Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44 - Finally

Inilagak lang sa morgue sa Heart Center ang katawan ni Caridad habang nakaconfine doon si  Faith at Arturo.   Napagkasunduan ng magkapatid na Hope at Faith na ipacremate na lang ito. Inasikaso ni Angelo, kasama si Prof. Francis Salazar at Hope at idinaos ang cremation sa Manila Memorial Crematorium limang araw makalipas ang pagpanaw nito.  Pagdating ng sabado umuwi silang lahat sa Sabtang sa kagustuhan ni Angelo at Sinag.

Bandang ikalima ng hapon ay isang misa para kay Caridad ang idinaos.  Inimbitahan ni Angelo ang lahat ng  tauhan ng Hacienda at ng Farm.  Ginawa ito mismong sa harap ng Bed and Breakfast nila Benjie. Matapos ang misa isang seremonya ang ginawa para sa pagpapaalam nila kay Caridad. ... sumakay sa yate ni Benjie ang pari, ang pamilya ni Caridad na sila Hope kasama si Francis; Faith kasama si Oliver bitbit ang kanilang anak na si Charity.  Ganon din ang pamilya ni Angelo, si Sinag, Benjie at ang mga anak; si Badong, Katrina, Ninay at Keith.  Ganon din ang pamilya ni Benjie na sila Armando, Beatriz, Arturo at Bianca.  Naroon din si Dr. Tim at Dr. Ruel.

Pagandar ng yate naiwan sa pampang ang mga tauhan ng Hacienda at Farm.  Habang isinasaboy ang abo ni  Caridad sa dagat ay nagpaanod sila ng mga bulaklak at nagtirik ng mga kandila sa buhangin. Nagpaanod din ng mga bulaklak at floating candles sila Benjie, Sinag, Badong, Katrina, Keith, Ninay at Angelo.  Kaya habang lumulubog ang araw at dumidilim ay kitang kita ang mga ilaw ng candila sa dagat at sa pampang.  Hindi napigilan ni Faith at Hope ang maiyak. Dahil kahit ano pang naging kasalanan ng kanilang kapatid sa mga taong ito ay sila pa rin ang naghatid sa kanya sa kanyang huling hantungan.

Isang hapunan ang inihanda nila Angelo sa Mansyon sa Hacienda para sa mga dumalo.  Habang naghahapunan ay dumating ang  mga imbestigador na kaibigan ni Armando.  Ibinalita ng mga ito na kusang sumuko ang mga salarin sa pagkakabaril kay Caridad.  

Imbestigador:  Ang nagmamaneho ng motor ay nagngangalang Levirino Patricio at ang bumaril ay ang ama nitong si Eduardo Patricio.

Angelo:  Pamilyar ako sa pangalang Eduardo Patricio kung hindi ako nagkakamali ay taga dito sa Sabtang ang taong yon. Mas matanda sa amin yon ni Caridad ng dalawang taon at sa parehong eskwelahan namin siya nung high school nagaaral.  Isa ang pamilya nila sa may pinakamalaking lupain dito noon.

Imbestigador:  Tama kayo Mr. Buenavidez.   Nalugi at nawala sa kanila ang kanilang lupain dahil nalulong ang ama sa sugal at kahit pa pinilit niyang makabangon ay hindi na sila umasenso pa.  Ang paniniwala ni Mang Eddie ito ay dahil sa farm ninyo.  Nakuha ninyong lahat ng kanilang mga parokyano ng magkaron kayo ng organic farm.  Kaya may ikinikimkim na galit si Mang Eddie sa yo idagdag mo pang may gusto ito kay Caridad at ng bumalik si Caridad at ikaw ang pinuntahan ay lalo itong nagngitngit sa galit kaya ng  maghanap ng tauhan si Faith ay walang atubiling nagapply si Mang Eddie at isinama pati ang anak niya. 

Faith:  Totoo mga dati ko silang tauhan. Sila ang naging mata ko para malaman ko ang nangyayari dito sa Sabtang at doon sa Maynila.  Pero  matapos kong makausap si Ate Caridad bago sila umuwi dito galing sa amerika ay tinapos ko na ang kaugnayan ko sa kanila.  Sinabi ko pa sa kanila na kayo ang nagpagamot kay Ate kaya napatawag na namin kayo.  Hindi ko din alam na personal pala nila kayong kilala.  Patawarin ninyo ako hindi ko alam na gagawin nila yon.  Natatandaan ko lang nung naguusap pa kaming magasawa tungkol sa paguwi ninyo ay naroroon pa sila sa garahe at marahil narinig nila ng sabihin ni Oliver sa akin ang araw at oras ng pagdating ninyo.

Angelo:  Tapos na yon, kalimutan na natin. Mabuti na lang at kusa siyang sumuko.

Imbestigador:  Nung malaman niyang si Caridad ang kanyang nabaril ay sising-sisi siya dahil may pagtingin siya dito at tatanggapin niya daw ang ano mang kaparusahan para sa pagkakamaling nagawa niya. Isa lang ang ipinapakiusap niya... huwag na sanang madamay ang kanyang anak dahil wala naman itong alam sa binalak niya at kagampanan din kasi ang girlfriend nito at nagplano na itong magbagong buhay ng makakuha ng malaking halaga mula sa kanilang amo.

Hope:  Ikulong ninyo siya at huwag hayaang makapagpiyansa. Ako ang luluwas ng Maynila para maghain ng demanda.  Buhay ng kapatid ko ang kinuha niya kaya habang buhay sa kulungan ang nararapat sa kanya.

Armando:  Narinig ninyo, kayo na ang bahalang magasikaso niyan. Pero mabuti pa ay kumain na muna kayo bago kayo bumalik sa inyong opisina.

Sinamahan ang mga ito ni Badong para kumuha ng pagkain.

Beatriz:  Mabuti pa hope, sumabay ka na sa amin bukas ng umaga para maihain na ang kaso.

Hope:  Oho, sasabay na ho ako pagluwas ninyo ng Maynila.

Benjie:  Ikaw Prof. Francis?

Prof. Francis:  Sasabay na din ako. Marami pa akong aayusing papeles sa Maynila na kailangan kong maayos bago ako umalis.  Kapag natapos namin ni Hope ang kailangan niyang gawin doon ay babalik din kami dito.

Angelo:  Ikaw Faith? Kayo ni Oliver anong plano ninyo?

Oliver:  Dito ho muna kami sa Sabtang hanggang magforty days si Ate Caridad. Isasabay na din namin ang binyag ni Charity.

Lumapit ang dalawang bata kay Sinag at bumulong. 

Sinag:  Excuse lang po at aasikasuhin ko lang ang mga batang ito.

Tumayo si Sinag at sumunod sa mga anak sa buffet table.  Ibinigay naman ni Faith ang buhat-buhat na anak kay Oliver at sumimple ng lapit kay Sinag.

Faith:  Sinag...

Sinag:  Oh, kumain ka na ba baka magutom yung baby mo. Kumain ka na para mapabreastfeed mo.

Faith:  Oo tapos na. Pwede ba kitang makausap?

Sinag:  Oo naman... 

Faith:  Sinag, una gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko sa yo, sa inyo ni Benjie.  Yung panggugulo ko.  Pasensya ka na talaga.  

Sinag:  Kalimutan mo na yon, okay na yon.  Naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa ang mga yon eh. Mahal mo lang si Tita Caridad.

Faith:  Kahit pa, sorry pa rin.  Gusto ko din na magpasalamat sa pagtitiyaga mo sa pagdalaw sa kanya noon.  Salamat sa pagaalaga, nakita ko kayo ng ilang beses kaya alam ko na mahalaga pa rin sa inyo si Ate.  Nabubulagan lang ako ng mga hinanakit ko noon. 

Sinag:  Pinahalagahan ko si Tita Caridad dahil malaki ang naitulong niya sa amin ni Papa. Kahit sa tingin ng iba mali ang ipinapakita niya ako naappreciate kong lahat yon.  Kaya huwag ka ng magalala. Buong buhay kong ituturing si Tita Charie na pangalawang Nanay ko. Kaya huwag mo ng isipin ang nakaraan.

Faith:  Salamat. Mabait talaga kayong magama.  Salamat din sa magandang pagpapaalam na inihanda ninyo para sa kanya.

Sinag:  Wala yon, pero kung talagang gusto mong makabawi... ito lang ang gusto kong gawin mo... mahalin, alagaan at pahalagahan mo ng buong puso si Oliver at ang anak ninyo.  Huwag mong ulitin ang pagkakamali ni Tita Caridad.  Yon lang quits na tayo.

Faith:  Makakaasa kang gagawin ko yan.  May isa pa pala akong hihilingin.

Sinag: Ano naman yon?

Faith:  Pwede bang maging Ninang ka sa binyag ni Charity?

Sinag:  Oo naman.

Ngumiti silang pareho at sandaling nagyakap.  Hindi naman nakaligtas yon kay Benjie kaya napangiti ito.  Itinuro din ang mga ito ni Benjie kay Angelo at Hope kaya pare-pareho na silang ngumiti.

Armando:  Sa palagay ko ito na ang simula ng masasayang araw sa buhay nating lahat.

Kinabukasan ay lumuwas na ng Maynila ang buong pamilya ni Benjie.  Bumalik na silang lahat sa kani-kanilang trabaho.  Pumasok na ding muli sa Eskwela ang dalawang bata. Masaya na silang namumuhay ng normal at walang inaalala.  Habang naiwan na si Angelo sa Hacienda.  Nanirahan naman si Oliver sa matandang bahay nila Faith kasama ang anak nila.  

Dumating ang 40 days ni Caridad. Nang umaga ng araw na yon ay binyag naman ni Charity.  Pwera kay Sinag ay  Ninang din si Katrina at Ninay.  Ninong naman  si Prof. Francis, Dr. Tim at Dr. Ruel.  Doon sa Tukon Church ang  binyag at ang handaan ay sa Pension Ivatan.

Pagdating ng Hapon,  isang Misa at Novena ang ginawa sa beach front ng Bed and Breakfast ni Benjie para sa kaluluwa ni Caridad at may konting kainan na din ng pansit at mga kakanin.

Kinalunisan ay nakabalik na ulit sila ng Maynila at bumalik na din si Prof. Francis sa amerika. Masaya na silang lahat.   Tuluyan ng nagkabalikan si Arturo at Bianca na nakatira sa dati nilang mansyon kasama si Armando at Bianca na dinadalaw ng buong pamilya ni Benjie kapag weekend.

Si Angelo ay naging busy sa pagaasikaso sa Farm at Hacienda.  Tinagurian ang Santillan-Buenavidez Farm bilang isa sa pinakamalaking supplier ng Organic Vegetables sa bansa. Ang Hacienda Pagmamahal Stables naman ay naging isa ng tourist spot na dinadayo ng mga nagbabakasyon doon.

Magaapat na buwan simula ng pumanaw si Caridad  ay naimbitahan ang pamilya ni Benjie na umuwi ng Sabtang para sa isang salo-salo na ipinahanda ni Prof. Francis Salazar  sa  Cafe de Tukon.  Nagbakasyon ito sa Batanes kasama ang dalawang anak at ang nagiisang kapatid na isang babae at nagpabook ng buffet dinner for 30 pax.

Naimbitahan din pati na si Bianca at Arturo dahil na rin sa travel agency nila nagpabook si Prof. Francis para sa kanyang pamilya.  Kaya masayang masaya silang lahat ng magkita-kita sila doon.

Nang makumpleto ang mga bisita ay nagsalita si Prof. Francis.

Francis:  Good evening Friends and Family.  Thank you all for coming tonight.  This is a very special night for me because I get to introduce my family to all of you.  They are really excited to meet you all because they couldn't believe that for a short time I would be able to gain some real friends on my first visit to Manila

Para sa hindi nakakaalam, I was married for more than 20 years to an American woman but, I lost her to cervical cancer five years ago. We have two wonderful children... please meet my  23 years old son Cedric and my 20 year old daughter Francine.  

Tumayo naman ang dalawa at kumaway.

Francis:  Also, I would like you to meet my only sibling, my younger sister  Bituin Salazar and her 12 year old son Frank Riley Salazar.

Tumayo ang magina.

Bituin:  Good evening everyone.  It's nice to be here. Kamusta na kayo? Sana makilala ko kayong lahat ngayong gabi.

Napatingin si Angelo sa nagsalita ng marinig ang boses nito. Gayon din si Sinag dahil kaboses  kasi nito ang Mama niya.  Tumayo si Angelo... iniabot ang kamay niya kay Bituin.

Angelo:  Nice to meet you Bituin... am curious with your name though. 

Bituin:  My Mom named me after her favorite Filipina singer Bituin Escalante.

Angelo:  Oh okay.

Benjie:  He's curious because his wife name is Tala... which means Star just like your name Bituin which means star as well.

Bituin:  Oh, what a coincidence

Angelo:  Yah a nice  coincidence.

Nagtawanan silang lahat.

Francis:  Also, kids, sis... I want you to meet someone very special. 

Nilapitan ni Francis si Hope at hinawakan sa magkabilang balikat.

Francis:  This is my girlfriend Ms. Esperanza Montelibano, or we call him Hope.

Tumayo at lumapit ang dalawang anak ni Francis kay Hope, humalik sa pisngi at niyakap ito ng bahagya.

Cedric:  I've been excited to meet you Tita Hope.

Francine:  It's nice to finally meet you, Dad can't stop talking about you.

Hope:  Happy to meet you all too.

Lumapit din ang kapatid at pamangkin nito at nagbeso at yumakap.

Francis:  Well, the buffet table is now  ready to serve our dinner. Go get your food now.

Habang kumukuha ng pagkain ang iba.  Dinala naman ni Francis ang kapatid at pamangkin niya sa table nila Angelo.  Tumayo si Angelo.

Francis:  Sis, Riley... this is Angelo, a really good friend and his daughter Sinag.  Her husband Benjie and their cute kids Aria and Ariel.

Bituin:  Hi, nice to meet you. Ang ganda naman ng pangalan mo 

Sinag:  Ikaw din eh, pareho kayo ng name ng Mama ko.

Bituin:  Nasaan siya, bat hindi ninyo isinama?

Angelo:  We lost her to a car accident.

Bituin:  Sorry to hear about that.

Angelo: It's life.  Nothing to be sorry about.

Bituin:  This is my son Riley. 

Sinag:  Hi Riley!

Riley:  Hi, Ate Sinag.

Sinag:  You know how to speak tagalog?

Riley:  Of course , tagalog kasi ang salita namin sa bahay eh.

Sinag:  That's cool. You are the only american boy I know who speaks fluent tagalog. That's cute.

Matapos maghapunan ay nagpropose ng kasal si Prof. Francis kay Hope at pumayag naman ito.  Umorder ng wine at red wine si Prof. Francis para magcelebrate sila.

Nagoffer ng Toast si Angelo para sa kanila... "To a happy life together and a wonderful relationship ahead. Cheers everyone!"  Sumagot ang lahat ng "Cheers!"

Tinungga ni Sinag ang laman ng wine glass niya at mayamaya lang ay naduduwal ito. Nagmamadaling nagpunta ng banyo at sinundan ito ni Benjie.  Nagsuka ito at nagsabing para siyang nahihilo.

Inalalayan ito ni Benjie pabalik sa upuan.  Nilapitan ito ni Dr. Oliver at pinulsuhan.

Dr. Oliver:   Talaga bang nasusuka ka kapag umiinom ng wine?

Sinag:  Hindi white wine ang lagi kong iniinom eh.  Ngayon lang nangyari ito.   Baka nalamigan sikmura ko kasi nahihilo ako at malamig ang butil-butil na pawis nito,

Dr. Oliver:  Kailan ka huling dinatnan ng buwanang dalaw.

Sinag:  Am not sure pero alam ko hindi ako dinatnan last month.

Dr.  Oliver:  I have a feeling that you are pregnant.

Nagkatinginan na lang si Benjie at Sinag. Napangiti si Benjie at napatalon... saka sumigaw ng "YES! AM GOING TO BE A FATHER AGAIN"

Sinag:  Huy! Hindi pa nga sure eh.

Benjie:  Oh I'm sure that you are pregnant... yon ngang one time big time nakagawa ako ng kambal yun pang dalawang araw tayong nagkulong ng hotel room. Wooohooo! I'm going to be a dad again!

Nagtawanan na lang silang lahat.   Tuwang-tuwa si Sinag sa grand ng reaction ng asawa.  Alam niya this time... being pregnant would be different and it will be easy dahil sigurado siyang nandyan si Benjie at aalagaan sila nito.






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro