Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22 - Pre-nup

(Ctto of the pictures on this chapter)

Maagang dumating sa Sabtang ang Glam Team, photo and video coverage staff para sa pre-nup photoshoot. Sa By the Beach Bed and Breakfast sila nakabook habang nasa Sabtang sila Benjie at Sinag. Pagkatapos ng pre-wedding early dinner tsaka silang lahat lilipat sa Fundacion Pacita. Para kuhanan ang wedding preparation. 

Ikawalo pa lang ng umaga non... isinasakay na sa kotse ni Angelo ang mga damit at sapatos na napili nila Benjie at Sinag na suotin sa pre-nup photoshoot.  Habang nagaagahan ang buong Video/Photo Coverage Team  sa pangunguna ni Jason Magbanua at  ng Glam team sa pangunguna ni Juan Sarte kausap nila at kasabay sa pagkain si Sinag.

Una nilang pupuntahan  ang Savidug Village, isang traditional village kung saan naroroon ang mga iba't ibang Ivatan stone houses. 

Jason:  Sinag, Benjie sent me the concept of the pre-nup, I say they are good.  Ikaw daw ang nagconceptualized. I like the idea of connecting the shoot to the wedding preparations.

Sinag:  Well creativity is not my thing, pero gusto ko kapag tinignan ko ang mga litrato at pinanood ang mga videos makikita kung anong mga preparation ang ginawa namin.  Nanood din naman ako  ng mga videos na gawa mo. I liked them all pero marami sa mga pre-nup photoshoot ipinapakita lang ang characters ng couple.  Don't get me wrong ang gaganda ng mga concept pero nasaan ang pre-nup don di ba? Kaya nga pre-nup photoshoot, pre nuptials, pre-wedding  so meaning the preparations should be included diba?  Like we took some pictures nung kumuha ng baptismal at birth cert, nung nagpasukat at pumili ng designs ng damit, nung nakipagmeet sa  organizer, yung mga ganon. Benjie will give them to you so you can incorporate it with the scenes na kukuhanan today.

Jason:  You have a point there.  So, yung sa Ivatan houses iincorporate natin yung pagkuha ng mga documents.  Since ikaw ang gumawa ng concept kung may idea ka how to deliver let me know okay?

Sinag:  Sure, sana lang huwag kang mainis sa kaartehan ko.

Jason:  Really, darling wala ng aarte pa sa mga videographer at photographer I'm sure ikaw ang magsasabing hindi pa ba tayo tapos?

Sinag:  Jason, Juan, can I talk to you for a while.  I have a dilemna that I think kayo lang ang makakatulong sa akin. 

Lumapit naman ang dalawa, inilabas ni Sinag ang lumang dyaryo. 

Sinag:  Kilala ba ninyo ito?

Umiling ang dalawa...

Sinag:  That's Benjie...

Tinitigan nilang mabuti.

Jason/Juan:  Oo nga!  Ang clean pala niya eh so what happened?  

Sinag:  Not sure but, that guy on the newspaper is  who I wanted to see, you think you can convince him to take off the bigote and balbas?

Jason:  Worst comes to worst we will just have to use filter.

Sinag:  Naman  eh.

Juan:  Ano ba ang ipinaglalaban ng bigote at balbas ni Benjie?

Sinag:  Hindi ko din alam eh.

Nagtawanan sila.

Sinag:  Speaking of... nasaan na naman ba yon?  Nitoy?  Nasaan boss mo?

Nitoy:  Kanina pa po umalis kukunin daw yung bigbike sa Basco dahil gagamitin ninyo sa shoot.

Badong:  Best nagtext si Benjie nandon na daw siya sa Savidug Village.Tsaka sabi niya suot na niya yung OOTD para sa bigbike scene.

Jason:  So, papano pa natin pagaahitin yon eh nauna na doon.

Sinag:  Basta, may dala akong shaving cream at pangahit pati na aftershave.

Nagtawanan sila. Dumikit si Badong kay Sinag at bumulong...

Badong:  Best para sa kunyakunyariang kasal masyado kayong in full details.

Sinag:  Badong ano ba talaga, gusto mo ba tigilan ko ito.

Badong:  Hindi ka na mabiro, huwag naman eh para ngang tumama sa Lotto yung groom mo ng marealize na nakikicooperate ka na eh. Joke lang best besides para ka ngang hindi umaarte eh.

Sinag: Akala mo lang yon.

Badong:  Best baka nakakalimutan mo, best friend mo ako at kilalang-kilala kita.

Sinag: Badong, tumigil ka na!

Tatawa-tawang lumayo si Badong at kumindat pa.

Naka cycling shorts at  t-shirt lang si Sinag para madali para sa kanya ang magbihis  kahit saan.  Kaya pinasuot na din ni Jason ang OOTD ni Sinag para sa motorcycle ride nila. Ripped off jeans, spaghetti strap na hanging blouse na maong din ang tela at creamed colored jacket with black lining katerno ng suot na jacket ni Benjie.

Ilang sandali lang narating na nila ang Village.  Bumaba na ang team ni Jason at nagprepare bitbit nila ang mga camera, video at iba pang gamit pati na ang drone camera. Inayusan na ng light make up si  Sinag at bahagyang kinulot ang buhok.

Badong: Ayan na pala si Benjie eh sakay ng motor.

Sinag:  Jason, Juan please go talk to him na. 

Ibinigay ni sinag ang paper bag na may pangahit, shaving cream at aftershave.  Lumapit naman si  Jason at Juan bitbit ni Jason ang dyaryo. Bumababa non si Benjie sa motor habang suot ang isang Shark Raw Blank Motorcycle Full Face Mask Helmet.

Jason:  Benjie,  this is the look we wanted and what Sinag wanted too, you think we can see him?

Simpleng tinignan ni Benjie ang itsura niya sa dyaryo, naglaro ang isang pilyong ngiti sa labi ni Benjie.

Benjie:  Sinabi niya na yan ang gusto niyang makita?

Juan:  True, actually dinala pa niya ito para sa yo.

Iniabot ang paper bag na may lamang pangahit.

Benjie: I'll talk to her.

Pinuntahan ni Benjie si Sinag eksakto namang tapos na itong ayusan. Kasunod niya si Jason at Juan sa likod. 

Tinapik ni Benjie ng daliri sa balikat ang nakatalikod na si Sinag.  Humarap naman ito nagulat pa na napakalapit ni Benjie sa kanya.

Benjie:  I heard you want to see that guy on that old newspaper?  Is that true?  May problema ka ba sa itsura ko?

Nagulat si Sinag sa tanong nito, kinakabahan.

Sinag: Ahm, hindi wala naman. I just thought... ano kasi... 

Napatingin si Sinag kay Jason at Juan, halatang humihingi ng saklolo...

Juan:  I  also think na mas bagay na groom ni Sinag ang clean looking na look ni Dr. Benjamin Santillan. We have nothing against the badboy look really.

Jason: Oo nga, I agree that the witty, sweet, simple character of Sinag para namang hindi maiinlove sa bearded look mo  Benjie eh.

Sinag:  No offense meant pero truth is... I hate facial hair.  Pero kung yan ang gusto mo, okay lang. Akina yang paper bag.  Just forget that I asked. Sige na Jason let's start.

Hinawakan ni Benjie si Sinag sa bewang.  

Benjie:  So ikaw talaga ang may gusto ng clean look ko?

Sinag:  Oo nga, besides when I first saw you clean looking, boy next door type ka naman talaga eh.

Benjie:   Fine... if you can give me one good reason why you wanted to see that guy on the newspaper maybe... just maybe... pagbibigyan kita.

Sinag: Never mind, forget it na lang... It's just that...  ahm... 

Benjie:  Yes? you are saying?

Sinag:  It's just that I badly missed the face of that guy who promised to marry me.

Tumango-tango lang si Benjie, Ibinigay na ang paper bag kay Sinag.  Sabay nilang tinalikuran ang isa't isa. Pagtalikod ni Benjie hinubad ang helmet. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Benjie, parang automatikong kusang lumabas ang dimples nito sa pisngi. 

Napangiti din si Juan at Jason at narinig na lang nilang  sumigaw si Jason... "Okay, rolling everyone... let's start."

Tumingin si Sinag kay Jason

Sinag:  Saan tayo una?

Nakatutok ang kamera at video kila Benjie, inaabangan ang kasunod na mangyayari.  Biglang humarap si Benjie kay Sinag.   

Benjie:  I heard na miss mo na daw ako eh.

Napatingin si Sinag sa mukha ni Benjie at kusang lumabas ang mga ngiti sa labi niya.  Nagiba ang kislap ng mga mata. Biglang napuno yon ng saya.  Bumulong... "there you are..."

Hinaplos ni Sinag ang makinis, malinis at walang facial hair na pisngi at baba ni Benjie.  Nakangiti itong labas ang dimples at may ningning ang mga mata.

Narinig nilang pareho si Jason... "Kiss her!"

Namula ang mukha ni Benjie hindi siya nakakilos.  Naalala niya ang usapan nila ni Sinag.  Hindi niya ito pwedeng halikan o hawakan man lang. Kung hihingin ng pagkakataon si Sinag ang hahawak at hahalik sa kanya...  and she did.

Inilagay ni Sinag ang dalawang braso sa balikat ni Benjie,  pinagsalikop ang mga kamay sa batok nito, tumingkayad, inilapit ang mukha sa mukha ni Benjie, napapikit na si Benjie bago pa inilapat ni Sinag ang labi niya sa labi ni Benjie.  Tinugon ni Benjie ang halik na yon hanggang sa marinig nilang nagsabi si Jason ng  Cut!  Nang ilayo nila ang mukha sa isa't isa nakita ni Sinag na namula ang tenga ni Benjie,

Napansin yon ni Sinag at inilayo ang mukha at ngumiti ng malaki kay Jason.  At tulad ng isang artista...

Sinag:  Did you get that on video Jason?

Jason:  Sure did! Ang galing mo girl!  Okay next scene sa motorcycle na.

Napabuntunghininga si Benjie, napahawak sa batok.  Akala niya totoong totoo na namiss siya ni Sinag.   Napaisip... "what were you thinking Santillan?  syempre para lang sa video yon."

Sumakay sila sa motor at nagpaikot-ikot sa Village  habang kinukuhanan ng drone camera.  Tapos nagpark sila sa harap ng isang Ivatan stone house.  Nagpose ng iba't ibang pose habang nakasakay sa motor at kinuhanan ang dalawang huling pose.   Magkatalikod silang nakaupo sa motor.  Hawak nila at ipinakita sa camera ang birth certificate nila. Tapos huling shot, nakasandal si Benjie  sa motor nasa harap ni Benjie si Sinag bahagyang nakaupo ito sa  kanang hita ni Benjie.   Ang isang kamay ni Benjie nakayakap sa katawan ni Sinag, ang kamay  ni Sinag nakapatong sa braso ni Benjie na nakayakap sa kanya at ang kabilang mga kamay nila hawak  ang magkabilang gilid ang kopya ng kanilang Marriage License. 

Kasunod nilang pupuntahan ang Chamantad - Tinyan Viewpoint. 

Jason:  Change location na tayo, Badong sa Viewpoint na tayo.

Benjie: Jason, okay lang ba magmomotor na lang kami ni Sinag going to viewpoint.  You might want to take drone videos maganda ang view going there.

Jason:  Yah might be a good idea, we can always use extra vids and shots. 

Umangkas naman si Sinag sa motor, una ingat na ingat pa itong mapadikit at hawak kay Benjie.  Dahil mabagal ang takbo, nandyang itaas ni Sinag ang kamay, halatang nageenjoy sa masarap na simoy ng hanging sumasalubong sa mukha nila.  Tinutukan lang ng video ang ginagawa ni Sinag. Nandyang lumuhod sa upuan at yumakap sa leeg ni Benjie o kaya tumayo at itinaas ang mga kamay at humihiyaw-hiyaw pa. Ang totoo nageenjoy si Sinag sa ginagawa nila. Pakiramdam niya eto yung mga dapat sanang ginawa nila kung totoong naging magkasintahan sila.  Nakapamasyal sana sila kung saan-saan. Napabuntunghininga na lang si Sinag. Napansin ni Benjie na natahimik na ito sa pagkakaupo sa kanyang likod.

Benjie:  You okay?

Sinag:  Yah, naisip ko lang if we were given a different circumstances in life. Siguro nagawa na natin ang mga bagay na ito noon kung nagkaron tayo ng pagkakataong magkaron ng relasyon.

Bumuntunghininga na lang din si Benjie.  Pinilit pagaanin ang pakiramdam ni Sinag dahil alam niyang nalungkot na nman ito.

Benjie:  Alam mo, we might not have yesterday but we have today.  We can enjoy this while it last instead of thinking what could have been. 

Huminto sila sa gilid ng kalsada. Tinabihan sila ng sasakyan ni Badong.

Benjie:  Jason, you guys enjoy the ride.  Maraming magagandang view on the way so take your time.  We'll just see you there. 

Jason:  Okay sige enjoy the ride din. 

Nauna na ang sasakyan ni Badong.  Sinuotan ni Benjie ng helmet si Sinag at isinuot ni Benjie ang sariling helmet.  Sumakay sa motor at nilingon si Sinag...

Benjie:  Ready ka na?

Tumango at ngumiti si Sinag. Yumakap ng mahigpit sa bewang ni Benjie at pinaandar na ni Benjie ang motor. Pinaharurot ni Benjie ang motor ng mabilis hanggang sa nalagpasan na nila sila Badong at naiwan na nila ang mga ito.  Nang marating nila ang viewpoint, niyaya ni Benjie si Sinag na maglakad sa trail pababa. Makikita doon ang isang rocky cliff na tumataas mula sa mga slope ng mga burol, na nakakalikha ng mga natural na mga frame para sa kamangha-manghang tanawin ng  Chamantad Cove sa ibaba ng mga ito.

Dinukot ni Benjie ang cellphone niya.

Benjie:  If we have gone here before, I would have asked you to have a selfie right in front of this beautiful view, so let's do it now.

Tumayo si Sinag sa harap ni Benjie iniyakap ni Benjie ang kabilang braso kay Sinag at nagselfie na sila. Mayamaya lang dumating na sila Jason. Pinalitan lang ang ripped jeans ni Sinag ng katernong puting ballooon skirt ng spaghetti strapped hanging blouse niya. Tapos si Benjie na yung ripped jeans pa rin pero  pinalitan na ng puting shorts sleeves na polo.

Inayos din ng staff ang mga props at kinuhanan sila na nagpipicnic. Napose sila ng mga sweet at nakakakilig na pose. Kinuhanan din sila na nagsusubuan ng lumpiang dibang at wakay chips. Kinuhanan silang parehong nakadapa sa damuhan.  Meron din ng naka upo si Sinag, nakaunan sa kandungan niya si  Benjie.     Ang instructions  seryoso silang tititig sa isa't isa. Do the "look of love" sabi ni Jason. Kaso si Benjie habang nakatitig kay Sinag... nandyang itaas baba ang mga kilay na parang nanunukso,  ngumunguso na parang nagpapahalik at nagpapout ng lips para magpacute.  Hindi mapigil ni Sinag ang matawa.

Sinag:  Jason, si Benjie nagpapatawa eh.

Jason:  Boss, ayusin mo na yan. Para lunch nasa lighthouse na tayo.

Sumeryoso naman si Benjie.  Nakapaglook of love naman. Pero ng marinig na sinabi ni Jason na "there I got that look of love, very natural, very good, nice!"

Bigla na namang kumindat, ngumisi, inangat-angat ang kilay at ngumunguso na parang nanghihingi ng halik.   Nainis na si Sinag biglang kiniliti sa magkabilang tagiliran si Benjie. Tawa ng tawa si Benjie, kilitingkiliti.  Namimilipit sa pagiwas at pagtatanggal ng mga kamay ni Sinag sa tagiliran niya. Natatawa man kinuhanan na din ng crew ng video at litrato ang kalokohan nila Benjie at Sinag.

Pagkatapos nagbihis naman sila ng OOTD para  pasakay ng kabayo simula doon sa viewpoint hanggang sa  Sabtang Lighthouse. Nagbihis sila Sinag at Benjie. Light brown pants at checkered na polong itinali sa bewang at long sleeves na sweatshirt type ang suot ni Benjie. Samantalang nakatube at shorts na brown at may biege na lace with black prints na pamatong na dress shirt si Sinag.

Sumakay sila sa kabayo simula sa Viewpoint hanggang sa  Sabtang lighthouse.  Ang instructions sa kanila. Be natural. Kaya habang nangangabayo. Nagkukwentuhan lang sila ng kung ano-ano.  Kapag mapapalayo si Sinag.  Lalapitan ni Benjie, patitigilin ang kabayo nila at hahawakan ang kamay ni Sinag at mangangabayo ng magkahawak kamay.  Nang makarating sila sa lighthouse.  Nangpose sila kasama ang mga kabayo. Inalalayan nilang maglakad ang mga kabayo habang magkahawak kamay silang naglalakad sa tabi ng mga ito papunta sa beach.  Kinuhanan din sila ng nakasakay sa iisang kabayo nasa harap si Sinag at nasa likod niya si Benjie.  May kuha din sila na parehong nakapaang naglalakad ng magkahawak sa beach May kuha din  sila sa harap, loob at itaas ng lighthouse.   Sa harap ng lighthouse. May isang lamesang may mga litrato ng iba't ibang klase ng cake at  litrato ng iba't ibang  venue ng reception. Kunyaring pumipili sila at nagdidiscuss kung bakit gusto o ayaw nila sa hawak nilang litrato hanggang sa nakapili na sila. Nagpose sila na nakaupo sa isang upuan sa harap ng lighthouse si Benjie at nakaupo a kandungan niya ng nakatagilid si Sinag hawak ang litrato ng cake na napili nila at hawak naman ni Benjie ang litrato ng Fundacion Pacita.

Pagkatapos, ipinauwi na ni Benjie ang mga kabayo kila Mang Mando.  Dinala naman niya ang mga kasama sa  Wakaii Beach Resort and Catering, doon sila kumain ng tanghalian.  Kinuhanan din sila ng litrato doon kasama ang ilang pagkain.  Matapos kumain niyaya ni Benjie na maglakad sa beach si Sinag habang kumakain pa ang mga kasama nila.

Benjie:  Pasensya ka na mukhang maghapon ata ito eh as per schedule. Sasabihin mo sa akin or kay Jason kung napapagod ka na ha?

Sinag:  Don't worry, I am enjoying it.  Minsan lang naman umacting na parang model eh. 

Seryoso si Sinag at totoo sa loob niya ang sinabi niya.  Nageenjoy siya sa company ni Benjie. Napapagaan nito ang pakiramdam niya sa mga simpleng salitang nga encouragement na binibitiwan nito. Ramdam din niya ang pagpapahalaga nito sa kanya sa mga simpleng gentleman gestures nito  at nung oras na yon nasabi niya sa sariling... "Husband material naman pala siyang talaga eh.  Masyado nga lang gwapo, yung tipong madaling makakakuha ng kabit."

Sinaway ni Sinag ang sarili, "ano ka ba naman Sinag, hindi naman siya ganyan klaseng lalaki.  Ang tagal na nga niya dito wala pa ring kahit isang babae ang napapalapit sa kanya eh.  Cut the guy some slack, nega mo lang ha."

Benjie:  Bukas sa Fundacion Pacita lang tayo sa umaga kasama ang entourage para sa pagsusukat ng mga gown tapos pahinga na.  Kaya you can relax at magbeauty rest not that you need one but it wouldn't hurt na magpahinga.  Tapos yun na lang pre-wedding dinner don sa Hacienda ang aasikasuhin natin.

Sinag:  Who's behind the pre-wedding early dinner?

Benjie:  Tito Angelo and Mama... sabi ni Tito Angelo kasi daw marami sa mga taga farm at hacienda siguradong hindi pupunta sa reception.  Either they don't have anything to wear or they don't like formal celebration.  Malulungkot ka daw kapag hindi sila nakapunta kaya he invited everybody sa pre-wedding early dinner.  Mama, made it an early dinner para daw maagang makapagpahinga dahil baka daw hindi tayo magising ng maaga.

Natatawang, naiiling na lang si Sinag, hindi napigil Benjie ang magtanong...

Benjie:  Bakit ka natatawa?

Sinag:  That's what I missed about having a family...  yung mas marunong pa sila sa yo at mas may nakakakilala sa yo kaysa sa pagkakakilala mo sa sarili mo.

Natawa na silang pareho bumalik na sila at pinagpatuloy ang kanilang photoshoot. Sa Morong Beach  sila dumerecho at nagshoot sa Yate ni Benjie.  Nagpalit lang ng black and white striped na long sleeves shirt si Benjie samantalang si Sinag naman nagbihis sa banyo ng yate ng  terno na shorts and closed neck bakuna style blouse (yung kita yung shoulders pero my sleeves pa rin).  

Napatunganga si Benjie sa itsura niya... ang nasa isip... "How can a simple shorts and blouse looks sexy and elegant.  Ganyan ding shorts ang suot ni Sinag ng unang beses na makita ko siyang nakatayo sa harap ng restaurant.  Yung legs nito na may suot na gladiator shoes ang una niyang napansin dito.   Good Lord, those legs will be the death of me."

Pinilit niyang iniiwas ang tingin, lumunok ng laway at pinakalma ang sarili.  Pero napapikit siya pilit umuukilkil sa utak niya ang magdamag nila ni Sinag kung papanong hawak niya ang magkabilang hita nito, nakapulupot yon sa bewang niya at  buhat niya ito sa harap niya habang magkalapat ang kanilang mga labi ng naglalakad siya papunta sa kama.

Jason:  Benjie ano na natulala ka na ata dyan?

Benjie:  Hindi, sige magset up na kayo doon sa driver's area, give me some time I need to go to the bathroom.

Pumasok siya ng banyo at inayos ang sarili.  Pati na ang nagre-react na si Frogie,  Paglabas niya pinagpatuloy na nila ang photoshoot. Pagkatapos sa Yate  bumaba sila at nagtungo sa Nakabuang Arch.  Kinuhanan sila ng naglalakad ng nakapaa sa dalampasigan.  Ipinabuhat pa  kay Benjie si Sinag at inikot. Pagkatapos kinuhanan sila ng naglalakad ng nakapaa sa dalampasigan at nakikipaglaro sa mga alon.  Pagkatapos nilakad na nila papunta sa property ni Benjie na nandoon din  sa Morong Beach. Noong uma magkahawak pa ang kamay ni Sinag at Benjie hanggang makarating sila.

Nadatnan nilang inaayos ni Badong ang props na gagamitin sa photoshoot doon. Kukuhanan ang panonood nila ng sunset at doon sila kunyari magdidinner.   Ifea-feature ang cake tasting at ang  mga flower arrnagements para sa entourage.

Nanatili muna sila sa beach front habang inaayos pa.  Nakita nila sila  Keith, Ninay. Katrina na bitbit ang mga bulalak at iba pang gamit.  Kasama nila ang isang maputing babae, maganda at seksi sa suot nitong shorts at haltered blouse may bitbit itong Starbucks na paperbag.  Hindi yon kilala ni Sinag.

Narinig ni Sinag ng tawagin nito si Benjie at kumaway pa. Ngumiti naman si Benjie labas ang dimples ng makita ito. Sinalubong ito ni Benjie at nagbeso sila sa isa't isa.  Nakita din niyang iniabot nito ang paper bag na dala kay Benjie.

Nagpatuloy sa pagpunta sa apartment ni Benjie sila Sinag nagkunyaring tinitingnan ang mga kuha sa camera ng mapatapat sila kila Benjie.  Deadma si Sinag, ni hindi tinitignan sila Benjie.  Siniko ni Badong si Benjie.

Lumapit si Benjie kay Sinag, tumingin naman ito sa kanya.

Benjie:  Ahm Hon,  Sinag,  I would like you to meet one of my regular patient, si Faith.  Faith this is my fiance',  si Sinag Buenavidez. 

Nahalata ni Sinag ang pagkunot ng noo ng babae sa pagkakarinig sa pangalan niya. Nakita din niyang mabilis siyang tinignan nito mula ulo hanggang paa pero pilit itong ngumiti.  Kaya ngumiti din siya.

Sinag:  Hi Faith! Nice name.  Good to meet you.

Isang tipid na ngiti lang ang iginanti nito.

Faith:  Doc. Benj, you never told me na may girlfriend ka, more so ikakasal ka na.

Tumingin  si Sinag kay Benjie, umangat ang kilay ni Sinag at hinihintay ang paliwanag ni Benjie.  Napalunok si Benjie ng makita ang seryosong mukha ni Sinag na parang nagtatanong... "So?  You never mentioned me to her?'

Benjie:  I don't tell my clients any personal stuff. Because my relationship  with my patient are purely professional.  I don't mix business with personal stuff.

Sinag:  That's right dear, that's what we call professionalism. Besides alam mo naman tayo nung mga kabataan mapusok at nahihiya tayo to tell people what happened to us. But when we mature, we make sure to settle, fix things and be happy.  Kaya  I'm sure he never mention that we also have twins who happened to be four years old.

Lalong kumunot ang noo ni Faith.  Hindi nakaligtas na makita ni Sinag ang paglisik ng mga mata nito ng tumingin sa kanya.

Sinag:  Is there any problem Faith?  If you wanted to say anything, you have to speak now or forever hold your piece. May relasyon ba kayo ng Fiance' ko?  Let me know now madali akong kausap.

Sabay tumawa ng malakas.  Kumunot ang noo ni Benjie pero pinigil ang sarili. Hinapit sa bewang si Sinag at malambing na hinalikan ito sa balikat at leeg.

Benjie;  Hon, ayan ka na naman sa joke mo. Ilang araw na yan ah.  Sinabi ko na sayo di ba, nothing and no one will make me stop from  marrying you. Wala akong ibang karelasyon kaya walang sisigaw para sa sabihing itigil ang kasal.  

Faith: No, of course we don't have anything.  Well, congrats to your wedding. 

Humarap ito kay  Katrina at nagpaalam ng aalis. Kinuha ni Sinag ang starbucks na paperbag kay Benjie at iniabot kay Faith.

Sinag:  Well thank you for the greeting but, I think you forgot something.

Nakuha naman ni Katrina ang gustong mangyari ni Sinag.  Para kahit papano hindi mapahiya ang kaibigan...

Katrina:  Ay, Doc, akin yang coffee. Faith, salamat ulit dito ha.

Tumango at tumalikod na si Faith at sinundan na ito ni Katrina. Tahimik na nauna ng naglakad si Sinag paakyat sa apartment ni Benjie.

Siniko ni Badong si Benjie. Sinundan naman ni Benjie si Sinag.  Itinuloy na nila ang photoshoot.  Isang table for two ang isinet up ng maganda.  May isang bote ng wine at dalawang glass at flower centerpiece sa gitna ng lamesa. Kinuhanan ng video ang lugar na yon pati na ang eksenang panonood ni Benjie at Sinag ng paglubog ng araw.  Nagtitigan silang dalawa at sinabing halikan ni Benjie si Sinag para sa isang silhouette shot.  Hinaplos ni Benjie ang pisngi ni Sinag at  hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa labi at hinalikan.  Tinitigan si Sinag at dahan-dahang hinalikan sa labi na tinugon naman ni Sinag.  Isang halik na puno ng emosyon at pagmamahal ang pinagsaluhan nila.

Paulit-ulit na sinasabi ni Jason, "you looked so much in love with each other, grabe we felt that."  Ngumiti  lang si Benjie at nagpakasarcastic lang si Sinag dahil naiinis siya kay Benjie.  

Kaya sinabi nito na..."we should be inlove dear Jason,  kung hindi bakit naman kami magpapakasal.  right Hon?!" 

Sabay sumimple ng irap kay Benjie.  Hanggang matapos sila sa photoshoot.  Hindi naibalik pa ang mood ni Sinag. Patuloy ito sa pagcooperate pero  sarcastic na kung kausapin si  Benjie.  Hindi maalis sa isip niya ang babaing si Faith.

Nagbabaan na sa kani-kanilang kwarto sa unang palapag ng property ni Benjie ang Team nila Jason at Juan para magpahinga. Tumayo si Sinag at walang sabi-sabing tumungo na sa mansyon.  Dinatnan niya sa kusina si Ninay at Katrina.  Kumuha siya ng bottled water. 

Sinag:  Katrina, kaibigan mo ba yung Faith?  Papano mong nakilala at gaano mo siya kakilala

Katrina:  Mam, kabatch ko po sa Nursing yon.  Nakapasa na po ng board yon nasa ibang bansa na nga po yon nagtatrabaho eh.  Taal hong taga Basco ang pamilya niya pero siya ho mas gustong manirahan sa Maynila. Umuwi lang ho yon dito dahil may sakit daw po yung nakakatandang kapatid. Yon ho ang inaalagaan niya sa Maynila.  

Sinag:  Papano naging pasyente ni Benjie yon?

Katrina:   Nafood-poison po sila sa isang restaurant sa Basco noong unang magbakasyon sila dito.  Si Doc Benjie po ang natawagan para gumamot sa kanila.  Simula po non kapag nandidito siya.  Lagi na siyang nagpapacheck-up kay Doc.  Pasensya ka na Mam Sinag hindi ko na siya dapat sinamahan na puntahan si Doc.  Mapilit lang kasi siya eh.

Sinag:  Okay lang yon, pero sana huwag ng maulit pa.  Wala akong tiwala sa kanya. Basta there's something in her.  Kaya ayokong magkaron siya ng access to go in ang out of the clinic,  farm or hacienda.

Katrina:  Makakaasa ka.

Sinag:  Salamat Kat!

Biglang nagsalita si Badong na kapapasok lang sa kusina kasunod nito si Benjie.

Badong:   Best... walang tiwala ba talaga o baka naman nagseselos ka lang?

Sinag:  Badong, huwag mo akong simulan ha.

Benjie:  Oo nga, wala namang ginawa sa yo yung tao, hindi mo nga kilala tapos wala kang tiwala?

Sinag:  Exactly, hindi ko siya kilala.  Malay ko ba kung saang lupalop nanggaling yon.  Besides I don't like the way she looked at me. Nababasa ko sa mga mata niya ang galit at inggit.  Malang pinagnanasaan ka non kaya ganon yon sa akin!

Benjie;  Judgemental mo naman...

Nabwisit si Sinag, umakyat sa ulo ang inis dahil parang pinagtatanggol ni Benjie ang babaing yon.

Sinag:  Judgemental?  Kung judgemental ako eh di sana nakita ko noong umpisa pa lang  kung anong klase ng tao ang Tita Caridad at kung judgemental ako eh di sana ni hindi kita pinagaksayahan ng panahon dahil hindi din kita kilala noon eh di sana hindi ko ibinigay ang sarili ko sa yo.  I have been thru hell and back Benjie, marami na akong nakilalang gago at manloloko sa mundong ito. I have analyzed their move, looks and reactions to me. And whatever I saw with that girl of yours!  I didn't like it! Ngayon kung gusto mo siya, eh di siyaang pakasalan mo! BWISIT!

Inirapan niya si Benjie at pumasok na sa kwarto.

Ninay:  Ikaw Benjie, may sapak ka rin eh no, mainit na ang ulo ginatungan mo pa eh.

Benjie:  Oh anong ginawa ko?

Ninay:  Parang ipinagtatanggol mo yung Faith na yon, eh di lalong nagalit.  Mabuti-buting mabait sa iyo binuwisit mo  pa eh.

Sinundan ni Benjie si Sinag at kumatok sa kwarto.

Benjie:  Sinag, buksan mo ito. Magusap tayo.

Sinag:  Umalis ka na wala na tayong dapat pagusapan pa.

Benjie:  O sige hindi na. Gusto ko na lang na  maggoodnight sa mga bata.

Bumukas ang pinto at lumabas si Aria at Ariel.  

Ariel:  Papa sabi ni Mama, we can go sleep with you daw po.

Aria:  She said she wanted an alone time.  

Ariel:  Akala ko dahil nandito na si Papa, Mama will not have an alone time anymore.

Aria: Oo nga Kuya, maiiyak na naman si Mama. Sad na naman siya.

Niyakap na lang ni Benjie ang mga anak.

Benjie:  I'm sorry mga anak, promise, starting tomorrow hindi na magaalone time si Mama okay.  Papa will always be there for Mama.  But for now let's just let her be okay?

Tumango naman ang dalawang bata at naglakad na sila papunta sa apartment... nang napatulog na ang mga bata... napabuntunghininga si Benjie... bumulong sa hangin... "I'm sorry for not listening to you. Promise I'll do better next time."  Nakatulugan na niya ang mga katagang yon.















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro