Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Louie


Nagsimula ang araw namin sa breakfast (bukod sa iyakan kaninang umaga diyan sa labas). Tahimik lang kami, probably absorbing our early serious conversation. I realized that it is easier to talk to people who barely knows you. Hindi ka huhusgahan agad, makikinig lang. And maybe Hazel doesn't need advices, she actually knows what to do, she just need someone who will listen. Kagaya ko.

"Iwan mo na lang sa lababo iyan, ako na ang bahala." Tukoy ko sa pinagkainan ni Hazel. Nakatulala lang siya sa akin, spaced-out, pagkatapos ay ngumiti siya.

"Hindi, ako na. Kapag tapos ka na, dalhin mo ang pinagkainan mo rito. Ako ang maghuhugas." There's a slight change in Hazel's mood. Hindi na siya masungit, masipag pa. Kung ganyan siya lagi, magkakasundo kami.

Pagkatapos namin ng agahan, nagsimula na ako sa maagang trabaho ko. Ikinakarga ko ang mga seafood crates sa likod ng truck. Si Hazel naman nasa isang sulok, pinapanood ako. Nang magkatinginan kami, pinilit niya akong mag-pose ng 'stolen shot' para kuhanan sa cellphone camera niya kasama ang malaking isdang nahuli ko. Sinunod ko kahit may mga kaibigan akong mga Hapon na mangingisda na nakakakita. Tiyak na nagtataka ang mga iyon na may kasama ako ngayon.

Hazel was enjoying the view at Tara Fishing Village while I was driving. Naroon siya sa shotgun seat, bukas ang bintana at pinapanood ang bawat madaanan namin. Her eyes would widen everytime she sees something interesting. Minsan iaangat niya ang palad niya para kalabitin ako pero mag-aalinlangan siya na abalahin ako sa pagmamaneho.

"Ang ganda dito sa Japan, 'no?" I opened up. Tumingin sa akin si Hazel at tumango.

"Sobra."

"Mamaya ipapasyal pa kita. Matapos lang itong delivery ko."

Hazel smiled calmly. Anticipation kicks in her eyes.

"Kapag pagod ka na kahit hindi na. Sulit na rin sa bahay mo, ang ganda rin ng paligid." She said politely.

"Mas marami pang mas maganda kaysa sa bahay ko. Makikita mo."

Nang dumating kami sa restaurant na pagdadalhan ko ng freshly caught seafood, tinulungan na ako ng mga trabahador na magbuhat ng crate. Lahat sila tumitingin muna kay Hazel bago sa akin.

"Your friend is beautiful. She could be an actress." Isang Hapon na trabahador ang nagsabi. Natawa na lamang ako, kung alam lang nila na artista si Hazel, baka mamangha pa sila.

Maaga natapos ang delivery ko. Chill na lang ang driving ko pabalik malapit sa bahay. Nag-long cut na rin ako para mas marami pang makita si Hazel sa Saga. Ang Saga prefecture sa isla ng Kyushu ang isa sa lugar na pinapahalagahan ang makalumang kultura ng Japan. Espesyal ito dahil dalawang dagat ang nakapalibot sa kanya, ang Japan Sea at ang Ariake Sea na malapit naman sa tinitirhan ko.

Para itong sariling bansa na malayo ang itsura sa Tokyo. Ibang-iba kasi ang pamumuhay dito, tahimik at pangunahing source of income ang fishing at porcelain making.

Huminto ako sa pagmamaneho nang ituro ni Hazel ang vending machine sa gilid ng kalsada bumaba ako kasama niya. Bumili siya ng dalawang ion water at iniabot sa akin ang isa.

"Masyadong matamis. Ayoko." I declined.

"Sige na! 'Di ka pa ba nauumay sa green tea?"

Napailing ako at kinuha na lang ang tonic water. Pikit-mata kong ininom.

"Ang gagalang ng mga tao dito, 'no? Sana sa Pilipinas din." Hazel commented.

"Kapag tumira ka rito, mahahawa ka talaga sa pagiging magalang nila."

"Eh bakit ikaw, ang barubal mo sa akin?"

"Pasaway ka, 'e." Pinitik ko ang ilong niya. Tiningnan ko ang oras, "maaga pa. Pupwede na tayong mamasyal."

"Sure ka? Hindi ka pagod?"

"Hindi. Iyon naman ang ipinunta mo rito 'di ba? Bisita ka. Ayaw kong madisappoint ka."

Ilang sandali pa, nasa bayan na kami ng pinakamalaking pagawaan ng porcelain. Binigyan ko si Hazel ng oras para mag-ikot ikot sa kalsada ng Arita. Napapalibutan ito ng puting mga buildings dated back in 1930s. Kilala sila sa makikipot na kalsada na mas lalong pinasikip ng ceramic shops. Once a year, pinupuno ang 20,000-population town ng milyon-milyong turista para sa Arita Ceramic Fair. Mabuti at hindi ito ang araw na iyon pero hindi naman na-miss ni Hazel na makita ang mga pinagmamalaking porcelainware ng Arita.

We watched a ceramic doll play at the auditorium. Hindi masyadong naappreciate ni Hazel dahil Nihongo ang lenggwahe pero nagandahan siya sa presentation. Sumunod naming pinuntahan ang Porcelain Painting Workshop kung saan sikat ang Arita. Binigyan kami ng blangkong ceramic plate at mga paintbrushes na may kasamang asul na tinta.

"Arigatou gozaimasu!" Sabay naming pagpapasalamat ni Hazel sa facilitator na nagtuturo kanina.

"Game."

Hazel panicked while holding the brush, "hindi ako marunong nito!" Sinubukan niyang isawsaw ang brush sa ink.

"Kahit ano lang ang i-drawing mo."

"Ikaw na lang."

"Dali na."

Nagsimulang gumuhit si Hazel ng isang babaeng nakangiti at nakahawak ito sa lalaking katabi. Hazel relaxed after seeing her drawing, "ang pangit!" She complained laughing.

"Dagdagan mo." Kinuha ko ang paintbrush ni Hazel. Naglagay ako ng night sky. Stars at falling stars ang naroon. "May gusto ka pang idagdag?"

"Oks na iyan."

Ibinaliktad ko ang plato, "pirmahan mo."

"Pa'no isulat ang Hazel in Japanese?"

"'Hezeru' ang pangalan mo dito. Pero ang madalas gawin dito, imbes na whole name, sinusulat lang 'yung unang syllable ng pangalan. So ikaw, 'He'." Isinulat ko ang Japanese character katumbas ng 'He' sa blankong papel. Kinopya naman ni Hazel ang Katakana roon sa plato.

"Tama ba pinagagagawa ko?"

"Okay yan!"

"Pwede ko bang bilhin ito para may souvenir ako?" Hazel asked.

Nagtawag agad ako ng staff na Hapon, "Excuse me. Can we buy the plate as souvenir?"

"It will take three months for the glaze fire to finish." Sagot naman ng staff.

Hinarap ko si Hazel, "Tatlong buwan daw para i-glaze ang plato. Gusto mo, i-claim ko na lang kapag libre ako tapos ipadala ko sa iyo?"

"Sige." She answered simply. I just realized that I just connected my life with a celebrity. Siguro hindi siya basta-basta nalalapitan sa Pilipinas, pero ako, abot kamay ko lang. Parang normal na tao rin naman, may topak din saka hang-ups.

"I'll just claim it once it is done. How much?" Sambit ko sa staff.

Binayaran ko ang plato kahit ipinilit pa ni Hazel na siya na. I felt good paying for a celebrity.

After our Arita day tour, dinala ko siya sa Floating Torii Gate. Sikat na sikat ito sa mga turista dahil ito lang ang makikita sa google na top 1 na pupwedeng gawin. Tuwing sunset ito pinakamaganda, pero madalas umaga ito dinadayo dahil isa sa pinakamalayong puntahan mula sa sentro. Usually, ang mga tourist buses inuuna ang pinakamalayo kagaya nito.

Nakaharap kami sa Ariake sea habang nakaupo sa likod ng truck, nakakalat ang mga chips at drinks habang nagmumuni-muni. Maya-maya pa ay nagyaya si Hazel na maglakad lakad para lapitan.

"Nakikita mong ganyan iyan ngayon pero kapag high tide, lulubog 'yan." Tukoy ko sa Torii Gate.

"Ang galing 'no? Nagtataas-baba ang tubig." Hazel absent-mindedly chugged her coke.

"Tatlong bagay ang nagde-determine kung high tide o low tide. Pinaka-malakas na factor ang buwan, pero may kinalaman din ang araw at rotation ng Earth."

Humagalpak ng tawa si Hazel, "balinguyngoy, oy!"

"Nakakamangha kaya!" I reasoned.

"Oo, pero hindi kayang sakyan ng kukote ko 'yung ganyan. Mag-enroll ka na kasi sa university para kahit buong araw kang dumaldal tungkol diyan, may makikinig sa'yo."

I shook my head in amusement. Talaga 'tong si Hazel, wala naman sa layo ng inabot ng pag-aaral ang kakayanan umintindi ng kaalaman. Siguro kung maniniwala kang hanggang doon ka na lang, iyon na. Pero hindi kasi 'e. Kailangan mong labanan 'yong paniniwala mong mahina ka, otherwise, magiging mahina ka nga talaga. Bumaba ako ng truck, sumunod si Hazel sa paglalakad ko papalapit sa dagat.

"Sa bahay mo pa rin ba ako ngayong gabi?" She asked.

"Okay lang sa akin. Kung bitin ka sa bakasyon mo rito, okay lang na sa akin ka muna tumuloy."

"Gaano katagal pwede?"

"Ikaw.."

"Paano 'yon kapag balik-trabaho ka na? Ipagkakatiwala mo sa akin ang bahay mo habang wala ka, ganon?"

"Eh ano naman? Hindi ka naman masamang tao. Kapag may ginawa kang masama, iba-bash kita sa facebook para lalo kang malaos."

Bigla na lang hinablot ni Hazel ang braso ko at saka kinagat na kunwari monster.

"Aray!"

Ngumiti siya at hinilot ang braso ko na kinagat niya, "salamat. Puta, paano yung mga multo?"

"Tsk, sa gabi naman nasa bahay na ako. Kapag umaga at takot na takot ka, maglakad-lakad ka sa labas o 'di kaya sumama ka sa akin sa trabaho. Close naman kayo ni Sadako." Iniwanan ko si Hazel sa tabing dagat pero tumakbo siya papalapit sa akin.

"Seryoso, salamat. Pero Louie, pupwede ko bang kunin ang gamit ko sa hotel?"

I opened the truck's door for her. She said thank you. Bumabait talaga yata si Hazel o baka dahil nasampal niya ako kaninang umaga kaya bumabawi sa kasalanan.

Pinagbigyan ko ang request ni Hazel para sa dinner. Saga beef daw ang gusto niyang subukan. Usually, I cringed to fatty meat but seeing Hazel eating happily, I enjoyed my portion too.

"Pag-landing ng eroplano sa Fukuoka Airport, humanap ako agad ng CR. 30 minutes! 30 minutes kong fini-figure out kung pa'no paganahin 'yung toilet sa dami ng pinipindot!"

I smiled at Hazel. Sumubo siya ng malaking tipak ng karne at walang kemeng ngumuya.

"Bakit ka pa dumayo sa Saga? Mas malaking siyudad ang Fukuoka."

"Two days akong nag-stay sa Fukuoka. Kaso andaming Pinoy na nakakakilala sa'kin. So

nag-train ako hanggang makarating sa Saga. Sakaling marami ding Pinoy dito, ang plano ko nu'n, didiretso ako kundi sa Nagasaki, sa Kagoshima."

"Ginusto mo talagang magdisappear, ano?"

Nagkibit-balikat siya at saka pinagmasdan ang paligid.

"Ang tahimik naman dito sa Japan. Na-miss ko tuloy ang ingay sa Maynila."

"Talaga? Bakit?"

"Nakakarindi minsan pero at least, ramdam mong di ka nag-iisa. Patugtog ka naman."

Tumigil ako sa pagkain at saka lumapit sa CD player. Inilagay ko ang isa sa pinakamagandang CD na meron ako.

'Kumusta ka aking mahal.. sana ay nasa mabuti ka...' Sumabay pa ako sa kantang memoryado ko na.

"Tanders! Nakarating na ba rito ang salitang tanders?"

Umiling ako pero base sa reaksyon ni Hazel, bina-bash niya ako.

"Pang-matanda! Pang-matanda ang music mo! Seriously? Asin? Ilang taon ka na ba? Sure ka ba na wala kang sapi ng matandang multo?"

Natataranta kong pinalitan ang music. Tumugtog ang Halik ng Aegis. Napangiwi ulit si Hazel.

"Wala bang upbeat diyan? Jusko, laslas songs ang playlist mo!"

Pinalitan ko ng 'Dayang-Dayang' ang Halik. Medyo ini-sway ko pa ang ulo ko na kunyaring masaya.

"Anong kanta 'yan?" She wrinkled her nose.

Nagkibit-balikat ako, "nandito lang sa mga CD nina Mama't Papa."

"Palitan!"

"Ito lang ang upbeat na meron."

"Ang squammy mo!"

"Anong squammy? Tara na. Na-Google ko kung pa'no ka na-discover nu'ng bata ka. Sa Munting Mutya Ng Maynila, 'di ba? Pa'no nga 'yung sinayaw mo?" I was smiling. Naalala ko pa kung paano iyon. Ginaya ko ang steps niya pero tumili si Hazel at tinakpan ang mukha niya sa kahihiyan.

"Kadiri! Tama na!"

But I did not stop. This is fun! Inabot ko ang kamay ko kay Hazel, she looked at me, as if asking me if I was serious. But I was. Minsan lang magmukhang tanga na may nakakakita. Kinuha ni Hazel ang kamay ko at sabay kaming sumayaw nang wala sa tiyempo. Parehas naming sinabayan ng tawa ang pagsasayaw sa palibot ng bahay. Sayaw, sayaw, sayaw hanggang sa mapugto ang hininga. Hanggang sa kunin ni Hazel ang kamay ko.

Wrong move. Napatitig ako sa magagandang mga mata niya. Unti-unting inilalapit ang katawan ko sa kanya. Huwag, Louie, part of me said, but it was faint, so faint that my heart beats seized it. Hindi na ako humakbang, pero siya, alam kong siya ang mas lumapit. Wala akong ginawa para pigilan siya. Hinintay ko lang, tapos ginaya ko siya. May kuryenteng bumalot sa mga daliri ko, palagay ko nga ay dumaloy sa kanya dahil sa magkahawak ang mga kamay namin.

Hanggang sa nagpatong na lang ang mga labi namin. Ilang segundong walang gumalaw hanggang sa naging matapang akong tumalon sa walang kasiguruhan kung sasampalin ba niya ako o masasarapan. But she caught my lips. At first it was gentle, until it became fierce. Magaling siyang humalik. Maybe it wasn't new to her, but to me, it was my first kiss. Every part of my body heated up. Bumagal ang ritmo ng mapusok na halik. Nagpahinga ang noo namin sa isa't isa. Walang naramdamang kahit anong pagkapahiya. We're adults, and we're happy.

Maya-maya pa ay tumawa na lang kami at nagpatuloy sa pagsasayaw. Walang nonsense drama. Walang samapalan, walang nagtago sa kuwarto o pintong nasarhan. It was light, almost like a feather. Parang normal kahit na alam kong hindi. Basta, masaya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #makiwander