Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

Marahan kung inibang direksyon ang tingin ko. Wala akong lakas para umamin sa kanya, aasa ba ako?

"Xyena..... look at my eyes." bahagya niyang hinawakan ang mukha ko at ipinaharap sa kanya. "Are you okay?"

Ngumiti ako at tumango-tango, "oum, I'm okay.

"Overthink,
Killed by sadness,
Attacked by anxiety,
Yes, i want to die." Bulong ko.

"May sinasabi ka ba?"

"Wala." Pagdedeny ko, kasalanan ko bang binge siya?

Hinawakan niya ang labi ko habang titig na titig dito. "I need you...." Bulong niya sa tainga ko.

Bakit ako kinakabahan? Ito na ba ang sign? Sign na gusto niya rin ako? Aasa na ba ako?

Isang malakas na pagbukas ng pinto ang narinig namin, dahil sa gulat ay napayakap ako kay franz kaya natumba kaming dalawa. Nakapatong ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil bigla niya nalang akong hinila papalapit sa kanya, akala ko ay magdadampi na ang aming mga labi—pero nagkakamali ako, ginamit niyang pangharang ang kanyang hinlalaking kamay para hindi magdampi ang aming mga labi.

"Ayaw kung masayang ang first kiss mo." he whispered. Kung ang ibang lalaki ay gustong gusto makuha ang first kiss, itong si kwago ayaw niyang masayang ang first kiss ko.

"FRANZ!!!" Malakas na sigaw ni Nicole na halos gumuho ang mundo.

Inalalayan akong tumayo ni jayruz at pinaupo ng maayos, habang si Franz naman ay binubugbog na ni Nicole.

Hindi na ako ito, nagbago na ako. Anong nangyayari sa akin?

"Poganda, okay ka lang ba?" tulala akong tumango-tango. Hinila na ako palayo ni Nicole sa kanila. "Humanda kayo sa'kin mamaya! Papatayin ko kayo isa isa!" Pambabanta ni Nicole bago isinirado ang pintuan. "Ano bang nangyayari sa'yo xyena? Bakit ka nagkakaganyan?"

"I don't know, nics. Pati nga ako nagulat rin, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin." Inakbayan niya ako.

"Inlove ka na siguro, ‘no?" Kiniliti niya ako sa kili kili at ginulo ang buhok ko.

I want to die nalang. Ano ba iyan poganda! Huwag kang magpapadaig sa mga punyetang iyon! Tss! Aral ng mabuti para makatapos at makahanap ka ng magandang trabaho. Poganda kaya mo iyan! Study first not landi first.

Tsk! Tsk! Tsk!

"Tagal niyo ah?" Bungad na tanong sa amin ni jayruz. Nakaupo siya habang nakacrossed arms, habang ang dalawa ay nakatayo habang nakacrossed arms din.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni jayruz kanina, 'Minsan ang pag-ibig nagsisimula sa pagkakaibigan.' totoo kaya? What if totoo? Maniniwala na ba ako sa salitang love? Kaso wala talagang forever.

Tinaasan ko ng kilay ang kwago na nakasmirked habang nakatingin sa akin, nakapoker face naman si sydrik habang si jayruz nakangisi. Sarap talaga nilang pambuhol-buhulin.

"ACKKK!!!!" sigaw ni Nicole at tumakbo papunta sa laptop.

"Ahhh!! Mga asawa ko!" Napaluha siya ng makita ang mga asawa niya na kumakanta sa screen. Live siguro, live concert maybe?

"OMGGG!!! Live ba ito?!" Nanginginig ang mga kamay niya na hinawakan ang laptop at hinaplos ang mukha ni taehyung, "asawa ko!"

"Hindi, tanga ka ba? Ayan oh may date." Singit ni jayruz. Grabe siya makatanga, buti hindi siya sinipa ni Nicole?

Hindi niya ito pinansin. Tulala lang siya habang nakatitig sa laptop.

"Akala ko ay hindi ko na kayo makikita muli...... hindi bale, wala ng internet ang makakapigil sa pagmamahalan nating walo." Niyakap niya ang screen at pinunasan ang kanyang luha.

Walo? Grabe HAHAHAHA

***

Andito kami sa bahay nila kwago, tambay tambay, kasama ko silang lahat pati si yuiji—kaya nga lahat di ba?

"Gusto niyo ipagluto ko kayo?" Panira katahimikan ni kwago.

"Luh? Marunong ka pala magluto?"  Tumayo siya at kinuha ang apron.

"Baka hindi niyo alam, masarap ako magluto." Hambog ampt.

"Sisiw! Hiwa ka ng sibuyas! Now na!" Grabe makautos ito, wagas! Tss.

Tumayo ako at sinunod ang sinabi niya. Naghiwa ako ng dalawang sibuyas at inilagay sa lamesa, umupo ako habang nakatingin sa kanya na may kinakalikot sa dining.

Ano kaya niluluto nun?

Makalipas ang ilang mga minuto ay sa wakas, tapos na rin ang niluluto niya.

Napanganga nalang ako dahil sa nakita ko, "heto na talaga iyon? Seryoso ba this?" inilapit ko pa ang mukha ko sa pinggan na may lamang pancit canton. Natampal ko nalang ang noo ko, jusko akala ko spaghetti with fried chicken na ang kakainin namin pero—pancit canton?! Seryoso na ba talaga itesh?

"Masarap kaya ako magluto ng PANCIT CANTON."

"Jusmeyo! Pinahiwa mo pa ako sa sibuyas para lang sa wala? Ginagago mo ba ako?" akala ko mag aadobo rin siya pero what is this? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Pinahiwa ako ng sibuyas para lang sa wala, yawa.

Lord bakit ayaw niyo pa siyang kunin? Masyado na po siyang masama at hambog, puwede mo na po siya kunin.

May pa 'now na' now na pa siyang nalalaman kanina pero pancit canton lang naman pala ang alam lutuin. Nakakalimutan ko na tuloy may vlog, kakaasar kasi si kwago.

Puro tawa lang ang narinig ko sa paligid ko, edi sila na happy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro