CHAPTER 8
"Uy! Uy! Uy! Sanaol!!" sigaw ng mga kaklase kung mga abno dahil kinarga ako sa likod ni kwago dahil nahulog ako sa hagdan. Kasalanan niya din naman kasi tinulak ako ng taena. Jusko!
"Class! Be quiet!" sigaw ni ms. Pusit
Kawawa naman sila, ang tagal na namin sa rooftop tapos sila hindi pa rin tapos. Poor na mga kaklase ko.
"One to two three asawa ni marie, adlaw gab-i wala panty~" kanta ng katabi kong crabstick. Bisaya ba siya or alien like me?
Teka nga..... Paano siya napadpad sa puwesto namin? Iyong pusit kaya katabi ko!
"And WAYDH?" tumingin siya sa akin habang ngumunguya ng bubble gum.
"May lahing alien ka talaga?"
"I'm pure alien, Okay?"
"Waydh?" Tinaasan niya lang ako ng kilay. "What Are You Doing Here!" sigaw ko sa pagmumukha niya.
"Nakaupo." Pamimilosopo niya. "Nakikita mo naman I'am right? Alangan namang nakatayo?" Dagdag niya pa. Lord, nakikiusap ako, puwede niyo na po siyang kunin as in now na!
Bigla nalang kumidlat ng napakalakas. Kaya napahalakhak ako ng tawa. Grabe ka lord, sinunod mo agad sinabi ko uwu!!
Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang kidlat na tumama sa salamin at papunta sa direksyon ko.
Ang sama mo talaga!
Agad akong umilag at boOM!!! Ang kaklase ko ang natamaan, patay!
Tumawa ako ng malakas dahil sa itsura niya, mukha na siyang sunog na tao-tao? Baboy? Baka? Basta ready to eat na siya. I'm Aswang-este poganda.
"RaWr!" napahinto ako dahil sa ginawa ko, bakit ako nag raWr sa crabstick na ito? Lahat ng kaklase ko at nagtilian ng hindi ko alam ang dahilan. At ikaw naman self, ano ginawa mo? Nabubuang ka na ba? Kailangan ko na bang bumalik sa mars?
Nakatitig ako kay sydrik na nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa akin.
"Ms. NAVARRO!!!!!!" napaayos ako ng tayo at unti unting tumingin kay ms.pusit, "yes.... Ma'am pu. Sit?"
"MS. NAVARRO! GO TO THE PRINCIPAL OFFICE! NOW!"
"Ay now na talaga? Puwede bang mamaya or bukas nalang? Katamad e."
"Xyena?" naging mahinahon ang boses ni ma'am, ang mga kaklase ko naman tawa ng tawa. "CLASS QUIET!!!" tumahimik naman ang mga kaklase ko.
Nakita ko nalang ang sarili kung hila hila ni crabstick papunta sa principal office, napatingin ako sa kanya ng masama. Babae ako at siya lalaki pero kung makahila wagas, walang galang, hindi gentlemen!
"Let me go, okay?" parang wala siyang narinig at tuloy tuloy akong hinila. Pumadyak padyak ako at gumalaw galaw, napahinto siya at bahagyang tumingin sa akin.
"Fine." he said and binitawan niya na ako. Nagulat ako ng bigla niya nga akong bitawan kaya nauntog ako sa bato, akala ko pa naman sasaluhin niya ako tapos isasandal sa pader at hahalikan ackk!
Lah? Ano ba itong iniisip ko? lah ka poganda, nabubuang kana ba?
"Why are you staring me like that?"
"Bakit bawal tumingin?"
"You like me?" napatayo ako at kwaring nauubo. "Yuck! Ew!" Padabug akong umalis at dumiretso sa garden. Nakita ko ang aso na nakahiga sa upuan, agad akong lumapit at tumabi sa kanya.
"Alam mo ba-malamang hindi pa. Kung ang dog ay aso, ako naman alien hayst! Alam mo brownie-brownie nalang tawag ko sa'yo tutal, kulay brown ka naman, alangan namang blacky tawag ko sa'yo hindi ka naman itim? Okay back na tayo-teka may tayo ba? Charrot!" Tumawa ako mag-isa.
Hinipo hipo ko siya at tumingin sa mga bulaklak na nakapalibot sa akin. Nakakita ako ng paru-paro kaya lumapit ako-hindi pa man ako nakakalapit laking gulat ko nalang ng kinain siya ng palaka!
"O TO THE M TO THE G! OMG!!! WDYETBF?!" napatingin sa akin ang palaka habang nanlalaki ang mga mata. "Tingin tingin mo d'yan? Lutuin kita gusto mo? Kumakain ako ng palaka, kala mo ah!" Lumapit ako sa kanya at hinuli siya, nagkatitigan kaming dalawa.
Pag-ibig na ba this?
May napanood ako sa fairytale na kapag hinalikan mo ang palaka magiging tao-tapos prinsepe! Ackk!! Try ko kaya?
Hinawakan ko siya ng maayos at pumikit, unti unti kong inilalapit amg bibig ko sa panget niyang bibig. Kahit masuka man ako atleast may prinsepe naman ako!
Malapit na!! Malapit na!! Malapit na akong maging isang pogandang prinsesa! WHAHAHHAHAHA!!!!
"MS. NAVARRO!!!!!!" napamulat ako ng marinig ko ang boses ni pusit.
Myghoshh!!!
Napatingin ako sa palaka na wala na pala sa palad ko. Intayin mo lang ako prinsepe ko, sayang talaga! Sayang na sayang talaga!
Padabug akong tumayo at lumapit kay ms.pusit
"Sayang iyon! Sayang! Balak pa naman sana kitang kunin bilang maid ko." nagcrossed arms ako and back off.
"Xyena, go to the principal office, may kailangan tayong pag-usapan tungkol sa mama mo." Napahinto ako at muling tumingin kay ms. Pusit.
"Kay mama?" nauna na akong pumasok sa principal office at umupo habang nakataas ang mga paa sa table niya. Akin ang principal office na ito. Akin.
"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro