Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

XYENA P. O. V

"KWAGOOOO!!!" malakas na sigaw ko habang hawak hawak ang walis tambo.

"CLEANERS TAYO NGAYON!! BUMALIK KA DITONG KWAGO KA!! UGRHHH!!"

"shit!! Ugh!!" sigaw niya. Huminto ako at umikot bago itinapon sa kanya ang hawak kung walis tambo, ayon nalang ang ikinanlaki ng mata ko nung kay dean tumama ang walis tambo.

Napatakip nalang ako ng bibig at mabilis na tumakbo pabalik ng room, agad kung kinandado ang pintuan at isinarado ang lahat ng bintana.

"Patay talaga sa akin mamaya iyong kwagong ‘yon!" I whispered.

Gago patay na naman ako nito! Shit!

16 years old palang ako and I'm—basta grade 10. Fourth year?

*May kumatok*

Lahat ng upuan ay kinuha ko at iniharang sa pintuan.

"Ms. Navarro!" tawag sa akin ni dean. Binuksan ko ang isang bintana at ngumisi kay dean.

"Hi dean, musta?"

"MS. NAVARRO!!!!"

che! Epal naman ang mukhang pusit na ‘to.

kinuha ko ang cellphone ko at nagvideo.

"Hi video welcome to my vlog!! So ayon, muli akong nagbabalik at may gagawin na namang katarantaduhan, I'm xyena jean Navarro ang pinakagwapo sa lahat." itinapat ko kay dean ang cellphone ko habang dada siya ng dada sa labas.

Pagpinost ko ‘to, vi-viral ‘to.

Hindi ako takot mapaalis sa school na ito, dahil ang kwago kung kaibigan ang may ari ng school na ito, at the age of 17 grabe!! Siya na agad ang owner nito.

Grade 7 ko nakilala si franz Gabbriel ledro a. k. a kwago.

Ledro university ang pangalan ng paaralan na pinapasukan ko ngayon, libre lang naman dito walang bayad—kaya nga libre di ba kasi walang bayad?

K.

Stinop ko ang pagvi-video ko nung lumitaw ang pangalan ng kwago.

Kwago the third:

Patay ka!! Wawa ka naman, cry ka na sisiw!

urgh! Sabi ko huwag niya akong tawaging sisiw e! Damn it! Damit!

Reply:

Deads ka sa akin later. sumbong kita kay ma'am hindi ka nagwalis ng sahig!

Kwago the third:

Then? I'm the owner of this university kaya wala silang magagawa sa akin.

Reply:

Tss! Hambog ampt!

hindi ko na binasa ang reply niya sa akin at ipinagpatuloy nalang ang pagv-vlog.

VLOG 101: NATAMAAN SI DEAN NG WALIS TAMBO

"Okay guys thank you for watching this vlog kahit wala naman kayong natutunan. Shout out nga pala sa mga cleaners kung kaklase d'yan! Ang sarap niyong pagbuhol-buhulin! Bwisit! Byee vlog, alis na kami ni video! Mwua!"

tinapos ko na ang pagv-vlog at ipinost sa YouTube channel ko.

'poganda'

No need edit-edit the video na, mahalaga masaya.

Sinilip ko sa bintana kung and'yan pa ba si dean, nakahinga ako ng maluwag no'ng hindi ko na siya nakita. Inialis ko na ang lahat ng upuan at ibinalik sa tamang p'westo. inayos ko na rin ang table ni ma'am—sa hindi inaasahan ay nakita ko ang score ko sa periodic test namin this quarter 1.

Laking gulat ko nalang na 5 lang nakuha ko sa hanggang 50.

*Evil smile*

Kinuha ko ang pambura sa drawer ni ma'am at chineck lahat ng sagot ko, pagkatapos dinagdagan ko ng 0 ang 5 para maging 50.

Boom! Perfect

Baka xyena the poganda ‘to!

Mabilis kung inayos ang table ni ma'am nang may narinig akong yapak ng paa—alangan naman ng kamay?

mabilis kung kinuha ang pambura ng blackboard pero green, at nagkunwaring binubura ang nakasulat sa board kahit wala naman.

"Xyena, pinapatawag ka ni dean—"

"Oh, miss president ikaw pala. ha? Ako talaga? as in me? only me?"

"Nasa principal office na rin si franz tawa ng tawa." Yumuko si yuiji bago umalis.

Ang swerte ni yuiji, half Japanese, half koreanese, half filipenese, inshort pure filipenese pero ang astig ng pangalan—pero mas astig talaga sa akin.

Yuiji firerr, the president in our classroom, tapos si kwago ‘yong vice president tapos ako iyong sexytary.

Ayaw niyo maniwala? Edi huwag!

May crush si kwago kay miss president, kaya shiniship ko sila. Tuwing valentine's laging nagpapadala si kwago sa bahay ni yuiji na kung ano-ano, tapos ako iyong taga deliver, di ba nakakatuwa?

Wala nga kasing forever, bitter na kung bitter, basta di nakaeexist ang forever.

Kinuha ko ang bag ko at hinila palabas si yuiji.

"Ganda mo talaga," nakangiting sambit ko.

True naman, napakaganda niya. Dapat siya iyong muse hindi ‘yong shainna na iyon, sarap hambalusin putek, akala mo kung sinong maganda e mukhang tae lang naman.

light blue ang kulay ng mata ni yuiji, at may kulay ang buhok niya sa bandang harap, magkabilaan, right and left—kaya nga magkabilaan di ba?

hindi naman lahat may kulay, parang katulad lang kay jennie kim sa blackpink, ganurn lang pero long hair siya at mahilig mag-pony tail like me, sakto lang din ang tangkad niya, matangos ang ilong niya at maganda ang shape ng bibig, like jisoo. Nakakuha talaga ng atensyon ko noong una kaming nagkita ay ang mga mata niya.

Mata niya'ng nakakaakit.

Oo tibo ako.

Minsan maganda, minsan gwapo—araw araw pala.

Color blue ang uniform namin, light blue with white. Tapos ang palda at dark blue.

Karamihan sa mga babaeng nag-aaral dito ay halos wala ng palda dahil sa sobrang ikli, balak yata nila magparape, naku, sabihin lang nila sa akin, tatawagin ko lahat ng aso sa kanto at ipapatira sa kanila.

Di ba sosyal?

Lagpas tuhod ang palda ko habang si yuiji ay sakto lang, sakto naman siya always nasobrahan lang sa kagandahan.

Kakainlove!

RaWr! Aagawin kita sa kaibigan kung kwago.

"Why are you starring me like that?" humalakhak ako ng tawa. Ano ba iyan self, nakatitig ka pala sa kanya.

"Ganda mo kasi, ang sarap mong titigan."

"Hindi naman ako ice cream pero, feel ko matutunaw ako sa mga titig mo."

"Eyy mic drop!"

"Let's hurry up, baka lalong magalit si dean." nagpaunahan kaming makarating sa principal office.

Bahala na magalt si dean, pake ko di ba? nanay ko ba siya?

Inintroduce ko na ba ang sarili ko sa inyo? next week nalang kakatamad.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro