Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18 - Options

Halos patapos na silang kumain ng mareceive ni Bricks ang message ni Benjie.

Bricks:  He's in Manila and he'll be here in 15 minutes.

Tumango lang si Sinag.  Kinakabahan siya at hindi niya alam ang sasabihin niya.  Umorder si Sinag ng Japanese Sake.

Bricks:  Pahingi na nga rin, kinakabahan din ako eh.

Natawa silang pareho. Nagkwento si Bricks ng ilang detalye ng pagkikita nila ni Benjie at naikwento nito na nakilala na din niya ang mga barkada nito na sila Jerald, Kris at Glenn.  

Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Sinag kahit papano.  Mayamaya narinig na nila si Benjie.

Benjie:  Bricks, siguraduhin mo lang na ang pagbyahe kong ito is worth my time kung hindi, hindi kita babayaran ng TF mo.

Bricks:  Benjie, bro! Glad to see you again.  I heard that your B&B is getting popular, thanks to Sinag.

Benjie:  Ano na naman ang naitsismis sa yo ng Lola ko?

 Nagshake hands ang dalawa, tumingin at tumayo si Sinag para batiin siya. Iniabot ni Sinag ang kamay niya.

Sinag:  Hi!

Hinawakan ni Benjie ang kamay niya at nahalata nitong nanlalamig yon.  Nagbeso siya dito at bahagyang niyakap ito.  Naupo na silang tatlo.

Benjie:  So is it a good news or a bad news?

Bricks:  Both

Benjie:  Wait till I order dahil nagugutom na ako. Baka masira ang apetite ko sa bad news mo. If you don't mind Sinag?

Sinag:  Okay lang sige kumain ka muna, I have all the time. Hinihintay ko din naman ang tropa for a girls night out eh.

Kumain muna si Benjie habang nagkukwento si Bricks ng tungkol naman sa property ng Papa niya. 

Benjie:  How about the manufacturing business with the Monsones? Mansueto Monsones, Mindy's Dad?

Bricks:  oh your Ex?

Benjie:  Gago,  hindi ko naging girlfriend yon.

Bricks:  Okay let's rephrase it... yung babaing tinakbuhan mo sa araw ng kasal ninyo.

Benjie:  That's not my fault, makulit silang pareho ni Papa, she's well aware na ayaw ko sa kanya.

Bricks:  Still, muntik ng maloka yung babae sa kahihiyan.  Well after you left, yun nga nagwala yung babae she was seen on every bar in Manila. Nagpapakalasing.  His father had to bring her out of the country para makalimutan ang nangyari.  Sinipa ang Papa mo sa kumpanya. He was voted out. Tapos dahil alam naman niyang wala ng mangyayari sa mga business niya kasama ang ibang business associate na kakilala ng mga Monsones.  Nagpullout na siya ng mga stocks at resources niya. Isinosyo na niya lahat ng pera niya sa mga negosyo ng Lolo mo sa US.  Noong una gusto lang niyang kalimutan ang nangyari.  Kaso inatake na ang Lolo mo sa sobrang pagaalala sa inyo ng Lola mo so  he decided to bring him sa US and stay there for good at nagbabakasali din siyang makita ang Mama mo.  Huli na ng malaman niyang nagkita na kayo.

Napansin ni Benjie na tulala si Sinag sa baso ng sake na hawak nito.  Hinaplos niya ang kamay nito na may hawak ng shot glass. 

Benjie:  Okay ka lang?

Napapikit si Sinag at napatingin kay Benjie.

Sinag:  Yah, okay lang.  May iniisip lang.

Benjie:  Okay Bricks... let me hear what you have to say...

Bricks:  I want to inform you na naayos na ang titulo ng Hacienda at ng Mansyon. The money that the farm and hacienda earned during the times that the Santillan has handled the property luckily managed to save the house and the Hacienda kaya nailipat na yan sa pangalan ni Sinag and everything is under one company which is Sinag Enterprises.  Naibigay ko na kay Sinag ang lahat ng papeles as instructed by your Lola Beatriz.

Benjie:  That's very good...  how about the farm kamusta?

Bricks:  That's the bad news... Donya Beatriz has decided to settle in the US for good. Giving her no reason to have business here in the country dahil hindi na niya maasikaso pa. She has two options ipamana ang farm sa yo Benjie, kung gugustuhin mong asikasuhin yon. Second option ang ibenta ang farm. Kung hindi mo tanggapin Benjie,  wala siyang choice but to sell.

Benjie:  Kapag ibinenta yon sa iba, hindi siguradong tatanggapin ng prospective buyer ang  probitions non to be kept as a farm and kept all current employees.

Bricks:  Yun din ang inaalala ng lola mo at alam naman daw niya kung gaano kaimportante sa mga Buenavidez ang probitions na yon. So, your Lola is offereng Sinag the option to buy it back. Dahil alam niyang gusto ni Sinag na mabalik sa dati ang lahat.  Eto  ang presyong ibinibigay niya  katumbas lang ng perang ipinaluwal niya sa property dahil hindi naman na daw  iba sa kanya ang mga Buenavidez.  Alam ni Mam Beatriz na mahal ninyo ang mga trabahador doon kaya wala siyang ibinigay na terms kung hindi two years to pay dahil yon ang pinakamahabang terms na naibigay ng corporation sa kanya.

Sinag:  Gusto kong bilhin ang farm, alam mo namang pamilya na ang turing ko sa mga taga doon.  Pero kahit dalawang taon pa ang terms sobrang laki ng perang yan hindi ko makakayang bayaran yan in  two years. Baka kuhanin ng corporation ng sapilitan yan kapag hindi nabayaran sa terms na ibinigay nila.

Benjie:  So, the only way para maisalba ito in time is for me to accept this as my mana.   Para mawalan na ng karapatang pakialaman pa ng corporation ang lupang ito.

Bricks:   Tama.  Although hindi kami sure kung gugustuhin mo ngang mapasayo yang lupaing yan dahil last time ayaw mo na daw sabi ng Lola mo.

Benjie:  Yah, kasi magaling naman na si Tito Angelo, nakakalakad na siya.  Ayokong magkaron ng kaugnayan sa lupaing yon dahil ayoko ng mapagbintangang kinamkam ko ang kayamanang yon. Isa pa, no reason for me to stay in Sabtang, I have reasons to believe na wala na akong hinihintay doon so, yes. Kung tatanggapin ko yan, gagawin ko lang yon para kay Tito Angelo at para sa mga tao dahil tinanggap nila ako at ayokong maging dahilan ng paghihirap nila.

Bricks:  So, anong sasabihin ko sa Lola mo? 

Benjie:  Tell her, we will think about it.  I will offer  Sinag to buy it back first. Basta sabihin mo give us time, we will think about it.

Bricks:  Okay then, when can we expect an answer? 

Benjie:  I will call her in a months time, to give her the answer.

Bricks:  Okay, well I think I better go.  Alam kong marami pa kayong kailangang pagusapan.  It was nice meeting you Sinag.

Tumayo si Sinag, nagbeso at bahagyang yumakap kay Bricks.

Sinag:  Attorney, please send my regards and gratitude to Mrs. Santillan. Hug her for me please.

Bricks:  I will. I'll go ahead now.

Tuluyan na itong umalis.  Umorder ng isa pang bote ng Japanese Sake si Benjie.  Bumuntunghininga.

Benjie: I need some air, sama ka?

Tumango si Sinag. Binitbit ni Benjie ang mga shot glass at ang bote ng sake na inorder at lumabas sa harap ng restaurant kung saan nakapark ang pulang top down ni Benjie.  Pinagbuksan niya ito ng pinto.  Naupo sila at bahagya nilang inihiga ang mga upuan at pareho silang tumingala sa  langit.

Sinag:  Benjie... hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero ang alam ko lang ikaw lang ang makakatulong sa farm. Wala din akong karapatang humingi ng pangunawa mo dahil hindi ako naging mabuti sa yo.  Right now ang alam ko lang na pwede kong panghawakan ay yung pagmamahal mo sa Papa ko. So, para sa kanya na lang at para sa mga tao ng farm na mahal ng Papa ko, makikiusap ako na sana tanggapin mo na lang yung farm.  Kung talagang ayaw mo ng asikasuhin then I will buy it back from  you. Just give me a longer time para mabayaran ka.  I'll file bank loans.  I'll find means to pay you.

Nagsimulang tumulo ang luha ni Sinag. 

Sinag:  Nakikiusap ako dahil alam ko wala na talagang mapupuntahan ang mga tao ng farm kapag inalis sila doon.  Gusto mo, gawin mong collateral yung Hacienda  pati na ang masyon habang hindi pa ako nakakabayad ng buo para sa farm. 

Benjie:  Willing kang mawala sa yo ang Mansyon at ang Hacienda?

Sinag:  Alam ko namang hindi ka masamang tao kaya kahit kunin mong collateral ang mansyon alam kong hindi mo din papayagang mawala yon sa amin. 

Nilagyan ni Benjie ng laman ang shot glass, iniabot kay Sinag at sabay nilang tinungga ang laman non.  Nilagyan ulit at muling ininom.

Bumuntunghininga si Benjie... malungkot ang mata pero may tapang ang mukhang humarap kay Sinag.

Benjie:  Anim na buwan Sinag, pinilit kong makilala ako ng puso mo.  Pinilit kong kahit papano pahalagahan mo ako. Pinilit kong kahit konti ay bigyan mo ako ng pag-asa pero gumaling na at lahat ang Papa mo, nakakalakad na siya eto pa rin ako, hindi mo pa rin ako kilala. Pagod na ako Sinag.  I wanted to just forget about Batanes.  I just want to forget about you. Plano ko ng iwan ang Sabtang, kaya nga sinabi ko sa Lola na ayoko ng magkaron ng kaugnayan pa sa property ng Papa mo.  Nakapagpaalam na din ako sa Papa mo.  Gusto kong magpakalayo-layo sakay ng Yate ko.  Go from one port to another. Make some adventures and find my own home.  Dahil ngayon tanggap ko ng wala sa Sabtang ang tahanan  ko.

Tuluyan ng napahagulgol si Sinag.  Wala na pala talaga siyang pagasang maisalba ang farm dahil paalis na palang talaga si Benjie ng Sabtang.

Ilang sandaling natahimik si Benjie.  Gustong-gusto na niyang yakapin si Sinag at sabihing huwag siyang magalala dahil tatanggapin niya ang mana pero takot na siya.  Ayaw na niyang masaktang muli ni Sinag. Kaya ngayon kailangan niyang makasigurong hindi na ito mawawala pa sa kanya. Kaya kailangan niyang maitawid ang paguusap na ito kung papaanong plinano nila ni Angelo. 

Benjie:  Pero tama ka, mahal ko ang Papa mo at ang mga tao ng farm at kung tutuusin napakadaling sabihin na tatanggapin ko ang mana na yon at itatali kong muli ang sarili ko sa lugar na iyon.  Pero kapag ginawa ko yon, what's in it for me Sinag?  I am a Santillan after all.  I am raised by a business man. Sa pagkakataong ito ayokong sumugal ng hindi ako siguradong may mapapala ako.

Sinag:  I told you gawin mong collateral ang Hacienda. 

Benjie:  Kaya mo ngang isanla ang Hacienda eh di kung sakaling hindi mo mabuo ang pera mo magiging madali para sa yo ang igive up lang ito .   Dahil magaling na ang Papa mo, pwede mo na siyang dalhin kahit saan  mo gusto.  So the property alone is not as important to you.  I want something fixed, I want something tangible na mapanghahawakan ko na hindi naman ako lugi dahil itinali mo ako sa lugar na yon at itinapon  ko ang pangarap kong magtravel at magadventure.

Sinag:  Anong gusto mo?  Anong naiisip mong pwedeng kapalit ng pagpayag mo?

Benjie:  Pakasal ka sa akin!

Sinag:  WHAT?  Are you out of your mind?!

Benjie:  Maybe I am out of my mind... hindi ko na alam Sinag.  Ang alam ko lang kung hindi din lang kita kasama hindi ko na kayang magstay sa Sabtang.

Sinag:  Papano ko pakakasalan ang apo ng taong mismong naglagay sa akin sa sitwasyong ito?  Akala ko ba ayaw mong saklawan ng kahit na sino ang puso mo, bakit ka pakakasal sa akin?

Benjie:  Hanggang ngayon hindi mo pa rin ba natatanggap na mahalaga ka sa puso ko?  Matagal ng ikaw lang ang laman nito.

Sinag:  No way! I will never marry my enemy.

Pakiramdam ni Benjie dinurog ng makailang ulit ang puso niya sa tahasang pagtanggi ni Sinag sa kanya.  Sinasaktan na lang din siya nito.  Sasaktan na lang din niya para amanos na sila.

Benjie:  Ayaw mo? 

Sinag:  AYOKO!

Benjie:  Fine, gusto mong tanggapin ko ang mana, then I have another option for you... I want full custody of my children in return.

Napatunganga si  Sinag sa narinig.  Alam ni  Benjie nasukol niya ito.

Sinag:  Saan mo naman nakuha ang idea na anak mo ang mga anak ko?

Benjie:  Gusto mo bang ikwento ko sa yo ang nangyari sa kotseng ito at kung papano kang nakauwi sa condo ng pinsan mong si Rachel at kung anong nangyari sa atin ng gabing yon in full details? Kasi malinaw pa sa linaw ng tubig sa beach ng Batanes ang pagkakaalala ko sa isang magdamag natin ng magkasama Froglet ko.

Hindi nakaimik si Sinag, ayaw pa rin niyang maniwala. Matagal na siyang nagdududa na si Frogie at si Benjie ay iisa pero hindi kayang tanggapin ng utak at puso niya ito ngayon.

Sinag:  wala akong alam sa mga sinasabi mo!

Benjie:  Fine, sige hintayin mo na lang ang DNA test namin ng mga anak ko.  I have been good to you Sinag.  I chose to just show you how much I care pero binalewala mo lang lahat.  Now, no more good guy.  Gusto mong tulungan kita sa farm then you have only two options... Marry me or give me the full custody of my children.

Tuluyan ng humagulgol na muli si Sinag.

Sinag:  Please Benjie, don't do this to me.

Benjie:  You made me this way Sinag.  Namanhid na ang puso ko sa mga sakit ng ipinaramdam mo sa akin.  You made me this way.

Humihikbi si Sinag.

Benjie:  Huwag kang magalala, kung papayag ka naman na makasal sa akin.  Kasal ka lang naman sa akin sa pangalan. Kunya-kunyarian lang ang kasal natin.  Ang gusto ko lang makasama ko at makilala ako ng mga anak ko.  Hindi tayo magsisiping.  Dahil alam ko namang ayaw mo sa akin at kahit kailan hindi mo ako matutunang mahalin.  So, all this is just purely business deal.  At dahil kasal ka sa akin mawawalan ka na din ng pagkakautang dahil asawa na kita.  Being my wife entitles you half of everything that I own.  Pati na ang property na ipinipilit mong ninakaw namin. You will just have to act like a happy wife, sasamahan mo lang ako kahit saan ako pumunta and titira lang kayo ng mga anak natin sa isang bubong kasama ko.  And that's it.

Wala pa ring imik si  Sinag.

Benjie:  Kung pipiliin mo naman ang option two. Sa akin na titira ang mga bata. Bibigyan kita ng Visitation rights at all expense paid kapag dinadalaw mo sila o kaya sila ang dumadalaw sa yo. You will also receive a monthly allowance being the mother of my children at tatanggapin mo din ang parte ng dalawang anak natin and you can save them para mabayaran mo ang pagkakautang ninyo sa farm.  Fair deal hindi ba, pareho nating makukuha ang gusto natin whichever option you pick out.

Sinag:  I hate you for doing this to me Benjie.

Benjie:  Hate me all you want, sanay na ako, namanhid na nga ang buong pagkatao ko eh. Hate me all you want but that doesn't change the fact na ako ang ama ng mga anak mo at kailangan mo ang tulong ng taong kinamumuhian mo!  I am giving you one week to think about it.  One week Sinag kapag wala kang sagot within one week.  Kapwa tawad tayo, aalis ako ng Sabtang at hindi na tayo muli pang magkikita. Bahala ka na sa problema mo.

Ilang minutong iniiyak ni Sinag ang narinig.  Hinayaan lang siya ni Benjie.  Hanggang sa mapansin ni Benjie na bumababa ng sasakyan ang mga kaibigan ni Sinag. Niyaya na niya itong bumalik sa loob ng restaurant.   Naupo sa lamesa nila si Sinag habang si Benjie dumerecho sa counter at binayaran ang bill nila at tumalilis na ito ng alis.

Rachel:  Oh my God, Shine, ikaw nga!

Sinag:  Hello to the 3 Goddess!

Nagbeso at nagyakap silang lahat.  Umorder ng pagkain at nagsimulang magkwentuhan.

Rachel:  Mabuti naman  at nagpakita ka na.  Naku girl ang tagal na kitang gustong makausap dahil one week after you left dumating sa condo si Doc Benjie at sinusundo ka niya. Naikulong pala siya ng Papa niya at tinakot na hindi na sila magkikita ng Lola niya kapag hindi siya pumayag na magpakasal, Kaya nagkunyari siyang pumapayag na siya. Nung araw ng kasal, imbes na pumunta siya sa simbahan, sa condo siya pumunta at sinusundo ka.  Tatakas daw kayo kasama ang lola niya.  

Sinag:  Alam ba ninyo ang buong pangalan niya?

Rachel:  Dr.  Benjamin Perez-Santillan.

Dinukot ni Rachel ang lumang pahina ng dyaryo sa bag niya. 

Rachel:  Lagi kong bitbit ito kasi sabi ko baka bigla kitang makita sa daan kahit iabot ko lang ito sa yo.  Dahil iniwan niya ang cellphone number kung saan mo siya macocontact.

Binuklat ni Sinag ang dyaryo ang nakalagay... ang cellphone number na sulat kamay tapos sa ibaba ng picture - Monsones-Santillan Nuptials - Dr.  Benjamin Perez-Santillan and Minerva Diane Tan-Monsones will be wed on Saturday...

Hindi na natapos ni Sinag na basahin ang buong nakasulat dahil nahilam na sa luha ang kanyang mga mata. Napahagulgol na lang. Inalo naman siya ng mga kaibigan.

Rachel:  Bakit ka ba kasi umalis sa condo.  Kung nagsabi ka ng nangyari sa inyo hindi kita papayagang umalis.

Sinag:  Nabuntis ako Chelly, nung maconfirm ko na buntis ako, nahiya ako sa yo. Papano ko ikukwento sa yo na ibinigay ko ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko kilala at hindi lang yon nabuntis pa ako. Hinihintay ko talaga siyang bumalik pero ng makita ko yan nawalan na ako ng pagasa, ni hindi ko nga nakuhang basahin nakita ko lang ang litrato na sobrang sakit na eh. Kaya umalis na lang ako. Kaya ni hindi ko alam ang pangalan niya.

Krizzy:  Nasaan ang anak mo? 

Rachel:  I had twins, a girl and a boy, si Aria at Ariel nasa bahay ko sa Paranaque.

Maymay:  Wow! You're lucky, may dalawa ka agad.  Ang tulis ni Doc ah.

Bumungisngis silang lahat.  Kahit papano natawa din si Sinag.  

Krizzy:  So, now what?  Nagkita na ba kayo?  Alam na ba niya?

Maymay:  Oo nga kwento na girl.  Teka mabuti pa kuha muna ako ng iinumin natin.

Nagkwento nga si Sinag, habang nagiinom sila. Buong detalye simula ng umalis siya kila Rachel hanggang sa makauwi na siya ng Batanes at nagkakilala ni Benjie hanggang sa paguusap nila ilang oras lang ang nakakaraan.

Maymay:  Ano ba naman yang kwento ninyo. Sakit sa dibdib ah.

Krizzy:  Oo nga eh, ayun na oh, kinikilig na kami eh.. .  Bakit ba naman kasi nagalit ka pa sa kanya?  Pinagbintangan mo pa.  

Sinag: hindi ko naman talaga alam na siya yon, kahit kayo kapag nakita ninyo siya ngayon hindi niyo din siya makikilala.  Balbasarado kaya siya tsaka dark na ang complexion niya.  Basta he looks really different pero he is still nice to me.  

Rachel :  Naiiyak ako... kasi for the second time around inalok ka niya ng kasal.  Kahit pa anong circumstances ninyo.  Dalawang beses ka pa rin niyang inalok ng kasal.  Hindi pa ba sapat yon para maisip mong gusto ka talaga niyang makasama habang buhay?

Maymay:  Tama si Chelly,  noong una kahit hindi niya alam ang pangalan mo okay lang sa kanya kasi gusto ka daw ng puso niya.  Tapos ngayon kahit alam niyang hindi mo siya matutunang mahalin dahil dyan sa galit mo sa kanya, inaalok ka pa rin niya ng kasal. 

Krizzy:  That's right ... para sa isang lalaki to ask you twice,  iba yon Shine. Dahil ang mga lalaki ayaw nila ng natatali sila.  Sabi nga may plano na siya to do adventures tapos magpakasal ka lang sa kanya kakalimutan niya ang mga plano niya.

Sinag:  So, you're all suggesting na pumayag akong pakasal ganon?  Kahit kunya-kunyarian lang naman yon?

Rachel:  Think Sinag... maaring kunya-kunyarian lang yon  sabi niya pero ang papeles non legal at malay mo naman sinasabi lang niya yon na kunyari lang pero he is hoping na sa tagal na magkasama kayo eventually you will fall for him.   Eh di ayos nabuo ang pamilya ninyo.  Kung hindi naman at least try to have a friendship with him para man lang sa mga anak ninyo.

Samantala si Benjie pagkaalis doon tinawagan niya si Bianca. Ibinigay naman ni Bianca ang address ng bagong bahay nila Sinag dahil nandoon daw ito.

Tuwang-tuwa si Aria at Ariel ng makita siya.  Sinalubong ng yakap at halik ni Aria si Benjie.  Hindi mapigil ni Benjie ang maluha.

Aria:  Tito Doc, are you crying?

Benjie:  I just got teary eyed darling, I missed you so much.  

Aria:  Awww, miss ko din po ikaw.

Hinalik-halikan ni Aria si Benjie sa buong mukha natawa si Benjie. Ang nasa isip, "ang sweet ng anak ko sana kasing sweet din nito ang Mama niya pero malabong malaman pa niya yon."

Yumakap at nagmano naman si Ariel at nakipaghigh five pa.

Benjie:  May dala akong ice cream, sige na dalhin ninyo kay Yaya para makakain na kayo.

Sumunod naman ang dalawang bata.  Niyakap ni Benjie ang kanyang ina at hinalikan sa buhok nito.  Doon na tuluyang tumulo ang  luha ni Benjie. Hirap na hirap ang kalooban niya. Naninikip ang dibdib.

Benjie:  Masakit Ma, sobrang sakit.  Ayaw niya talaga sa akin so wala akong choice.  Ang sama-sama ko Mama, sinaktan ko si Sinag. Pinahihirapan ko siya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Bianca:  Tumawag na sa akin si Tito Angelo mo, naikwento niya ang balak ninyo para kung sakali ay maalalayan ko si Sinag.  Gusto kong magalit sa yo, pero hindi ko magawa dahil alam ko namang ginawa mo ang lahat para hindi kayo umabot sa ganito.

Benjie:  Kanina nung tahasan niyang tanggihan ang pagpapakasal sa akin. Pakiramdam ko mamamatay na ako.  Ang sakit Ma, hindi ba ako kamahalmahal ma? Ikaw ba kaya mo ako nakuhang iwan noon dahil hindi kamahal mahal ang pagkatao ko.

Bianca:  Diyos na mahabagin Benjie... hindi ganon yon anak.  Noong umalis ako hindi ikaw ang iniwan ko ang Papa mo. Kaya lang mahal ko ang Papa mo alam kong kapag isinama kita masisira ang buhay niya at mawawalan ng saysay ang lahat ng pagpapakahirap niya. Kaya hindi kita isinama. Benjie, believe me anak you are a wonderful person. Naniniwala din akong ganon ang tingin sa yo ni Sinag.  Hindi niya ibibigay ang sarili niya sa yo kung hindi ka niya nagustuhan noon anak.  It's just that, you will have to consider, pakiramdam ni Sinag ninakawan siya ng Lola  mo at inlagay siya ng Lola mo sa isang sitwasyong wala siyang masusulingan kung hindi ikaw lang din.  Nabubulag si Sinag ng galit at pangamba niya. Kahit alam na niya kung sino ka hindi niya maalis ang galit sa taong naglagay sa kanya sa sitwasyong yan at ikaw lang ang pwede niyang sisihin.

Benjie:  Noong sinasabi ko sa kanya ang dalawang option na pwede niyang pagpilian. Para kong naririnig si Papa ang nagsasalita. Dalawang option na parehong panalo ako. Kailan pa ako naging ganito Ma?  Hindi ako selfish pero bakit ko ginagawa ito?

Bianca:  Sabi nga ng Tito Angelo mo, Drastic Situation needs drastic measures.  Kung ang sarili niyang ama naiintindihan ka eh. Alam ni Angelo ang totoong damdamin ni Sinag.  Ayaw lang din niyang tahasang panghimasukan ang buhay pagibig nito. Alam niyang may pagtingin sa yo si Sinag dahil hindi niya hahayaang mahirapan si Sinag kung hindi siya siguradong sa bandang huli ay mapapanatag at magiging masaya ito.

Benjie:  Sa tagalog Ma, desperado na ako.  Aminado naman ako, sobrang desperado na ako na pati sarili niyang ama isinali ko pa sa kalokohan ko.   Papano kapag nalaman ni Sinag ang lahat ng ito baka pati kay Tito Angelo magalit siya.

Bianca:  Walang magulang na papayag na mapasama ang kanyang anak. Angelo is just looking out for the welfare of his daughter and his  grandchildren.  Gusto lang ni Angelo na maitama ang lahat. In the end am sure, magpapasalamat pa si Sinag sa lahat ng ginawa ng Papa niya dahil nabubulagan siya ng galit niya.

Benjie:  Sana nga Ma, sana nga.

Matapos kumain ng ice cream, naghilamos na ang dalawang bata at si Benjie ang sumama sa kanila sa kanilang kwarto.

Benjie: ang ganda naman ng kwarto ninyo.

Ariel:  Si Mama po ang nagdesign nito.  May wall po ito sa gitna para daw po kapag malalaki na kami magkakaron kami ng sarili naming kwarto, mas maliit nga lang.

Benjie:  Mahilig ka pala sa barbie dolls Aria?

Aria:  Opo, tsaka sa stuffed toys po. Iba't iba po, may dog, kat, bear, snake basta madami sila ayun po sa kabinet. Pero may mga katabi din ako sa pagtulog. Like this Frog favorite ni Mama ito she gave me this on my last birthday kasi po am having nightmares. Sabi po ni Mama si Papa daw po ito so I hug this to sleep parang si Papa na din ang hinahug ko.  Meron din pong ganito si Kuya at si Mama.

Benjie:  Nakita na ba ninyo kahit sa picture si Papa ninyo?

Ariel:  Hindi po.  May problema po kasi si  Papa.  Sabi ni Mama, he had to leave para magwork kaya lang hindi na alam ni Mama kung saan.

Benjie:  Gusto ba ninyong makilala ang Papa ninyo

Ariel:  Opo, para  maging masaya na po si Mama kasi she always cry to sleep eh. Minsan nagnightmare din po siya.

Aria:  very much po, I want to see if Mama is right na kamukha po niya ito oh.

Ipinakita ni Aria ang picture ni Aga Muhlach sa wallet niya.

Aria:  When I heard the name from Mama, I looked for his picture on the internet, tapos po I printed it and put it there, when someone asks about my Papa, I tell him he looks a lot like him. 

Benjie:  Ikaw Ariel meron ka din nito?

Ariel:  wala po ang sabi po ni Mama. Kamukhang-kamukha ko daw po ang Papa when I smile with my dimples out so when anybody asks what my Papa looks like I just smiled like this.

Ngumiti si Ariel ng labas ang dimples, natawa si Benjie, kamukhang kamukha naman talaga niya.

Benjie:  What if you find out na kilala na pala ninyo ang Papa ninyo? 

Ariel:  I have an idea whom he might be  kasi I can feel his love. Pero I know Mama needs to tell us kung sino siya talaga.

Aria:  Tito Doc, I will be happier if you are my Papa.

Sabay na yumakap ang dalawang bata sa kanya.  Mahigpit na niyakap ni Benjie ang mga anak. Pigil ang emosyon, pigil ang mga luha.

Benjie:  Tama si Ariel, we have to wait for Mama to tell you about him.  So let's be patient okay? It's not easy for Mama.

Tumango naman ang dalawang bata. Humiga na itong pareho at humalik sa pisngi niya.  Hinalikan naman niya ang mga ito sa Noo.

Aira:  Can you sing for us?

Kumanta si Benjie ng kantang kinakanta sa kanya ng Mama niya noong bata pa siya.  Mayamaya lang tulog na ang dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro