Chapter 43 - No Goodbyes just new beginnings
Huling linggo nila sa amerika ng tawagan ni Caridad si Faith at kamustahin.
Faith: Hello...
Caridad: Bunso, kamusta ka na?
Faith: Ate Charie, ikaw ba yan?
Caridad: Oo naman, kamusta ka na? Nakalabas ka na ba ng ospital?
Naiyak si Faith.
Faith: Oo Ate, hindi pa ba kayo uuwi? Kamusta ang ate Hope? Miss na miss ko na kayo. Kabuwanan ko na sa susunod na buwan. Sana naman nandito na kayo. Ate, natatakot akong manganak eh.
Caridad: Malapit na kaming umuwi. Malamang na nandyan na kami kapag nanganak ka. Hindi ka dapat matakot, magaling na Doctor ang asawa mo.
Faith: Masama pa rin ang loob sa akin ni Oliver ate. Lagi na lang siyang gabing umuuwi minsan nakainom pa. Araw-araw ngang umuuwi pero hindi naman ako tinatabihan sa pagtulog pero kapag tulog na ako pinupuntahan ako at kinakausap ang baby namin kaya nagkukunyari na lang akong tulog. Ate, anong gagawin ko? Mahal ko si Oliver.
Caridad: Kung talagang mahal mo siya, kausapin mo siya. Ipakita mo sa kanyang wala ng ibang mahalaga sa yo kung hindi siya at ang magiging anak ninyo. Humingi ka ng tawad at kalimutan mo na ang paghihiganti mo kila Sinag. Bunso, maayos na kami. Magaling na magaling na ako at sila ang gumawa ng paraan para gumaling ako. Kaya matagal na silang nakabawi sa akin. Napatawad ko na din sila. Ngayon, naramdaman ko na ang pagmamahal nila sa akin. Lalo na ni Angelo. He made love with me Faith. He really did. Sana bunso, huwag kang gumaya sa akin.
Faith: Oo ate, susundin ko ang payo mo. Umuwi na kayo ha. Gusto ko paglabas ng baby ko magkakasama-sama na tayo.
Caridad: Huwag kang magalala, magiging masaya na tayong tatlo kasama ang asawa at baby mo. Oh ito si Hope kausapin ka daw.
Hope: Faith...
Faith: Ate, sorry. Umuwi na kayo please. Promise makikinig na ako sayo.
Hope: Mabuti naman kung ganon. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo Faith. Kalimutan mo na ang inggit o galit. Isa pa hindi magandang puno ng galit ang puso mo habang buntis ka gusto mo bang yang anak mo pinaglihi sa sama ng loob.
Natawa ang magkapatid.
Faith: Hihintayin ko ang pagbabalik ninyo. Samahan ninyo ako ni Ate Charie sa panganganak ko ha.
Hope: Oo naman Sis. Huwag kang magalala.
Nang hapon na yon tinawagan ni Faith ang mga taong naging tauhan niya. Ang magamang si Mang Eddie at Levi. Taal na taga Sabtang at kilalang kilala si Angelo at ang pamilya nito. Minsan siyang nilapitan para magtanong nag pagkakakitaan dahil natanggal sa pagkapulis si Mang Eddie at para may maipagtawid-gutom ay pumayag ang mga ito sa trabahong maging stalker ng pamilya ni Sinag. Kaya alam ng mga ito ang galit ni Faith sa pamilyang yon. Sila ang naging mata niya. Si Mang Eddie sa Sabtang at si Levi sa Maynila.
Mang Eddie: Mam, ipinatawag daw ninyo kami. May tatrabahuhin na ba kami. Bumalik na ba ang target?
Levi: Oo nga kating-kati na ang daliri kong kumalabit ng gatilyo eh. Sawang-sawa na din ako sa pagiging driver ni Doc Oli eh.
Faith: Hindi, tapos na ang trabaho ninyo sa akin. Gusto ko ng mabuhay ng tahimik kasama ng asawa at anak ko. Magaling na si Ate Caridad at maganda na din ang samahan nila ni Angelo pati na ni Sinag. Magkakasama-sama na din kami pagbabalik nila.
Mang Eddie: Pero Mam kaya ba ninyong kalimutan ang lahat ng ginawa nila?
Faith: Magaling na ang Ate ko at sila din naman ang gumawa ng paraan para gumaling siya kaya kung ano man ang ginawa nila noon, napagbayaran na nila.
Levi: Mam, mawawalan kami ng hanapbuhay.
Faith: Huwag kayong magalala hindi ko naman tatapusin ang pagiging tauhan ninyo ng hindi ko kayo binibigyan ng pabuya.
Inabutan niya ng tigisang envelope ang dalawa na may lamang tig-isang daang libong piso.
Faith: Eto ang pera, gamitin ninyo sa negosyo at panibagong buhay. Para sa mga pangaabala ko sa inyo. Pati ang kotseng ginagamit ninyo ay inyo na. Narito ang deed of sale. Siguro naman tama na yan para mamuhay kayo ng maayos. Huling beses mo ng ipagmamaneho si Oliver mamaya.
Levi: Sige Mam, kung yan na talaga ang desisyon mo.
Faith: Oo sigurado na ako sa gusto kong mangyari.
Hindi na nakaimik ang magama, walang nagawa kung hindi ang tanggapin ang pera at sundin ang gusto ni Faith kahit nagngingitngit ang kalooban ni Mang Eddie.
Pagkatapos tinawagan naman ni Faith si Oliver. Pinakiusapang umuwi ng maaga para makausap niya.
Pagdating ni Oliver sa bahay, sinalubong siya ni Faith at hinalikan sa pisngi. Kahit nagulat ay wala lang imik si Oliver. Papasok na sana sila ng bahay ng magsalita si Levi.
Levi: Mam, tutuloy na ho kami ni Tatay, maraming salamat ho sa lahat.
Faith: Maraming salamat din Levi. Alagaan mo ng mabuti ang Tatay mo ha.
Levi: Opo, Sir salamat din ho. Ililigpit lang ho namin ang mga gamit at aalis na din ho kami.
Kahit naguguluhan ay tumango na lang si Oliver. Pumasok na sila sa kusina.
Faith: Upo ka ba Babe, magpapahain lang ako kay Manang. Gusto mo ba ng wine?
Oliver: Sige, pahingi.
Ipinaglagay naman ito ng wine sa baso at umupo sa tabi ng asawa.
Faith: Babe, tinawagan ako ng mga Ate. Magaling na magaling na daw si Ate Charie at malapit na din silang umuwi. Nangako sila na nandito na sila kapag nanganak na ako.
Oliver: Alam ko, tumawag na din sa akin si Doc. Benjie pabalik na sila sa linggo. Sinabi sa akin kung gusto mo daw salubungin ang pagdating ng mga kapatid mo ay okay lang at samahan daw kita.
Sandaling natahimik si Faith. Humarap sa asawa at hinawakan ang mga kamay nito.
Faith: Oli, I'm so sorry for everything. I was blinded by my anger. Pero hindi na ngayon naiintindihan ko na. Kaya nga pinaalis ko na si Mang Eddie at Levi dahil sila ang naging mata ko sa pagmamatyag kila Sinag. Hindi ko na sila kailangan. Dahil, ikaw lang at ang anak natin sapat na para mabuhay akong masaya. Maniwala ka Oliver, mahal kita, mahal na mahal kita. Kaya sana mapatawad mo na ako at mabigyan ng pagkakataong baguhin ang mga pagkakamali ko.
Hilam sa luhang tumingin si Faith sa asawa, nagmamakaawa ang mata. Nagsusumamo.
Niyakap ni Oliver si Faith at tuluyan na itong napahagulgol.
Oliver: Tama na, tumahan ka na. Kalimutan na natin ang nangyari. Malapit ng lumabas si Baby sa kanya na lang natin ituon ang pansin at attensyon natin. Mamahalin at aalagaan kita Faith, pati ang magiging mga anak natin hanggang sa huling sandali ng buhay ko.
Masaya ng yumakap din si Faith kay Oliver. Nang mga oras na yon nasa may tapat ng bintana ng kusina si Mang Eddie at rinig niya ang paguusap ng magasawa. Sumilip na lang ito at nagpaalam na sa kanila.
Pagdating ng linggo alas singko pa lang ng hapon ay tulog na si Faith dahil kailangan niyang magising ng alas onse ng gabi dahil ikalabing dalawa at kalahati ng hatinggabi ang dating ng kanyang mga kapatid at ng pamilya ni Sinag.
Naitawag din ni Benjie sa kanyang Lolo at Lola ang oras ng kanilang pagdating. Kaya katulad ng lagi na niyang kinagawian, may kasamang dalawang bodyguard si Armando na kasama nilang magsusundo kila Benjie. Sakay siya at si Beatriz ng driver nila lulan ng red na Ferari ni Arturo at ang dalawang Bodyguard naman lulan ng Van.
Bago magala-una ay na sa airport na sila Oliver at Faith at sila Armando at Beatriz ay naroroon na din. Nasa tapat sila Oliver ng arrival area para sa mga pasaherong ang apelyido ay nagsisimula sa letrang M at nasa passenger waiting area naman ng pasaherong may apelyidong nagsisimula sa letter S sila Beatriz. Madali nilang nakita ang mga ito dahil kila Aria at Ariel na hila-hila sila Bianca at Arturo. Kasunod nito si Angelo na tulak ang kart nila ni Caridad kasabay na sila Benjie at Sinag at nasa likuran si Hope kasabay si Profesor Salazar.
Nakita na nila ang isa't isa. Tinawag ni Faith si Caridad itinaas naman ni Angelo at Caridad ang kanilang mga kamay para makita nila Faith na nakita na sila nito. Tatawid sila papunta kila Faith ng may marinig si Caridad na humaharurot na motor at nakita niya ang paglalabas ng baril ng lalaking angkas sa likod at sa pakiwari niya ay nakatutok ito kay Angelo na kasalukuyang tulak ang kart. Isiniksik ni Caridad ang katawan sa harap ni Angelo at niyakap ito...
BANG!!! BANG!!!
Arturo: Dapa kayo! SINAG DAPA! at niyakap niya ito.
Napadapa silang lahat. Bumagsak naman si Caridad at Angelo.
Nagkagulo ang lahat. Hinabol ng airport guard ang motor. Gayon din ng mga Bodyguard nila Beatriz. Nakatayo na ang iba at tumayo si Angelo habang yakap pa rin si Caridad.
Caridad: Jelo, Okay ka lang?
Angelo: Oo, ayos lang ako, ikaw?
Saka ito niyakap, naramdaman niya ang basa sa likod ni Caridad. Tinignan niya ang kamay niya.
Angelo: May tama ka Caridad!
Bigla itong hinimatay sa harap niya.
Angelo: CARIDAD!
Nakatawid na si Oliver at Faith... napahiyaw si Faith ng makita ang maraming dugong umaagos sa likod ng kapatid.
Angelo: TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!
Faith: ATEEEEE!
Hope: Tulong- tulungan ninyo kami!
May airport guard na lumapit sa kanila at rumadyo na ng tulong. Samantala, nakatayo na si Arturo at yakap nito si Sinag.
Arturo: Hija, are you hurt?
Sinag: Hindi po Dad... kayo po?
Niyakap ni Benjie si Sinag at inakbayan ang ama.
Benjie: Thank God you're both safe.
Napayuko si Arturo, nakahawak sa tuhod. Nilapitan ito ni Bianca. Tatanungin sana niya ng makita niyang hindi ito makakilos at biglang napahawak sa dibdib at hindi makahinga.
Bianca: Arturo? Arturo? Napapano ka?
Benjie: Mama, inaatake si Papa!
Oliver: May tama si Ate Caridad!
Armando: Dito, ang Ferrari nandito sa malapit. Benjie, kunin mo dalhin ninyo sila sa Hospital.
Tumakbo si Benjie para kunin ang sasakyan. Pinagtulungan ni Angelo at Oliver na buhatin si Caridad. Si Armando at Prof. Salazar naman ang bumuhat kay Arturo. Bago pa nakabalik si Benjie ay huminto na sa harap nila ang dalawang airport ambulance at isinakay na ang mga ito. Sumama si Angelo sa ambulansiyang sakay si Caridad at sa kabila naman kung saan sakay si Arturo ay si Bianca ang sumama. Dinala silang pareho sa pinakamalapit na hospital.
Isinakay na lang ni Benjie si Sinag, Hope at Prof. Salazar at sinundan nila ang mga ambulansya.
Nakabalik na ang isang bodyguard lulan ng Van, sumakay na ang mga bata, pati si Profesor Salazar at Hope. Isinakay na din pati ang kanilang mga bagahe at uuwi na muna ng bahay sa paranaque.
Nadatnan ni Sinag, Benjie, Hope at Prof. Salazar si Angelo sa labas ng OR. Dumating din si Oliver at Faith.
Faith: what is happening?
Angelo: Nasa loob pa siya ng OR.
Naupo lang sila sa upuan sa labas ng OR at naghintay. Nagpaalam naman si Benjie at Sinag na pupuntahan sa Emergency Room si Arturo.
Benjie: Mama, kamusta si Dad?
Bianca: He's okay, sabi ng Doctor marahil ay nagulat at natakot kaya kinapos ng paghinga pero pinainom na siya ng gamot at nilagyan ng oxygen. They are just finishing up some tests tapos ililipat siya sa kwarto para maobserbahan. Kamusta si Caridad?
Sinag: Nasa loob pa siya ng OR Mamsie, wala pang balita.
Mayamaya lang ay tinawag na sila dahil inilipat na si Arturo sa isang private room. May heart monitor at oxygen na nakakabit sa kanya. Gising naman ito ng lapitan nila. Habang kausap si Bianca ng Doctor.
Benjie: Dad, how are you feeling?
Arturo: I'm okay medyo nastress lang ata sa nangyari kaya hindi nakahinga but I feel better now.
Hinawakan ni Sinag ang kamay ni Arturo at hinalikan ito sa pisngi.
Sinag: Dad, thank you for saving me. Mabuti naman hindi kayo tinamaan pero papano po kung may nangyaring masama sa yo?
Arturo: Sinag, kahit pa may nangyaring masama sa akin hindi ko pagsisihang iniligtas kita dahil alam kong ikaw ang kaligayahan ng anak ko at mahal ko siya kaya ayokong may mangyaring masama sa yo dahil alam kong malulungkot siya. Ako, matanda na ako, I have lived my life Hija.
Naluha si Sinag, gayon din si Benjie at niyakap ang ama.
Benjie: I love you too Dad. Salamat sa ginawa mo pero nexr time huwag mo ng uulituin ha.
Arturo: Son, mahal kita, at ang pamilya natin at sa bawat pagkakataong kailanganin ko kayong iligtas ay gagawin ko.
Yumakap na din si Sinag at Bianca.
Arturo: May balita na ba kay Caridad?
Benjie: Wala pa nga ho eh, mayamaya babalikan namin.
Samantala sa harap ng OR, nakasandal sa upuan at nakapikit si Angelo at nagdarasal ng lumabas ang Doctor mula sa pinto at lumapit sa kanila.
Cardiologist: Sino ang kamaganak ng pasyente?
Hope: Kapatid ko ho siya. Kamusta na ho siya?
Cardiologist: Ang balang tumama sa likod niya ay dumaplis sa puso. Walang internal bleeding. Nagdurugo lang ang sugat dahil dala ng pagkakabaril. Hindi advisable na alisin ang bala para kasing ito ang nagmistulang pasak dahil kapag ginalaw namin baka madamage ng tuluyan ang puso. Napakaliit na ng chance to survive if that happens. Sa tingin ko mas makakabuti to do a heart transplant kung may donor agad agad. But I am suggesting na ilipat natin siya sa Heart Center because this is their expertise, they might be able to find another solution. I already called them and their ambulance is on its way to pick her up.
Humahagulgol na ang magkapatid, habang nakaalalay si Profesor Salazar kay Hope at si Oliver kay Faith. Dumating si Benjie at sinabi ni Angelo ang naging resulta. Mabilis namang dumating ang ambulansya ng Heart Center. Inilipat siya sa stretcher at isinakay sa ambulansya. Kinabitan ng heart monitor at oxygen. Sumama si Hope at Faith sa ambulansya sa pagdadala sa Heart Center. Sakay naman ng Ferari ni Arturo sila Benjie, Sinag, Oliver, Prof. Salazar at Angelo na sumunod sa ambulansya.
Habang byahe ay nagising si Caridad. Kahit hirap magsalita at mahina ang boses ay pinilit na kausapin ang mga kapatid.
Caridad: I am not getting any younger. I have lived my life at naging masaya ako nitong mga huling buwan. I feel like I have reaced my end game. Masaya na akong makitang may magaalaga na sa inyong dalawa. Tama na sa aking kahit papano, minahal ako ni Angelo at naranasan kong maging ina kay Sinag. Masasabi ko ng I have lived my life the way I want it. Huwag na nating aksayahin ang oras at pera para sa ilang oras at araw lang.
Hope: Huwag kang magsalita ng ganyan. Kung nandito si Angelo sasabihin niya sa yong magpakatatag ka, lakasan mo ang loob mo. Hindi niya gugustuhing mawala ka sa kanya.
Faith: Tama si Ate, isa pa gugustuhin mo bang masaktan at maiwan na naman sila sa pangalawang pagkakataong nagmahal siya? Kaya ate huwag kang sumuko. Magagaling ang mga doctor sa Heart Center they will find a way.
Pinilit ni Caridad na ngumiti, hinawakan ang kamay ni Hope at hinaplos sa pisngi si Faith.
Caridad: Pipilitin ko, pero kung talagang kukunin na ako ng Diyos, gusto kong mangako kayong tatanggapin at mamahalin ninyo si Angelo at Sinag bilang pamilya. Ibigay ninyo sa kanila ang pagmamahal na gusto kong ibigay sa kanila. Hope?
Hope: Makakaasa ka, kahit alam kong magkakasama pa tayo ng matagal mangangako ako gagawin ko ang gusto mo.
Caridad: Faith, mangako ako. Alisin mo ang galit dahil wala silang kasalanan, ano man ang ginawa nila ay dahil din sa kasamaang ipinakita ko sa kanila. Kaya mangako kang simula ngayon ang igaganti mo sa kanila ay pagmamahal para makabayad ako sa mga kasalanan ko sa akin. Mangako ka Faith.
Faith: Promise Ate, para sa yo at para sa yo gagawin ko ang lahat ng gusto mo.
Ngumiti si Caridad... at nagsimulang magdasal... sinabayan naman siya ng mga kapatid. Nang makarating na sila sa Heart Center mabilis na naibaba si Caridad at dere-derecho na sila papunta sa operating room. Lakad takbo ding sumusunod silang lahat. Bago tuluyang maipasok sa OR, hinawakan niya ang kamay ng Nurse at nagsalita, mahina pero narinig ng Nurse.
Nurse: Sino sa inyo si Angelo, hinahanap niya.
Nagmamadaling lumapit si Angelo at hinawakan ang kamay at hinaplos ang pisngi ni Caridad.
Angelo: Nandito ako, lakasan mo ang loob mo, hihintayin kita dito.
Caridad: Jelo, mahal na mahal kita. Maraming salamat sa lahat. Alagaan mo si Sinag ha.
Angelo: Mahal din kita, hihintayin ka namin, dalawa tayong magaalaga kay Sinag. Basta tibayan mo ang loob mo. You are a brave woman, alam kong kaya mo yan.
Pilit na ngumiti si Caridad at tumango.
Angelo: That's my girl!
Mabilis niya itong hinagkan sa labi bago pa ito tuluyang ipinasok sa OR. Niyakap ni Sinag ang ama. Naiwang nakasilip sa salamin ng pinto ng OR si Hope at Faith. Pero kakalipat pa lang sa operating table ay nagstraight line na ang heart monitor.
Napasigaw si Hope sa nakita... "CARIDAD!"
Bigla namang itinulak ni Faith ang pinto at pumasok ito naagapan lang ng isang Nurse at naharang. Napapasok din si Oliver at niyakap ito mula sa likod. Kitang-kita nito ng irevive si Caridad, tatlong ulit na bumagsak ang lupaypay na katawan ni Caridad. Nagwawala si Faith, napapasok na din si Sinag sa OR at pilit nilang inilabas si Faith at tuluyan itong nawalan ng malay.
Binuhat ito ni Oliver sa kanyang harapan, sumunod ang Nurse na may hawak ng bulak na may amonya. Noon napansin ni Sinag ang magkahalong dugo at tubig na tumutulo sa binti nito.
Sinag: Benjie, dinudugo si Faith.
Sumigaw ang Nurse para maabisuhan ang mga Nurse sa pinakamalapit na Nurse station.
Nurse: Dalhin natin siya sa delivery room. Sinalubong sila ng dalawang lalaking Nurse na may tulak-tulak na stretcher, inihiga ni Oliver si Faith sa stretcher at sumunod si Oliver at Benjie papunta sa delivery room. Habang naiwang nakayakap si Sinag kay Angelo katabi si Hope na yakap naman ni Prof. Salazar.
Mahigit kalahating oras nilang nirevive si Caridad hanggang sa wala na talaga silang magawa. Kasabay ng pagtingin ng doctor sa kanyang wrist watch para ideclare ang oras ng kamatayan ni Caridad isang malakas na palahaw ng bagong silang na sanggol ang narinig nila mula sa Delivery Room.
Lumabas si Oliver at sinabing "I have a baby girl". Lumabas naman ang Doctor mula sa OR at sinabing... "I'm sorry, we did everything we could but she didn't make."
Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ni Hope. Napayakap na lang siya kay Angelo... "Salamat napasaya mo siya sa huling mga araw ng buhay niya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro