Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue


I hate attention. I hate noisy stuff, loud people, unreasonable and useless bickering, and most of all, tsismis. Ayaw ko rin sa makalat, walang direksyon sa buhay, at panay paglalandi lang ang alam.

Ang dami kong ayaw. Halos lahat ng bagay na hassle sa pag-aaral at pamumuhay ko ay ayaw ko. I am not friendly and sociable. Kaya rin aminado ako na mahirap akong pakisamahan.

Pero okay lang naman, 'di ko naman kailangan ng mga katulad nila sa buhay ko. My life is better without them.

"Ayan na ang androphobic at philophobic!"

I rolled my eyes when I heard that as I passed through a busy crowd of students. May activity sa school ngayon at kailangan kong pumunta ng gymnasium para sa debate kung saan kasali ako.

"Ay oo nga, nakakatakot namang tumingin, akala mo mang-gugulpi e."

I just shrugged my shoulders at nagpatuloy nalang sa paglalakad, wala naman kasi akong mapapala kung papatulan ko ang mga hassle na katulad nila. Kagaya nga nang sinabi ko, hassle. Kapag patulan ko ay masasayang lang ang oras ko.

Hindi ko nga alam kung paanong nasabi nilang androphobic at philophobic. Feeling psychologist or psychiatrist lang? Duh.

Kalmado kong isinubo ang sandwich na hawak nang makarating sa gym. Hindi ako nakapag-agahan dahil late ko nang natanggap ang sweldo mula sa part-time job ko, kung kaya't ngayon lang ako nakabili ng makakain.

I ate silently while listening to the students debating before us. Mauuna kasi ang mga lower years at dahil 4th year na kami, ay kami ang huli. I was chosen as one of the representatives from our program, tinanggap ko naman agad ang offer dahil mayroong cash prize na matatanggap kapag manalo. Sayang naman, tulong din iyon kung sakali.

The mechanics were quite interesting, because they'll ask you to pick your opponent via draw lots and your opponent will be the one to draw the topic. It's very informal at impromptu pa, in which I don't impressive. Pero okay lang naman. Whatever it is, sana lang ay maayos ka-debate ang mabubunot ko.

I may not be sociable but I'm not dumb. I'm quite eloquent in speaking naman when it comes to academics or anything related to that. Ilang trophy na rin naman ang naiuwi ko mula noon dahil palagi akong nananalo sa mga ganitong patimpalak.

"Hey! Susunod na ang 4th year! Good luck! Galingan mo, Fiara! Kapag manalo ka. ikikiss talaga kita!"

Muli akong napairap nang marinig ang boses na iyon mula sa gilid ng stage. Nang bumaling ay agad kong nakita ang isang matangkad na babaeng kumakaway sa akin.

Siya si Janelle, kaklase ko, and probably the only person I can consider as a friend. Maganda, mabait, maraming nagkakagusto, but she's so loud, akala mo ay palaging nakalunok ng megaphone. And I don't know why she's still wasting her time with me, dahil madalas ay hindi ko naman siya pinapansin.

Maybe she's just really bored. Gano'n talaga siguro kapag pinanganak na lahat ng bagay at atensyon ay nabibigay sa 'yo, kaya mong magbigay sa iba. Ako kasi sobrang nagkulang ako sa parteng iyon.

"Oy, ayan na iyong nanglalamon ng mic mula sa nursing department!"

"Ah, 'yong masungit na nakakatakot!"

"Masyado namang seryoso, akala mo'y laging galit sa mundo."

I clenched my fist as I heard them laugh. Akala siguro nila ay hindi ko sila marinig at maintindihan. But it's clear to me... very clear. Sanay na rin naman na ako.

Ituon ko nalang ang sarili sa kompetisyon, sa halip na patulan sila. I need to win this one dahil malaki ang maidadagdag nito sa pambayad ko ng renta sa apartment next month. Kung hindi ay okay lang naman, kailangan ko lang uli mag-doble kayod.

Nang tinawag na kaming mga 4th year ay agad na akong umakyat ng stage. The debate started immediately at ang una kong nakalaban ay isang political science student. She was good but the topic was kind of tricky at ang napunta pa sa kanyang stand ay halatang hindi niya gusto. Pakiramdam ko rin ay medyo sinuwerte ako kaya ako nanalo. Mayroon pa akong nakalaban na dalawa pagkatapos, I won on both, which made me the winner in the last batch. Mayroon na rin akong cash prize na five hundred pesos kaya lihim akong napangiti.

"Go, Sofiara! Ang galing mo talaga, idol!"

I sighed when I heard that. God, Janelle! Siya lang namang mag-isa ang nag-chi-cheer, because obviously, people here don't want me to win.

The debate wasn't done yet. May isa pang round kung saan maglalaban-laban ang mga nanalo mula 1st year hanggang 4th year.

Ako naman ang napiling mauna kaya pumunta na ako sa gitna ng stage para bumunot ng makakalaban mula sa bowl. Apat lang naman kami kaya tatlong papel lang ang naroon.

Kumunot ang noo ko nang basahin ang pangalan sa papel na nabunot.

"Solaris East," walang buhay kong saad.

Gulat naman ako nang biglaang nagsigawan ang mga nanonood na akala mo'y may dumating na k-pop idol.

Mula sa papel na hawak ay dumako naman ang tingin ko sa lalaking pumwesto sa harap ko.

Wearing an annoying yet manly smile, a tall boy with a lean body and disheveled hair stared at me.

Seryoso? Siya ang nanalo?

E mukha naman 'tong nakikipaglaro e.

Mula sa akin ay dumapo ang mata niya sa mga nanonood and people cheered for him again.

Ay, wow? Popular?

From what year is he again? First year?

Mukha pa siyang may gatas sa labi e.

Muling ngumiti sa akin ang lalaki bago bumunot ng topic sa isa pang bowl.

"Proximity is why people fall and stay in love," aniya habang nakatingin sa akin.

Napataas ako ng kilay. Seryoso? Iyon ang topic?

Wala na ba silang ibang mai-topic? Hindi naman sa ayaw ko at nahihirapan ako, it's just that I am not interested with that thing kaya I'm not very confident.

Ngising-ngisi naman siya nang mai-assign na sa amin kung anong stand kami.

I'm pro and he's con.

Hindi ako naniniwala but damn, I need to defend my stand.

Nauna na akong magsalita pagkatapos magbigay ng go signal ang moderator. Four minutes lang kasi ang binigay na oras sa amin para magtalo at kung kanino naimpress ang judges ay siya ang panalo at lalaban sa isa pang nanalo para sa grand winner. I don't know what's with the committee at bakit gano'n ka-iksing oras lang ang ibinigay sa amin. But I guess it has something to do with the basketball game na gaganapin din sa gym kaya minamadali na ang debate.

Mabuti na rin iyon para matapos na't makapasok na ako sa part-time job ko.

"I agree that proximity is the reason why people fall and stay in love. Bakit?" I started. "It's because proximity helps people get to know each other more, discover similarities and differences, mga good qualities, bad qualities, fun side, boring side, at kung ano pang mga bagay na nakatutulong para maging mas malapit sa isa't isa. Because of familiarity brought by proximity, a person tends to trust and feel safe, and then become attracted to that person familiar to him or her for a long time." Mabilis kong sabi.

Damn, I can't believe I'm blabbering nonsense right now.

The boy smirked before speaking and the crowd cheered again which made me roll my eyes secretly.

Puro papogi naman 'to, kaya siguro nanalo kanina.

"Hindi ako naniniwala. It's not about the distance for me. Para sa akin, kapag tinamaan ka, edi tinamaan ka na. Misteryoso ang pag-ibig, we all know that. People fall and stay in love kahit na malayo sa isa't isa, that's how powerful love is, as long as it is sincere and real." He countered.

My lips twisted. He's the romantic type, I guess. But what a weak counterargument!

"Well, according to social psychology, one of the factors why people fall in love is the proximity effect, which pertains to the moments or time that people spend together. And it's not just a mere claim, because there are researches that shows a positive correlation between the amount of time spent together and the attraction between individuals." I uttered confidently as I remembered what I learned at one of the seminars I attended. "Mayroong ding tinatawag na mere exposure effect which says that a repeated exposure to an object or a person can lead to having an implicit preference for it. This implies that for example, people who see each other on a daily or regular basis prefer to be with each other than someone who's farther o minsan lang makasama."

Akala ko ay magseseryoso na siya pagkatapos nun ngunit mali ako, dahil sa halip ay mas lalo pang lumawak ang kanyang ngiti habang nakatingin sa akin.

"It's not about how close you are physically, connections aren't just about that. Kahit na magkalayo kayo, if you understand each other, if you are compatible, then it will work. You can fall in love with each other. At sa huling sinabi mo, it seems like it's not love, baby." He uttered and smirked.

My forehead creased. B-baby? Did I hear it right?

"If you truly love someone, kahit gaano ka-layo, at kahit gaano kayo ka-dalang magkita, paulit-ulit mo pa ring pipiliin. Kahit na sabihin nating ganito, magkaharap lang tayo, hindi magkadikit, pero kung mahal kita, paulit-ulit kitang pipiliin. Mahal ko e. Iyon ang tunay na pagmamahal." Nakangisi niyang saad at kumindat sa akin.

Right after he said that, the moderator indicated that the time is already up, which left me hanging.

Malakas na nagsigawan ang mga tao at ang lalaki naman ay tuwang-tuwang kumakaway sa kanila, like he's enjoying all the attention he's getting.

It annoyed me. Gusto ko pa kasi siyang sagutin dahil hindi ako sang-ayon doon sa huling sinabi niya. Pero wala, tapos na ang debate.

I won but I felt so dissatisfied, at hindi ko naman inaasahang lalapit sa akin ang lalaki pagkatapos.

"Congrats, ang galing mo." Mabilis at nakangiti niyang sabi bago siya hinila ng mga kasama umalis.

Nakasimangot naman akong sinundan sila ng tingin habang paalis, dahil do'n ay napansin kong nakasuot siya ng isang jersey uniform.

Xavier. It says from the back.

How annoying. I hate his guts. Masyadong playful. Mahangin. And he's what? A freaking believer of love?

Eww, cringe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro