Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

115

Solenn

Hinatid ako ni Lance pauwi. Sa may tindahan na siya nagpark, kinabahan kase ako bigla. Parang may hindi magandang mangyayari. Hinalikan niya ako sa noo at nagpaalam. Pagka-alis niya, pumasok na rin agad ako sa loob.

Matalim na tingin ang tumambad sa'kin pagpasok ko pa lang ng bahay. Tangina. Kaya pala ako kinabahan. Nandito na si Mama.

"M-ma .." nauutal kong sabi. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Para bang lalabas na siya sa dibdib.

"Ba't ngayon ka lang? Isang oras at tatlumpong minuto kang late. Sa'n ka galing?" sunod-sunod na sabi nito.

Halos matumba na 'ko dahil sa panghihina ng tuhod ko. "K-kanila Jia p-po, ma" utal utal kong sabi. Nanginginig ang buong katawan ko. Panay rin ang pag-lagok ko.

Tumingin muli siya sa labas at ibinalik sa akin ang atensyon niya. "Kung sa'n-sa'n ka nagpupunta! Dapat nagaaral ka lang. Malapit na ang finals niyo oh!" panenermon niya.

Sa palagay ko, hindi niya nakita si Lance kahit dahil do'n nakahinga ako ng maluwag. Pinaakyat niya na rin ako kaagad sa kwarto ko para mag-aral.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro