Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seventeen : Coma

Chapter Seventeen : Coma

Carin.

Unti-unting bumaba ang tensyon sa lugar, pero hindi ang pagiging alerto naming mga elf. Hindi namin tiyak kung ligtas na ba talaga kami, kaya marahan naming tiningnan ang buong lugar. Sa oras na 'to, ang kaligtasan ni Empress Dream ang pinakamahalaga.

Gamit ang bilis na taglay naming mga elf, nasuyod kaagad namin ang buong kaharian sa loob lamang ng ilang minuto. Naiwan si Jellal sa tabi ni Empress Dream para magbantay.

Pagbalik namin sa hardin, napansin agad namin si Empress Dream na maiging pinagmamasdan ang globong nasa harapan niya. Ang globong iniwan ni Dark.

Sinadya niyang iwan 'to para asarin kami.

“Kung tunay ngang ang mga ilaw dito ay ang mga taong ligtas pa ang panaginip, kaunti na lang ang oras natin para pigilan si Dark,” saad ni Empress Dream bago marahang inuukutan ang globo. Pinagmasdan din namin itong mabuti.

Naglakad pabalik ang reyna sa trono niya, naupo ito at muling nagsalita, “kailangan na nating ihanda ang special dreamers. Magiging katulong din natin ang mga sinaunang elves. Mas malakas sila kumpara sa inyo ngayon.”

Tumango lamang kaming lahat.

Naging mahaba pa ang diskusyon namin, at inabot kami ng umaga. May mga mahahalagang bagay kaming pinagkasunduan, tulad nang dito na kami sa kaharian mananatili, hanggang sa maging ayos na ang lahat. Kasama namin ang mga binabantayan naming special dreamer.

Habang naglalakad palabas ng kaharian, lumapit sa akin si Jellal.

“There's something bothering Erica. May ginawa ba si Benedict?” tanong niya sa akin.

Tinitigan ko siya. “Sa kanilang dalawa, mas capable si Erica na gumawa ng 'di kaaya-aya kay Benedict,” saad ko. Naalala ko na naman 'yung panaginip na 'yun. When Erica kissed Benedict.

“Really?” ani Jellal. Sabay na kaming naglalakad ngayon. Nauna na sa amin ang ibang elf pabalik sa kaniya-kaniyang panaginip ng mga binabantayan nila. “I think, Erica's just concerned about Benedict? I don't know. Basta alam ko may bumabagabag sa kaniya.”

“At paano mo naman nasabing si Benedict 'yon?”

“Sabi niya sa akin bago ko siya iwan kagabi, hindi siya gigising dahil nandito si Benedict. Hindi ko siya maintindihan,” sabi ni Jellal dahilan para bumagal ako sa paglalakad.

“So you mean, hanggang ngayon tulog pa rin si Erica?”

Umiling siya. “Hindi ko na nararamdaman ang kapangyarihan niya. Tingin ko gising na siya.”

“Mmm,” saad ko bago tumango.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa makalabas na kami ng palasyo.

“You like him?”

Agad akong napatigil sa paglalakad.

“I'm right,” aniya bago nagpatuloy sa paglalakad.

“Right about saan?” tanong ko habang sinusundan siya.

“You like him.”

“Him? Sino?”

“Hay nako Carin. We've been together for almost hundred years. At never kang umiyak sa balikat ng kahit sino,” sabi niya bago tumalon sa portal na ginawa niya.

Gusto kong tanungin kung anong ibig niyang sabihin, pero hindi ko na lang siya pinansin.

Jellal is really weird. That's a fact.

Gumawa na ako ng portal, at tahimik na nilisan ng tuluyan ang Kislap.



Benedict.

Tumayo na ako sa higaan.

Wait.

Nandito ako sa loob ng Tree House? Hindi ba dapat nando'n ako sa kwarto kong luma. Nakahiga sa kamang walang foam? Bakit nandito ako? Anong nangyayari?

“Kanina ka pa nandito?” Napatingin ako kay Carin, kakapasok pa lang niya sa pintuan. “Ang aga mo naman yatang natulog. Don't tell me natutulog ka sa klase mo ngayon?”

“H-hindi. Pagkadilat ko, nandito na agad ako,” saad ko bago tumayo at tiningnan ang hinihigaan ko.

“Ibig mong sabihin, hindi ka nagising?”

“Nagising ako—”

“Thank God.”

“Pero nandito ako. I mean, nagising ako na nandito na. Hindi ko alam kung paano at bakit. The last thing I remember, nakatulog ako rito pagka-alis mo kahapon,” saad ko.

May binulong siya pero hindi ko narinig. Gusto ko sanang tanungin, pero base sa reaksyon nya, parang ayoko ng malaman ang sagot.

“Sa'n ka galing?” Pag-iiba ko ng usapan.

“Bumalik ako sa Kislap kagabi.”

“Ah,” tangi kong sagot. Hindi ko alam kung bakit biglang naging awkward sa pagitan namin, kaya dumungaw na lang ako sa bintana at tinanaw ang lugar sa labas ng tree house.

“Ayos lang ba ang lahat?” tanong ko sa kaniya habang nakatalikod ako.

“Oo naman. Bakit naman hindi magiging ayos ang lahat—”

“Benedict!”

Napalingon ako sa pintuan. Nakita ko si Erica ro'n, na mukhang hingal na hingal sa pag-akyat sa hagdan ng tree house. Agad akong naglakad papalapit sa kaniya, kaya nakita ko si Jellal na nasa likuran niya. “Bakit kayo nandito?” tanong ko sa kaniya.

“May kailangan tayong pag-usapan,” seryosong sagot niya.

“At ano naman 'yon?” tanong ko bago mapalingon kay Carin na nasa likuran ko.

“Kailangan natin mag-usap ngayon Benedict.”

“Nag-uusap na tayo ngayon.”

“Privately?” sabi niya kaya napatingin ako kay Jellal. Tumango ito sa akin kaya napatingin din ako kay Carin. She shrugged her shoulders. Hindi ko tuloy mahulaan kung anong sasabihin ni Erica, at kung bakit kailangang kami lang dalawa ang makarinig sa sasabihin niya.

Hinawakan ako ni Erica sa braso at hinatak niya ako pababa sa tree house.

“'Wag kayong lalayo Rica,” bilin ni Jellal bago kami tuluyang makababa sa tree house.

“Mukhang close na close kayo. He called you by your nickname,” sabi ko.

“No we're not. Sinabi ko na sa kaniyang 'wag niya ako tatawagin sa pangalan na 'yon,” she said, sounded like she's pissed.

Naglakad kaming dalawa papunta sa pamilyar na lugar. Hinayaan ko lang na hatakin niya ako. I let her lead the way, kahit alam ko naman na papunta ito sa fountain. Nakakapagtaka lang, paano niya nalaman na may fountain sa panaginip ko?

The question of how they got here in my dream is because of Jellal, pero 'yung fact na alam niyang may fountain sa panaginip ko?

Or I'm just exaggerating things?

Huminto kami sa bench sa harap ng fountain. Umupo siya roon kaya umupo na rin ako sa tabi niya. Nilamon kami ng katahimikan at tanging pagragasa na lamang ng tubig ang maririnig na nagmumula sa fountain.

Maya-maya pa'y narinig ko ang mahinang paghikbi ni Erica. Naagaw niya ang atensyon ko kaya naman agad akong tumingin sa kaniya. Nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha niya kaya marahan kong tinapik-tapik ang likod niya, kahit wala akong ideya sa nangyayari.

“Ayos ka lang? Anong nangyayari?” walang ideya kong saad.

“B-Benedict, I feel guilty,” she said in between of her tears.

“Guilty? Saan?” naguguluhan kong tanong.

“Benedict...” Humarap siya sa akin. “Hindi sana k-kita niyayang pumunta no'ng gabing 'yon sa park. Hindi s-sana kita chinat para samahan ako sa p-park,” saad niya dahilan para kumunot ang noo ko.

“Park?”

“Benedict na-guguilty ako na in-invite kita sa p-park...” aniya.

“Hey, hey. Anong park? Anong na-guguilty?” takang-taka kong tanong sa kaniya.

“Hindi mo ba naaalala?” Dahan-dahang umangat ang tingin niya sa akin. “Nanood tayo ng tugtog ng banda sa park, t-then after that, I left you. Nauna akong u-umuwi,” sabi pa niya.

“A-anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan?”

“Benedict, after that night, you got hit by a car,” saad niya kaya napatayo ako sa pagkaka-upo.

“Anong ibig mong sabihin?”

“I— I'm sorry Benedict, hindi ko gustong mangyari sa'yo 'yon. Pero na-guguilty ako na hindi kita sinamahan pauwi, na niyaya kita ro'n pero naiwan ka at—”

“Erica, naguguluhan ako sa'yo. Hindi ko maintindihan—” Napahinto ako nang mawalan ako ng balanse at matumba sa lupa. “Argh!!!” Wala akong nagawa nang biglang kumirot ang likurang bahagi ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong nahilo.

“Benedict? B-Benedict!?”

Naramdaman kong lumapit si Erica sa akin. Tinulungan niya akong tumayo pero ilang beses akong bumagsak.

“Benedict! I—I'm so sorry! It's all because of me!”

“E-Erica...”

Hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya. Everything gets blurd.

Bumilis din ang tibok ng puso ko, na sa sobrang bilis tingin ko'y makakawala na 'to sa dibdib ko.

“Benedict... Dahil sa'kin... Dahil sa'kin coma ka.”

End of Chapter Seventeen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro