1 - Righteous Janet
"Ms. Janet, hindi mo pa ipinaliwanag nang maayos ang terms ng contract. Paano ako papayag sa deal natin?" For the nth time, Ms. Santillan sounded enraged while she's talking with Janet.
Samantala, walang nagawa si Janet kundi ang umiling at hayaang sigawan siya ng kliyenteng iyon; to be exact, very important client. Ayaw din niyang mapagalitan siya ng kanyang boss tulad ng huling beses na nabigo siya sa kanyang mga gawain sa trabaho bilang department manager ng kanilang kompanya.
'Kailangan kong pahabain ang pasensya ko. Ang promosyon ay nakasalalay sa deal na 'to. Lord, bigyan mo ako ng mahabang pasensya.'
Peke ang pagngiti ni Janet sa matandang masungit na kliyente.
"Ms. Santillan, noong una nating pagkikita ay malinaw kong sinabi sa iyo na kailangan mong ayusin ang mga legal na dokumento bago tayo magpatuloy at kailangan mong gawin ito nang hindi bababa sa isang buwan. Alam mo namang mainit ang mata ng treasury sa mga private company na delinquent taxpayer," mahinahon na paliwanag ni Janet.
"Hindi pwedeng sumabit ang kompanya sa deal namin sa inyo," dagdag niya na may kalakip na buntong-hininga.
"I explained my side well, Ms. Janet. Magagaling ang accountants ko. Walang problema sa pananalapi ang kumpanya ko kaya bakit ka mag-aabala na humingi sa akin ng mga legal na dokumento?" tanong ni Ms. Santillan.
"Isa yan sa mga kinakailangan ng kumpanya para maging eligible ka sa partnership ay ang tax papers na taun-taong nire-require ng pamahalaan. Kung magagaling kamo ang accountants mo, dapat nai-prepare na nila 'yan para sa akin dahil in-charge ako sa auditing," paliwanag pa ni Janet. Kung hindi makukuha sa mahinahong paraan ang usapang ito, baka kakailanganin na niyang magsungit kay Ms. Santillan.
"Okay, susundin ko ang lahat ngunit sa isang kondisyon," sabi ni Ms. Santillan.
"Ano po?" tanong ni Janet. At this moment, hindi niya maiwasang huwag mainis sa kausap. Aba, sobra pa sa tipikal na demanding ang kliyenteng ito.
"Kaunting pabor lang, dahil kaibigan ka ng kumare ko na si Glory," nakangiting sagot ni Ms. Santillan. Ang tinutukoy nito ay ang former boss ni Janet na matagal na niyang kaibigan. Pareho silang nag-aaral sa high school noon at naging classmates din sa isang subject noong nasa college pa sila.
"kaibigan nga ako ni Ma'am Glory, pero walang kinalaman ang pagkakaibigan naming dalawa sa deal na ginagawa natin," giit ni Janet at pinukol ng seryosong tingin si Ms. Santillan.
"Alam mo ba ang partikular na resthouse na tinutuluyan namin ni Glory noong bakasyon?"
Tumango si Janet. "Bakit, ma'am? Bakit hindi mo na lang ako diretsahin?"
"Sa pagkakaalam ko, naging abandoned na ang lugar na iyon at nag-collapse ito sa nakamamatay na bagyo, ilang taon na ang nakakaraan. Binenta na sa'kin ni Glory ang resthouse na 'yon pero ibibigay ko na lang sa'yo dahil hindi ko na mahaharap ang pagpapaayos nito," masinsinang paliwanag ni Ms. Santillan.
Sa pagkakataong ito, alam na ni Janet ang taktika ng kanyang kausap—indirect na sinusuhulan siya nito!
"Sige, ma'am. Maghahanap ako ng magaling na karpintero. Ms. Santillan, ipapaayos natin ang resthouse mo," suhestyon ni Janet.
"Hindi ko sinabing maghanap ka ng karpintero, sinasabi ko na ibibigay ko na lang sa'yo ang resthouse na 'yon," giit naman ni Ms. Santillan. Bakas pa ang pagkairita sa kanyang tinig dahil napo-provoke na siya sa pagmamaang-maangan ni Janet.
"Naiinis ka po ba dahil sa nagtatanga-tangahan ako? O dahil sa hindi ako tanga para hindi malaman na sinusuhulan mo ako?" Nagsimulang makipagsukatan ng tingin si Janet. Hindi niya itataya sa isang iskandalo ang promotion niya at ang kanyang pangalan. Kilala siya bilang isang matapang na empleyado ng kanilang kompanya na hindi nasisilaw sa anumang uri ng bribery. Ang sinahod niya sa mahigit isang dekada niyang pagtatrabaho ay nakuha niya sa malinis na paraan. Kaya nga siya binansagan na "Righteous Janet" dahil hindi siya sang-ayon sa anumang uri ng korapsyon sa kanilang working environment.
"Alam mo, ipapatawag ko ang immediate boss mo," matapang na sambit ni Ms. Santillan. "Sasabihin ko na naging unbecoming ang attitude mo habang nakikipag-usap ka sa akin."
Pagak na natawa lang si Janet. "Go ahead. May record ako ng panunuhol mo, madam."
Lakas-loob na ipinasok niya ang recorder na mukhang ballpen. Naalarma kaagad si Ms. Santillan.
She smirked as she was trying to leave the office. Ngunit sa isang iglap, narinig niyang muling nagsalita si Ms. Santillan.
"Ms. Janet, don't do that. Okay? Susunod na lang ako sa procedures!"
"Mabuti. Iyan ang gusto ko sa iyo, madam— lagi kang madaling makompromiso." Tumawa lang si Janet.
'If only there's no business agreement involved, baka talagang in-expose na kita,' naisip niya habang peke ang ngiti kay Ms. Santillan.
Matapos ang meeting, mabilis na tumungo si Janet sa kanyang office. Nakita niya agad sa desk niya ang picture frame niya na may larawan niya kasama ang former colleagues niya na sina Cassie at Nika. Siya na lang ang naiwan sa kompanyang pinagtatrabahuan, ang "New Way Incorporated."
Bothe Cassie and Nika married the love of their lives. Habang si Janet, naiwang malungkot at hindi pa rin nakakahanap ng asawa. Sa katunayan naman, hindi niya goal ang paghahanap ng makakasama habambuhay. Kuntento na siya sa paglago ng kanyang career at sa pagtayong ina sa pamangkin niyang si Rayden. Solo parent ang role na ginagampanan niya at lahat ng tao sa buong kompanya, inaakalang anak niya talaga si Rayden sa lalaking tinakbuhan siya habang siya ay buntis. Ngunit hindi naman iyon ang nangyari, hindi siya nagdalang-tao at hindi rin siya nagkaroon ng live in partner.
Maski ang parents niya, inakalang siya talaga ang nagluwal kay Rayden. Ang nakaraang iyon pati na rin ang pakikipag-one night stand niya sa isang di kilalang lalaki ang mga alaalang ayaw na niyang maungkat. Pero sa kabilang banda, nakatulong pa ang one night stand niya kay Rad para makaimbento siya ng kwento sa kanyang mga magulang.
"Ang tanging alam ni Rayden, si Rad ang tatay niya. Buong akala ng parents ko, nagpabuntis ako kay Rad but fortunately, hindi nagbunga ang ginawa namin noong gabing iyon. Ilang taon kong ininda ang humiliation ng ibang tao para pagtakpan si ate. Sana isang araw, maisiwalat ko na ang lahat. Dahil alam ko, walang sikretong hindi mabubunyag. Kapag nagbukas ang Pandora's box, hinding-hindi na mapipigilan ang paglabas ng mga lihim. Hindi ko na hihintayin pang magbukas ang Pandora's box ko bago ako gumawa ng mabuting hakbang para lalong maibaon sa hukay ang dapat ibaon."
She let out a sigh, trying to distract herself with the view of the skyscraper from the window of her office. Kahit papaano, gumaan ang kanyang loob.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro