CHAPTER 18
6 na!! aamin ba ako? Huwag nalang kaya? contest first.
Nauna na akong pumunta sa pavilion para tumulong sa pag-aayos, tutal maya maya mag-uumpisa naman kami ay nagbihis na ako, simple lang naman ang suot ko katulad ng sinabi ko kay sydrik. Teka nga pala..... bakit siya naging mabait sa akin?
"POGANDA!!!" Ayan na naman si walis tingting. "Jusko! Poganda! Kakaiyak!!!" dagdag niya pa hinawakan ang kamay ko. "Bakit ganun huhuhu!! Si jayruz tapos si ma'am ella magkasama!! tapos si sydrik at shainna magholding hands—"
"Ano?!" halos mawalan ako ng hininga sa gulat. Tama ba ang narinig ko? Si shainna and sydrik ay magkaholding hands?
"tapos si yuiji at franz nawawala!!" Mangiyak ngiyak na sabi niya. hindi na ako nagulat kay franz at yuiji, lagi naman silang nawawala e, isa pa campus couple sila, so anong pake ko? Wala akong laban bhie.
"Bhie, pangit ba ako? bakit—wahh!!" Tili niya ng makita niya'ng may isang lalaki na papunta sa amin, hindi talaga ito loyal sa isa. "Bhie, bhie ang gwapo!!! Forever ko na ito ackk!!" Dagdag niya hahang niyugyog yog ang katawan ko.
"Hi girls!" Bati ng lalaki sa amin. Very simple lang siya at gwapo, pero hindi ko bet, para kasing bakla, char! Parang sundalo nga maglakad e, charr ulit.
"Ganda niyo naman."
"Hala!! Bhie ang ganda ko daw!" Isa pa talagang salita nito, inunod ko na siya sa putikan.
"I'm poganda and you mr?" Tanong ko with matching nakataas ang kilay at naka crossed arms.
"Dalisay—"
"Myghad!! Cardo dalisay is that you??" Nabubuang na tanong ni nics, naks need ko na talaga siyang dalhin sa mental.
"Dalisay ang pagmamahal ko sa'yo," aniya with matching finger heart, ito namang katabi ko, kilig na kilig.
Dalisay ang pagmamahal? Tss. Sarap ipatukhang, bwisit na malalandi—btw, when kaya dadating iyong forever ko?
Teka, bakit nawala ang dalawang buang sa tabi ko? kanina lang parang kausap ko ang mga iyon ah?
Nakita ko nalang na naka-akbay na si—ano nga pangalan nun? Cardo ba talaga? Or dalisay?
Dalisay ang pagmamahal ko sa'yo.
Jusme!!! Nahahawa na ako sa mga buang myghoshh!!!
Bahapa na nga sila, basta i will prefer nalang for later.
"Teka..... bakit nga ba ako andito nakatayo?" tanong ko sa sarili ko.
***
7:00PM.
VALENTINE'S DAY.
"Good evening, students!! Handa na ba kayo?" Sabi ni ms. Pusit habang hawak hawak ang mic.
Ito na!! Ito na!! Anong kakantahin ko? Pa iba-iba kasi ang kinakanta namin ng kumag!
"Yes dean!" Sigawan ng lahat maliban sa akin.
"So ano pang hinihintay natin? Simulan na!!" Nagpalakpakan kaming lahat. Nagkaiba ang upuan ng mga lalaki kaysa sa mga babae.
Nagsimula kami sa prayer sunod Dancing contest na, pagkatapos singing contest na, tapos sunod—hindi ko na alam.
DANCING CONTEST
Nakaupo lang ako habang nanonood kay yuiji na sumasayaw, napatingin ako kay franz na nakangiti at Todo cheer kay yuiji. Nakakabighani talaga ang ganda niya, pero iba ang tinitibok ng puso ko.
"Bhie," tinapik tapik ako ni Nicole sa ulo na ikinatingin ko sa kanya. "Watashing bashing moshing?" Halos puro shing shing ang naririnig ko sa kanya, wala akong maintindihan dahil sa sobrang lakas ng music. Katabi ko lang naman siya pero hindi ko siya marinig.
Nasa kaliwa ko lang si Nicole dahil ang nasa kanan ko ay si yuiji, at ang katabi niya ay so Shaina.
"Bhiee watashing bashing moshing?!" Galit na sigaw niya sa akin.
"Wala akong maintindihan bhie!" Piningot niya ako at hinila niya ang tainga ko papalapit sa kanya. "Ang sabi ko, ano ang kakantahin mo?!"
"Namin? Ni jayruz?"
"Ikaw lang gaga, nag backout na si jayruz."
"Ano?!" Nagbackout? Lintik na iyan!!
Napatayo ako at tumakbo papuntang cr. Bwisit! So ibig sabihin ako nalang mag-isa?! Owemji naman eh!!! Piste! Piste! Piste talaga ang jayruz na iyon! Humanda talaga siya sa akin pagkatapos ng contest na ito!
Bigla nalang namatay ang ilaw na ikinagulat ko, kinapkap ko ang upuan na nakita ko kanina at pumatong doon, sakto namang pag-apak ko ay nadulas ako. Akala ko ay mabubukulan na ako pero hindi pala, may sumalo sa akin.
Amo'y niya palang alam ko na. Ang superman ko, ang bestfriend ko, si kwago.
Niyakap ko siya dahil sa sobrang takot, alam kung maling mali ang ginawa ko pero walang bawal dahil magkaiban kami, ang tagal ko na rin na hindi siya niyakap.
"Siw, are you okay? nasaktan ka ba?"
"Franz...... natatakot ako. Natatakot akong baka balang araw makakalimutan mo na ako......" hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. "Paano nalang kung magpakasal ka na? Paano ako?"
"Magpapakasal ako? HAHAHHAHA are you kidding me poganda? Siyempre andoon ka sa kasal ko, hindi puwedeng wala ka do'n, hindi mabubuo ang kasal kung wala." Niyakap niya akong mahigpit.
"Don't worry, hinding-hindi ka iiwan at lalong hinding hindi kita kakalimutan. I'm your superman, ililigtas kita sa kahit ano mang panganib." Bahagya niyang inayos ang buhok ko.
"Let's talk later, at the rooftop, may sasabihin ako sa'yo." Nakangiting sambit niya at inalalayan akong tumayo.
What's the meaning of this?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro