Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15 - Running From Estranged People

Agad na pinunasan ni Janet ang kanyang luha matapos sindihan ang kandila sa puntod ng kanyang Ate Janice. Tahimik lang din na nakamasid ang batang si Rayden at mas nakatuon ang mga mata nito sa larawan ni Janice na iningatan ng luma ngunit matibay na photo frame.

"Heto na ulit si Rayden. Ten years old na siya at pangarap niyang kumuha ng kursong Fine Arts or Mass Communication. May idea na rin siya kung saan siya mag-e-enroll. Tutulungan daw niya akong mag-ipon ng tuition niya; sisimulan na raw niya ang pag-iipon ngayong taon," naluluhang sambit ni Janet at hinipo ang ulo ni Rayden na nasa kanyang tabi.

"Aalagaan ko po si mama at magiging proud pa siya sa'kin, tita."

Lumundag sa tuwa ang puso ni Janet. Hindi man iyon ang unang beses na narinig niyang magsalita nang gano'n si Rayden, may kurot pa rin sa puso niya ang bawat salitang lumabas sa bibig nito. But somehow, it should be Janice that Rayden should call mom. Kung pwede lang talagang isiwalat na niya sa bata ang katotohanan tungkol sa tunay nitong ina at kung hindi lang sana naging komplikado ang nagpatong-patong nilang kasinungalingan.

Nang maramdaman nila ang patak ng ulan, mabilis na tumakbo sina Janet at Rayden para maghanap ng punong masisilungan pansamantala. Kumuha si Janet ng payong sa bag upang ipansalag sa ulan na may kasama pang hangin. Takot na takot kasi siyang magkasakit si Rayden dahil tuwing nagkakasakit ito, nagde-demand pa rin ito sa kanya na pumasok sa paaralan. Niyakap pa niya si Rayden para lang hindi talaga ito mabasa.

"Thank you, mama."

Awtomatikong ngumiti si Janet sa pagbulong ni Rayden. Tumingin siya sa paligid habang nanatiling nakayakap sa kanyang pamangkin at nagitla na lang siya sa nakita niya sa 'di kalayuan. Isang matandang mag-asawa ang palabas sa kanilang kotse at pinapayungan sila ng kanilang mga kasambahay na pamilyar din para kay Janet.

"Mama, papa?" Napahigpit ang kapit niya sa payong at isinubsob ang ulo ni Rayden sa laylayan ng suot niyang blazer para hindi nito makita ang mga paparating.

"Alis na tayo anak," sambit niya at hinawakan nang maigi ang kamay ng bata.

"Mama, maulan pa po," katwiran naman ni Rayden.

"Kailangan nating magmadali," palusot ni Janet at pinilit na ipagkasya sa silong ng payong si Rayden at binilisan nga nila ang paglakad papalayo.

Halos takasan siya ng kanyang kaluluwa nang marinig ang boses ng strict dad niya na nakakasindak pa rin. "Janet! Saan ka pupunta? Janet!"

Hindi lumingon si Janet pero nagawang lumingon ni Rayden at nasulyapan niya ang masungit na pagmumukha ng kanyang Lolo Fabian, pati na rin ang Lola Donita niya na parang sabik na lapitan siya.

"Mama, tinatawag ka nila—"

"Huwag mo silang pansinin," sikmat ni Janet at mas binilisan pa ang paglakakad hangga't masubsob siya at gano'n din si Rayden.

"Sorry, anak." Nanlaki ang mga mata niya dahil nagalusan ang braso ni Rayden. Habang si Rayden, hindi pa rin tumitigil sa pagsulyap sa dalawang matanda.

"Are you okay?"

Halos mawala na sa katinuan si Janet nang marinig ang boses ng pamilyar na lalaking papalapit. Iniangat niya ang tingin at hindi sinasadyang nabitawan ang kanyang payong dahil nasilayan na naman niyang muli si Conrad. Hindi niya maiwasang mapatanong sa sarili niya kung ano ang kailangan nito at bakit naririto rin ang binata? Ano na lang ang iisipin ng mga magulang niya kapag nakita ang tagpong iyon?

"Sir Conrad. Anong ginagawa mo rito?" natatarantang tanong ni Janet at hinatak papunta sa kanya si Rayden.

"Sorry to disturb you here. May mahalagang concern lang sa work. But I think, mas mahalaga ang anak mo ngayon. Ihatid na natin siya sa ospital," kalmadong sagot ni Conrad. Ngunit sa totoo lang, sinadya niyang sundan si Janet. Mabuti na lang at sinabi ni Jhon ang pangalan ng sementeryo kung saan pupunta si Janet para sa yumao nitong kapatid.

"Lumalakas pa rin ang ulan. Umalis na tayo rito," dagdag ni Conrad. Napapansin niyang hindi okay si Janet at papalapit na ang matatandang iniiwasan nito. Naririnig pa rin niya ang pagalit na pagtawag ng matandang lalaki sa pangalan ni Janet. Madali niyang nabatid na umiiwas si Janet sa mga ito at madaling nag-assume si Conrad sa ugnayan ng mga ito kay Janet.

'Magulang niya ang dalawa.'

Naalala niya ang naikwento sa kanya noon ni Janet habang nage-get to know sila sa party bar bago mag-book ng hotel. Considered na blacksheep si Janet sa kanilang pamilya at nagkukunwari siyang pure rebel dahil ayaw niyang ma-pressure gaya ng nakatatanda niyang kapatid.

"Tara na, pumunta na tayo sa ospital."

Tumango lang si Janet sa inilabi ni Conrad.

"Anak, sasamahan tayo ng boss ko sa ospital," bulong niya kay Rayden. Marahang tumango ang bata at lumapit kay Conrad. Meanwhile, Conrad decided to carry the little boy and wrapped him with his own sweater. Maingat na isinakay niya ito sa kotse habang nakasunod si Janet.

Dali-dali namang sumunod sa pagsakay sa loob ng kotse si Janet. Tumigil na rin sa pagsunod ang magulang niya na halatang sasabog na sa matinding inis habang sinusundan pa rin siya ng matalim na tingin.

Muling nakahinga nang maluwag si Janet at niyakap si Rayden na nasa passenger seat din kagaya niya.

"May nagawa ba akong mali sa trabaho, sir? Nai-turn over ko na kay Jhon at sa ibang concerned department ang pending ko ngayong araw," sabi pa ni Janet na hanggang ngayon, parang kinakapos pa rin ng hininga. She's like running from a grim reaper to avoid her death.

"Mamaya na natin pag-usapan. Mas mahalagang madala ang anak mo sa ospital," pakli naman ni Conrad at naka-focus lang sa pagmamaneho. "Mas importante siya kaysa anumang bagay."

"Nagalusan lang naman siya," pagdadahilan pa ni Janet.

"Pero grabe 'yong pag-aalala mo kanina. Hindi mo pwedeng sabihin na nagalusan lang siya."

Naiiling si Janet at inilipat ang tingin kay Rayden. Ilang saglit pa, bumuka ang bibig ng inosenteng bata at yumakap sa kanya. "Mama, bakit mo tinatakasan ang tumatawag sa'yo kanina?"

"Dahil masamang tao sila. Basta, kaaway sila ni mama," napilitan niyang sagot.

Napadako muli ang tingin ni Conrad sa rearview mirror ng sasakyan. Madali niyang napansin na tensed si Janet sa mga sandaling iyon. She's not good in lying in situations like this. Pero pagdating sa nakaraan nilang dalawa, magaling itong magtago at umarte na parang walang nangyari, na parang total strangers sila.

"Malapit na tayo sa ospital."

Napanatag muli si Janet. Conrad came just in time so she could freely avoid her parents. Ngunit sa kabilang banda, hindi niya mapigilang isipin kung bakit sa lahat ng lugar na pwedeng magtagpo sila, bakit doon pa at bakit saktong kailangan pa na makita rin niya ang parents niya na hindi niya hinarap sa mahabang panahon?

Nananadya nga ba ang tadhana? O may plano rin si Conrad na pwedeng ikasira ng career at pagkatao niya? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro