Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12 - Small world

Magkakasabay silang  dumulog sa hapag kainan ng gabing yon.  Naroon si Angelo, Bianca, Benjie, Keith, Ninay, Sinag at ang dalawang bata.

May sinigang na sugpo, lumpiang dibang, inihaw na liempo at pritong manok.

Sinag: Best, ang dami naman klase ng ulam. 

Ninay:  Baka kasi hindi kumakain ang mga bata ng sinabawan kay nagfried chicken na din ako para safe.

Ariel:  Tita Ninay, you can cook anything po.  We eat anything... Mama taught us how to.  My favorite is champorado with tuyo.

Aria:  Mine, is lugaw with scrambled eggs.

Ninay:  Sige bukas ang breakfast natin lugaw tapos ang miryenda sa hapon champorado

Aria/Ariel:  Yehey!!!

Angelo:  How old are you kids?

Ariel:  Four years old Lolo.

Angelo: Four? eh parang nung four years old ka anak bulol ka pa eh.

Nagtawanan sila.

Sinag:   Wala naman kasi silang ginagawa sa bahay Papa kaya when they turned 3 ipinasok namin sila sa playschool para na rin hindi mahirapan si Yaya na magalaga sa kanila sa bahay. Doon po sila natututong makihalubilo sa ibang bata at makipagcommunicate ng maayos.  

Bianca:  Maganda ang playschool na yon Angelo. Inienhance ang creativity ng mga bata. At age 3 to 4 the kids are  taught to co-exist with each other, to communicate, to deal with other kids.  At age 4 to 5 they teach creativity and independence.  May isang room sila doon where kids are taught how to help do the household chores tapos may isang room naman, may mukhang bakery, restaurant, market tapos they do role playing.  Pipili ang isang bata ng gusto niyang maging sa role play so they are thought to bake, sell or make burgers.

Angelo:  Aba maganda nga. Magaling ang may-ari nyan sa naisip niyang concept.

Bianca:   European yung lalaking mayari at Pilipina yung babae, binuksan nila yon dahil may triplets sila at naisip niya para hindi sila mahirapan sa pagpapalaki sa mga anak nila.  Kaya ang unang estudyante nila yung triplets nila mismo.

Tahimik lang na nakikinig ang mga kasama nila sa lamesa.

Bianca:  Ahm Doc, ikaw may pamilya ka na?

Naubo si Benjie. Inabutan ni Yaya Dolor ng tubig.  Napabungisngis si Keith at Ninay.

Benjie:  Tita, ahm Benjie na lang po.  Wala pa po.  Ahm muntik na po kasi my Dad wants me to marry someone for business, pero tinakasan ko po yung kasal that's why I'm here.

Napatingin si Sinag.  Kunot ang noo.  Biglang kumunot yung noo ni Bianca.

Bianca:  Pinagkasundo ka ng father mo sa taong hindi mo mahal? Just for business?

Benjie: Opo, para daw po mas lumaki yung kayamanan na mapupunta sa akin.  Ewan ko, sobrang yaman na ni Papa, imagine he is one of the few people in the country who owns a red convertible ferrari.

Keith:  Wow! That is expensive!

Bianca: That's absurd! 

Benjie:  See, pati si Tita Bianca, naiintindihan ako.  Yun nga eh... ganon na siya kayaman, hindi ko alam kung ano pang gusto niya. Pero my mother taught me well about love and sacrifice. Na ang puso hindi pwedeng pabayaan, ang pagmamahal hindi pwedeng balewalain kailangan inaalagaan at ibinabalik ng sobra pa sa nararapat para maging masaya. My heart is the only thing that connected me to my mom and her love is the only thing she left me.  Kaya hindi po ako pumayag na saklawang ng Papa ko pati ang puso ko.

Nahampas ni Bianca ang lamesa sa galit.

Bianca: I don't understand men and their business. Madalas mas mahal pa nila ang negosyo nila kaysa sa asawa at anak nila. Angelo, ikaw... do not do that to your wife and child  because it might be too late and you will lose them.

Maemosyong sabi ni Bianca, nanulay ang mga luha sa pisngi nito.

Sinag: Mamshie, are you okay?

Bianca: I'm sorry, I got carried away. If you'll excuse me. Carry on with your dinner.

Tumayo na ito at tinungo ang kwarto niya. Tumakbong pasunod si Aria, umiiyak at yumakap kay Bianca. Inabutan siya nito bago pa siya nakapasok ng kwarto.  Kinalong niya ang bata.

Aira: Mamshie, please don't cry.  You miss him Mamshie?

Tumango si Bianca.

Ariel:  You can sing to me and cuddle me just like how you do with him so you will not miss him anymore. 

Pinilit ngumiti ni Bianca. Naglakad papasok ng kwarto habang kalong si Aria at nagsimulang kumanta.

Bianca:  And I love you so, The people ask me how? How I've lived till now? I tell them I don't know. I guess they understand, How lonely life has been. But life began again the day you took my hand.  Hm hm... hm hm hm hm hm hm... hmmm

Nagkatinginan si Angelo at Benjie at napatingin si Benjie sa pinto ng kwarto.  Tumayo siya at sumandal sa gilid ng pinto at napapikit hawak ang dibdib at nagsimulang tumulo ang luha sa mga pisngi.  Kilala niya ang tinig na yon, boses ng Mama niya yon.

Angelo:  Sinag, nasaan ang pamilya ng boss mo?

Sinag: ang kwento niya po, iniwan niya sa Pasig ang pamilya niya.  Iniwan niya ang anak niya ng dose anyos pa lang ito.  Pero nung ikakasal ang anak niya umuwi siya dahil gusto niya itong makita pero hindi niya nakita dahil hindi duma...

Hindi naituloy ni Sinag ang sasabihin... napatingin kay Benjie... Naisip niya ang sinabi ni Benjie na tinakasan nito ang sariling kasal.

Angelo:  Anong buong pangalan ng Boss mo?

Sinag:  Bianca Perez, pero... ang Perez po ay apelyido niya nung dalaga.  Santillan po ang...  Ikaw  si Ben? at Santillan ang apelyido ng asawa ni Mamshie.  Kaya niya tinanong kanina kung kilala mo si Arturo Santillan? Yun ang Papa mo! Benjamin Santillan ang pangalan ng anak niya! Ang tagal ka niyang hinanap!

Biglang lumabas si Bianca...  lumabas ng kwarto at lumapit sa dining table... hindi niya napansin si Benjie.

Bianca: Nakatulog na si Aria, don na muna siya sa kwarto ko ha

Napatunganga si Bianca sa itsura ng mga dinatnan niya. Hinanap ng mata si Benjie

Angelo:  Bianca, pwede ko bang malaman kung ano ang buo mong pangalan?

Bianca:  Bianca Sandra Perez is my maiden name... my married name is Santillan.  Angelo, I think your Doctor is my only son.

Benjie:  Mama...

Napalingon si Bianca sa pinagmulan ng tinig... nagulat silang lahat ng makita nilang bumabagsak si Benjie na parang nauupos na kandila.

Bianca:  Ben!... anong nang... 

Hindi na naituloy ang sasabihin, napatakbo para saluhin si Benjie. Nasalo naman siya ni Bianca. Binuhat siya ni Keith, dahil ang kwarto ni Sinag ang pinakamalapit doon nila ipinasok si Benje at inihiga sa kama ni Sinag. 

Sinag:  Ninay kunin mo yung bag ni Benjie 

Pagbalik ni Ninay, binuksan ni Sinag ang bag ni Benjie.  Naglagay ng amonia sa isang bulak at ibinigay kay Bianca.  

Sinag:  Tita, ipaamoy mo po sa kanya. 

 Inilabas ang stethoscope at thermometer.  

Kinuhanan niya ito ng temperature at pinakinggang ang heartbeat sa stethoscope hinawakan ang braso para pulsuhan... bahagya lang naman ang bilis nito. 

May lagnat at 39.9...  Samantala ng maamoy ang amonia, iginalaw ni Benjie ang ulo at umungol. Nahimasmasan siya. 

Nang marinig ang boses ni Sinag at maramdaman niyang ito ang nasa harapan niya.  Hindi siya nagmulat ng mata.

Bianca: Ben, anak are you alright?

Umungol lang siya para mapanatag ang Ina.

Kinuhanan din siya ng blood pressure  at blood sugar ni Sinag. Hinayaan lang niya.  Pero tumatakbo sa isip niya... "she is calm, she seems to know what she's doing."

Sinag:  Normal naman po lahat, may lagnat lang siya.  Baka napagod lang and  too much emotions lang kaya nahimatay.  Why don't you all finish your dinner. Ariel sige na baby go with Yaya first and finish your food.

Ariel:  Mama is Captain Doc going to be alright?

Sinag: Of course he will be.

Ariel:  You promise?

Sinag:  I promise... sige na... yan si Lolo Dada, bantayan mo he has to finish his food and drink his medicine na bigay ni Captain Doc.  

Ariel:  Okay, I'll take care of Lolo Dada while Captain Doc is Sick.  And you will take care of him right?

Sinag:  Huh? Ahm... si Mamshie will take care of him.

Ariel:  Mama, you have to take care of him... because you promised he'll be alright...

Bianca:  Sige na Ariel, be a good boy while your Mama is taking care of Captain Doc.

Ariel:  Lolo Dada, let's go na po.

Sinag:  Hayaan na muna natin siyang magpahinga.

Lumabas na sila Angelo, Ariel, Keith at Ninay.  Tatayo na si Sinag ng maramdaman niyang hinawakan ni Benjie ang braso niya.  Nagsalita ito ng hindi nagmumulat.

Benjie:  Please stay...

Sinag:  Ahm, kukuha lang ako ng pang sponge bath mo. You're Mom is here.  I'll be back.

Kinuha ni Sinag ang kamay ni Bianca at pinahawakan ang kamay ni Benjie at tuluyan na siyang tumayo at lumabas ng kwarto.  Paglabas niya sa dining nagliligpit na si Ninay at Keith.

Ninay:  Pumasok na si Tito sa Kwarto, si Ariel kinuha na ni Yaya at maghihilamos na.  May kailangan ka pa ba? Ihahatid ko si Keith sa B&B nagpabook siya kay Benjie doon eh.

Sinag:  Huh? Bakit ka pa nagpabook... may isa pa namang kwarto dito.

Keith:  Okay lang, magtatagal tayo dito diba?  Hindi magandang tignan kung dito ako matutulog eh dito nakatira yung liligawan ko.

Napangiti si Sinag, samantalang deadma naman si Ninay.  Alam niya si Sinag ang tinutukoy ni Keith. Samantalang sigurado naman si Sinag na si Ninay ang tinutukoy ni Keith pero hindi siya kumibo. 

Sinag:   Keith, pakipuntahan si Nitoy sa clinic, humingi ka ng gamot sabihin mo nilalagnat si Benjie. Ninay, pwedeng pakuha ng pajama si Benjie? Papupunasan ko kay Tita Bianca para bumaba yung lagnat.

Keith:  Bakit si Boss pa, ikaw na lang magsponge bath sa kanya.  Mas may alam ka dyan eh. Ang galing mo kaya sa medical training natin.

Sinag:  Syempre, hindi mo ba alam na mabisang gamot ang haplos ng isang ina. Sige na lumakad na kayo.

Kumuha ng plangganang maliit si Sinag nilagyan ng yelo at tubig.  Binitbit yon papunta sa kwarto at inilapag sa bedside table.  Kumuha din siya ng face towel at ibinigay kay Bianca. Pinunasan naman ni Bianca ang anak.  Iniwan na ni Sinag ang magina para kahit papano ay makapagusap.

Nagtimpla siya ng kape at binitbit yon sa veranda ng mansyon. Hinihigop habang nagiisip at kinakausap ang sarili... "It is a small world after all. Imagine sa tinagal-tagal sa dinami-dami ng mga lugar na pinuntahan ni Mamshie dito lang pala niya makikita ang anak na matagal na niyang hinahanap."

Bumuntunghininga siya at ngumiti... "at least isa sa amin ni Mamshie masaya na. Ako kaya?  Makikita ko pa kaya siya?"

Angelo:  Kamusta ang pasyente? 

Sinag:  Okay naman po.  Pinupunasan po ni Mamshie.

Angelo:  Where did you learn how to do all that?

Sinag:  Noong nasa Orphanage po, tinuruan kami ng first aid, the rest I learned from medical training.  Since we travel alot. Pina-attend ni Mam Bianca lahat ng Officers ng mga branch ng travel agency sa mga seminars... like first aid, basic medical help, how to survive in a plane crash or being stranded in an island.  Mga ganon po.  Hindi lang po kasi air flight ang meron kami meron din kaming Cruise. Madalas po may nagrerequest na client lalo na yung malalaking grupo ng tour guide. So isang officer at isang tour guide ang sumasama sa mga trip.

Angelo:  I'm really proud of you anak.

Niyakap ni Sinag ang ama.  Bumalik na si Keith at Ninay bitbit ang pantulog ni Benjie at ang gamot. Napatingin sila sa nagmamadaling lumabas ng kwarto ni Sinag na si Bianca.  Humihikbi ito.

Bianca:  Sorry to interrupt.  Hija, pwede bang ikaw na ang magbantay sa kanya.  I can't help but get emotional eh.  Baka lalong magkasakit ang anak ko sa nakikitang emotions ko eh.

Sinag:  Sige po Tita ako na pong bahala.  Papa, ikaw ng bahala kay Mamshie ha. Sama kayo sa akin Ninay.

Tumango si Angelo, naupo si Bianca sa  bench na nasa tabi ng pasamano ng veranda. 

Pumasok na sa kwarto sila Sinag.  Nakita niyang tumutulo ang luha mula sa mata ni Benjie. Tumagilid ito patalikod sa kanya para maitago ang pagiyak.  Pero lumapit si Sinag.  Naupo din si Ninay at Keith sa couch na nandoon.

Nakita pa niya ng pahiran ni Benjie ng palad ang mga luha nito.  Kinuha ni Sinag ang nakatuping face towel na nahulog mula sa noo nito ng tumagilid.  Binanlawan niya ito.

Sinag;  oh eto ang gamot inumin mo para mawala ang lagnat mo.  May sumasakit ba sa katawan mo baka may trangkaso ka.  May gusto ka bang ipakuhang gamot nandito si Keith at Ninay.

Benjie:  Hindi, walang masakit sa akin. Okay na itong paracetamol.  Keith, salamat ha.  Pasensya ka na nga pala hindi na kita nasamahan sa B&B. 

Keith:  Okay lang yon, nandoon naman si Nitoy. Siya ang nagbigay sa akin ng susi ng kwarto ko tsaka sinamahan naman ako ni Ninay eh.

Benjie:  Salamat sa inyo.

Ninag:  Sir Benjie, may sakit ka po ba?  I mean ibang sakit kasi hinimatay ka eh.

Saglit na natahimik si Benjie.

Benjie:  Wala... baka naover fatigue lang kaya ganon.  Hindi din kasi ako napagkakatulog eh.

Sinag:  Kailangan mong tumihaya para mailagay ang towel sa noon mo. Huwag kang mahiya kung gusto mong umiyak eh di umiyak ka.  May karapatan ka naman, ang tagal mong hindi nakasama ang Mama mo. Hindi nakakabawas ng pagkalalaki ang pagiyak.  Ipinapakita lang nito na bukal sa loob mo ang mga iniisip, sinasabi at nararamdaman mo.  Doctor ka, alam mong masama sa puso ang pagkimkim ng emosyon. Kapag nacardiac arrest ka dyan...  Papano na lang ang Mama mo ngayon ka nga lang niya makakasama, mawawala ka pa.

Tumihaya nga si Benjie.  Inilagay ni Sinag ang tuwalya sa noo niya.

Benjie:  ang drastic mong magisip... cardiac arrest kaagad?

Sinag:  Mas madali to expect the worst kasi kapag hindi nangyari mas masaya ang pakiramdam kaysa naman you keep your hopes up tapos hindi naman nangyari.  Mas masakit  tanggapin yon.

Benjie:  Speaking by experience?

Sinag:  Kindda...

Benjie:  Let me guess... you kept your hopes up about the kids father? Tapos iniwan ka naman.

Napatingin si Sinag kay Benjie. Nananantiya...

Sinag:  Ang lakas ng loob mo to guess that, bakit close ba tayo?  Siguro nagdedeliryo ka na kaya kung ano-anong sinasabi mo. Kung wala ka lang sakit, kanina pa ako naging sarcastic.  Pero dahil may sakit ka palalampasin ko ang pagtatanong mo.

Benjie:  Hindi ako pwedeng magtanong at magassume kasi hindi tayo friends at kahit kailan hindi mo gugustuhing makipagkaibigan sa akin, tama ba?  Bakit?

Sinag:  Dahil hindi kita kilala. Second wala akong tiwala sa yo.  But I am just giving you the benefit of the doubt dahil inaalagaan mo ang Papa ko although that is your profession.   Kung baga, tinatanaw kong isang utang na loob ang ginawa ninyo sa kaso ni Tita Caridad.   Now, na ikaw pala ang anak ni Mamshie. Then you can consider it as if  dahil mabait si Mamshie, I am giving you the benefit of the doubt na mabait ka din dahil nagmana ka sa kanya pero hindi pa din ako nagtitiwala sa yo.  Dahil, napakaimposibleng bigla kayong  sumulpot dito para tulungan ang Papa ko.

Napabuntunghiniga si Benjie.

Benjie:  Malaki na nga ang ipinagbago mo... 

Sinag:  What are you saying... how do you know na may nagbago sa akin eh hindi naman tayo magkakilala noon?

Benjie:  I mean... based sa mga kwento ng Papa mo at ng mga taga Hacienda... ang Sinag daw na kilala nila mabait, walang masamang damo sa kanya, madali siyang magpatawad at madali siyang magtiwala.

Sinag:  Kaya nga siguro ako nakuhang pagtangkaan ng masama ng iba dahil sa sobrang pagtitiwala ko eh. 

Benjie:  So, talagang naniniwala ka that my grandmother took advantage of the fact na kailangan ng Papa mo ng tulong kaya inalok niya ito na ibenta ang property ninyo?

Sinag:  Oo.

Ninay:  Oh tama na yan ah. Baka kung saan mapunta yang usapan na yan eh.

Benjie:   Judger ka pala eh. Hinusgahan mo ang Lola ko eh ni hindi mo pa nga siya nakikita o nakikilala.  Mabait ang Lola ko at mahal niya si Tito Angelo katulad ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Katulad ng kung papaano kang minahal ng Mama ko!

Natahimik si Sinag. Napaisip... may point nasa kasi ang sinabi nito.  Pwede nga namang kapareho ng Mama niya na tinulungan lang talaga ni Donya  Beatriz ang Papa niya katulad ng patulong ni Mam Bianca sa kanya.

Keith:  Oo nga alam ninyo saka na ninyo pagusapan yan kapag pareho kayong malakas at matino ang pagiisip. 

Tumayo si Sinag.  

Sinag:  Magpahinga na tayong pare-pareho.  This has been a very tiring and emotional day for everybody.

Lumabas na siya ng kuwarto kasunod niya sila Keith at Ninay. Hinatid ni Ninay si Keith sa pinto at saka humarap kay Sinag na nakatayo sa tabi ng pasamano ng veranda.

Ninay:  Best, kung ano ang iniisip mo, yun din naman ang iniisip ng marami eh pero dahil wala naman tayong nakikitang pagbabago dito pwera sa pagpapalit ng pangalan ng Hacienda. Wala tayong karapatang husgahan si Sir Benjie dahil baka naman talagang wala din siyang alam sa usapan ni Sir Angelo at Donya Beatriz.  Kung si Sir Angelo nga pinagkakatiwalaan si Sir Benjie eh. Why don't you give him a chance.

Sinag:  Ewan ko Ninay... may mali talaga eh.  But fine, I will be civil with him at hangga't kaya ko hindi ko na uungkatin pa ang tungkol dito.

Ninay:  That's better... sige magpapahinga na din ako. Teka nga pala... saan ka matutulog eh nasa kwarto mo siya.

 Sinag:  Tatabihan ko na lang ang mga bata, sa couch naman natulog si Yaya Betchay eh.

Ninay:  Tabihan mo na lang kaya si Sir Benjie baka sakaling makilala mo siya ng mabuti kapag alam mo na.

Sinag:  NINAY! 

Ninay:  Oh bakit,  hindi ba yung si Frogie, you had one night with him pero sabi mo nakilala siya ng puso mo. Malay mo sa ganoong paraan lang din kayo magkaayos ni Sir Benjie.

Sinay:  Excuse me! Ang layo niya sa Frog Prince ko no!  over my dead sexy body!

Napabungisngis silang dalawa.

Ninay:  Baka nakakalimutan mo... si Frog Prince lumabas ang tunay na anyo dahil sa isang halik.  Malay mo it takes just one kiss para mawala ang lahat ng pagdududa mo kay Sir Benjie.

Sinag:  O M G! Ninay ang harot mo!

Hinabol niya ito ng kurot sa singit.  Tumakbo itong bumubungisngis. Narinig yon lahat ni Angelo at Bianca na nasa garden sa harap ng mansyon na nasa ibaba lang ng veranda.  Nagkatinginan sila. 

Angelo: Kilala mo ba si Frog Prince?

Bianca:  Yun ang  tawag ni Shine, I mean Sinag doon sa lalaking nakasama niya ng isang magdamag. Yung ama ng mga bata.

Angelo:  Alam mo ba nagkwento sa akin si Benjie na ng takbuhan niya ang kasal niya pinuntahan niya ang babaing nakasama niya ng isang gabi.  May kasunduan silang pakakasalan niya ito para hindi siya pwedeng ipakasal sa iba. Kaso umalis na ito.

Bianca:  Kwento ni Sinag, ibinigay niya ang kanyang Virginity sa isang Doctor na nakasama niya ng isang magdamag para hindi na siya magustuhan pa ng intsik na pinagbebentahan sa kanya ng kanyang madrasta.

Angelo:  Hindi kaya...

Bianca:  Pareho ba ang iniisip natin? Pero bakit hindi sila magkakilala?

Angelo: Yang anak mo ba ganyan talaga ang itsura?  

Bianca:  Hindi... malayo siya sa itsura niya noon.

Angelo:  Malamang na hindi siya nakikilala ni Sinag dahil kahit kailan hindi tinitignan ni Sinag si Benjie sa mga mata.  Pero kung tama ang pagkakatanda ko... Shine ang pangalang sinabi sa akin ni Benjie  na pangalan nung babae.  At ang tawag ni Keith kay Sinag ay Shine kaya palagay ko alam na ni Benjie na si Sinag at ang Shine niya ay iisa.

Bianca:  Bakit hindi siya magpakilala kay Sinag?

Angelo:  Natatakot marahil sa magiging reaksyon sa kanya ni Sinag.

Bianca:  Hmmmm, tulungan kaya nating magkalapit ang dalawang yan?

Angelo:  gusto ko yang idea na yan.  Kung tama tayo sa lahat ng iniisip natin pwede nilang mabuo ang pamilya nila.

Ngumiti silang pareho at nagtoast ng wine na hawak nila.

Angelo:  Para sa Frog Prince at Princess!

Bumungisngis si Bianca.

Bianca:  Para sa pagmamahal.

Angelo/Bianca:  Cheers!

Samantala si Sinag, halos dalawang  oras ng nasa kwarto ng mga anak pero hindi naman antukin. Bumangon siya at pumunta sa kwarto niya para kumuha ng damit. Naisipan niyang magshower dahil baka naiinitan siya kaya hindi siya makatulog.

Inilapag niya sa couch ang mga damit na kinuha.  Lumapit sa natutulog na si Benjie. Napansin niyang pawis na pawis na ito.  Kumuha siya ng dalawang good morning towel at pinunasan ng pawis ang noo,mukha at leeg ni Benjie.  Napatitig siya sa mukha nito. Itinakip niya sa balbas nito ang towel. Napaisip... "Parang nakita ko na siya, may kamukha siya, hmmm siguro artista."

Bahagya niyang itinagilid ito at nilagyan ng towel ang likod para hindi matuyuan ng pawis at muling itinihaya.  Binanlawan niya ang face towel at muling ipinatong sa noo nito. Inayos niya ang kumot , aayusin sana niya hanggang sa balikat pero biglang inangat ni Benjie ang braso at niyakap siya. Napadapa tuloy siya sa ibabaw nito. At ang mukha niya two inches lang ang layo sa mukha nito. Umuungol ito. At sa pagkakadagan niya dito naramdaman niyang mainit ang buo nitong katawan.  Bumubulong siya sa sarili... "Diyos ko Lord, naghahalucinate pa ata."

Pilit niyang inilalayo ang mukha kaso nangawit na siya sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Bahagya siyang nangudngod at lumapat ang labi niya sa labi ng natutulog na binata. Hindi makagalaw si Sinag sa  takot na magising ito at makita siya. Mayamaya naramdaman niyang lumuwag ang pagkakayakap nito gumalaw ang mga kanay humaplos mula sa likod niya papunta sa batok at naramdaman niyang gumalaw ang labi nito sa ibabaw ng labi niya.  Napapikit na lang si Sinag, pero kinakausap pa rin ang sarili sa isip... "Oh my god naghahalucinate ata ng wet dreams niya."

Patuloy ang paggalaw ng labi nito, naramdaman ni Sinag ang malambot na labi at ang marahang paggalaw nito sa ibabaw ng labi niya. Mainit ang labi na yon, init na gumagapang papunta sa labi niya hanggang sa kaloob-looban niya. Hindi napigil ni Sinag na sumunod sa galaw ng labi nito at napaungol si Benjie. Napabuka ang mga labi ni Sinag at naramdaman niya ang pagpasok ng dila nito. Ilang sandali nilang pinagsaluhan ang isang sweet  and gentle kiss.  Naramdaman ni Sinag na bahagyang kinagat ni Benjie ang labi niya. Napamulat siya at mabilis na tumayo. Nalaglag ang braso ni Benjie na nakayakap sa kanya at parang walang nangyaring wala itong kagalaw-galaw  na natutulog at bahagya pang humihilik.

Dahan-dahang napaatras si Sinag, napahawak sa labi niya.  Hindi siya makapaniwala sa kung anong nangyari o nagawa niya. Umatras siya ng umatras hanggang tumama siya sa gilid ng couch at mapaupo.  Pinagsabihan niya ang sarili. "Sinag, you just french kissed a hallucinating sick guy. Ganyan ka na ba katigang?  Isa pa you hate facial hair! Eh bakit parang nakiliti ka pa!"

Naramdaman niyang umiinit ang mukha niya alam niyang kinikilig siya.  Isinubsob niya ang mukha sa unan na nasa couch at humiga.  Pinilit na lang niyang matulog. Sabi niya sa sarili... "wala ito, this is just a night mare."  Hanggang sa makatulugan na nga niya ang iniisip.




























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro