Louie
Nagising ako sa regular na alarm na pinatutunog ko kapag ordinaryong araw na merong trabaho. Kinusot ko ang mga mata ko, handa na sanang batiin ng 'magandang araw' si Fergie pero wala siya sa higaan niya.
Nagmadali akong bumangon at tumakbo papalabas ng bahay. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko roon si Hazel, nakaupo siya sa malaking tipak ng bato na malapit sa bahay, nakatalikod sa akin. Naglakad ako papalapit sa kanya at naabutan ko siyang umiiyak habang hawak ang cellphone niya pagkatapos ay nagsimula siyang humakbang. Napahilot ako ng batok, bakit ba hindi na lang ako nanahimik kagabi kaysa nakasakit pa ako ng damdamin.
Pero shet, nakakatawa talaga, hindi ko mapigilan. Hindi naman sa magaling akong kumanta pero hindi naman ako bingi. Flat at awkward ang rap pati na rin ang kanta.
"Sorry na. Pangit naman talaga 'yung rap song niyo."
Sinamaan niya ako ng tingin pero tumingin lang siya ulit sa malayo at iniabot ang cellphone niya sa akin. Kung isa na naman 'tong sample ng rap song ng grupo niya, mabuti pang pauwiin ko na lang siya para harapin ang katotohanan, iparinig na lang niya sa ibang tao kaysa sa akin na walang kaide-ideya sa showbiz. Sinilip ko ang cellphone niya, isa iyong showbiz article, 'HAZEL ILAGAN, LAOS NA TALAGA'. Hindi ko na binasa ang content, malisyoso naman ang mga iyon basta chismis.
"Ba't mo iniiyakan 'to? Aminado ka naman, 'di ba?"
"Hindi lang 'yon. Matapos mo akong pagtawanan kagabi—"
"Tsk, sorry na."
"--napag-isip-isip ko na wala akong ibang alam gawin kundi umarte."
I sighed. "Ayaw mo na ba talaga?"
"Ayaw na sa'kin ng mga tao, 'e."
"Dahil bano kang umarte?"
"Ihampas ko kaya sa'yo ang awards ko nu'ng bata pa ako?"
"So bakit ayaw ka na ng mga tao?"
"Ewan."
"Talaga? 'Di mo alam?"
"Ewan ko nga!"
"Baka naman sumama ang ugali mo? O kaya lumaki ang ulo mo? Ginoogle kita kagabi. Karamihan ng mga tao, iyon ang sinasabi, tingin mo mas mataas ka sa iba. Ayaw mo raw sumakay sa elevator kapag merong kasabay na 'di mo kilala? Kapal. Mabango ang tae mo? Ginto ang kalansay mo? Pati fans mo sinusuplada mo—"
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. I immediately glared at Hazel, ganoon din ang ginawa niya pero lumambot siya, niyakap niya ako ng mahigpit at saka umiyak. Umiyak lang siya sa dibdib ko. Iyong inis ko nang sampalin niya ako, naglaho na lang basta. Akala ko dalawang taon akong magtatampo kay Hazel pero ngayong umiiyak siya, pakiramdam ko, handa akong ibigay ang lahat para humupa ang luha niya.
"Lumaki ako sa ilusyon, Louie. Walang gumabay sa'kin habang tumatanda. Hindi ako pinagsabihan ng... 'Hoy, Hazel, artista ka, sikat ka, pero hindi ka Diyos! Maging mabuti ka sa kapwa mong tao!' Sapat na kina Mama't Papa na kumikita ako ng limpak-limpak."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bukod sa sarili kong buhay, ngayon lang ako nakarinig ng drama ng ibang tao. Wala akong kaibigan sa ganitong level. Kaswal na kumustahan lang ang alam ko, wala pang nagbubukas ng puso nila sa akin ng ganito. Panay ang haplos ko sa likod ni Hazel para patahanin siya, iyon lang ang magagawa ko.
"'Yung masaklap? Kahit deep inside, alam ko ang mga mali sa pagkatao ko, ang hirap umayos mag-isa."
"Bad trip talaga ang mga magulang minsan, no? Mahal natin sila, oo, pero may sablay talaga minsan eh."
Something in my chest pumped harder than its usual stillness. Suddenly, I felt a rush of emotions that I couldn't believe my voice cracked. Naalala ko ang mga magulang kong matagal ko nang ibinaon sa limot. Ang dahilan kung bakit mag-isa ako at nakuntento na rin na maging malayo.
"Pero matatanda na tayo, Hazel." I continued. "Hawak na natin ang sarili nating buhay. Tayo dapat ang may control sa takbo nito. Naging masama ka dahil sa ibang tao? Sige, kasalanan nila. Pero nanatili kang masama? Kasalanan mo."
Inabot ko ang mukha ni Hazel at pinunasan ang luha niya gamit ang sarili kong palad. Marahan siyang tumango at saka pilit na ngumiti.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro