Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 22

Nakita ko nalang ang sarili ko na buhat-buhat ni sydrik. Dinala niya ako sa guidance office at doon muna kami tumambay.

"Xyena!!!" Isang malakas na pagbukas ng pinto with matching takbo ang ginawa ni Nicole, kasunod niya si yuiji na nakayuko. Agad naman nila akong niyakap.

"Sorry talaga xyena..... sorry...."

"No it's okay, yuiji. Wala ito, hindi ito dahil sa kanya, hm?" Pagsisinungaling ko. Ayaw na ayaw ko sa lahat iyong nakikita ko siyang umiyak ng dahil sa akin.

"Grabe ka poganda, pina-iyak mo kaming lahat, ano bang nangyari sa iyo?" Tanong ni nics habang patuloy na umiiyak with matching pasinghot-singhot.

"Wala lang BWAHAHAHAHAHA."

3 DAYS AGO

Naka move on na ako. At this day rin aalis ako sa school na ito, magtatransfer ako sa ibang school, ayaw ko munang madistract at isa pa, napag-isip-isip ko na, study first muna ako, need ko makapagtapos ng pag-aaral, hindi iyong lalaki ang iniisip ko.

kaharap ko ngayon si ms. Ella na umiiyak, wala naman dapat siyang ika-iyak dahil malapit lang naman dito ang lilipatan ko.

Ininom ko ang tasang kape na nasa harap ko.

"Mag-ingat ka doon, ah? You know xyena, hindi mo desurve ang kapatid ko." Muntikan ko ng mailuwa ang kapeng ininom ko dahil sa narinig ko. What she said?! Kapatid?!

"K-kapatid?"

"Oum. Franz is my younger brother. Sa totoo lang, alam mo bang masayang masaya ako no'ng nakilala kita..... dahil nang dahil sa iyo nagbago ang kapatid ko, hindi na siya iyong lasenggong franz na kilala ko. At nang dahil sa iyo din ay nag-aral siya ng mabuti, ngayon look..... kitang kita ko kung ano ang pinagbago niya." Marahan akong napalunok. "Thank you so much xyena, thank you for your effort. Isa kang mabuting kaibigan," isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin.

Tama siya, dati kasi hilig uminom ni franz sa batang edad niya palang, mahilig din siyang makipag-away sa kung sino sino, sinasagot niya ang parents niya, lagi siyang nag-lalayas at higit sa lahat—muntikan na siyang makabuntis ng mukhang asong babae. sa bar.

Muntikan niya pa nga ako halikan eh, kaya sinapak ko siya sa mukha, ayon natauhan, simula noon ay tinuruan ko na siyang maging matino, tapos ako naman naging abnormal, charrrottt!!!,

"Wala iyon, ginawa ko lang ang nararapat bilang kaibigan niya, tsaka nga pala, ikaw ng bahala sa kanila, ah? I know na super strict ang dad niyo, pero parang hindi naman? nakangiti siya sa akin sa tuwing nakikita niya ako, minsan pa nga ay nakayuko at nags-say ng hello."

"Strict si dad kay franz, you know that boy naman....." Nagtawanan kaming dalawa. Mamimiss ko talaga ang araw na ito. Pinanood kung tumawa si ms. Ella, ang ganda niya naman. Ngayon ko lang mapansin na brown eyes pala siya, as in brown talaga, matangos ang ilong at singkit, maputi at may brace, lahat ng mga babaeng nakikilala ko ay mga mukhang dyosa, ako nalang yata ang mukhang hindi crinushback—este mukhang temang.

Anong pake nila? E ito ang gusto ko, at my age wala akong pake sa mukha ko—ang mahalaga may mukha, I'am right?

"XYENAAA WAHHH!!! MAY SUGAT AKO OH!!" mangiyak ngiyak na lumapit sa akin si jayruz habang nakahawak sa kamay niya.

"Oh? Ano ngayon?"

"Huwag ka nang umalis, pleaseee!!" Nagpuppy eyes siya sa akin.

"Ano ka sinuswerte?"

"Paano na ako?"

"Pake ko sa'yo? Sino ka ba?"

"Ehh!!! Paano na si sydrik?'

"Oh? Anong meron?"

"Ayy!! Paano si Nicole at yuiji?"

"Ahh.... nagc-chat at call naman kami."

"Ano ba iyan! Eh, paano naman si franz?"

"Oh? Ano naman? Pake ko do'n? We're bestfriend lang naman, hindi ko siya pamilya."

"Arghh!! Huwag ka na kasing umalis?!"

"Ikaw ba ako? Tss."

Paano niya ba nalaman na aalis ako? At Sino chismosa ang nagsabi sa kanya nito? Sasakalin ko lang.

"Xyena kasi!!"

"Poganda."

"Poganda, please?" Hindi ko nalang siya pinansin at tinalikuran. Bahala siya sa life niya.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro