Chapter 2
It Hurts you
"AVORY! ano ba napaka kj mo! Dali na!" Yaya ni Chelsea isa sya sa mga naging kaibigan ni summer na naging kaibigan ko na rin sa dito sa france, mga pinay din sila na kasing edad rin namin, naging kaklase ko narin sila, actually dito nako nagtapos sa pag aaral ko fourth year college. simula kasi nung kinasal kami ni gaizen, huminto nako sa pag aaral, and thats my first year college, i was 19 years old and he's 23 same with ate Valerie.
Tumawa ako at umiling sign na ayaw ko.
"Ikaw naman ang pumalit saken kanina niyayaya mokong maligo tse!" Tampo ni summer. Tinignan ko naman ang position ko, naka upo ako sa pool side tas winiwave din ang dalawang paa.
"Ughh... Ayaw ko nga kulit e di naman kita kinulit kanina e." Umirap ako.
"Alam mo avory bukas na ang balik mo papuntang pilipinas kaya sulitin na natin to woii!" Sabi ni Lhali na nag flofloating. Nakumbinsi naman ako kaya lumangoy nako sa pool.
"Yeheeyy!" Si Kiara
"Kung hindi kapa pumayag tatawagin ko si vince ayun ohh!" Tatawang tinuro ni lhali si vince na kasama din si Louis, we y'all know na may gusto sakin si Vince yeah... He's good enough but i think i didn't deserve him, i know...
Inirapan ko sya at lumangoy. Nakita kong lumapit si louisian kay summer na pulang pula ang mukha. Kinilig ako sa kanila gaya nila Chelsea. I'm happy both of them kahit na pinipilit ni summer na hanggang crush nya lang si louis but I'm 100% na magiging sila. Si louis ay isang pure french, alam nya din mag Filipino languages dahil nag aaral naman sya sa international school dito sa france, he's Handsome too bagay sila.
"Go! Louisian! HAHAHAH!" Tili ni kiana na kumakain ng crackers sa lounge chair kasama ang boyfriend nyang french din, si Adrian.
"Wowhooo! Walang lulubog! LouiMyyyy!" Tili ko rin! Inirapan ako ni summer kaya tumawa ako, may binigay si louis sa kanya na di ko naman alam, ngumiti sya tinaggap yun, OMG! ITS A RING! Lalong pumula ang mukha ni summer ng nag tilian ulit kami.
Nagulat ako ng halikan ako ni Vince, nasa bar kami ngayon at nag cecelebrate ng sinagot na ni summer si Louis. And i can't believe it ni hindi man lang sinabi ni summer na gusto nya si Louis!
I feel tipsy, nakangiting tinignan nya ko, kaming dalawa lang dito dahil yung mga kasama ko nasa harap na at sumasayaw.
"I'm inlove with you, so much. avory alam kong ayaw mo pa dahil sa mga pinag daanan mo noon, but I'm willing to accept you, pwede mo rin akong gawing rebound-"
"What the hell vince, no! What the hell are you thinking i didn't do that!" Umiling ako, tinungga ang isang baso ng paborito kong wine.
"I will do that avory basta ikaw." Para akong nanghina dahil sa mata nyang nakatitig sakin ang lungkot ng mga mata nya. Oo kahit ako gagawin ko yan para sa taong mahal ko handa akong sumugal, sumugal nanga e pero talo parin, handa akong maging rebound nya kung sakaling iniwan na sya...
"You know me vince, hindi pa ako-"
"I know, i want to feel you how much I love you." Nilapit nya ang mukha nya kaya hinayaan ko na lang, nang tumama ang ilong naming dalawa ay napapikit sya.
"You don't have to say it vince, i already knew it, here..." i said pointing his chest. Ngumisi sya at amoy ko ang hininga nyang mabango na pinaghalong alak.
Hinalikan nyako ng napakainit na halik kaya tinugon ko rin ang halik nya, ramdam kong ngumisi sya sa halik ko, pinadausdus ko ang dalawang palad ko sa malalapad nyang dibdib, hinawakan ng sa isang kamay nya ang baywang ko at ang isa naman ay sa batok, pilit kong nilalapit ang sarili ko sakanya, isa lang ang nasaisip ko i need to move on, i say that before to convince summer but i didn't, kailangan kong ituon ang atensyon ko sa iba, especially vincent.
Agad na bumaba ang halik nya sa panga ko, pababa sa leeg, napaungol ako ng sipsipin nya yun, what the heck I'm doing! This isn't Right!. Mabilis kong tinulak si vince na nagtataka.
"I-im sorry v-vince..." Nakayukong sabi ko.
"It's okay." Malungkot na ang boses nya. Walang nagsalita samin kaya, katahimikan ang bumalot samin dito sa table, kahit na maingay ang sounds system dito sa bar ay parang may mga kuliglig na nag bubulungan sa tenga ko dahil sa katahimikan namin.
"Sya parin ba?" Sa wakas ay nag tanong sya, alam ko na agad kung sino. Binalingan ko naman sya, Pero hindi ako sumagot.
"Hindi ko alam bat, sya parin sinasaktan ka naman nun, kase ang swerte nya...kung sana ako yun aalagaan kita." Tuminginna sya sakin. Napalunok ako.
I'm sorry...
Lagi lagi kong sinusundan si gaizen ng palihim, of course crush ko sya eh. I was first year High school when i met him, he's Grade 11 and he's gorgeously handsome! I never felt that, I always tell summer about him, halos bukambibig ko ay Gaizen.
Nung araw na sinusundan ko sya dun ko napagtantong ang bait nya! Lalong nahumaling ako sa kanya. Lagi nyang tinutulungan yung mga highschool students na binubully.
Ting!
I have a plan!
Pumunta ako sa roon nila summer, sad to say hindi kami mag kaklase... Nagstustudy sya sa room nila ng mapansin ako ay masaya syang pumunta sakin.
"Please help me to him!" I favored
"What?....To what?" Naguguluhang tanong nya. Agad ko syang hinila sa labas ng pintuan ng classroom nila.
"You have to act like you Bullied me."
"What the hell? Are out of your mind? How can he noticed you?" Tumaas ang isang kilay nya.
Humalukipkip ako at tinignan sya ng deretso. Di nya naman alam na mabait si gaizen!
"Just do what i want!" I only said.
"Ughh... Avoriane Maureen Jardele the spoiled brat...isa nang alagad ni Gaizen..." Biro nya, ngumisi na lang ako.
Pumunta kami sa paborito nyang tambayan yung sa harap ng garden dahil may puno dun na malaki at lamesa at upuan na pang apatan. Ngumisi ako nang makita syang kumakaing mag isa. Binggo!
"Oh ito kunin mo!" Natatarantang kinuha ni summer ang bote ng juice na binili namin, syempre medyo malayo kame yung kita nya talaga, nakatago din kami sa malaking puno na katabi ng punong tinatambayan nya.
"Basta ganito gawin mo... Blah blah blah blah... Basta bullihin moko!" Excited na sabi ko, ang gaga tumango tango na parang alam ang gagawin kaya mas lalo akong kinabahan na pinaghalong excitement.
Ako ang unang lumabas sa puno at agad naman akong napansin ni gaizen, halos mapamura ako sa pangangatog ng binti ko at pag bilis ng tibok ng puso ko, napagtanto kong ang lakas ng amats nya saken!
Sumunod naman si summer galit na galit, ako naman nag akting na parang kaawaan.
"Gaga ka! Inagaw mo sya! Napakawalangya mo!" Sigaw ni summer sabay hablot ng braso ko para mabaling ako sa kanya, naiiyak naman akong tinignan sya.
Ang hinayupak na gulat! At palihim na tinignan si gaizen na nililigpit ang pinagkainan.
"Ta-tangin... Anong gagawin?" Natatarantang bulong nya, hindi gumagalaw ang bibig.
"Buksan mo bote itapon mo bilis!" Ganun din ginawa ko ng mapagtantong mabilis na lumapit si gaizen samin! Nanghihina ako, nanginginig namang binuksan ni summer ang bote at tinapon sa pagmumukha ko!
Tanginaa ang hapdiiiii!!!!
Ngayon tumulo na ang luha ko sa sobrang hapdi!
"Y-yan bagay yan sayo! H-hi h-higad!" Nauutal na sigaw ni summer, napagtanto nya kasing tumulo ang luha ko.
"Anong nangyare?!" Sigaw ni gaizen sabay hiwalay saming dalawa. Palihim naman kong kinagat ang labi dahil sa koryenteng bumalot saking katawan ng dahil lng sa pagkakahawak nya sa braso ko.
"A-anoo... Wala inaway ko lang!" Pagalit na rason ni summer.
"Fvck! Okay ka lang?" He ask me, hindi nya pinansin si summer. Hindi ako nagsalita kaya agad nya kong kinaladkad. Wala akong ginawa kundi ngumiti sa kilig!
Sinenyasan ako ni summer ng Fvck you! Tumawa naman ako.
Dinala nyako sa infirmary, hindi ko maiwasang hindi sya ngitian tuwing binabalingan nyako ng may pag alala, kahit na mahapdi ang mata ko, para akong walang iniindang sakit! Tinignan ng nurse ang mata ko at wala naman iyon, mawawala din daw yun.
Ng makalabas na kami,
"Don't ever do that again." He said without looking at me. Ako ang tumingin sa kanyang may pagtataka.
"Alam kong gusto mong mapansin kita so don't do that again, it hurts you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro