Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pintuan, "good morning dean, ms. Navarro is here na po...." mahinahong sambit ni yuiji at tumayo sa gilid ni dean.

"Come in ms. Navarro." nakangiting sambit ni dean.

Tuwing nakangiti siya sa akin, tumatayo talaga balahibo ko, bungi kasi wala ng ngipin sa gitna, gusto ko mang matawa pero mahirap na, baka bigla akong mapalayas dito sa university, kaaway ko pa naman si kwago, wala akong uutuin.

Bago ako umupo sa harap ni dean ay sinipa ko muna ang paa ni kwago. Kaso kapag minamalas ka nga naman oh, mabilis ang karma—natisod ako sa upuan kaya nasubsob ako sa sahig.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" puro malalakas na tawa lang ang narinig ko sa kwago, tumayo nalang ako at pinagpagan ang uniform ko bago humarap sa kanya, "may nakakatawa ba mr. Kwago?"

"Wala po, ms. Sisiw." taena talaga nito kahit kailan!

"Okay..... please be quiet." ngumiti ako kay yuiji habang masama naman ang tingin ko sa kwago na panay tawa pa rin.

Jusko satanas! Sunduin mo na ang alagad mo, sunduin mo na siya now na!

"About kanina...." Panimula ni dean.

"Dean, sorry po—dapat kay kwago—este kay franz po talaga iyon tatama at hindi sa'yo....." kaso umepal kang taena ka, tuloy apakamalas mong pusit ka.

"Ms. Navarro nakikinig ka ba?"

"P-po? ah... Opo!"

"Okay, dahil d'yan, uutusan kitang magwalis dito sa buong university hanggang linggo. From Monday to sunday, get it?"

"Sure na talaga kayo d'yan, dean? ang laki po ng university....."

"Yeah, I know."

Jusko naman! Ayaw ko talaga ang magwalis! Ugrhhh!!

Bwisit talaga na kwagong ‘to!!! Urgh!!!

Darn it!

"You punk!" sigaw ko at hinabol sa labas si kwago.

Bwisit! Bwisit! Bwisit talaga!!! Ugrhhh!!! Ayaw ko magwalis e! Ang dami kayang puno sa buong paligid, pagkawalis ko, meron na naman. Walang katapusang kalat, ugrh! Ayaw ko! mas okay nalang pala na umalis na ako sa school na ito—kaso..... Paano si mama? wala pa naman kaming pera para pampaaral ko, halos lahat kasi ng school ngayon ay may bayad na.

Fight self for you mother earth!

Sa monday, magsisimula na akong magwalis! Hm!

****

Monday

Maaga akong pumasok para magsimula magwalis ng university, grabe hindi ako makapaniwala na gagawin ko ito. nagsimula akong magwalis malapit sa guard papuntang fountain sa ilalim ng puno.

"Hi dear!" gamit ang walis ting ting ay hinampas ko si franz. I know na siya iyon, unti unti akong humarap habang nakangisi. "Arabo lang ang peg?"

"Sipag ng sisiw!"

"Tamad ka naman!"

"Eh?" hinampas ko ulit siya ng walis ting ting at nagwalis na ulit.

"Guwapo ko talaga!" Muli akong napaharap sa kanya, "in your dreams."

Ngumisi siya sa akin at pumunta may puno at binali-bali ang sanga at niyugyog para mahulog ang mga dahon.

"Ay sorry hindi ko sadya!" humalakhak siya ng tawa at umalis na.

Bwisit na kwago ‘yon! Patay ka talaga sa akin mamaya, kakatayin kita ng buhay! Bwisitttt!!! Arghhh!!!

What if hindi nalang ako magwalis? Kakalat din naman ulit. Tss. Tama! Good idea xyena!

VLOG 102: PATAYIN SI KWAGO

"Hi vlog, welcome to my guys! For today vlog ay wala tayong gagawin kundi ang katayin si kwago! Samahan niyo ako! Arat na!!"

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si yuiji na may kausap sa cellphone. "Hi ms. President!!" bati ko sa inyo, nginitian niya lang ako. Lumapit ako sa kanya at nakichimis.

Ibinaba niya na ang cellphone at tinignan ako simula ulo hanggang paa. "What happened to you? Para ka nang sisiw na basang basa ng pawis." Ngumisi nalang ako. Nagbago na isip ko, hindi ko na siya aagawin kay kwago, Parehas sila ng ugali e, ang sama! Magsama silang dalawa! Nakakachaka!

May pawis pala iyong sisiw? Akala ko wala.

"Hi ka sa vlog ko," ngumiti ako at itinapat sa kanya ang camera ko.

"Hi, I'm yuiji firerr the president of class 4." Kumaway kaway siya at ngumiti. Napangiti rin ako, napawi ang ngiti ko nung makita ko si shainna.

Shainna mukhang tae, yuck! Tapos muse? Ew!

"Hi yuiji!" bati niya kay ms. President.

Fyi, ang plastic ni shainna, kaya huwag na huwag kayong magtitiwala sa kanya, nakakayuck siya!

"Hello? you need something?" Yuiji asked to Shainna the muhkang tae.

"Nahh.... I wan to talk xyena—" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Busy ako, tara na nga yuiji." hinila ko na palayo si yuiji sa kanya, delikado baka mahawa sa pagiging pokpok itong si yuiji, tsk! Tsk!, Tsk!

"Magkaaway ba kayo?" Yuiji asked me.

"Nope, just enemy." natatawang sambit ko.

"Tss." Ang tanging narinig ko sa kanya.

Si shainna lang naman ang dakilang lalakero dito sa school, hindi na uubusan ng lalaki sayang ‘yong kagandahan—hindi pala siya maganda, mukha siyang tae.

Okay back.

Bukod sa malandi, mukhang tae, jeje rin siya at higit sa lahat mas makapal pa sa lupa ang kanyang pakening make up. Hindi ko talaga alam kung saan siya pinaglihi ng nanay niya, e matino naman nanay niya—tatay rin matino.

Kaibigan kasi ni mama ang mommy and daddy niya—dahil doon nagtatrabaho si mama sa bahay nila bilang katulong, minsan na dalaw rin ako doon, at naabutan ko silang nagtatawanan, mabait naman parents niya at matino—pero iyong anak niya? Tss. Nakasinghot ng marijuana tapos nasobrahan pa sa drugs

Hay naku! Pasalamat siya hindi ko siya sinusumbong sa mommy and daddy niya kasi I'm not sumbongera, I'm just—poganda.

Xyena the poganda.

Gwapo na nga, maganda pa. Oh saan ka pa? Mag myra!

Speaking of myra, iyong pinsan kung si myra ay pumanaw na..... nakakasad lang pero deserved. Kaaway ko ‘yon lagi, lagi kasi akong inaasar na flat, e kasalanan ko bang poganda ako? Like dzuh! I love the way—hirap mag English.

"Xyena, nga pala..... Flag ceremony mamaya, kita nalang us sa pavilion! Byee seeyahh!!" Pagpapaalam ni yuiji at dumiretso sa dean office.

"Byee mwua! Lovelots!!"

"Hoyy sisiw!" nagulat nalang ako ng batuhin ako ng limang piso ni kwago, napaharap ako sa kanya at agad siyang sinikmuraan.

"Balak mo yata akong agawan sa asawa ko, ah?"

"Excuse me? asawa? Yuck! Ew! E supot ka pa nga tapos torpe pa!"

"Ah... Tologo bo?"

"Tss. Ewan ko sa'yo! Tara sa room!"

"Anong gagawin natin? Manonood ba ng bold?"

"Tarantado!" hindi ko siya pinansin at tumakbo na papunta sa class 4. Mygoshh!! Ang aga aga ang hagard na ng face ko.

Ano kaya sasabihin sa akin ni shainna the tae? na poganda ako? Yiee i know right!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro