126
Lance
Infinity. Gano'n ang pagmamahal ko kay Sol. Walang katapusan.
We first met on omegle. It was a site where you can meet strangers and that's where I meet Sol. I had fun talking to her. Alam mo yung sobrang comfortable ko sa kanya. Sobrang saya ko sa kanya. Everything is fine. I had this little crush on her na nag-grow nang nag-grow. Hindi ko namalayan na gusto ko na pala siya. I tried to hide it kaya dumaan ako sa indenial stage na 'yan but then it was so obvious na. Yung tipong sa kanilang lahat, malinaw na na gusto ko siya, sa aming dalawa na lang malabo.
Noong unang beses na magkita kami, inaya ko siya non manuod ng game ko. Kalaban namin yung crush niya. Lagi raw siyang nanunuod ng game nila non tapos parang gusto rin siya nung crush niya e. Madikit kase, nakakainis pa rin talaga. Nung time na yon, gusto ko lang manalo. Hindi ko alam kung anong gusto kong mapanalunan, yung game ba o si Sol. Everytime that she cheers for our team and scream whenever we get points, ginaganahan talaga ako. Tapos after non, nagdate kami! Sobrang saya. Dinala ko siya non sa beach and she loves it. Kaya iyong beach na 'yon ay naging favorite place ko.
Tapos no'ng birthday niya, akala ko hindi ko siya makakasama kaya nalungkot ako hehe pero ayon nagkasama pa rin kami. Ang saya saya kasama ni Sol, she means everything to me. Noong birthday niya, I told her what I feel. I confessed my feelings and court her. I wanted to show her na seryoso ako at malinis ang intensyon sa kanya.
Kung tatanungin ako kung anong favorite memory ko kasama siya, yon ang yung concert! She said that it was her first time watching a concert. Sol, doesn't like those kind of things- loud and chaotic pero mukhang masaya raw ako e kaya sinubukan niyang gustuhin at nagustuhan niya. Nung time na 'yon, alam kong sing-pula na ng kamatis iyong mukha ko. Like, the fact na tinry niya yung mga bagay na gusto ko kahit ang ibig sabihin pa non ay ang paglabas niya sa comfort zone niya, nakaka-blush tangina. Ba't ba 'ko kinikilig? Pucha naman hahaha.
But, not everything is about happiness. Siyempre meron iyong time na hindi talaga maganda. Strict parents si Sol kaya minsan hindi siya pwede sumama sa gala or minsan hindi rin kami nakakapag-kita and that's fine kase naiintindihan ko yung sitwasyon niya. Alam kong hindi rin madali para sa kanya 'yon. Nung time na nag-rant siya sa'kin tungkol sa quiz na nabagsak niya, sabi niya sinampal raw siya nung mama nung nakita yung quiz na itinapon niya. Alam kong habang kinukwento niya 'yon, umiiyak siya and it brokes me. Lalo pa nung naka-sandal lang siya sa dibdib ko habang humahagulgol. Parang dinudurog non ang puso ko, hindi ko kayang nakikita siyang ganon. Syemre mahirap iyon para sa'kin pero.. wala akong nagawa.
Pagkatapos non, sinamahan ko na siya magreview palagi. Way rin 'yon para makasama ko siya hehehe. Tapos, ang cute cute niya magselos. Para siyang baby- ko hahahs baby ko- noon. Noon pala hahaha. Mahirap siya suyuin pero worth it naman. Hindi niya na kailangan magselos kase hindi ako interesado sa kahit sinong babae kung hindi siya 'yon. Lagi ko siyang binibigyan ng assurance kase ayokong nago-overthink siya. Sol is very important to me. I admit na clingy ako sa kanya and submissive, wala e, I don't know kung pa'no nangyari 'yon kase hindi naman ako gano'n. Maybe because handa akong magpa-under sa kanya kaya gano'n.
After all of that, siyempre hindi kami pwedeng palaging ganito- na masaya. I mentioned earlier na may stirct parents si Sol. Matik, bawal ang boyfriend kaya hindi ako napakilala ni Sol sa mga magulang niya ng maayos at naiintindihan ko 'yon pero nahuli kami at do'n ako nakilala ng magulang niya. Sabi nila distraction raw ako kay Sol. Napaisip akong mabuti tungkol ro'n, distraction nga ba talaga ako? Kaya ba bumabagsak si Sol dahil sa'kin? O dahil sa pressure nila sa kanya? Alam kong hahantong lahat sa ganito kaya nga lahat ng oras na kasama ko siya, tinitreasure ko talaga.
I love Sol more than everything kaya noong pumunta siya sa condo ko habang umiiyak at nakikipag-break, you know how much it brokes me. Panandalian lang pala yung saya namin. Alam kong hindi madali iyon para sa kaniya kaya pinipilit ko siyang intindihin, pero pa'no naman ako? Hindi rin madali para sa'kin 'to kaya nga gusto kong lumaban kami eh kaso.. wala eh. Pa'no kami lalaban kung pagpili nga sa'kin hindi niya magawa? God knows kung gaano ko kamahal si Sol. No words can describe how much I love her. I almost beg para lang hindi niya 'ko iwan. Gano'n ko siya kamahal.
1 year and 6 months akong umiyak at umasang babalik siya kahit hindi siya bumalik, okay lang sa'kin na iniyakan ko siya ng ganon katagal, mahal ko e. But, if you're going to ask if I still love her until now, hindi ko alam. 'Yon ang sagot ko, hindi ko alam. Maraming taon na ang nakalipas pero hangang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot sa tanong na 'yan- kung hanggang ngayon, siya pa rin ba? O kung mahal ko pa siya? Hindi ko masabi, parang ang hirap sagutin pero siguro kung magkikita kami ulit, masasagot ko 'yon.
Lagi kong ipinagdadasal na magkita ulit kami and it happened. We met again. For the second time. But this time, iba na at nasagot ko na yung matagal kong tanong- kung siya pa rin ba? I can finally answer it with a smile on my face. Finally, hindi na siya. Tapos na 'ko sa kanya at hindi comeback ang kailangan ko- kundi closure.
Nandito ako sa beach- kung saan naging favorite place ko and she's also here. Hindi ko alam kung bakit siya nandito, samo't-saring emosyon ang nararamdaman ko. Ang daming tanong sa utak ko- na alam kong siya lang ang tanging makakasagot non. Our eyes met and I don't feel the spark anymore. Kaya alam kong hindi ko na siya mahal at naka-move on na 'ko sa kanya.. but I can say na maganda pa rin siya. Sobrang ganda- i shookt my head because of those thoughts. Tapos na, Lance. Tama na.
Naglakad siya papunta sa akin. Papalapit siya ng papalapit pero hindi ako kinakabahan o ano. Gusto ko lang siyang makausap at malinawan sa break up namin.
"Lance, it's been a while." saad nito ng tuluyan na siyang makalapit.
I smiled and nodded. "Yes, it's been a while." I said as I stared at those brown eyes.
"Let's talk?" nakangiting sabi nito at tumango naman ako bilang sagot.
Naupo kaming dalawa sa buhangin at ramdam ng aming paa ang hampas ng dagat. Ganito rin ang posisyon namin nung unang beses na magkita kami pero.. iba na ang atmosphere. Hindi na katulad noon na magaan at masaya lang.. ngayon parang pasan-pasan namin ang buong mundo sa bigat. Sa tuwing nakikita ko siya, nakikita ko rin yung mga ala-alang umiiyak siya.
"Kamusta?" I said as I break the silence between us. Ayokong maging awkward kami sa isa't-isa.
"I'm doing great. Ikaw? Kamusta ka? Simula no'ng.. nag-break tayo hindi na ako nakarinig ng balita sa'yo." saad nito habang masayang pinagmamasdan ang dagat.
"Well.. Okay na 'ko ngayon but back then.. it took me year para maka-get over sa'yo." natatawang sabi ko. Masyadong mabigat ang gantong atmosphere sa'kin kaya sinusubukan kong pa-gaanin.
She laughed. "Ganda ko kase, mahirap talaga maka-move on dito." bawi niya. Yes, I agree.
"Kaya nga, ba't ka kase nang-iiwan?" natatawang sabi ko- expecting na tatawa rin siya but I was wrong. Her smile fade.
She sighed deeply. "I'm sorry, Lance. Alam kong hindi naging maayos yung break up natin kaya kinukuha ko 'tong oppurtunity na 'to para magkaro'n tayo ng closure. Gusto kong ma-explain at linawin sa'yo yung nangyari years ago. Mahal kita, mahal na mahal pero wala akong choice no'n, sobrang hirap para sa'kin na gawin 'yon but I had to. After kong makapasa ng bar exam, tinry kong hagilapin ko uli pero.. wala ka na. I tried calling you sa number mo pero nagpalit ka ata ng number, I tried asking for you address para makapag-sorry ng maayos but they didn't give me your number. I tried taking to your friends pero.. ayaw naman nila akong makausap. Promise, ginawa ko lahat ng makakaya ko para makapag-explain sa'yo ng mas maaga kaso.. wala e. Baka nga gan'to talaga yung gusto ng tadhana. Nung nalaman nina mama na bumalik ako sa Pilipinas para hanapin ka, pinagalitan nila ako ulit- pero nung oras na 'yon nagawa ko nang maipagtanggol ang sarili ko. Nagawa ko na ring mag-stand up para sa gusto ko- late nga lang pero finally, nagawa ko rin." masayang kwento niya. I smiled. This was all I ever ask for her. Maipaglaban niya yung gusto niya at mag-stand-up para sa sarili niya. After all these years, finally, she made it.
"I'm so proud of you."
"I'm sorry, Lance. Sorry."
"Okay na, Sol. Wala kang kasalanan. Naipit ka lang din at malinaw na rin sa'kin yung paghihiwalay natin. Sorry kung pinilit kitang ipaglaban yung sarili mo kahit hindi mo kaya pero okay na 'ko ngayon, Sol.Wala na 'kong tanong."
After all these years, akala ko hindi na masasagot ang tanong ko pero ito, finally, nalinawan na rin ako. Wala na kong tanong, nasagot niya ng lahat 'yon. Hindi man naging kami sa dulo, okay lang 'yon. 'Yon ang patunay na totoo pala talaga yung sinasabi nilang great love. Kase alam kong si Sol and great love ko. Iyong taong mamahalin mo ng sobra, yung tipong mamahalin mo ng buong buo. Ibubuhos mo lahat sa taong 'yon pero hindi mo makakatuluyan sa dulo at kahit na lumipas pa ang maraming taon, may lugar pa rin siya sa puso mo.. at alam kong great love namin ang isa't-isa.
Between hello and goodbye, there's love- there's us. My favorite hello and my hardest goodbye.. is Sol.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro