Chapter 41 - The cure
Halos tatlong beses isang linggo na dinadalaw ni Sinag si Caridad. Naipalipat nila sa isang private room si Caridad. Pumapasok siya sa Travel Agency aalis ng alas onse, bibili ng pagkain sa isang restaurant at pupuntahan si Caridad. Pinayagan siyang alagaan si Caridad, siya ang nagpapakain dito sa tanghalian, sinasamahan niya itong manood ng Eat Bulaga at kukwentuhan hanggang sa makatulog ito bandang alas tres ng hapon at tsaka lang siya babalik sa opisina.
Maganda naman ang idinulot ng pagdalaw nito. Hindi ito sinumpong kahit minsan. Kapag umuuwi naman si Angelo para sa kanyang regular na therapy buwan-buwan sumasama si Angelo sa pagdalaw kay Caridad. Lagi itong dinadalhan ni Angelo ng bulaklak at bestida. Pipilitin niya si Sinag na tulungan siyang magbihis para makita ni Angelo kung bagay ang ibinigay niyang damit. Kapag sinasabi ni Angelo na maganda at bagay sa kanya. Namumula ang mga pisngi ni Caridad. Sa bawat pagdating ni Angelo para itong palaging unang beses lang na nakita ni Caridad, humihingi ito ng tawad at umiiyak. Paulit-ulit din nitong pinapaalalahanan si Angelo na inumin ang mga gamot at gawin ang Therapy.
Samantala, tulad ng sinabi ni Angelo, ipinakita ni Oliver kay Faith kung gaano niya ito kamahal. Inalagaan niya ito at sinamahan kahit saan nito gustong magtungo at ng magsabi itong dadalaw sa Batanes sinasabi niyang sasama siya dahil gusto niyang makausap ang kanyang ate at hingin ang kanyang kamay. Masayang-masaya si Faith sa narinig at sinabing kapag magaling na ang kanyang Ate Caridad ay saka sila magpapakasal. Kapag gusto nitong dalawin si Caridad, sinasamahan ito ni Oliver pero sa umaga niya ito niyayaya at sa araw na alam niyang hindi dadalaw si Sinag.
Dumaan ang ilang buwan, malaki na ang improvement ni Caridad, nakakausap na ito ng maayos. Basta may kumakausap dito ay hindi ito natutulala. Dumalaw ng araw na yon ng magkasama si Angelo, Sinag at Benjie.
Pagkatok pa lang ni Sinag, rinig na niya ang boses ni Caridad.
Caridad: Nurse, bilisan mo ang anak ko na yan.
Napangiti si Sinag dahil dati-rati ay kailangan pa niyang magpakilala bago siya tignan at kausapin nito. Nauna siyang pumasok.
Sinag: Hello Tita!
Caridad: Oh nakita mo na Nurse sabi ko sayo siya na yan eh. Hi anak!
Yumakap at humalik sa pisngi si Sinag.
Sinag: Tita, masarap ang dala ko ngayon sinigang na hipon at may manggang hinog pa.
Caridad: Aba masarap nga, kakain na ako.
Sinag: Tita, may kasama pala ako. Naalala mo na ikinuwento ko sa yo na ikinasal na ako di ba?
Caridad: Oo naman nak, makakalimutan ko ba yung lagi mong kinukwento na asawa mong kamukha ni Aga Muhlach
Natawa si Sinag. Pumasok sa pinto si Benjie.
Sinag: Kasama ko siya Tita, si Benjie po.
Lumapit si Benjie at nagmano.
Caridad: ay huwag kang magmamano ayokong tumanda, beso lang dapat.
Natawa si Benjie at nagbeso.
Benjie: Tita, may boyfriend ho ba kayo? May nakasabay ho akong lalaki ang gwapo may dala pang bulaklak at regalo, hinahanap kayo. Nandyan ho sa labas.
Caridad: Sinag, baka ang Papa mo na yan, lagyan mo ako ng lipstick at pabango bilisan mo.
Natatawa at natataranta naman kunyari si Sinag. Biglang nagsalita si Angelo na papasok na ng pinto.
Angelo: Hindi mo na kailangang magpaganda, maganda ka na eh.
Napangiti si Caridad at nagblush ang pisngi. Iniabot ni Angelo ang bulaklak at regalo at saka hinalikan ito sa pisngi.
Nakaayos na ang pagkaing dala ni Sinag at pinakakain na niya ito.
Caridad: Bakit pala narito ka?
Angelo: May sasabihin kasi kami sa yo. Tapusin mo na muna ang pagkain mo tsaka tayo maguusap. Kailangan mo pang uminom ng gamot eh.
Sumunod naman ito. Matapos kumain...
Caridad: Ano ba ang sasabihin ninyo?
Angelo: Malapit na kasi ang bakasyon ng mga bata... gusto silang ipasyal nila Balae sa US. Isinasama ako, naisip ko magandang pagkakataon ito para maipagamot ka na din. Kung okay lang sa yo isasama ka sana namin.
Benjie: Tita, ang sabi po ng Doctor makakabuti daw sa inyo yon, lalo na kung may psychologist na titingin sa yo ng mas madalas at mahabang mga session. Pero sinabi din naman niya na malaki na ang improvement mo.
Sinag: Oo nga po Tita at tsaka mas maalagaan kita non.
Caridad: Sige kung yun ang makakabuti, eh di sasama ako.
Angelo: Kaya lang hindi ka papayagan ng hospital kung hindi isa sa kapatid mo ang maglalabas sa yo. Pwede ko bang kausapin si Hope para siya ang kumausap sa Doctor mo. Okay lang ba sa yo.
Caridad: Ikaw ang bahala, baka masama pa ang loob sa akin ni Hope, pero kung mapapapayag mo siya okay lang sa akin.
Angelo: Ang totoo nakausap ko na siya at umiiyak nga siya gusto ka na niyang iuwi sa bahay para maalagaan ka na niya eh.
Bahagyang ngumiti pero natahimik ito. Hinawakan ni Angelo ang kamay nito
Angelo: Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo makikinig ako. Hindi mo kailangan itago sa isip at sa dibdib mo ang mga saloobin mo, makakasama yon sa yo.
Caridad: Si Hope galit yon sa akin, matigas kasi ang ulo ko, hindi ako nakikinig sa kanya, hindi ako marunong sumunod sa kanya. Baka sinasabi lang niya na gusto niya akong alagaan pero baka...
Angelo: Hindi ka sasaktan ni Hope, mahal ka ni Hope kaya ka niya pinagsasabihan. Ayaw lang niya na mapahamak ka pero hindi siya galit sa yo.
Sinag: Tsaka Tita kasama mo kami ni Papa.
Caridad: Isa pa, Angelo... hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong magustuhan ako. Alam ko naman na hindi na mabubura pa sa puso mo si Tala at ngayon naiintindihan ko na.
Angelo: Binabasted mo ba ako? Caridad, kahit kailan hindi ko sinabing hindi kita gusto. Maaaring si Tala ang minahal ko pero hindi nangangahulugang hindi kita gusto bilang tao, bilang kaibigan. Mabait kang kaibigan, sinamahan mo ako sa paglipat sa kolehiyo kaya nakaya king tumira sa Maynila dahil kasama kita kung ako lang baka hindi ako tumagal sa lungkot dito noon kahit isang buwan lang. Inalagaan mo ako, inalalayan at minahal. Bagay na hindi ko man matugunan ay naramdaman ko naman. Ang akala ko lang mahal mo lang ako dahil kaibigan at kababata mo ako. Pero naramdaman kong lahat yon Caridad. Kaya salamat sa pagmamahal hayaan mong suklian ko ang pagmamahal na yon sa paraang kaya ko, sa paraang alam kong gawin.
Caridad: Nililigawan mo ako?
Angelo: Hindi ba halata? Kung hindi eh anong tawag sa ginagawa ko? Nanliligaw ang lalaki dahil nagustuhan niya ang babae... bata pa tayo gusto na natin ang isa't isa bilang kaibigan at doon naman nagsisimula yon hindi ba? Malay mo...
Tumulo ang mga luha sa mga pisngi ni Caridad. Umaliwalas ang bukas ng mukha nito, nagniningning ang mga mata kahit pa may luha kita ang kaligayahang nanggagaling mula sa kanyang puso.
Angelo: Please Charie don't cry... gusto kitang pasayahin hindi paiyakin.
Caridad: Tinawag mo akong Charie, lalo itong naiyak.
Angelo: Charie naman eh, sige hindi na, kalimutan mo na ang sinabi ko kung iiyak ka lang huwag mo ng isipin yon.
Caridad: Hindi, masaya ako Angelo sa sobrang saya kaya ako umiiyak. Maniwala ka, ang tagal ko kasing hinintay ito eh.
Napangiti na si Angelo at niyakap ito. Nagulat man sa ginawa ng ama nakangiting nakamasid lang si Benjie at Sinag. Nang araw na yon, si Angelo ang naupo sa tabi ni Caridad habang kumakanta ito at hinihimas ang kamay ni Caridad. Bagay na tanging ginagawa lang ni Angelo para kay Tala noon at kay Sinag. Hanggang sa makatulog ito.
Nang gabing yon, sa bahay nila sa parañaque dumerecho ng uwi sila Angelo. Tuwang tuwa sila Aria at Ariel na makitang muli ang kanilang Lolo Pogi.
Katatapos lang nilang kumain at nasa garden at nakikipaglaro ang mga bata sa mga aso habang nakaupo sila Angelo, Benjie at Sinag sa garden.
Sinag: Papa, sigurado ka ba sa ginagawa mo?
Angelo: Humingi ako ng referral kay Benjie para sa isang psychiatrist dahil gusto kong malaman kung gagaling pa ang sakit ko sa pagkalalaki ko. Ipinakwento niya sa akin ang lahat ng nangyari sa buhay ko pati na ang tungkol kay Caridad ay naikwento ko sa kanya. Pati yung babae sa bar at pati ang Mama Bianca ninyo. Ang findings niya... maaring may trauma ako dulot ng pagkamatay ng Mama mo. Kaya kasama niyang nailibing ang pwede kong maramdaman para sa iba dahil inilibing ko na din ang puso ko. Nakatwelve sessions na kami at malaki ang improvement ko. I feel a lot better, pati dibdib ko felt lighter. Three sessions ago ipinadescribe niya sa akin si Mama mo tapos si Caridad, tapos si Bianca. He said, I have the tendency of comparing other woman to your Mom and when they don't meet her criteria or if they are not anything like her, everything in me backed off including my libido. He suggested for me to try and look at other woman in their own unique way, character, values and look. Try to value them for who they are because it might help open my heart and mind to someone else. Naging mabuti naman si Caridad sa atin so I want to give it a try. So, isa-isa kong sinabi sa kanya lahat ng ugali meron si Caridad, started finding good in everything that she did, then I realized she is far from being your Mom but she is just like my mother. She's a bitch most of the time, maarte, maluho, but she means well for others. She took care of us so now its time that we take care of her. For that alone, i will give I and Charie a chance. Sabi din ng doctor maaaring makatulong ito kay Charie kung isa ito sa dahilan ng naging sakit niya.
Sinag: Sana nga Papa, makatulong yan. Gusto ko talagang gumaling siya. I also want her to trust us. That she will never get hurt with us that we will take care of her.
Benjie: Well as far as everything is going, sabi naman ng Doktor ni Tita Caridad, malaki ang improvement niya so kapag ipinagamot natin siya sa US malaki ang posibility that she will get well fast.
Sinag: Papa, its only less than a month before the summer starts. Pwede na kaya natin ilabas si Tita? So, Tita Hope can start adjusting with her and vice versa para kapag aalis na tayo papunta ng US, magkasundo na sila.
Angelo: Kakausapin ko si Hope and isasama ko siya pagbalik ko tsaka natin kausapin ang doctor niya.
Makalipas ang dalawang araw paguwi ni Angelo sa Sabtang kinausap nito si Hope at pumayag naman itong iuwi na ang kapatid sa bahay nila. Sinabi din ni Angelo ang balak nilang pagpapagamot sa amerika at pumayag naman itong sumama para maalagaan ang kapatid. Ito pa mismo ang nagsabing huwag ipagbigay alam kay Faith ang mga balak nila. Siya na daw ang bahalang magpaliwanag.
Makalipas ang dalawang linggo, naiuwi na nila Hope si Caridad sa matandang bahay ng pamilya nila pero bagong renovate na ito. Mas maliit kaysa dati pero tamang tama lang para sa kanilang tatlong magkakapatid. Walang bakas ng masasakit na alaala. May katulong naman sila na tumatayong kusinera at tagalinis ng bahay. Ang kabuuan ng lupa nila ay taniman ng mga organic na vegetable na isinusupply sa palengke at ilang kainan sa Batanes yon ang kanilang ikinabubuhay at regular silang ipinaggogrocery ni Angelo.
Maayos naman ang naging lagay ni Caridad sa poder ni Hope, alagang-alaga siya nito at nagkasundo na sila. Naging malusog na din ang pangangatawan ng magkapatid. Kadalasang nakikita ang magkapatid na naglalakad sa kanilang taniman habang nagkukwentuhan, naroon din ang private na psychologist na nagbabantay kay Caridad sa gabi na natutulog ito sa sariling kwarto. Nananaginip pa rin ito ng madalas at nagwawala kapag nakakarinig ng mga ingay o sigawan sa kapitbahay pero naagapan naman nila at napapainom ng pangpakalma. Halos araw-araw namang dumadalaw si Angelo sa kanya at lagi ng may dala itong bulaklak. Madalas din na ipinapasyal ito ni Angelo sa beach. Tumatambay sila sa veranda ng bahay ni Benjie sa Beach. Hinayaan ni Angelo ang sariling mahulog ang loob kay Caridad. Na para namang isang gamot na nagpapagaling kay Caridad ang mga ipinapakita pagalala, pagaalaga at pagaaruga ni Angelo.
Nang mga sumunod na araw, inayos ni Benjie at Sinag ang papeles ng mga bata para magkapassport, nirenew din nila ang Passport ni Angelo at ikinuha ng passport sila Hope at Caridad pati na Visa para sa kanilang lahat.
Halos tatlong buwan ding hindi nakadalaw si Faith kay Caridad dahil sa maselang pagbubuntis nito. Pinagbed rest ito at binigyan ng mga gamot na pampakapit.
Makalipas ang isa pang linggo, lumabas na ang Visa nila at approved itong lahat. Tuwang-tuwa ang buong maganak. Pati na si Hope at Caridad. Nakabook na ang kanilang Ticket sampung araw mula ng araw na yon.
Samantala Si Faith, sinubukang tumawag sa Mental Hospital para kausapin ang Doctor pero bigo siyang makausap ito. Laging busy sa mga pasyente. Ang Nurse nito ang nakakausap niyang palagi at sinasabi naman sa kanya na maganda at malaki na ang improvement nito at hindi ito kailangang magalala.
Naniwala naman si Faith kaya kampante ito kahit hindi niya nadadalaw ang kapatid. Hanggang isang araw, may tumawag sa cellphone ni Oliver na isang Doctor.
Oliver: Hello, Dr. Sean kamusta? Ano ng balita sa inaalok ko sa yo? Temporary lang naman, tutal gusto mong magbakasyon at subukan dito. This is a good opportunity. Magbabakasyon din kasi yung Head Physician namin. Ipapasyal yung mga anak tsaka ipapagamot yung Biyenan niya eh. Kung makakarating ka agad mas mabuti, para makausap mo pa si Doc Benjie ng personal.
Matapos ang tawag... malambing na tinanong ni Faith si Oliver.
Faith: Sino yon?
Oliver: Just another Doctor na inalok namin para madagdagan na kami
Faith: Why do you need an extra hand?
Oliver: Dumadami na ang Pasyente, di ba ang dalas naming magextend. Tsaka para may kapalitan kami kapag kailangang magemergency leave. Why are you asking?
Faith: Wala naman nacurious lang ako.
Nang makaalis na ang asawa sa bahay, tinawagan niya ang isang tao. Makalipas ang dalawang araw dumating ang kausap ni Faith.
Faith: Anong balita?
Ramir: Mam, wala na po sa Mental Hospital ang ate ninyo. Inilabas ho ito ng inyong kapatid na si Esperanza.
Faith: ANO?!
Galit na galit na tinawagan ni Faith si Esperanza.
Hope: Hello? Faith himala napatawag ka?
Faith: Nasaan ang Ate, bakit mo siya inilabas ng hindi ipinapaalam sa akin?
Hope: Narito sa bahay, bakit hindi ba dapat masaya ka na nakalabas na siya at magaling na?: Maayos na ang kanyang pagiisip at masayang masaya siya. Huwag ka ng magalala pa, ang alalahanin mo ay ang kalagayan mo.
Faith: Kakausapin ko si Ate
Caridad: Hello Faith, kamusta ka ang sabi ni Ate Hope buntis ka daw at kasama mo ang boyfriend mo. Masaya ako para sa yo.
Faith: Ate, okay ka lang diyan? Hindi ba kayo nagaaway ni Ate Hope.
Caridad: Hindi napatawad na namin ang isa't isa, masaya ako Sis alam mo ba nililigawan na ako ni Angelo at si Sinag, lagi niya akong dinadalaw. Maayos na ang pakiramdam ko. Naku, sige na Faith, darating na yon si Angelo eh. Magiingat ka at alagaan mo ang baby mo.
Faith: Oo ate, magiingat ka din... dadalawin kita, pangako.
Pero putol na ang linya. Nagpupuyos sa galit ang kalooban ni Faith. Hindi niya maubos maisip kung papano ang nangyayari.
Faith: Babawiin ko sa inyo ang kapatid ko at kung akala ninyong mailalayo ninyo siya sa akin nagkakamali kayo!
Ibinato ni Faith ang cellphone sa sobrang galit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro