49
Solenn
Dali-dali akong lumabas parang puntahan siya. Buti nga at wala sina mama kundi patay talaga ako.
"Hoy, pano mo nalaman address ko?" natatawang tanong ko.
"Jia told me. So... Sol, are you still free?" tanong nito habang inilalahad sa'kin ang mga bulaklak na hawak niya.
I nodded as an answer. Isinuot niya sa'kin ang helmet at inilalayan akong umangkas sa motor niya. Nakarating kami sa isang cafe. Maganda at malawak ang lugar na 'yon.
"Are you okay?" tanong niya. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.
Tumango lang ako bilang sagot. "Sabi ni Jia, malungkot ka raw. You can tell me anything, Sol. Makikinig ako." mahinahon niyang sabi.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina. Gusto ko din malabas yung nararamdaman ko para mabawasan yung bigat.
"Grabe. Ang hirap pala ng pinagdadaanan mo. Kaya pala nung una tayong nag-meet, sobrang nirereview mo yung sarili mo. Kahit pagod ka na, review ka pa rin ng review. Grabe, ba't sila ganon, 'no? Akala nila sila yung nag-aaral para i-pressure ka nang ganyan. Hindi nila alam kung ano yung nagiging epekto non sa'yo." tuloy-tuloy niyang sabi.
I smiled. "Hmm, kaya nga e pero hinahayaan ko na lang basta kung saan sila masaya, edi 'yon yung ginagawa ko."
"Baka maubos ka niyan. Maubos ka kaka-sunod sa gusto nila. Kailangan ipaglaban mo rin yung sarili mo at ang gusto mo."
He's right kaso... hindi ko kaya. Hindi ko kaya suwayin sila mama. Hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko. Natatakot akong ma-disappoint sila. Natatakot akong hindi maabot ang expectation nila.
Tinanggal ko lahat ng mga hindi magandang thoughts sa isip ko at nag-focus kay Lance. Ayoko ng mag-isip pa ng kung ano-ano.
After namin sa cafe, nag-lakad lakad lang kami dahil gabi na rin. Wala kaming gustong puntahan, gusto lang namin maglakad-lakad at maglibot-libot.
After naming maglakad-lakad, binilhan ako ni Lance ng stuff toy tapos binilhan ko siya ng jacket. Pagkatapos non ay inuwi niya rin ako agad. Super late na rin kase tsaka nakauwi na rin si mama.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro