Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16

VALENTINE'S DAY.

XYENA P. O. V

What if magbaon ako ng 1 million pesos sa bundok tapos magv-vlog ako at huhukayin ko ang ibinaon kung pera at kwaring magugulat, tapos makikilala ako ng maraming tao dahil sumikat ang video ko.

Kaso wala akong pera, bente lang meron ako.

"Kung ano ang itinanim at, siya ring aanihin." sambit ng katabi kung tukmol, si jayruz. Kakatapos lang namin magreport about sa phone, ay ewan basta ang dami kung dada kanina, sakto lang iyon, hindi napanis ang laway ko. Grabe ano? Valentine's tapos ang dami naming ginagawa, mamaya na rin ang singing contest kakaasar talaga! tapos may kaduet pa akong—arghhh!!! C'mon!

Tutal mga 7 pm pa naman magsisimula ang contest, aamin na ako kay franz mamaya, binigyan na ako ng sign ni god. Huwag daw akong umasa, pero aasa ako char! mahirap kayang umasa. Pero ano ang meaning ng pagprotekta niya sa akin? Ano ang meaning ng 'i love you' niya? Oh.... Overthink malala.

Lumabas ako at tumayo malapit sa kinatatayuan ni sydrik. Napansin kung nakatitig siya sa isang babae, agad naman akong napangiti. Mga kaklase ko talaga babaero, matino lang talaga si jayruz—hindi pala, abno din iyon e.

"Ateee!! Crush ka daw nitong kasama ko!!!" malakas na sigaw ko na ikinatingin ng babae, gulat ring tumingin sa akin si sydrik.

"What the hell?" hinila niya ako pa-akyat sa rooftop, at padabug na binitawan.

"Ship! Ship! Ship!" sigaw ko pa.

"Ayaw ko sa lahat iyong shiniship ako sa iba." Pagmamaldito niya na ikinanguso ko.

"Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin—" hindi ko na napatapos pa ang sasabihin ko dahil inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Dahil ikaw ang gusto ko." ilang beses pa akong kumurap dahil sa narinig ko, kinalikot ko pa ang tainga ko kung tama ba iyong narinig ko, jusko po! Anong gagawin ko? Tss. "Just kidding." dagdag niya pa kaya sinikmuraan ko siya.

"Gagstokkk ka!"

"Umasa ka naman?"

"Ako? Aasa? Never uy! wala ngang nagkakagusto sa akin e."

"Malay mo nasa TABI-tabi mo lang," nagpoker face siya sa akin. Kung puwede lang talaga siya itulak sa rooftop, kanina ko pa ginawa. Kaasar ang pagmumukha niya.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatitig ako sa kanya, "ano na naman?" Iritang saad ko.

"Let's go!"

"Anong let's go ka d'yan? Hoy! Fyi, malapit na magbell! Kunting kembot nalang break time na, tsaka magpre-prefer pa ako para sa later."

"Break time? Nakabreak ka na nga ngayon e."

"Buti naman at nagtagalog ka—ahh!!!" Malakas na sigaw ko nung may dumapo sa aking ipis. Tumalon talon pa ako at pumadyak-padyak. Habang ang crabstick ay nakatingin lang sa akin habang nagpipigil ang tawa. Sige lang, babawi ako. Tandaan mo iyan! At sino namang punyemas ang nagtapon sa akin ng laruang ipis?! napatingin ako sa lalaking nasa likod ko ngayon, ang lalaking kupal na kumag!!! Pisteng jayruz!!!

"Jay.......RUZ!!!" hinabol ko siya ng hinabol, habang natakbo siya ay patuloy pa rin siya sa tawa. Hindi ko namalayan na mababangga ko na pala si kwago, huli na ang lahat para prumeno, bOoM! Sapul! Tumbaaa!!!

Nagkatitigan kami ng kwago.

"Franz?" napatayo ako ng marinig ko ang boses ni yuiji, nagpagpag ako at tumingin kay yuiji na nakangiti sa akin.

"Oh, are you okay, poganda?" hindi ko muna sinagot ang tanong ni yuiji dahil napadaan si shainna na masama ang tingin kay yuiji.

Ano na naman kaya problema no'n?

"Yes, I'm okay. Hayst! Nasaan na ba ang kumag na iyon?"

"Who? Jay?"

"Yeah...."

"Principal office."

"Halaa! Bakit?"

"Nakabangga niya si dean." Napatakip nalang ako ng bibig. Goshh!!! Sayang hindi ko nakita!! Baka forever ni jayruz si ms. Ella? Naks naman!!!

"Hm.... xyena, can I talk to you for a second?" Singit ng kwago. Nag-excuse naman si yuiji at umalis.

"For what?"

"I have something to tell you....."

"Tell about?"

"About my feelings." Teka?...... bakit ako kinakabahan bigla?

"Ah. Eh. Cr lang ako! Mamaya nalang mga 6! May lakad pa kasi ako e!" pagrarason ko at tumakbo palayo sa kanya.

Xyena! Xyena! Xyenaaaa!! Huwag kang aasa! Tandaan mo iyan! Huwag kang aasa. Bestfriend, hanggang kaibigan ka lang talaga niya.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko naman ulit si sydrik na nakasandal sa pader habang nakatingin sa kawalan. "Tagal mo? let's go?"

"Tuloy talaga?"

"Ano payag ka one night stand?" Natatawang sambit niya.

"G!" Sigaw ko pa. One night stand, tatayo lang ako buong magdamag.

"Are you sure?"

"Oo nga, kahit mapagod pa ako! G na g!" Natawa siya dahil sa sinabi ko. Wala namang nakakatawa pero tawa ng tawa, may saltik ba you boy?

Hinawakan niya ako sa kamay at kinaladkad pasakay sa kotse niya. Balak pa yata nito magkacutting kasama ko ah! Dadamay pa talaga ako ng tukmol na ito! Tsk! Tsk! Tsk! bet!!! Mamaya pa naman ang contest, kaya wah! It's me and my jowala. Wahh!! Magcu-cutting kami magcu-cutting kami wahh!! Charrot!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro