4 - Sister's Sacrifice
"Tulog na si Rayden." Malapad ang ngiti ni Aling Pacita nang salubungin si Janet.
Napatango lang si Janet. She was a bit frustrated, dahil may pasalubong pa naman siya kay Rayden. Madalas na rin siyang gabihin sa pag-uwi dahil sa overloaded tasks niya sa New Way. Nilapag niya muna sa mesa ang pinamili niyang pagkain at saka ibinalik ang ngiti kay Aling Pacita.
"Salamat po sa pagbabantay kay Rayden sa araw na 'to. Kapag sumapit na ang rest day ko, tututukan ko naman ang homeworks niya," sambit ni Janet.
Ilang saglit pa ay inanyayahan niya munang maghapunan si Aling Pacita at nagkaroon sila ng kwentuhan patungkol sa mga bagay-bagay.
"Malapit na naman ang death anniversary ni Janice. Nakapag-leave ka na ba?" tanong ni Aling Pacita.
"Hindi pa nila inaaprubahan ang leave ko," unmotivated na sagot ni Janet bago magpatuloy sa pagsubo ng pagkain sa mesa. "Feeling ko pinag-iinitan ako ng bagong acting CEO dahil sa mga desisyon ko sa budgeting. Ayoko na nga sanang isipin ang mga bagay tungkol sa trabaho pero hindi ko maiwasang hindi magdamdam. Nakakainis."
Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga bago magpatuloy sa pagsasalita. "Kailangan ko nang bumawi kay Rayden. Baka nagtatampo na siya sa'kin. Ako na lang ang maghahatid sa kanya sa school."
"Ikaw ang bahala. Pero baka ma-late ka naman sa trabaho mo niyan. Pero okay din ang suggestion mo, baka nga nagtatampo na si Rayden. Napapansin ko na minsan, ang tahimik niya. Parang may problema siyang hindi masabi," turan ni Aling Pacita.
"Pasensiya na po. Nahihirapan na ba kayo sa sitwasyon? Simula noon pa, kayo ang naging guide namin ni ate hangga't sa ipanganak niya si... " Sinadyang putulin ni Janet ang kanyang mga salita. Nakalimutan niya ang sariling rule—na bawal pag-usapan ang nakaraan tungkol sa kanyang ate dahil baka marinig iyon ni Rayden.
"Sorry Janet. Dapat pala hindi na kita tinanong tungkol kay Janice." Napaubo nang bahagya si Aling Pacita at uminom ng isang basong tubig.
It was April 2007, nalaman ni Janice na nagdadalang-tao siya at hindi siya pinanagutan ng kanyang nobyo. Nag-aaral pa noon sa med school si Janice at mataas ang expectations sa kanya ng parents niya sa mga panahong iyon.
"Hindi ko alam ang gagawin, Janet. Paano ko sasabihin na buntis ako? Paano kung malaman nila na tinakbuhan na ako ng boyfriend ko dahil may asawa na pala siya?" tumatangis na tanong ni Janice sa nakababatang kapatid na si Janet.
Hindi agad makasagot si Janet at pinakatitigan lang ang kanyang ate. All she could do was to hug her sister and wiped her tears. "Bakit ka pumayag na maging kabit? Di ba mahigpit ka pa nga sa akin noong nalaman mo na may boyfriend ako? Bakit, ate? Paano na?"
"Hindi ko alam na may asawa na siya. Alam mong ikahihiya ako ng mga magulang natin pag nalaman nila 'tong pagbubuntis ko, at pag nalaman nilang hindi na ako pumapasok. Tulungan mo akong itago ito. Gusto ko silang iwasan. Ayokong magpakita hangga't hindi pa ako nakakapanganak."
Janet was unable to speak. She was devastated for her sister. She thought she had it the worst as the younger daughter, but her sister had it the worst and was the most hurt because she was the most obedient in their family.
Janice was the modest. Mataas ang expectations ng mga magulang nila ni Janice dahil kahit minsan, hindi siya nagreklamo at laging sumusunod sa kagustuhan ng mga ito. Parents din niya ang nagtulak sa kanya na maging doktor pero hindi naman iyon ang nasa puso niya. Habang nag-aaral, nakilala niya ang kaklase niyang si Julius at doon na nagsimula ang trauma niya.
"Saan tayo kukuha ng funds para sa panganganak? Babalik ako kina mama at papa, hihingian ko sila ng pera." Clearly, Janet was out of her mind for recommending that.
"Hindi mo pwedeng sabihin ang tungkol sa sitwasyon ko—"
"Sasabihin ko na ako ang buntis. Itatago kita."
"Paano mo magagawa, Janet? Hindi ka ba natatakot na saktan ng mga magulang natin? Kilala mo si papa, reservist siya ng navy. Alam mo kung ano ang kaya niyang gawin. " Puno ng pag-aalala sa boses ni Janice.
"Wala akong pakialam kung bugbugin niya ako. Iniisip ko lang kung paano kita poprotektahan," matapang na sagot ni Janet.
She handled this mess little by little. Naglakas-loob siya na harapin ang mga magulang na noon pa ma'y disappointed na maging anak siya.
"Hindi ko naman po hinihingi na tanggapin ninyo ang bata. Hindi rin ako babalik sa inyo para alagaan ako. Pero hihingi ako ng pera kahit isang bagsakan n'yo nang ibigay sa akin ngayon. Promise, hindi na ako hihingi ng dagdag na halaga hanggang manganak ako. Hindi rin ako magpapakita sa inyo. Nakapag-save din ako ng pera; ngunit alam ko na hindi 'yon sapat dahil bibili rin ako ng mga gamit sa magiging anak ko. Hindi ko rin hinihiling na tanggapin n'yo siya bilang apo ninyo. Isipin n'yo na lang, isa lang akong homeless dog na walang amo at kailangan ko lang na itawid itong pagdadalang-tao ko sa loob ng siyam na buwan. "
Nagawa ni Janet na huwag maluha habang sinasabi ang kanyang mga saloobin. Naging hudyat naman niya na dapat na niyang tanggapin ang sampal at suntok ng kanyang ama nang mapansin niya ang pagkuyom ng mga palad nito.
Natagumpayan ni Janet na hindi bumigay sa pagluha kahit pa nabigwasan na siya ng kanyang ama.
"Sabagay! Aso ka naman talaga! Pagala-gala ka kung saan-saan! At nabuntis ka pa! Nasaan ang tatay ng anak mo? Bakit hindi ka humingi ng suporta sa tatay niyan!" Halos ikapatid ng litid ng kanyang ama ang malakas na pagsigaw.
Iniangat ni Janet ang kanyang tingin sa kanyang ama at sunod na sinulyapan ang inang nananahimik at hindi man lang umawat sa pananakit.
"Lasing ako noong may mangyari sa tatay nitong anak ko. Actually, hindi ko siya kilala. Anak n'yo pa rin ako, hindi ba? Nangangako ako sa inyo, ito na rin ang huling beses na hihingi ako ng tulong," pakiusap ni Janet. She didn't feel hurt physically, but she's frail with her father's words and she couldn't bear to hear him talk. Gusto na niyang matapos ang lahat para makaalis na siya.
"Napakalayo mo talaga sa ate mo!"
Nakatikim na naman siya ng sampal na nag-iwan ng marka sa kanyang pisngi.
"Dahil hindi kami magkatulad, pa. Hindi ako si Ate Janice. Hindi ako matalino at lalong hindi ko kayang maging blind obedient sa inyo," Janet answered without being hesitant. Her struggles made her more stubborn. Hinding-hindi niya pagsisisihan na sinabi niya ang kanyang mga hinanakit na kinimkim niya sa mahabang panahon.
Sa bandang huli, binigyan ng pera si Janet ng kanyang mga magulang. Ginawa niya ang kanyang pangako na huwag magpakita sa kanyang mga magulang. Nagawa niyang itago ang pagbubuntis ng kanyang ate habang patuloy sa pagsisinungaling tungkol sa pag-aaral nito.
Janet allowed herself to be humiliated because she cares enough for her sister. Hindi niya alintana na naging mas matibay siya sa pagkakataong iyon.
But a year later, a tragic incident happened. Nakatanggap si Janet ng balita sa pinagtatrabahuan ng kanyang Ate Janice. Inatake raw ito sa puso habang nagtatrabaho."
Parang sinakluban ng langit at lupa si Janet. Wala siyang kaalam-alam na may iniindang sakit pala si Janice dahil natagumpayan naman nito ang panganganak kay Rayden. Hanggang sa libing ni Janice, masama pa rin ang loob ng kanyang mga magulang at parang punyal na sumaksak sa puso niya ang mga narinig niyang kataga.
"Bakit si Janice pa ang namatay? Bakit hindi na lang ikaw? You never knew how much Janice brought honor to our family; samantalang ikaw, disgrasyadang babae at suwail na anak!"
After that, hindi na siya nagpakita nang tuluyan sa parents niya. Tuluyan na rin niyang pinutol ang komunikasyon sa mga ito at pinalaki niyang mag-isa si Rayden at inangkin niya bilang sariling anak. Laking pasasalamat na rin niya kay Aling Pacita na naging kapitbahay nila noon ni Janice. Siya rin ang gumagabay sa kanila noong nasa pregnancy stage pa ang kanyang ate. She promised to herself that she will never become the parent that she hated the most. She will let her son be free and she will never disrespect him with her words. Gagawin niyang maganda ang mundong gagalawan ni Rayden.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro