Chapter 33 - Her words
Matapos ang apat na araw sa Bali, Indonesia sa Hongkong naman sila nagpunta para sa huling apat na araw ng kanilang bakasyon. Sa Marco Polo Prince Hotel sila nakabook. Inilapag lang nila ang mga gamit, nagbihis at muli ng umalis para mamasyal. Dahil makailang ulit ng nagpunta doon si Benjie. Siya na mismo ang naging tour guide ni Sinag.
Sumakay sila a isang hop-on-hop off double deck bus para ikutin ang Hongkong hanggang sa marating nila ang sky100 Observation Desk tapos dinala siya ni Benjie sa West Kowloon Nursery Park. Tapos nagtungo sa Haipong Road temporary market. Bumili ng grilled squid tentacles, steamed siumai, iba't ibang odd balls in curry sauce kinakain nila habang naglalakad. Makalipas ang dalawampung minuto narating nila ang Hongkong Cultural Center, Hongkong Space Museum, Hongkong Museum of Art at nilakad nila ang kahabaan ng Avenue of Stars habang nagkukuhanan ng litrato at magkahawak kamay na pinanood ang paglubog ng araw sa bay habang naglalakad papunta sa Symphony of Lights. Tapos nagdinner sila sa isang Chinese Restaurant na nadaanan nila tapos naglakad lakad a Dolphin Sunset Park para magpababa ng kinain at magpicture taking sa mga rebulto ng dolphins doon at ng kung ano-ano pa. Ilang minuto lang narating na nila ang kanilang Hotel at dahil napagod sa kanilang bus at walking tour, mabilis silang nakatulog habang magkatabing magkayakap sa kama.
Kinabukasan matapos magagahan bandang ika-walo ng umaga. Nagpunta sila sa pier at may kinausap si Benjie. Sumakay sila sa isang banka at inikot nila area kung saan naroroon ang mga bangkang bahay para din itong floating village pagkakaiba lang yun mga bahay na itinayo sa tubig ito naman mga bangka na ginawa ng bahay. Natungo din sila sa Victoria Peak at sumakay sa The Peak Tram nagpakuha ng litrato sa tuktok non. Pinasok din nila ang Harbour City ang sinasabing biggest shopping mall sa hongkong kung saan ito ay may 800 shops. Namili na sila ng mga pasalubong doon. Nanakit na ang paa nila sa paglalakad at napagod na sa kakapili ng mga pasalubong pero pareho silang masaya.
Ikatlong araw, sumakay lang ulit sila ng double deck na bus at nagpunta sa mga public parks at sa mga street food market. Pagdating ng hapon nagferry papuntang Macau para pumunta sa The House of Dancing Water para panoorin ang Show ng alas singko ng hapon. Pagbalik mula sa Macau sumakay ulit sila pabalik ng Hongkong. Sumakay sila ng Harbour cruise with dinner and drinks.
Masayang masaya si Sinag. Habang kumakain. Matapos kumain ay lumipat sila sa isang bench na malapit sa bar sa bandang dulo ng cruise ship. May ilang pares din ang nandodoon na gusto ng mahinang background music lang at magkwentuhan. Kumuha ng champagne si Benjie sa bar at inabot ang isang glass kay Sinag.
Sinag: Ikaw ba kumpleto na ang mga pasalubong mo?
Benjie: I'm not specifically sure pero sa dami ng ipinamili natin am sure mabibigyan na ng pasalubong lahat.
Napabungisngis si Sinag.
Sinag: So pwede na lang tayong magstay sa hotel at magpalate ng gising bukas di ba?
Benjie: Oo naman, napapagod ka na ba?
Sinag: Nagenjoy naman ako ng sobra kaya lang talagang hindi ako sanay mahiwalay sa mga bata ng ganito katagal.
Hinapit ni Benjie sa balikat si Sinag at hinalikan sa buhok.
Benjie: Pasensya ka na, I didn't realized na maho-home sick ka. Dapat tinatawagan natin sila eh.
Sinag: Tinawagan ko sila nung nasa Singapore tayo tsaka nung bago umalis ng Bali. Kaya lang...
Benjie: You don't have to explain, naiintindihan ko. Promise sa mga susunod na pagbabakasyon natin palagi na natin silang isasama.
Ngumiti na si Sinag.
Sinag: Huwag mo na akong pansinin... I'll be okay uuwi naman na tayo bukas.
Tahimik na nakatanaw sa malayo si Benjie at uminom sa basong hawak niya.
Sinag: Ayan na nga sinasabi ko kaya hindi ko binabanggit sa yo kasi malulungkot ka na din at magiisip.
Benjie: Naisip ko lang, am I a bad father? kasi hindi ko sila namimiss na katulad ng pagkamiss mo sa kanila? Pakiramdam ko mas mamimiss ko pa ang makasama ka ng magisa eh.
Sinag: Of course not. Ganon lang talaga yon, iba yung bond between the kids and the mother kasi nga kami ang laging nakakasama. Kami ang laging nagaasikaso sa kanila eh. Tsaka hindi pa lang kayo nagkakasama ng matagal. I'm sure darating yung araw na you'd get closer. Pero am sure namiss ka din nila. Lalo na ni Aria. She asked me every time na nakausap ko siya kung doon ka na talaga sa bahay titira at kung totoo daw ba ang sabi ng mga lola at lolo nila na kapag weekend sa big house tayo magstay. Sabi ko naman oo.
Benjie: Sila Dad, Lolo at Lola talaga pinlano na ang buhay natin eh. Baka magtampo si Papa Angelo niyan.
Sinag: Hindi naman, kasi di ba yon din naman ang sabi natin ... Sa Paranaque tayo pag weekdays kasi malapit doon ang school at office ko. Kapag may Long weekend na lang mga bata, we can visit Papa. Teka, papano ka pala? Work mo?
Benjie: WelI practically, I can apply sa nearest hospital like Asian Hospital in Alabang. Malaki ang sweldo magaganda benefits. But, this time in my life I don't think I need to think of earning a lot since, I have my savings naman. Especially now that we're just starting to be a family. I wanted to be there for Ariel and Aria. I also wanted to make sure to always be here for you. So mas gusto ko talaga na magkaron na lang ng sariling clinic para hawak ko ang oras ko.
Sinag: Wow! Pang showbiz ang sagot ah.
Benjie: Hindi, seryoso ako. If I work for a hospital may shift schedule ako tapos kapag maraming emergency cases hindi ka basta-basta makakaalis. Ayokong itali yung oras ko. Mas gusto ko yung I can go as I please. My parents are not young anymore pati sila Lolo at Lola tapos si Papa Angelo. I need to have time to check on them and take care of their health. Isa pa I have the family business to take care of. And I want to make sure that I have time for you.
Sinag: Papano naman ang profession mo and fulfillment mo as a Doctor? Yung finances for the keep up of your clinic, car, gym and other sport?
Benjie: Maraming taon na akong nagalaga at napagaling ng maysakit because I worked in a hospital after I passed the Board. I also work as a company doctor sa company ni Dad. Besides its not as if I am not practicing it. It's just that now ang pamilya ko naman ang gusto kong alagaan. Ang mga bata... Ikaw. I wanted to properly take care of you.
Sinag: That's sweet Hon.
Benjie: About the finances naman. Well I have savings that can start up the clinic. Tapos yung kikitain ko naman dun everyday am sure can provide for our daily needs. Besides I have contacts pwede akong makipagtie-up sa mga health card companies like I used to. I also have a regular pay from the Hotel being its CEO. I don't think we'll have a problem with finances.
Sinag: Well if that's the case, we can check if there are any available studio type sa ground floor ng building or doon sa commercial area nila. Then I can help you set-up.
Benjie: You can also be my Nurse complete with the uniform.
Sinag; Sure ka ba na makakapagcheck-up ka ng pasyente, why do I have a feeling if I get to be your nurse, ako ang iche-check up mo.
Benjie: Of course not!
Pero hindi naman niya mapigil ang isang pilyong ngiti mula sa kanyang labi.
Sinag: Sabi ko na nga ba eh!
Sabay kurot sa tagiliran ng asawa.
Benjie: I wonder how would it feel to role play and do it on the patients bed.
Hinampas ni Sinag si Benjie sa dibdib, Tawa ito ng tawa. Napapangiti din naman si Sinag sa kapilyuhan ni Benjie. Hinawakan ni Benjie ang mga kamay ni Sinag at inilapit sa kanyang labi at hinagkan.
Benjie: Seriously, I may be first and foremost a Doctor... but now I wanted to be a loving husband and a responsible father. I really hope you will let me be those Sinag.
Sinag: I will support you in anything that you wish to do Hon.
Benjie: Your words are music to my ears Hon. They are enough to give me courage, strength and inspiration. Promise, I will give you and the kids a happier, easier and comfortable life.
Sinag: Yung kasama ka lang namin sapat na!
Hinapit siya ni Benjie sa Bewang para mapadikit siya dito at humilig naman siya sa balikat nito. Pinagpatuloy nila ang pagtingin sa magandang view.
Nang makarating sila sa hotel inayos nila ang kanilang mga pinamiling mga pasalubong at inilagay sa malaking maleta ni Benjie lahat at ang mga malinis na damit ay inilagay sa luggage ni Sinag at ang madudumi sa knapsack ni Benjie.
Natawa si Benjie.
Benjie: When we left Manila ang laman ng knapsack ko passport , wallet at personal hygiene things lang parang wala ngang laman kung hindi titignan sa loob ngayon look.
Natawa din si Sinag kasi punong puno iyon.
Sinag: At least nagamit natin yung space di ba? Oh may space pa dito sa knapsack ko baka may ilalagay ka pa ihahand-carry ko naman ito.
Benjie: The jewelries and watch I bought for the boys. Ikaw what did you buy for the girls?
Sinag: Victorira Secret Perfume and edible panties.
Eksaktong umiinom ng wine si Benjie ng sabihin niya yon kaya nasamid ito. Tawa naman ng tawa si Sinag.
Sinag: Chelly, Krizzy and Maymay am sure will love it pero gusto kong makita ang reaction ni Katrina at Ninay sa pasalubong ko.
Benjie: Sira ka talaga! How did you thought of that? Baka mapa-sign of the cross yung dalawang yon. On second thought may nangyari na kila Badong at Katrina so malamang matuwa sa yo si Badong because that would be a new experience.
Sinag: Si Haji ang may suggestion niyan, bumili kasi siya tapos dinagdagan niya at ibinigay sa akin sabi ipasalubong ko daw.
Benjie: Luko-luko talaga yon.
Sinag: How did you know Haji? Saan mo siya nakilala?
Benjie: On my first travel to Thailand. Nag-asian tour na ako dati regalo ni Lola when I passed the board. Pampalubag loob dahil sinabi na sa akin about the arrange marriage. Doon ako nagwalwal at naghasik ng lagim sa Thailand. Sa red district niya ako nakita. Lasing na lasing, naawa siya sa akin dahil nasa labas ako ng isang bar, almost asleep. Nagkunyari siyang kakilala niya ako at dinala niya ako sa bahay niya. Since then, lahat ng kakilala ko na pupunta ng Thailand nire-refer ko siya na local tour guide. He is an orphan. Namatay ang parents niya sa Tsunami.
Sinag: That's sad pero mabuti maayos ang naging buhay niya no?
Benjie: Truth is... nung nakita niya ako that's when he realized that he's still luckier. He may not have anything pero he's also free. Hindi katulad ko na I have everything including people who controls my life. Nakapagaral naman siya, he was a Teacher major in History pero after a year or two he stopped, pakiramdam niya kasi wala siyang karapatang magturo dahil wala naman siyang alam sa buhay. So sabi ko kung gusto niya maging tour guide ko kasi marami akong nabasa sa internet na local tour guide. May mga kasabay kako akong mga iba pa na pwede kong yayain na sumama sa tour namin. Then he can start from there. Dahil history major naging madali para sa kanya ang maging tour guide. Sabi ko makipagkilala siya sa mga tour guide at gumawa ng sariling tour route tapos tutulungan ko siyang gumawa ng webpage. Umasenso naman siya, yun ang ikinabubuhay niya.
Napangiti si Sinag. Ibinaba na sa gilid ng kama ang maleta at knapsack niya at sumandal sa headboard at uminom.
Sinag: You touched his life ng hindi mo namamalayan. Just like when you touched mine the first time I met you.
Benjie: How did I do that?
Sinag: Not quite sure how, but you did.
Benjie: Sinag... can I ask why did you not complain when you were paired with me?
Sinag: Tinatanong mo talaga yan? Hindi mo ba alam kung gaano ka kagwapo?
Benjie: You did not strike me as someone who cares about the looks.
Kinuha ni Benjie ang bote ng wine at naupo sa tabi ni Sinag sa kama saka sumandal din sa headboard.
Sinag: Kasi no one forced you to be paired with me. It was done by chance, remember you were raffled out.
Natawa si Benjie.
Benjie: Raffled out talaga , ano kami TV o microwave?
Sabay silang natawa. Tumingin si Sinag kay Benjie parang nananantya kung hanggang saan ang gusto nitong malaman.
Sinag: You really want to know the truth?
Tumango si Benjie at humarap sa kanya with anticipation.
Sinag: Nung dalawa na lang kami ni Rachel na hindi nagbubukas ng papel. I already decided na kapag si Jerald ang nabunot ko, I will still say ikaw ang nabunot ko dahil alam kong hindi titignan ni Rachel ang papel na hawak niya. She was so afraid to do so.
Benjie: Why would you do that?
Sinag: Kasi nakita ko how Rachel wished it to be Jerald. Ayaw man niyang aminin pero defense mechanism lang niya yung galit siya kay Jerald pero ang totoo she was longing for him.
Benjie: Ay, akala ko kasi type mo na ako.
Bumungisngis si Sinag at nagpatuloy ng kwento.
Sinag: Sorry, pero wala sa isip ko to meet anybody that time. That was the first night I was in Manila. My mind was to full of the fact na kailangang walang makakilala sa akin. So, wala sa plano kong makipagkilala kahit kanino. I was also warned by Rachel not to talk to strangers. Sabi pa ni Rachel ipapakilala na lang daw niya ako sa mga kakilala niya para sigurado kaming matino kasi nga probinsyana ako baka maloko.
Benjie: you didn't look like a probinsiyana that night. I still remember what you are wearing. Kaya nga nasa pinto pa lang kami napansin ka na namin eh.
Sinag: My Mom's business was RTW, she loves fashion. Nung bata pa ako I model her clothes for her up until I was a teenager and she died. Kaya kahit taga probinsiya I know how to dress up. Tapos si Tita Caridad pa, pasosyal kapag nagsho-shopping for clothes laging yung mga new arrival dahil gusto niyang ipakita na mas magaling siya sa Mom ko when it comes to fashion.
Benjie: Tapos?
Sinag: Actually, nung binati ako ni Glenn napreskuhan ako sa kanya. Hindi ako umimik pero when I looked sa inyong lahat si Kris... smiled apologetically and said sorry sa kapreskuhan ni Glenn. I thought he was a perfect gentleman so sinusulyapan ko siya every where I am, I was watching him closely I thought tahimik lang siya, soft spoken tsaka cute niya magsmile so I thought crush ko na siya.
Benjie: Sabi ko na eh, we get that a lot. Cute din naman ako magsmile may dimples pa siya wala.
Bumungisngis ulit si Sinag sa reaction ni Benjie at nagpatuloy.
Sinag: Pero I got intrigued nung dinala mo ako sa kotse mo para doon uminom lalo na when you looked up to the sky at nagstargazing ka, bihira ang lalaki who would appreciate the nature lalo na at taga manila ka so, "I told myself there's more to you than meets the eye." Then when you shared na may tinatakbuhan ka and how you seem to be fighting for what you know about love. You inspired me to do the same.
Benjie: I inspired you eh you inspired me dahil nakatakas ka sa inyo. Ako nasa poder pa ng Dad ko.
Sinag: Tumakas ako dahil sa takot ko sa Mr. Cheng na yon. Hindi dahil gusto kong ipaglaban ang karapatan ko. Ikaw kahit nasa poder ka ng Dad mo, you managed to tell him off, you managed to say na hindi mo siya susundin. Ako, never akong nagkaron ng lakas ng loob na hindi sundin si Tita Caridad, to the point na napahiwalay ako sa mga totoong kaibigan ko at napapahamak na pala ang Papa ko.
Benjie: Sinag, bakit ako? I mean isang desisyon yung ginawa mo na ibigay ang virginity mo. Pwede namang kay Kris since sabi mo nga siya yung crush mo that night.
Sinag: Nung umiinom tayo at nagkukwentuhan I was enjoying myself kahit wala naman akong masyadong matandaan sa pinagsasabi natin at parang wala namang mga sense ang pinaguusapan natin. I was smiling all the time. I was laughing kahit non lang kita nakasama. Tapos idagdag mo pa na Doctor ka so, you can take care of my child kung sakaling mabuntis ako. Gwapo ka pa at may dimples, maganda ang magiging anak ko so bakit hindi ikaw. Besides you were at the right place at the right time. Lasing na lasing ako to the extent that you had to carry me home eh pwede mo naman akong basta iwan na lang. Pero hindi mo ako pinabayaan. Nung magising ako at bahagyang mawala ang lasing at pinaguusapan na natin ang mga problema natin. I told myself na I would gladly give myself to you dahil, alam kong attracted ako sa yo, enjoy akong kasama ka at sigurado akong hindi mo ako kayang pabayaan. So, you see noon pa alam ko na how responsible you are. Kaya nung malaman ko that I was pregnant hindi ako natakot I waited for you and I held on to your promise na babalik ka. When I saw your picture sa diyaryo. Hindi ako nagalit o nasaktan. Nahiya ako kay Rachel because itinago ko sa kanya ang mga nangyari sa atin. Alam kong sisisihin niya ang sarili niya na hindi niya ako nabantayan or something kaya umalis ako. Tahimik ang buhay ni rachel at kakaumpisa pa lang nila ng Jerald ayokong idamay siya sa problema ko kaya ako umalis.
Benjie: Pinuntahan kita Sinag, nung araw ng kasal ko itinakas ako ni Lola katulong si Nitoy bago ako pumunta ng airport, pinuntahan kita para sunduin.
Sinag: I know sinabi na sa akin ni Rachel.
Natahimik si Sinag ng may maalala. Nilagyan ng wine ang baso pinuno saka ininom ng buttoms up. Ipinatong niya sa bedside table ang baso niya. Tumagilid at humarap kay Benjie.
Hinaplos ang kamay nitong nakapatong sa kama...
Sinag: Benjie, I'm sorry...
Benie: Sorry for what?
Biglang kinabahan si Benjie. Tinitigan ang mga mata ni Sinag.
Sinag: I'm sorry for everything... for leaving. For getting mad at you, for judging you, for accusing you.
Iniyakap ni Benjie ang braso sa katawan ni Sinag at hinila yon palapit sa kanya.
Benjie: Forget it, Tapos na yon. Besides naiintindihan ko na natakot ka lang at mahal mo lang talaga ang Papa mo.
Sinag: Sorry talaga, I'll make it up to you.
Benjie: Sinag... yung kasama lang kita sapat na.
Napangiti silang pareho. Hinagkan ni Benjie si Sinag at saka itinalukbong ang kumot.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro