CHAPTER 14
"HOYYY MAKINIG NAMAN KAYO KAY MS. PRESIDENT!!!" sigaw ko na halos ikaganda ng mundo.
"Ayaw ko na!! Bahala kayo d'yan!, Maganda nga ia-anounce ko eh!" napipikon na si yuiji. Ako talaga may pakana ng lahat ng ito, sinabihan ko ang mga abno kung kaklase na pagtripan namin si yuiji.
"Okay, stop na. Let's listen to our ms. Pres!" umupo ako habang nagpapacute kay yuiji.
"Okay, ganto kasi iyon, kasi ano..... may ano.... ano.... ano nga ‘yon?" kamot ulo siyang tumingin sa bintana.
"Kasi ano?" taas kilay na tanong ko.
"Ayon!" Sigaw niya na ikinagulat naming lahat. "May singing contest tayo, bawat section dapat may representative. So ayon ang problema ko..... sino representative ng section natin? sino magaling kumanta dito?" lahat kami ay nag-ibang direksyon ang tingin. "Two or three representative." Dagdag niya pa.
"What if ikaw nalang?" Nicole.
"Dancing contest na ako, e. Bawal na. Anyone?"
"Ayy wow namern!! Dancing contest? Naks! Can't wait na makita kang sumayaw sa harap ni franz!!" singit ni kenny.
"Yieeee!!!!! Ship! Ship! Ship!" tilian nila.
Edi sila na. Wala kayang forever.
"Lubog!!" Panira ni jayruz. "May nagseselos!!!" dagdag niya pa at tumingin sa akin.
"Ako! Ako nalang, i will represent." Nagulat ako dahil sa nagawa ko. Sintonado ako, bakit ako nag represent? B’wisit na jayruz kasi! Arghh!!
*Nagpalakpakan*
"Nicee one poganda!!!" Nagcheers silang lahat.
"Kalma, kalma, ako lang ito." Nagtawanan kaming lahat.
"Then, may dalawa pa?"
"Sydrik! Sydrik! Sydrik!" Lumapit si yuiji kay sydrik.
"Ehem.... sydrik?" Ngumiti si yuiji at kiniliti siya sa gilid. Napatayo si sydrik habang magulo pa ang buhok.
"Fine, i will."
"Ohh!!!! Isa nalang!" Sigawan namin.
"Franz, baka naman?" Ngumiti si yuiji na agad namang ikinatango ni kwago. Ganyan ba talaga ang epekto ng mga ngiti niya?
"Okay, completed na." Muling bumalik si yuiji sa harap at isinulat ang mga pangalan namin sa board.
"Pa'no naman ako?" Nagtatampong sambit ni jayruz.
"Pano naman ako~" kanta naming lahat sabay tawa ng tawa.
"Hindi ka nagrepresent kanina, ah?"
"Ako! Ako nalang ang..... ang ano.... ano nga ba?" Natampal ko nalang ang sarili kung noo. "Duo nalang kami ni poganda, panget boses niyan e, tulad niya."
"Fyi, I'm the only poganda in this section. Huwag kang aangal, sisipain kita palabas."
"Sipain mo nga!!" Pang-aasar niya. Ngumisi ako at sinipa ang nasaharapan kung lamesa, lumipad! Lahat ng kaklase ko ay napanganga dahil sa ginawa ko. Sanay na akong masaktan, charrot! Hindi ako nasasaktan, kasi I'm poganda.
"Joke lang naman, hindi ka naman mabiro, basta duo kami ni poganda para lalo pa siyang magiging POGANDA!"
"Eyyy!" Sigawan ng mga kaklase ko.
"Ano section creative!! walang balak tumahimik?" Napatigil kaming lahat at tumingin sa may pintuan.
Esp teacher namin.
"Wala po." Pamimilosopo ni xander.
Pataray siyang umalis. Sa totoo lang, ang sarap niyang katayin, pasalamat ka teacher ka. Charr lang baka bigla akong ipakulam, raWr!
***
"Sayang na sayang talaga!!" kanta ng hinayupak na jayruz. Andito kami sa bahay nila nagpapractice para sa contest, yawaners, sabi ko umayos siya pero grabe!! Umayos nga talaga, sa sobrang ayos niya malapit ko na siyang ilibing ng buhay.
"Ikaw na pala~" isang malakas na batok ang ibinigay ko sa kanya. "Ang kulit ng giling~ ang kulit ng giling—" hinawakan ko ang panty na nakalagay sa drawer niya.
"Hoy! Ibalik mo iyan! Ibalik mo!"
"Oh.... Kanina ito? nagdadala ka ng babae dito, ah?"
"Of course, babae ka di ba?"
"Half babae, half lalaki." I flipped my hair at inamoy ang panty. Inferness mabango siya.... "Kanino ‘to?"
"Kay mama ‘yan," nag-ibang direksyon siya ng tingin.
"Weh? Totoo ba? bakit hello kitty?" hello kitty? teka nga.... Boybestfriend ni jayruz si yuiji, tapos si yuiji mahilig sa hello kitty. Huwag mong sabihin—wait! "Don't tell me...... kay yuiji ito?"
"H-hi-hindi ah!"
"Bakit kailangan mong sumigaw? It means, yes? I'am right?"
Tumingin siya sa akin at nagkatitigan kami, "fine, you're right. Please be quiet." Nagseryoso ang kanyang boses. Anyare dito? At bakit nasa kanya ang panty ni ms. Pres? Don't tell me..... Hala!! N-nag—se—napatakip bibig nalang ako dahil sa naiisip ko.
"Dito natulog nakaraan si yuiji because nag-away sila ng kuya niya but it's okay na." Sus, palusot. May ginawa lang kamo silang hindi tama.
"Ah..." Patakbo akong humiga sa kama. "Jayruz, naranasan mo na bang mainlove sa kaibigan mo?" Tanong ko habang nakatingin sa kisame.
Humiga siya sa tabi ko, "why did you asked?"
"Bakit bawal magtanong?"
Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko. "No, I'm not. bestfriend lang talaga ang tingin ko kay yuiji, she's not my dream girl, but i love her as my friend." Marahan siyang ngumiti. "Ikaw?"
"H-huh?"
"Nainlove ka na rin ba?"
Nag eye to eye kaming dalawa, "yes." Walang pagsisinungaling na sabi ko.
"sino? Spill the tea....."
"Eh? bakit ko sasabihin? actually, this month ko lang siya nagustuhan, i don't know why. Hindi ko pa nga sure kung gusto ko talaga siya, basta ang alam ko nagseselos ako."
"Ahh..... so it means, inlove ka na nga."
"Masama bang umasa?" anong ibig sabihin ng 'i love you' niya? may meaning ba iyon?
"wala namang masamang umasa, pero dapat handa kang masaktan sa dulo, lalo na't baka may mahal siya'ng iba."
"Hayst, bakit ba ayon topic natin? Nakakabagot!" Tumayo ako at nag-inat-inat.
"Alam mo xyen—" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya ay lumabas na ako. Bawal akong tawaging xyena. Maganda naman ang pangalan ko, mas maganda pa sa'yo—pero mas mas masss maganda ka talaga!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro