfile ng Marriage License.  Pakakasal ka pa rin naman sa akin di ba? Seryoso din ba yon?

Ngumiti si Sinag...  "Oo, seryoso yon."

Ngumiti si Benjie ng labas ang dimples.

Benjie:  Aasikasuhin ko yung mga documents ko tapos babalikan kita when you have the chance ayusin mo na din mga documents mo para kapag pumunta tayo kumpleto na dala natin.

Sinag:  Okay. Sige hihintayin kita.

Hinagkan ni Benjie si Sinag puno ng damdamin at tumayo na sila.  Hinatid ni  Sinag si Benjie sa Elevator.

Benjie:  Babalik ako, hintayin mo ako ha?

Sinag:  Oo.  Pero Doc,  kung hindi ka makakabalik maiintindihan ko. Iisipin ko na lang hindi ka nakatakas at wala ka na lang choice.

Malungkot na sumagot si Benjie... 

Sinag:  Kung hindi mo na din ako mahihintay, iisipin ko na lang na okay ka na kasi at hindi ka na gusto nung intsik na yon dahil nakuha ko na ang gusto niya sa yo.

Bumukas ang pinto ng elevator.  Mabilis na dinampian niya ng halik sa labi si Sinag.  Sumakay na si Benjie ng elevator.  Tumalikod na din si Sinag at hindi nila parehong nakita ang mga luha na tumulo sa kani-kanilang pisngi.

Paguwi niya sa bahay nila... sobrang nagulat si Benjie ng isakay siya ng mga tauhan ng Papa niya sa isang property nila sa Cavite at ikinulong.  Naglagay ng mga bantay.  Parang isang bilanggo kung ituring si Benjie ng ama. Pero hindi siya basta papayag, mamamatay siyang hawak pa rin ang puso niya.  Ang nasa isip, "Naipangako ko na ang puso ko sa kanya. Hindi pwede, hindi ako gagaya sa yo Papa.  Hindi ko sasaktan ang babaing nagpapahalaga sa damdamin ko."  

Nakipagmatigasan siya sa kanyang ama, kahit dinadalhan siya ng pagkain hindi niya kinakain. Tatlong araw na siyang nakakulong,  halos hindi na siya makatayo sa panlalambot dahil sa gutom.  Sumasakit na din ang sikmura pati ang ulo niya at tuyung-tuyo na ang lalamunan at labi niya pero tiniis lahat yon ni Benjie.

Nagaalala na si Beatriz na hindi nakikita ang apo. Sinabi ni Arturo na tinuturuan lang niya ito ng leksyon. Nagmakaawa na si Beatriz kay Arturo para pakawalan ang kanyang apo.  Nakiusap na makita ito. Sinabing kakausapin niya at kukumbinsihing pumayag na sa gusto niya.  Pinagbigyan ni Arturo ang kanyang Ina.  Awang-awa si Beatriz ng makita ang apo. Pinilit niya itong pakainin pero ayaw ibuka ang bibig. Ang tanging narinig ni Beatriz, "Mamamatay ako lola pero kahit kaylan hindi niya masasaklawan ang puso ko."  at nawalan na ito ng malay.

Sa takot ni Arturo na mamatay nga ang anak, dinala niya ito sa hospital. Nang magising ito at hanapin ang Lola niya sinabi ng kanyang ama na kahit kailan ay hindi na niya makikitang buhay ang Lola niya kung hindi niya pakakasalan si Mindy.  Naiyak na lang si Benjie, nasukol na siya.  Wala na siyang nagawa, mahal na mahal niya ang Lola niya kaya pumayag na siya. Paguwi niya galing sa hospital hindi na siya hiniwalayan pa ng Lola niya.  Kinausap siya nito at napagkasunduan nilang sundin na ang gusto ni Arturo.

Samantala si Sinag, walang pinagkwentuhan ng nangyari sa kanila ng Doktor.  Kahit kay Rachel ay itinago niya ito.  Natatakot siyang hindi na magbalik pa ito at mapahiya lang siya kaya kinimkim na lang niya sa sarili ang tungkol sa magdamag na yon na naging masaya siya.  Naging magboyfriend si  Rachel at Gerald kaya kahit papano may nalalaman na balita si Sinag tungkol sa Doctor.

Katulad ng hapon na yon na napaaga ng dating si Gerald sa condo eh nasa biyahe pa lang pauwi si Rachel.

Sinag:  Upo ka muna. Padating na rin yon.  Saan ba lakad ninyo?

Gerald:  Dito lang magluluto daw siya ng hapunan eh.

Sinag:  Sweet ha... hindi pa ba nagseselos ang tropa mo eh halos araw-araw na kayong magkasama ni Rachel.  Si Krizzy at Maymay nagrereklamo na eh.

Gerald: Pasensya na kayo, si Glenn lang naman ang mahilig mambabae eh. Pero si Benjie at Kris magyayaya lang yong mga yon kung may isecelebrate o may problemang kailangang pagusapan. Kaya bihira ding magkayayaan.   Mabuti pa ako ang magyaya tapos dating gawi kasama ang mga Diyosa.

Natawa si Sinag, kahit papano naexcite din siya kung makakasama si Doc. Eh di makakausap na niya ito.  Hinayaan niyang tumawag si Gerald sa mga kaibigan. May kausap siya sa telepono ng dumating si Rachel.

Mayamaya...

Gerald:  Hi Babe... 

Rachel:  Hi! Sinong kausap mo?

Gerald:  Si Kris... alam ninyo  sabi niya magiisang buwan na daw niyang hindi nakakausap si Doc. Kapag pinupuntahan daw niya sa bahay laging parang nagmamadali at laging nakakulong sa kwarto.  Isa pa, ang dami daw bantay doon sa bahay nila. Nababaliw na ata ang tatay nyon eh.

Nalungkot si Sinag sa narinig.  Pero  masaya siyang nalaman na at least alam niyang hindi siya niloko nito kung hindi wala lang talaga itong magawa.  

Mabilis na lumipas ang halos tatlong buwan.  Nagising si  Rachel na wala na si Sinag at isang sulat na lang at envelope na may pera ang iniwan nito.  Wala naman itong ibang sinabi sa sulat kung hindi pasasalamat.

Naiayos ang kasal ni Benjie kay Mindy sa loob ng tatlong buwan na yon. Halos mawalan siya ng pagasa na makakaalis pa. Pero ang Lola niya hindi pala tumigil na gumawa ng paraan.  Kakuntsaba ang kanilang mga kasambahay, naibili sila ng plane ticket at nailabas ng mansyon ang ilang mga importante nilang gamit. Nagkunyari silang maglola na pumapayag na sila sa kasal na yon kaya medyo niluwagan naman sila sa mga bantay at ng araw ng kasal ang driver nilang si Nitoy ang magmamaneho ng sasakyan nilang maglola  papunta sa simbahan.  Binuyo pa ng Lola niya na magdala ng sariling sasakyan ang kanyang ama at maagang pumunta ng simbahan kasama ang kanyang Lolo para naman maasikaso ang mga bisita.

Kaya ng oras na para pumunta ng simbahan.  Sakay ng sasakyan, imbes na sa simbahan nagpunta dumerecho si Nitoy sa kanyang bahay para kuhanin ang mga itinabing maleta at importanteng gamit ng maglola. Pati na ang mga gamit ni Nitoy at nagbihis sila.  Umalis at iniwan ang sasakyan sa parking lot ng isa sa mga hotel na pagmamayari nila.  Kumuha ng taxi si Nitoy, sumakay sila ni Donya Beatriz at nagpunta sila ng domestic airport para sa kanilang flight papuntang Basco, Batanes.  Doon na nila hihintayin si Benjie dahil nagtungo ito sa condo unit ni Rachel para sunduin ang babaeng pinangakuan niya ng kasal.

Kumatok ito at pinagbuksan ni Rachel.  

Dahil sabado at walang pasok, nadatnan ni Benjie si Rachel at Gerald na nanonood ng movie.

 Rachel: Oy Benjie buti napasyal ka. Papano mo nalamang nandito si Gerald?

Benjie: Hindi si Gerald ang ipinunta ko dito, si ano... yung nakagladiator heels, yung pinsan mo.

Rachel:  Si Shine, bakit?

Benjie:  Anong bakit?  Wala ba siyang naikwento sa yo?

Gerald: Oh, Benjie bakit nandito ka, ngayon ang kasal mo hindi ba?   Nagtatampo nga kami hindi mo kami ininvite.

Rachel: Anong ikukwento niya?  May dapat ba akong malaman?  Sa totoo lang naguguluhan na ako.

Benjie:  Tinakasan ko ang kasal ko.  Alam mo namang ayoko talagang magpakasal kay Mindy hindi ba? At alam ng pinsan mo yan Rachel. Kaya ako nandito dahil susunduin ko siya. Ang usapan namin tatakasan ko ang kasal ko at kami ang magpapakasal.

Rachel:  Ano?!

Benjie:  Nasaan na siya?  Rachel may nangyari sa amin nung gabing yon at nangako kaming sabay naming tatakasan ang problema ko sa Papa ko at ang problema niya sa stepmother niya. Girlfriend ko ang pinsan mo.  Mahirap paniwalaan, what we have was just one night pero nasa puso namin ang isa't isa.  Nangako akong babalikan ko siya at nangako siyang hihintayin ako.

Naiyak na si Rachel. Napahagulgol sa narinig.  Kinuha ang sulat  na iniwan ni Sinag kasama ang page ng dyaryo  kung saan nandon ang announcement ng kasal nila ni Mindy na nakita niya sa kama ni Sinag ng araw na umalis ito.

Rachel:  Benjie, magdadalawang linggo na siyang wala dito.  Nagising na lang ako isang umaga na eto na lang ang iniwan niya sa kwarto.

Kinuha ni Benjie ang sulat at binasa...

Cous,

Pasensya ka na, hindi ko kayang magpaalam sa yo eh.  Gusto kong malaman mo na naging masaya akong kasama ka. Akala ko nga magtatagal pa ako, pero may kailangan akong asikasuhin at ayokong idamay ka pa.  Maraming salamat sa  lahat, salamat sa mga payo, salamat sa mga masasayang lakwatsa.  Pakisabi na lang sa mga Diyosa... mamimiss ko sila. Chelly, if you ever had the chance na makita ulit yung Doctor na kaibigan ni Ge, pakisabi naman... Having met him is the highlights of my stay in Manila. Thank you for that one particular night that he was there for me and made me happy.  Thank you for a wonderful memory at paki sabi huwag siyang magalala naiintindihan ko, Congrats sa kasal niya.

Salamat,

Shine the Fashion Goddess

Napaupo si Benjie. Hindi napigil na maiyak.  Ilang sandali niyang pinalaya ang damdamin. Ikinuha ito ng tubig ni Rachel, at hinaplos ang likod nito.  Nakaakbay din si Gerald sa kaibigan.  

Rachel:  Pakiramdam ko hinintay ka talaga niya.   Nang mabasa niya yang nasa diyaryo tsaka lang siya tumigil sa paghihintay sa yo. Dahil ang araw na inilabas yan sa dyaryo ang huling araw niya dito.  Teka nga pala, hindi mo alam ang pangalan niya?

Benjie:  Pareho naming hindi alam ang pangalan ng isa't isa. He calls me Doctor, ako naman I never really found the need to know pero I called her the Gladiator heels girl. 

Rachel:  Got that... now I know kung bakit iniwan niya ito.

Inilabas ni  Rachel ang gladiator heels ni Sinag.

Rachel:  I think she wants you to have it as a remembrance of that one night that you have together.  

Gerald:  Palagay ko din iniwan niya yan para sa yo para hindi mo siya kalimutan para balang araw kapag nagkita kayo naaala mo pa rin siya.

Rachel:  So, anong plano mo? 

Benjie:  Pauwi ako ng probinsiya.  When I get settled balitaan ko kayo at kapag nalaman mo kung saan siya nandon let me know.

Nagpaalam na ito sa mga kaibigan bitbit ang gladiator heels ng babaeng itinangi at iniisip niya habang nakakulong siya sa bahay nila.  Ang babaing tanging dahilan ng paglaban niya sa buhay. Nagtungo na siya ng airport at nilisan ang Maynila. Hindi niya alam kung anong mangyayari at kung saan siya makakarating. Ang alam lang niya hangga't nasa kanya ang sapatos na yon, ang babaeng nagmamayari lang ng sapatos na yon ang magmamayari ng kanyang buong puso at buong pagkatao.

Samantala si Sinag, umalis siya sa bahay ng pinsan dahil ayaw na niyang madamay pa ito sa mga problema niya.  May tinawagan siyang woman's desk at doon siya humingi ng tulong.  Madali naman siyang natulungan ng mga ito. Dahil nakagraduate naman nakuha siya para magalaga at magturo sa mga bata sa orphanage. Stay in siya doon at marami siyang natututunan sa pagiging independent, sa pagaalaga sa mga bata at  tungkol sa buhay-buhay.

Bitbit niya sa gamit niya ang isang bible at nakaipit sa bible ang bulaklak na gawa sa tissue na bigay ni Benjie.   At hanggang nasa kanya ang bulaklak na yon, ang lalaking nagbigay lang non ang magmamayari ng kanyang buong pagkatao.

Masaya siya, maligaya kahit pa iisang magdamag ang meron sila. Isang memorable na magdamag naman yon at iniwanan siya nito ng alaalang habang buhay niyang  hindi makakalimutan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro