Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

"HEPPP!!! AT SAAN KA PUPUNTA?" bungad sa akin ng punyetang kwago.

"So what's your pake?"

"Floorwax."

"Eh? Bala ka d'yan!" umalis na ako at tumambling tumbling pababa ng hagdan. Hay buhay, ang sarap niya talaga'ng isako—kaso hindi siya kasya. Tss.

Where na kaya si nics? Pagkatapos mabroken—wala pa ring pakealam sa mundo, pero bet ko siyang—maging ka-ibigan este kaibigan.

"Eyy ms. Pres! Blooming natin ah?"

"Saan ka pupunta?"

"Sa atay mo yieee!!"

"Gutom lang iyan, sisiw." napasimangot nalang ako dahil sa sinabi niya. Bagay na bagay talaga sila ng kwagong iyon, sarap talaga nila isako tapos ipapatapon sa jupiter.

What if magkapatid pala sila, ‘no? Oh, sige self, ovethink......

"Where's Franz?"

"Nasa puso mo yieee!!" bigla niya nalang akong tinalikuran at umakyat ng hagdan.

"Panget mo kabonding!" malakas na sigaw ko at nagpamulsa.

Habang naglalakad ako ay napansin ko si nics na kinikilig habang kaharap ang cellphone.

Tsk! Tsk! Tsk!

"Hoy payat!" tawag ko sa kanya pero mukhang hindi niya ako narinig. Ang kapal nga naman talaga ng mukha oh... Matapos kung tulungan di na namamansin, sabagay, madami na talagang feeling famous ngayon!

Kinuha ko ang bato na nasa harap ko at walang kung anong itapon sa pagmumukha niya.

"Hoyy sino iyon!!" malakas na sigaw niya habang nakatayo pero hawak hawak pa rin ang cellphone, muli siyang umupo at nagcellphone.

Sino kaya kachat nito? Baka puwede niya ishare sa akin.

Padabug akong tumabi sa tabi niya at akmang titingin sa cellphone niya pero—laking gulat ko nalang ng bigla niya akong hampasin sabay tawa ng tawa.

Problema nito? Dapat ko na ba siyang dalhin sa mental? Tss.

"Oy andito ka pala xye—" pinutol ko na ang sasabihin niya. "I'm poganda." nagcrossed arms ako.

"At sino na naman iyang kalandian mo?"

"Si taehyung!!" Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Taehyung? As in? Ta eh yung? Tae? Baka tae? Natutuwa ba siya sa tae? Sabagay.

"Nakakatuwa nga rin ang tae ko e, minsan mabaho minsan naman hindi," nakasmirked akong tumingin sa kanya, halata sa mukha niya ang pagpipigil ng pagtawa.

"Tae?"

"Oo, di ba natutuwa ka sa tae mo?"

"Buang hindi! Taehyung! Bts! Si v!" Sigaw niya na halos iluwa niya na dila niya sa pagmumukha kong poganda.

"Huh? Bts? Behind the scene?" natampal niya ang sarili niyang noo dahil sa sinabi ko.

"Ewan ko nga sa iyo, search mo nalang sa google para malaman mo!" tumayo na siya at tinalikuran ako.

Tinatanong ko lang naman ng maayos tapos search ko pa sa google? Tss! E, wala nga akong load. Paloadan niya ako, matutuwa pa ako para makapaglaro ako ng ml. Malapit na ako mag mythic do'n.

Tumayo nalang ako naglakad lakad para mag check sa mga estudyante na walang alam kundi ang makipaglandian.

Pakikipaglandian ang ginagawa nila dito sa school hindi ang pag-aaral para matuto. Ang iba naman puro chismisan, uso talaga marites dito sa university—kasali na ako doon, ako pa reyna ng mga chismosa dito sa university. And I'm proud of that. Dapat proud ka sa sarili mo sa pagiging chismosa.

Siyempre charrot lang, baka bigla akong kaltukan ng mga kwago, kasi ipinagkakalat ng mga chismosa na mag jowa daw kami ng kwagong iyon! Like the! Gosh! Hindi mangyayari iyon! Kahit mamatay pa siya!

"Hoyy!!" sigaw ko no'ng makita ko ang isang lalaki na akmang hahalikan ang babae na nakasandal pa sa puno.

"At ikaw kababae mong tao ang landi landi mo."

"Alangan naman lalaki?" ngumisi ako dahil sa sinabi niya.

"May utang kang five hundred pesos kay yuiji, may utang ka rin kay ma'am pusit na one thousand. At higit sa lahat, nagtatrabaho ka sa—" pinutol niya na ang sasabihin ko.

"Ay miss. Navar—"

"Poganda."

"Sorry. Ay ms. Poganda, project lang ito, may project tayo—"

"Pakikipaghalikan?! Project?! Kung patayin kaya kita?"

Masama ang tingin sa akin ng lalaki. Teka nga..... Kung hindi ako nagkakamali ito ang ex nics?

"Teka nga.....? Di ba ikaw iyong ex ni nicole—teka, di ba kakabreak niyo lang? Tapos nagbreak din kayo ng malandi mong jowa? Wait... That's mean.... New? Ay we? New? Bilisa mo naman makahanap boy! Halatang babaero."

Mas lalo pang naging masama ang tingin niya sa akin—sarap tusukin ng mata. Hindi ko nalang siya pinansin at ibinaling ang tingin ko sa malanding bakulaw.

"Nasa maling tao ka." sambit ko at nagflipped ng hair bago umalis. True naman sinabi ko, nasa MALING TAO siya!

"Xyena!" muli akong lumingon. "I'm not xyena, okay? I'm poganda. Remember that." sa susunod talaga na tawagin nila akong xyena o ang apilyedo ko, hindi talaga ako lilingon—bahala talaga sila. Hindi ko sila papansin, dapat poganda tawga nila sa akin.

"Thank you." sambit niya kaya napangiti ako. Dapat maaga palang matauhan na sila—lahat ng lalaki ay boy. Lahat naman na babae ay girl. Lahat ng bakla ay tomboy—ako si poganda ang pinakaguwapo half maganda sa lupa, and I thank you.

Saan na naman kaya ako pupunta? Pasok na ba ako sa room at time para manggulo?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro