Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 - Paglisan

Caridad:  Bilisan ninyo, habulin ninyo ang babaing yan!

Sumisigaw sa galit  at humahangos itong pababa ng hagdan sumusunod sa kanyang mga tauhan na humahabol sa mabilis na tumatakbong si Sinag. Hindi nito alintana ang mga sanga ng halaman at punong madaanan niya, kahit magkasugat sugat pinasok niya ang masukal na lugar na yon ng gubat makalayo lang sa kanyang madrasta at sa mga pangit at mababahong tauhan nito.

Samantala sa itaas ng mansyon ng mga Buenavidez, nakadungaw lang si Angelo Buenavidez sa nangyayari sa kanyang kaisa-isang anak.  Tumutulo ang kanyang mga luha, nagsusumigaw sa galit ang kanyang dibdib pero wala siyang magawa.  Hindi niya kayang igalaw man lang ang kanyang katawan dahil na-stroke siya at paralisado ang kalahati ng katawan.

Walang lingon likod na nilisan ni Sinag ang kanilang tahanan upang mailigtas ang sarili... dahil ibinebenta siya ng kanyang madrasta sa mayamang negosyanteng si Mr. Cheng.  Naawa siya sa ama pero alam niyang naiintindihan siya nito at ang pagtango at pagtulo ng luha nito ang tanging naging sandata niya para maglakas loob na lisanin ang tahanan.

Takbo lang siya ng takbo at dahil sanay sa takbuhan, nakalayo siya sa mga tauhan ni Caridad. Hanggang marating niya ang paborito niyang lugar ang waterfalls na pinaglalaruan nila palagi noon nila Ninay at Badong.

Nilangoy niya patungo sa falls at pumasok sa ilalim nito kung saan may kwebang naglalagos sa kabilang parte ng bundok. Bihira ang taong nakakaalam ng lugar na yon.  Tanging ang mga taal na taga doon sa Sabtang lang ang nakakaalam non katulad niya at nila Ninay at Badong na doon ipinanganak sa Batanes at doon na lumaki.  Kaya ng marating ng mga tauhan ni Caridad ang falls at hindi siya nakita, kusa na itong nagalisan at nagiba ng daan para hanapin siya.  Nagpalipas ng halos isang oras sa kweba si Sinag bago tuluyang tinahak ang daan papunta sa kabilang lagusan.

Magdidilim na ng pagdesisyunan niyang tumakas kaya ng makarating siya sa kabilang lagusan ay gabi na. Bago lumabas ng kweba hinubad niya ang basang damit at nagpalit ng maong at t-shirt at ang kanyang hoodie, mula sa knapsack na nakasabit sa kanyang likod.  Tinahak niya ang daan patungo sa jetty port, nagbayad at nagmamadaling sumakay sa isang ferry at napabulong sa sarili... "Sana wala akong kakilalang matyempuhan ngayon please Lord."

Mahigit kalahating oras bago niya narating ang Ferry Port sa Ivana at mahigit kalahating oras bago siya nakarating ng  Basco Airport.  Nagpunta siya sa counter at bumili ng ticket para sa first flight out ng Basco papuntang Maynila kinabukasan dahil wala ng byahe ng gabing yon.  Nilakad niya lang ang pinakamalapit na Apartelle at doon nagpalipas ng gabi.

Matapos maligo at maghanda para matulog, dinukot niya ang cellphone mula sa knapsack at binuksan.  Tumunog ito ng tumunog hanggang makapasok ang lahat ng mga messages. Nakita niya ang messages ni Ninay.  Sinagot niya ang pinakahuling message nito at ilang minuto lang tumawag ito sa kanya.

Ninay:  Hello, best!  ano na nakalayo ka na ba?  OMG yang madrasta mong luka-luka nagpunta pa dito.  Inaaway ako, kung alam ko daw ay sabihin ko sa kanya kung nasan ka.  Sabi ko nababaliw na siya dahil hindi ko nga alam na umalis ka. 

Sinag:  Pasensya ka na best pati ikaw ginugulo niya, buti tumawag ka, paki sabi kay Badong siya ng bahala sa Daddy ko.  Best, dalawin mo siya araw-araw ha tsaka ibulong mo na okay lang ako.

Malungkot na sagot niya sa matalik na kaibigan.

Ninay:  Huwag kang magalala kaming bahala sa kanya, ang totoo nga niyan kumukuha lang ng ebidensiya si Badong, para mapaalis ang Madrasta mo sa  mansyon.  Kapag nakakuha siya magiging maayos na ang lagay ng Daddy mo.

Sinag:  Best salamat talaga.

Ninay:  Papano ka na niyan? Saan ka pupunta?

Sinag:  ang naiisip ko lang si Rachel na pinsan ko sa mother side, lumuwas siya ng Maynila two years ago para magaral.  Nagkakasulatan kami kaya may address niya ako. Huling sulat niya two months ago siguro naman doon pa din siya nakatira Third year college pa lang naman siya eh.

Ninay:  Alam mo bang puntahan?

Sinag:  Hindi pero ang sabi niya sa akin pagdating ko daw sa airport hanapin ko yung counter ng grab at magpahatid ako sa address niya sabi niya malapit lang daw sa Dela Salle University yun.

Ninay:  Okay, as if alam ko naman yang pinagsasabi mo. Basta magiingat ka ha at ipaalam mo agad sa akin kung nakarating ka.

Sinag:  Oo sige, Best si Daddy ha.  Please take care of her for me.

Ninay:  Don't worry hanggang pareho kami ni Badong na nagtatrabaho sa mansyon kaming bahala sa kanya.  Ingat ka.  Bye.

Tahimik niyang pinindot ang end call at ipinatong sa bed side table ang  cellphone niya. Kumalam ang sikmura niya, tumawag na lang siya ng room service at umorder ng tapsilog.  Matapos kumain, nilabhan niya sa banyo ang nabasa niyang damit at ihinanger din doon. Nagbabakasaling matuyo hanggang bukas ng umaga.  Pagkatapos nahiga na siya, ipinikit ang mga mata at pumasok sa isip niya ang itsura ng Daddy niya nung umalis siya. Umiiyak, pilit ibinubuka ang bibig at iginagalaw ang katawan.  Naiyak siya sa naalala niya hanggang nakatulugan na niya ang pagiyak.

Siya si  Sinag Buenavidez,  ang dalawangpu't tatlong taong gulang at kaisa-isang anak ni Angelo Buenavidez, isa sa pinakamayamang angkan sa kanilang lugar. Nakagraduate ng business course. May pagawaan sila ng native items na idinideliver sa mga mall sa Maynila.  Biyudo at may kinakasama, si Caridad. Na hindi niya akalain na masama  pala ang ugali at pera lang ang habol sa kanya.  Nang mastroke si Angelo, lumabas ang tunay na ugali nito, pinagmalupitan ang kanyang anak at dahil wala siyang makuha kay Angelo ibinenta sa isang negosyanteng intsik si Sinag na naging dahilan ng pagtakas nito.

Tumunog ang alarm ng cellphone niya ng ika-lima ng umaga.  Nagmamadali siyang bumangon, naligo, nagbihis. Naalala niya ang sabi ng pinsan niyang si Rachel dapat kung luluwas siya hindi siya mukhang probinsyana para hindi siya lapitan ng mga loko sa kalsada.  Inilabas niya ang maong na shorts, yellow na sleeveless blouse na may hood at ang katerno nitong maong na jacket, isinuot ang sneakers niya.  Nagsuot ng cap at ng shades tsaka humarap sa salamin. Kahit laki sa probinsiya... kung kumilos, magsalita at manamit naman ito ay para lang ding taga-maynila dahil lumaki sa mommy niyang business woman na nagpapabalik-balik lang sa Maynila at doon siya ipinamimili ng damit.  Naalala niya sabi ng Daddy niya noong bata pa siya madalas siyang isama ng Mommy niya doon bago ito pumanaw dahil sa isang car accident nung siya ay limang taong gulang pa lamang.

Sinag:  Hello, Shine... goodbye Sinag! Maiiwan ka muna dito sa atin ha.

Inayos na niya ang mga gamit, bumaba sa restaurant ng apartelle para magbreakfast at nagcheck-out eksaktong 6:30 ng umaga. Seven forty five ang flight niya papuntang Maynila. Mabilis naman siyang nakapagboard ng eroplano at habang umaangat ang eroplano pahimpapawid... naiiyak na tinanaw ni Sinag ang Sabtang Island, andg lugar kung saan siya ipinanganak, nagkamalay at lumaki.  Napabulong siya... "Paalam Morong sana makabalik pa ako sa iyo sa ibang araw."

Bandang ika-siyam ng umaga, nasa NAIA airport na siya.  Bumasagot siya sa mga staff ng airport na bumabati sa kanya ng Good morning at ngumingiti.  Pasimple ang paglinga niya at sinundan niya ng tingin ang karamihan sa  naglalakad palabas ng Airport at doon niya nakitang pumupunta ang mga ito sa isang green na counter na may nakalagay na Grab.  Napangiti siya.  Naisip niya... "Mabuti na lang talaga binasa ko ulit ang mga sulat ni Rachel."

Lumapit siya sa counter... 

Sinag:  Excuse me, sa W.H. Taft Residences near Dela Salle University

Nagpindot-pindot yung babae sa isang ipod...

Grab staff: Okay Mam, 103 pesos po. Your driver will arrive in 3 minutes.  Silver Altis DBY046.

Sinag:  Okay thanks!

Mayamaya nga dumating ang nasabing sasakyan, sumakay si Sinag at nakarating sa W.H. Taft Residences  ng kalahating oras.  Nagbayad siya at bumaba.  Pumasok sa lobby, wala halos tao sa lobby ng condominium.  Lumapit siya sa reception area.

Sinag:  Good morning po!  Pwede ko po bang malaman kung anong unit number ng pinsan ko si Rachel  Gregorio po.

Receptionist:  Hindi kami nagbibigay ng unit number, sorry.  Pero pwede kong itawag na nandito ka.  Ano ngang pangalan mo Miss?

Sinag:  Sin... I mean Shine,  Shine Buenavidez. Thanks ha.

Dinaial ng receptionist ang ilang number tapos kinausap ang nasa kabilang linya. Makalipas ang ilang minuto...

Receptionist:  Miss pakihintay na lang siya, susunduin ka daw niya dito sa ibaba.  Upo ka muna.

Sinag:  Salamat.

Naupo siya sa isa sa mga couch na nandoon.  Mayamaya bumukas ang elevator na nasa dulo sa bandang kanan ng kinauupuan ni Sinag at narinig niyang tumili ang pinsan.

Rachel: Siiiiiiiiiinnnnnnnnaaaaaagggg! Oh my gosh, you're here!

Tumakbong palapit si Sinag sa pinsan, yumakap at hindi napigilang umiyak.  Inalo ito ni Rachel at iniupo.

Rachel:  Huwag ka ng umiyak nandito ka nakarating ka na.  Mabuti pa punasan mo muna yang mukha mo samahan mo muna akong bumili ng pagkain natin para pagakyat natin makapagkwentuhan na tayo.

Tumango si Sinag, pinunasan ang mukha at pinilit ngumiti.

Rachel:  Ms. Lilybeth, pinsan ko ho dito siya titira sa akin habang nandito siya sa Maynila.

Lilybeth:  Okay po Mam, ilagay ko na lang ho siya sa list of guest.  Ano nga hong pangalan? 

Sinag:  Sunshine Buenavidez, Shine po ang itawag ninyo sa akin.

Lilybeth:  Ok na.  abuti po may kasama na kayo ngayon Ms. Rachel.

Rachel:  Oo nga, mas masaya na!  Kaya ikaw huwag ka ng magdrama dyan.  Mamaya ipapakilala kita sa mga kabarkada ko at lalabas tayo.  Walwal to the max!

Sinag:  Huh?  Walwal?  Teka nga pala, wala ka ng pasok?

Rachel:  Ano ka ba Saturday ngayon, wala akong pasok.

Rachel:  Oo magwawala tayo, magiinom, at magpapakalasing para kalimutan yang mga problemang yan.

Sinag:  Insan, ayoko sa maingay... 

Rachel:  Naku Cous, karamihan sa lugar dito sa Manila maingay, natatahimik ka lang kapag nasa loob ka ng kwarto mo at natutulog.  Pero huwag kang magalala, I will make sure na mageenjoy ka.

Magkaakbay ng umakyat sa unit ni Rachel silang magpinsan.  Kahit papano nakampante naman ang pakiramdam ni Sinag.  Alam naman kasi niyang hindi siya pababayaan ng kanyang pinsan.

Samantala,  sa isang mansyon sa Valle Verde 4 sa Pasig.  Sa harap ng hapagkainan ng umagang yon habang nagaagahan. Naguusap ang mag-amang si Arturo at Benjie Santillan.

Arturo:  Benjie, Hijo... Mindy will be expecting you today.  Samahan mo siyang magpunta ng gym tapos umattend kayo ng business conference sa Subic para makapagrelax ka naman.

Benjie:  Pa, bakit naman niya ako iniexpect eh hindi ko naman siya nakausap. Isa pa ayokong kasabay sa gym yon. Masyadong papansin na maingay pa walang kafinesse finesse tumawa eh. One more thing how can I relax kung aattend ako ng conference kasama yon eh  ang daldal non puro kaartehan naman ang alam.

Arturo:  Benjamin, you have to learn how to treat her nicely and deal with her dahil eventually pakakasalan mo din naman siya para  magmerge na ang businesses ng pamilya natin.

Benjie:  Pa, ano ako isang comodity na ipangbabarter mo?  Wake up Pa, it's the 21st century hindi na uso ang ipinagkakasundo sa kasal.

Arturo:  Benjamin... kapag natuloy yon... magiging malawak ang negosyong pwede mong hawakan at kayo lang ni Mindy ang magmamana ng lahat ng yon.

Benjie:  Doesn't it occur to you that I don't really care about your wealth.  Tama na sa akin ang naiwan na Time Deposit ni Mama para sa akin at ngayon na nakagraduate na ako eh  di makakapag-apply na ako ng trabaho sa US at mahahanap ko na si Mama.  I will be away from all the  lies na ibinibintang ng mga tao dito kay Mama.

Natahimik si Arturo alam niyang siya ang pinariringgan ng kanyang anak na nagbibintang sa kanyang ina.

Benjie: Kung alam lang ni Mama na sisiraan mo lang siya sa akin, hindi niya siguro ako ipinagkatiwalang iwan sa yo.

Armando:  BENJAMIN DON'T TALK TO YOUR FATHER THAT WAY!

Benjie:  In what way Lolo? I am just stating the facts. 

Armando: Ayusin mo ang pananalita mo Benjamin or else!

Benjie:  Or else what  Lolo? Idi-disown mo ako?  Masama bang sabihin ang totoo kaya ba umalis ang Mama dahil ganito din kung tratuhin ninyo siya, bawal ang magsabi ng totoo?

Beatriz:  Of course not Hijo, we loved your Mama, its just that...

Benjie:  It's just what Lola, she was not happy here pero walang nakinig sa kanya.  Sino ang magtyatyaga sa ugali ni Papa, kadugo mo ba si Marcos ha Pa?!

Armando:  Benjamin ano ba?!

Benjie: Totoo  naman Lolo di ba, galit siya kay Mama dahil iniwan siya kaya bitter ka.  Kung ano-ano ang sinabi mo sa Lolo at Lola kaya pati sila galit kay Mama.  Pero kung tutuusin kasalanan mo naman nung umalis siya. Hinanap mo ba siya? Pinuntahan mo ba?  Nakausap mo ba siya?  Hinabol at pinigilan mo ba?  HINDI!  Tumanga ka lang, ang taas ng pride at hinayaan mo siyang umalis! Kaya wala kang karapatang sabihing ipinagpalit ka niya sa iba.  At kung sakali mang totoo na may ibang pamilya na siya, kasalanan mo!  Dahil hinayaan mo siyang umalis, hindi mo siya pinigilan at ni hindi mo siya sinundan!  

Beatriz:  Tama na apo, nasa harap kayo ng pagkain eh.

Benjie:  Huwag ako ang pagsabihan ninyo Lola, yang anak ninyo dahil ang aga-aga yang ilusyon niyang pakakasalan ko si Mindy ang sinasabi sa akin.  I may be your son, Pa.  Pero pwede ba Pa, huwag mo akong igaya sa yo na hindi ipinaglaban ang babaing mahal niya.   Kaya kahit anong gawin mo, malugi at magkabaon-baon ka man sa utang hindi ako pakakasal kay Mindy!

Arturo:  Benjamin ang negosyong ito ang bumuhay sa yo at nakapagpatapos sa pagaaral mo! How dare you!

Benjie:  I promise to pay back and help you pero I WILL NEVER EVER MARRY FOR YOUR BUSINESS!

Tumayo si Benjie at hinawi ang silya, dumerecho sa second floor ng mansyon at pabalabag na isinara ang pinto ng kwarto niya.  Naiwang nakatingin na lang si Arturo at iiling-iling. 

Beatriz:  Arturo, ano bang kalokohan yang pinagsasabi mo sa anak mo!

Arturo:  Inihahanda ko lang siya Ma.

Beatriz:  Huwag mong saklawan ang kaligayahan ng anak mo Arturo kung ayaw mong magaya yan sa Mama niya.

Armando:  Beatriz, ginagawa lang ng anak mo ang alam niyang makakabuti sa kanyang anak.

Beatriz:  Makakabuti kay Benjie or sa mga negosyo ninyo.  Pareho kayong dalawa, maswerte ka lang Armando at nangako ako sa mga magulang kong hindi ako magkakaron ng broken family kung hindi matagal na kitang nilayasan!

Armando:   Beatriz naman...

Beatriz:  Tigilan ninyo ang apo ko! Kapag tuluyang nagrebelde yan humanda talaga kayong dalawa sa akin.

Yan ang karaniwang tanawin at maririnig sa araw-araw sa tahanan ng mga Santillan simula ng umalis ang Ina ni Benjie papunta sa US at ang kanyang ama ang pinagbubuntunan niya ng sisi at sama ng loob.

Iyan si Benjamin Santillan ang kaisa-isang tagapagmana ng mga Santillan na nagmamay-ari ng ilang Hotel sa Maynila, Boracay, Bohol at Palawan - Le Soleil Hotels and Resorts.  .  Nakagraduate ng Doctor of Medicine sa De La Salle Health Science Institute at isa ng ganap na Doctor sa edad  na dalawampu't anim na taong gulang.  Grumaduate sa idad na 10 years old noong elementary dahil ilang beses na naaccelerate at grumaduate ng senior high school ng 16 years old makalipas ang walong taon isa ng ganap na Doctor.

Naupo siya sa kama, kinuha ang cellphone at tinawagan ang kaibigan 

Benjie:  Glenn let's go out and meet  at "The Lit"

Glenn:  Oh mukhang labasan ng sama ng loob ah hindi ka sa Prive nagyayaya eh... bakit na naman?

Benjie:  Bad trip si Papa eh.

Glenn:  I'll see you there tonight then.

Benjie:  Isama mo si Raul, Brandon at ang buong tropa.  My treat... pagbabayarin ko ng malaking credit card bill ang Tatay ko!

Glenn:  You're the man!






















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro