Chapter 6
But Im His Wife.
"Let go of me!" Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pati boses ko napapaos narin. Maalala ko lang lahat ng sakripisyo ko nong tatlong taon na kaming mag kasama.
Patulak nya kong nilayo kaya dahil sa panghihina ay nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig, tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko.
Tangina ang sakit.
"Umalis kana..." Hindi ako gumalaw.
"Get the fuck up! Umalis kana!" Galit na sigaw nya namumula ang mga mata nya dahil sa galit.
Nanghihinang tumayo ako pero mabilis nya namang hinablot ang braso ko at pabatong nilabas sa pintuan ng kwarto nya.
Humihikbi akong sinampal sya, ubos na ang boses ko wala nakong maisabi kundi hikbi na lang. Patunog syang ngumisi habang nakatagilid parin ang mukha dahil sa lakas ng sampal ko. Kumikinang ang diamond earring nya dahil sa liwanag, kumikinang naman ang mga luha ko dahil din sa liwanag.
"Gaizen! Anong ginagawa mo sa asawa mo!" Sigaw ni manang at nilapitan ako.
Masamang tinignan ako ni gaizen.
"Diba ang sabi ko walang papasok sa kwarto ko!" Napapikit naman ako. Maling rason yan para saktan moko gaizen...
"Iha... Magpahinga kana muna." Nilingon ako ni manang, pero nakay gaizen ang tingin ko na masama ring tinitigan ako.
"Just fvcking tell me gaizen! Bat ba galit na galit ka saken ha?! Dahil ba sa pilit kong pag papakasal sayo?! Just fucking tell me! Kung sawa kana kung ayaw mo na tell me! Kase ako? Kahit pagod nako pinangako kong paibigin ka at alagaan ka kapag asawa mo na ko! Now... Cinareer ko ang lahat! Inaalagaan kita, pinagluluto kita kahit hindi mo naman kinakain, ako ang naglilinis ng kwarto mo, kahit may kasama kang mga babae dito, nagreklamo bako? Hindi kita masisisi kung ganito ang ginagawa mo, pero sana respetuhin moko bilang babae na lang! Sabihin mo sakin para bumitiw narin ako!" Sa wakas nakapagsalita din ako.
"Bakit ba pinipilit mo ang sarili mo samin huh? Tuwing nakikita kita naiirita ako! Sige rerespetuhin kita, pero nirerespeto mo ba ang privacy ko? Kung ayaw kong may pumapasok kahit sino sainyo palalayasin ko! Baka nakakalimutan mong pamamahay ko to?! Wala akong sinabing carireen mo lahat ng gawain dito! May sarili akong mundo at ikaw rin, hinahayaan lng kita dahil wala akong pakealam sayo, hindi ko din hininging alagaan moko dahil kaya ko na ang sarili ko hindi ko hininging ipagluto moko dahil sa labas nako kumakain! Hindi ko din hininging maglinis ka sa kwarto kong ayaw kong pinapasukan! At may susi ka pa huh? Hindi ko alam yan--"
"Hindi iyan ang hinihingi ko gaizen! Ang gusto kong malaman ay bakit galit na galit ka saken!"
"Dahil nga sa pag pipilit mo sa sarili mo samin! Sa pagpapakasal mo sakin! At may lakas ng loob ka pang mag pakasal huh? Na akala mo may gusto ako sayo? Yeahh... Sinabi ko yun dahil trip ko lang yun at habang magkasama tayo may relasyon na ako kay Valerie..."
Hanggang dito sa balkonahe ay tanaw na tanaw ang Eiffel Tower, now... Babalik nakong pilipinas, I don't know how to face him without bittered.
Seeing him happy with Ate Valerie was a biggest pain i felt, lalo na kasal na sila. Am i happy for them? Halos wala nakong balita sa kanila.
"Avory! Tara na!" Yaya ni summer. Pumasok nako sa loob, andito ako sa condo unit ni summer pero may bahay naman sila dito lang sya natutulog.
Mamamaalam lang ako pero gusto nyang sumama kaya pinagbigyan ko na lng.
"Kelan ka uuwing pilipinas?" I ask.
"Haayyy malalaman lang yan." Sagot nya habang inaayos ang buhok. Nasa tapat naman ng pinto si louis at nginitian lamang ako so i smiled back. Nasa labas naman si vince at nagbabantay sa kotse nya, hindi sumama sina Chelsea.
Alam ng mga kaibigan namin kung ano ako noon. Well it's been 5 years of friendships at mapagkakatiwalaan talaga sila, i will miss them.
"So louis sasama kaba kay summer pagbalik nya sa pilipinas?" I ask.
"Maybe no?"
"And why? Busy?" Tumawa ako.
"Ewan ko sayo avory!" Irap ni summer.
"Yeah..." Tumawa rin si louis.
"Nako dali na baka mag bago pa isip kong wag nang umalis." Tumawa ulit ako.
Ng makababa na kami, agad akong sinalubong ni vince.
"I will miss you, baka sa susunod makaka punta ulit akong pilipinas." Humalakhak sya.
"Yeah sure!"
Pumasok nako sa front seat ng pagbuksan ako ni vince at nasa isang kotse naman sila summer. Ilang minuto lang papuntang airport.
I will gonna text mommy. Umikot si vince sa driver seat at pinaandar na ang kotse nya.
Me:
Hey mom i miss you, I'm going home na.:)
Nag vibrate bigla ang cellphone ko kaya sinagot ko ang tawag ni mommy.
"I miss you too, baby... How's your life their?"
"It's okay mom, how about you and daddy?"
"We're fine, btw kami susundo sayo dito, mga anong oras?"
"Amm... Maybe 13 hours..."
"Are you alone? Where's summer?"
"No mom, I'm with..." Tinignan ko si vince na pabalik balik ang nakatingin sakin at sa daan. "Vince a friend of mine and summer... Nasa kabilang kotse sina summer at yung boyfriend nyang french."
"Ohh... Why don't you get married again anyway?... What do you think? You know your already 26! Do you have a boyfriend?" Halos masamid ako sa sariling laway dahil sa sunod sunod na tanong nya.
"What the hell mom! Pumunta akong france para makapag aral at makapagawa ng annulment!" Tumaas ang boses ko.
"Ohh... Avory your too selfish! How about your daddy and i? Before we're gone we want to see my future grandchild." Nasapol ko ang sariling noo.
Hindi ba sila nadala sa nangyare noon? Or maybe dahil sa katandaan.
"Mom...i never ever thinking that before...and don't say that before you we're gone! Ohh God!"
Tumawa lang sya.
"Ohh, anong sabe bat stressed ka." Natatawang tanong ng kasama ko.
"Mom said i have to get married because I'm freaking 26! They're want a grandchild of mine!" Frustrated na sabi ko.
"Maybe we can make that!" Ngumisi sya "right now..." Agad ko syang hinampas hampas at tatawa lng sya.
Sobrang init ng mukha ko dahil sa hiya at peste lang sana di ko na kinuwento!
"Ewan ko sayo."
Ng makarating na kami sa airport, ay niyakap ako ni summer.
"Hoi! Hintayin moko ah!" Tumawa sya.
"Sumama kana kase!" Nag pout ako.
"Gaga tatapusin ko pa ang kontrata sa trabaho ko, tsaka para narin makaiwas kay Vaughn" umirap sya.
Nasa panglimang upuan ako umupo, natanaw ko pa sina summer na kumakaway sakin kaya kumaway din ako pabalik.
Kumatok ako sa kwarto ni gaizer dala dala ang maliit na planggana na may mainit na tubig at puting pamunas.
"What the fuck!" Galit na bunggad nya sa pinto.
Sobrang nag aalala ako sa kalagayan nya, mapupungay ang mga mata nya ng tignan ko, nag iwas sya ng tingin at isasarado na sana ng bigla ko syang pinigilan.
"Get the fuck out!" Hinablot nya ang kamay kong mahigpit ng pumasok ako sa kwarto nya, napapikit pako sa sobrang higpit non, ang sakit na iniinda ko ay di ko na pinansin.
"Humiga ka na..." Tinignan ko sya. Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko kaya napangiwi ako sa sakit.
"Bat ba ang tigas ng ulo mo?! I said-"
"Kahit ngayon lng gaizen please... Aalagaan kita sa ayaw at sa gusto mo! May lagnan ka!"
Unti unti ding lumuwag ang pagkakahawak nya kaya napangiti ako.
Nilapag ko sa katabing lamesa sa higaan nya ang dalang maliit na planggana.
Lumapit ako sa kanya at nilapat ang likod ng palad sa leeg at noo nya. Halos mapaso ako sa sobrang init nya.
"Mahiga ka..." Utas ko sumunod naman sya, parang may nagliliparan sa loob ng tsyan ko dahil lng sa simpleng pagsunod nya.
Binabad ko ang puting panyo sa maiinit na tubig at piniga piga ito.
Lumingon ako kay gaizen na nakatingin din sakin kaya ng mahuli ko ang mga tingin nya ay nag iwas sya.
Ngumiti ako sa di malamang dahilan.
Sana ganito na lang... Gusto ko yung ako ang nagaalaga sa kanya.
Pinunasan ko ang buong katawan nya, ang init parin nito, hindi ko alam kung bakit nilalagnat ito, siguro kahapon ito ng hapon dahil sa lakas ng ulan at baka napatakan sya ng konting ulan at hinayaan nya na lng ito sa sobrang pagod galing trabaho.
"Wag kang babangon dito ka lng, ipagluluto kita ng lugaw at wag kang lalabas." Hindi ko na hinintay na magsalita sya ay lumabas nako sa silid nya.
Binigay ko na sa isa sa mga kasambahay namin ang planggana at nag simula nang magluto.
Malapit ko nang matapos ang niluluto ay may sumigaw at umalingawngaw ito sa buong mansion.
"Gaizen!" Boses palang si ate na may dala syang isang basket ng mga prutas at isang baunan ng pagkain.
Gulat syang makita akong may bitbit na tray na may lugaw, tubig at gamot galing sa kusina. Nauna syang umakyat sa kwarto nito.
Ng binuksan ko ito ay naka lock na, shit! Mabuti na lng at may dala akong susi kaya nabuksan koto ng walang kahirap hirap.
"Ano bang nangyare sayo? I thought you will be their for our date-" gulat syang napatingin sa kinaroroonan ko, ang akala nya hindi ko ito mabubuksan.
And what about that date? Alam kong lagi silang magkakasama pero nasasaktan parin ako na parang nagugulat parin akong malamang nagdadate sila.
"Why are you here! I thought your trespassing!" Mataray na tanong nito ng makalapit ako.
Napabugtong hininga naman akong nilapag ang tray sa table malapit sa basket na puno ng prutas.
"Ughh... Never mind Anyway... May dala akong pagkain at may lugaw rin akong niluto you don't need to bring that to him at baka malason sya." Napapikit ako dahil dun. Kaya binalingan ko sya.
"Ako ang unang nakaalam na may sakit sya, why did you know anyway?" Humalukipkip ako, nag aalinlangan naman syang nag isip.
"O-of course! He text me! May date kami so he didn't show up!"
Tinignan ko si gaizen na nakatingin lamang sakin pumupungay ang mga mata nito kaya binaling ko kay ate ang atensyon.
"He let me take care of him..." I said.
"But I'm his girlfriend." Ngumisi sya.
"But Im his Wife." Ngumisi ako lalo ng unti unting mapawi ang ngisi nya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro