Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Avoriane's Point of view

Mag isa

"So now? Anong gagawin mo?" Tanong ni summer. Ngumisi lang ako.

Gagawin ko? Wala kasalanan ko din naman e, nagpumilit pa ko sa wala. Lahat ng sakripisyo ko napunta naman sa wala.

Nagsip ako ng shake at inayos ang sunglasses, ginaya ko ang higa ni summer sa lounge chair.

"Ano na? Wala ka man lang gagawin? Revenge?" Tinukod nya ang siko nya sa lounge chair at binalingan ako para makita ang reaksyon ko.

"Anong Revenge? Gaga ka kasalanan ko din naman kaya bagay na yung manahimik na lang ako dito." Sagot ko at nagsip naman ng shake. Tinanggal nya ang suot na sunglasses dahil sa sinabi ko.

Tumawa na lang ako.

"Okay ka lang avory? Nagpapatawa kaba? Parang di ikaw yan ah! San na yung spoiled brat ng Jardele?" Masama ko naman syang tinignan kahit di nya naman nakita ang nakamamatay kong tingin. Kaya tinanggal ko rin ang suot na sunglasses para makita nya ang pag irap ko.

"Shut up, summer." Tumayo na ako para maligo sa pool, sumunod naman sya.

"Talaga huh? Parang ibang kaluluwa naman yan!"

"People change, Samantha Mergiana." Giit ko.

"Ewan ko Avoriane Maureen." Umirap din sya. Hinubad ko na ang long blazer jacket ko at lumangoy na. Si summer naman umupo lang sa pool side at winiwave ang paa sa tubig.

"Ayaw mong maligo?" I ask. Umiling lang sya.

"So, tuloy ang alis mo?" Nakakainis na to ah kanina pa tanong ng tanong.

"Oo naman! Never change my mind." Natatawa kong sagot.

"Wow, move on na siguraduhin mong di kana bitter pag dating dun! HAHAHAH" inirapan ko naman sya. It's been 5 years since nakipaghiwalay ako kay Gaizen, yes naghiwalay kami, di ko akalaing isang tulad ko ay mababago nya, 3 years na mag asawa kami, pinilit ko lang ang mga magulang kong magpakasal kami hangga't maaari dahil sikreto palang ang relasyon nila ni ate, and my mommy granted that! I was so happy that time!

"Ang kapal talaga nang mukha mong pakasalan pa sya! Ano para matali sya sayo? Gago ka!" Naiiyak na sigaw ni ate Valerie, dalawang guard naming nakahawak sa dalawang braso nya, pinipigilan nyang matuloy ang kasal pero sinampal sya ni mommy.

"You may now kiss the bride--" agad ko nang hinalikan si Gaizen, wala naman syang magawa, mahal na mahal ko sya higit pa sa sarili ko. Di ko akalaing makakasal ako sa taong mahal ko. Umiyak naman si ate at lumabas na ng simbahan. Kinasal kami na pamilya lang namin ang may alam pero di nag tagal nalaman din ng lahat, kaya rin gustong mapakasal ako kay gaizen dahil para narin sa negosyo, and i don't care about that, i only want now is being his wife,my next target papaibigin ko sya aalagaan ko sya kahit anong mangyare,gagawin ko ang gawain ng bilang isang asawa, i was so happy that day! Ako na ata ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa!

But then... Next day ng kasal namin, sa iisang bubong na kami, parang ako na lng ang magisa, araw araw syang lumalabas, hindi nyako pinapansin ni baling hindi rin. I know busy na rin sya sa trabaho nya, ang akala ko kahit di nyako mahal mapapansin nyako pero mali ako, e sino ba naman ang mamamansin kung ganun ang ginawa ko? Diba?.

Nagdaan ang mga araw na nananakit na sya sakin, but yes just call me martyr pero ito talaga ang gusto ko, wala akong pake kung kaawaan ako, mapasakin lang ang puso nya gagawin ko! Hindi ako susuko yun ang pangko ko...

Isang araw maaga akong nagising, actually ganyan naman talaga ang daily routine ko, maagang magising, maligo, magluto at maglinis ng mansion kahit malinis naman, i was so bored, minsan gusto ko na ding lumabas, pero pinipili ko n lang manatili dito at kasama ang mga kasambahay, si Manang Gena lng ang lagi kong kausap di ko naman close yung iba e..

"Ano kaba naman avory, kami na maglinis dito, alam mo namang malinis na tong sala ohh nililinisan mo pa." Sabi ni manang ngumiti lang ako.

"Manang malapit naman to tatapusin ko nalang"

"Naku ikaw bata ka o sya sige, mag luluto na lang ako ng hapunan ng mister mo." Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pag linis.

Ng matapos ako, Naisipan kong mag dryer kaya kinuha ko na lahat nang damit sa kwarto ko, yes kwarto ko may sarili akong kwarto at yun ang gusto ni Gaizen, sa mga lumipas na araw unti unti ko syang nakikilala.

Kahit bawal ay pinasok ko ang kwarto nya, dahil may susi naman ako ng kwarto nya kahit di nya alam. Magulo ito at amoy na amoy talaga ang bango nya,napangiti ako dahil araw araw naman akong bumibisita sa kwarto nya na di nya naman napapansin, pero ngayon magulo ang kwarto nya nilinis ko na lang tutal mamaya naman sya uuwi. Nagkalat sa sahig ang mga damit nya, pero may nakita akong damit na hindi naman sakin dahil dress ito, inamoy ko ito ay alam ko na agad kung sino.

Nanghihina ako at napaupo sa sahig, umiyak na lang ako. Fuck! I can't believe it! Si ate parin! Kahit kasal na kami sya parin! Nagkikita parin sila! Nanginginig ako sa sobra sobrang emosyon.

Pero hindi ako susuko alam ko sa sarili kong mapapansin pa ko ni gaizen, na mamahalin nyapa ako, gagawin ko ang lahat yun ang pangako ko.

Kinuha ko na lang yung mga damit at nilaundry, tinignan ko ang sarili ko sa salamin, namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak, lagi naman e sinasaktan ako lagi kahit, pisikal at emosyonal! Naghilamos na lang ako. Bumaba nako ng tinawag ako ng isa sa mga kasambahay namin.

"Sige na avory kumain kana." Pinaghandaan ako ng plato at pagkain ni manang. Kung hindi sya uuwi ng maaga kakainin na lang to.

"Manang... Siguro naman mamayang gabi pa sya uuwi kumain na po muna kayo, sasabay ako kay gaizen manang, ubusin nyo na lang ako na lang luluto ng pagkain namen."

Walang nagawa sina manang kaya kumain na lang sila, ako naman nag luto ng adobo, ito yung paborito namin ni gaizen nung nag aaral palang kami. Lagi kaming pinag lulutuan ni mommy nyan kaya sigurado akong kakain sya maya dahil baka pagod sya, kuhang kuha ko ang luto ni mommy, masarap kaya napangiti ako.

Hapon na nung nagskype kami ni summer.

"Anong oras dyan?" Tanong ko nakaupo ako sa sala dahil hinihintay ko si gaizen.

"12:30 pm na dito, sainyo?" Ngumiti sya, simula nung umalis sya 1 year ago, lalo syang gumanda, humaba ang kulot nyang buhok, ewan ko na lang ako, para akong matanda sa mukha kong to, namumugto ang mata parang wala nang oras para sa sarili na dati puro make up lang ang inaatupag ko para mapansin ni gaizen.

"Hmm 7:30 pm kamusta kana dyan?" Nung huli kasi naming skype noon nung last month pa syempre busy na rin wala nang time, anyway single pa yan, trabaho ang inaatupag sa france, ewan ko ba bat ayaw pa nyan mag asawa e mas matanda sya ng isang taon sakin. Pero may naging ex naman sya si Vaughn pero nag break din.

"Haayyy ito humihinga pa-"

"Omg! Sino yan?!" Gulat kong tanong dahil may lalaking sumulpot sa likod nya maybe dumaan lang.

"Naku! Oo nga pala! VINCENT!!! Dalii, pakilala ko kaibigan ko sa pilipinas!" Tinawag nya yung lalaki kanina.

"Hi!" Ngumiti yung lalaki sakin ng makalapit.

"Hiii!!!" Maligayang bati ko.

"Sya si Avory, vince yung kinekwento ko sayo! He's half foreign and half Filipino, Av." Gagang bobita talaga at ano na namang chinichismis nyan sa kanya? Pagiging martyr ko? Ughh!!!

"Hi, Avory I'm Vincent, Summer's Friend." He said in a foreign way. Kinagat ko ang labi ko at ngumiti, shit nahihiya ako ngayon ko lang napansing mukha akong sabog sa mukha ko namumugto pa ang mga mata.

"You look so beautiful." Ngumiti sya ohh yes gwapo talaga sya. Umalis muna si summer kaya kaming dalawa ang nag uusap.

"Ohh! Thank you HAHAHA you too!" Medyo awkward na sabi ko.

"Summer's right your so beautiful, maybe I'll meet you soon." Tumawa sya.

"Ah- HAHAHA yeah yeah-- WTF!" Nagulat ako ng pumatay ang laptop ko kaya tinignan ko yung nasa likod ko, nagulat naman ako dahil nakahalukipkip si gaizen at madilim ang tingin.

"Ah- gaizen andyan kana pala." Takot kong sabi at napatayo sa sofa.

"So kung wala pala ako, nakikipagharutan kana lang sa skype?!" Galit na tanong nito. Kahit papaano may saya sa puso ko, syempre iniisip kong nagseselos sya.

"H-hindi ah- ano kase, si summer nagskype lang kam-i" nauutal kong sagot dahil sa takot. Yumuko na lang ako at pinaglapat ang dalawang index finger, kinagat ko ang labi ko dahil sa takot na baka saktan nyako dahil dyan.

Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito at niluwa si ate Valerie! What the heck! Halos maiyak naman ako, yumuko ulit ako ng tinignan nyako, ramdam na ramdam ko naman ang malamig na titig ni Gaizen, naparang pinapamukha nya saking kahit anong gawin ko, na kahit anong hadlang ko sa kanila na para silang metal hinding hindi nagigiba gamit ang kahoy lamang.

"Zhen, let's go." Aya ni ate na animo'y sya ang asawa, sumunod naman si gaizen.

Palihim na tumulo ang luha ko, ayan ka na naman, kelan kaba titigil? Kelan ka masasanay na masaktan nang hindi lumalabas? Tangina, pero kahit papaano may lakas parin akong lumaban, lumaban ng mag isa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro