Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

"Okay na ba siya?" biglang tanong ng kwago.

"Bakit ako tinatanong mo? Doctor ba ako?" ay ambot! wala ako sa mood ngayon.

"Xyena! Xyena! Xyena!" iniyuko ko ang aking ulo, so what i said, hindi ko papansinin ang hindi tumawag sa akin ng 'poganda'

"XYENA!!"

"Famous kana ngayon?" hinampas niya ako sa likod, pero hindi ko pa rin siya pinansin. Hindi lang pinansin famous agad? Hindi ba puwedeng, ayaw ko lang siya pansinin kasi apaka pangit niya?

"Poganda, I have a chika!!" tumingin ako sa kanya habang nakataas ang kilay. Nacucurious talaga ako kung ka ano ano ni ms. Pres ang crabstick na iyon.

"Kyahh!!! nalaman ko na gusto pala ni franz si yuijii!!!" walang emosyon na nakatingin lang ako sa kanya. "Ngayon mo lang nalaman?"

"Kalat na kalat ngayon sa buong campus! Kyahh!! Sabagay, bagay sila!"

"Oo nga eh...." Hayst.

Ang tunay na kaibigan, handang magparaya.

Lagi kung sinasabi kay kwago na, torpe siya—tapos ako...... HAHAHAHA nakakatawa lang isipin na nagkagusto ako sa kanya, ayaw kung I break ang rule pero..... Paano ko pipigilan ang nararamdaman ko para sa kanya? Puwede bang kunin ko ang puso ko at itapon nalang sa kalawakan?

"Poganda, are you okay?"

"A-ah? Ah... Oo why? Saan na ba tayo?"

"Nasa hospital tayo." Malakas na batok ang ibinigay sa kanya.

"Natatakot ako...." bigla nalang nag-iba ang kanyang pananalita, kaninang masaya, ngayon ay punong-puno ng kalungkutan.

"I'm afraid to fail. Natatakot ako na baka bumaba ang grades ko...."

"If you are afraid to fail, then you're probably going to fail."

"Paano kung—"

"Hindi iyan, grades lang iyon, mas mahalaga ka, kaysa sa grades mo, sanaol mahalaga, ‘no?"

"Oum, thank you."

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kisame. "People don't really change, They reveal who they really are. Katulad ni shainna, naging kaibigan ko siya dati, Plastic friend. Mabait naman siya eh.... Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin, at ayon naging malandi—iniwan siya ng jowa niya dahil sa ugali niya.... Masamang ugali."

"Pero kung ikaw tatanungin, handa ka pa bang muli siyang tanggapin bilang kaibigan mo?"

"For me? I'm not sure. Pero kung nakita ko siyang nagbago, siguro..... Oo? I don't know pa. Pero malabong mangyari iyon."

"May himala."

"Himala? HAHAHAHA maniniwala na ako sa himala kung gusto rin pala ako ng gusto ko."

"Pumapag-ibig ka na ah! Yieee!! Poganda niyo nagiging dalaga na!!"

"Shut up, tumahimik ka." Kiniliti ng kiniliti niya ako sa gilid. Sarap talagang hambalusin nitong babaetang ito.

"Alam mo ba xyena, gusto kung maging si yuiji, ang swerte niya ano? May mga kaibigan siyang laging and'yan sa kanya, maganda siya, masipag, matalino, completo ang pamilya at higit sa lahat..... Madaming nagkakagusto sa kanya, I want to be like her, sana ako nalang siya."

hindi ako nagseselos kay yuiji, hindi rin ako naiinggit, I'm so proud of her dahil nakuha niya ang gusto ni franz sa babae.

"Stop trying to be like her, kasi maganda ka, masipag ka, matalino ka, hindi man completo ang pamilya mo atleast may nag-aalaga sa'yo at higit sa lahat. May taong para sa'yo, just wait, si god na ang bahala."

"Alam mo xyena, hindi ko talaga alam kung broken ka or hindi. Minsan demonyo, minsan anghel, tao ka pa ba?"

"Alien ako. Gusto kung maging alien. Naiinlove din kaya ang mga alien? HAHAHA sana hindi, kapagod mainlove, choss.

"Nics, what if may gusto ka sa isang tao, paano ka aamin?" dagdag ko pa.

"Paano ako aamin? Uhm.... Magsasalita siyempre, alangan namang sumayaw ako sa harap niya baka diretso kama ending ko, charrr!! Ito na talaga...." Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Aamin ako kahit alam kung hindi niya ako gusto, why? walang masamang umamin atleast nasabi ko nararamdaman ko para sa kanya kaysa itago ko lang ng hindi niya alam. Huwag kang matakot umamin sa taong gusto mo, huwag ka rin mag expect—kasi ikaw lang din ang masasaktan sa dulo." Bahagya siyang tumigil sa pagsasalita at tumingin sa akin, nag eye to eye kaming dalawa. "Okay lang na malaman niyang mahal mo siya, kaysa malaman mong may mahal pala siyang iba, char! huwag kang matakot na baka layuan kana niya kapag sinabi mo sa kanya na gusto mo siya. Nasa kanya na iyon, basta ikaw nasabi mo kung ano ang gusto mong sabihin sa kanya." Ngumiti siya sa akin.

"Marami kasing taong takot umamin, kasi baka iwasan na sila kapag sinabi nila ang nararamdaman nila. You know xyena, naranasan ko iyan. May umamin sa akin pero hindi ko siya gusto, medyo naging akward sa akin iyon at nag iba ang feeling ko.

"Ako kasi iyong klase ng tao na—dapat ako lang ang may gusto sa kanya, tapos siya magugustuhan lang ako. Ayaw ko sa taong ako iyong gusto, pero hindi ko siya gusto. Nagiging akward sa akin iyong ganun, kaya mas pinili kung layuan siya." Huminga ulit siya ng malalim at tinaasan ako ng kilay. "Bakit ba ako lang nags-share? Magshare ka rin hoy!" Inakbayan niya ako.

"Kung papipiliin siguro ako nang: mahal ko o mahal ako..... Pipiliin ko siguro ang mahal ako because..... hindi na ako aasa na mahalin niya ako dahil mahal niya na ako, kaysa sa mahal mo na walang kasiguraduhan kung magugustuhan ka ba ng taong iyon, kasi kapag mahal ako, ako nalang mag-aadjust, hahanap ako ng paraan para mahalin siya, edi solve!" Dagdag niya pa. Akala ko tapos na siya? Baka may kasunod pa ito.

"Sisiw!! Yuiji is awake!" sigaw ng kwago kaya pareho kaming napatayo ni Nicole.

So ayon na nga dapat pala vinedeo ko ang mga sinabi ng kupal na ito, tapos pinost ko sa youtube ko, para pati sana mga subscribers ko may matutunan.

Hahanap nalang ako ng lakas ng loob para sabihin ko ang feelings ko for him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro