Chapter One : Examination
Chapter One : Examination
Benedict.
Hindi gaya ng mga nababasa sa libro, napapanood sa telebisyon o movie, at napaparinggan sa radyo. Ako 'yung tipo ng lalaki na mahina, walang laban, sunud-sunuran, mababa at higit sa lahat, walang kwenta. Hindi rin OA ang pagkaka-describe ko sa sarili ko, dahil 'yun talaga ako.
Dalawang taon na nang mawala ang kapatid kong si Beatrice. Hanggang ngayon wala kaming balita sa kaniya. Kung nasaan siya, o kung may kumupkop ba sa kaniya. Dahil sa nangyari na 'yon, naging madalas ang away nila Mama at Papa. Iniisip ni Papa na pabaya si Mama, at paulit-ulit namang dinidiin ni Mama na sumunod daw si Beatrice kay Papa at wala siyang kasalanan.
Hanggang sa naghiwalay nalang din sila kalaunan. Sinama ni Mama si Bernadine, ang isa ko pang kapatid, sa probinsya kung nasaan sila Lolo at Lola.
Minsan nga naiinis ako sa kaniya dahil iniwan niya ako. Iniisip ko nalang minsan na sana, sinama nalang niya ako para hindi ako nag-kaganito. Kung hindi ako iniwan ni Mama kay papa, siguro maayos ang buhay ko. Pero kahit isipin ko 'yun ng ilang libong beses, wala naman ng mag-babago. Dahil nandito ako, alila ng pangalawang asawa ng tatay ko.
Ilang buwan lang nang maghiwalay sila Mama at Papa, may dinalang bagong babae si Papa. Galit na galit ako no'n dahil parang wala lang nangyari. Parang biro lang ang naging relasyon nila ni Mama para sa kaniya.
Noong una mabait ang pakikitungo saakin ni Tita Jena, ang pangalawang asawa ni Papa. Pero tumagal nang tumagal, kada wala si Papa sa bahay, palagi niya akong inaalila. Umuuwi si Papa every weekend. Doon lamang namin siya nakakasama. Unfortunately, mayroong isang anak si Tita Jena. Nakakatawa lang, magdadala na nga lang ng babae si Papa rito sa bahay, 'yun pang may anak na.
Katulad niya, demonyo rin ang ugali. Isang lalaki na gahaman din. Joshua ang pangalan at kung gaano pa ka-biblical 'yon, siya namang ikinasama ng ugali. Halos dalawang taon na akong nag-titiis sa ganitong sitwasyon. Halos dalawang taon na akong nagtitiis sa mag-inang 'yon.
Kapag wala si Papa, pinapatulog ako sa lumang kwarto rito. Ang double deck na hinihigaan ko kanina ay walang foam, tanging kahoy lamang. Kapag naman alam ni Tita Jena na pauwi na si Papa, pababalikin niya ako sa maganda kong kwarto, sa totoo kong k'warto. Malayong-malayo ang itsura no'n sa silid na tinutulugan ko kapag weekdays.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil pinapakain pa nila ako at pinag-aaral. May sakit ako sa puso, kailangan ng pang-paopera. Nakuha ko 'tong sakit na 'to sa lahi nila Papa. Nadiskubre lang namin 'to right after umalis nila Mama.
Itong si papa, nag-susumikap para makapag-ipon ng pang-paopera ko. Pero ito namang bago niyang asawa at anak, hindi niya alam, pinahihirapan na ako, todo waldas pa.
Umaga nanaman at kailangan ko nanamang maging kasambahay sa sarili kong bahay. Nag-asikaso na ako sa kusina.
Matapos kong magluto, naghugas ako ng mga pinggan. Ang daming nakatambak dito at halata ang pagiging gahaman sa pagkain ng mga kasama ko. Ni isa kila Tita Jena at Joshua ay wala man lang nakakaisip maghugas ng pinggan. Palibhasa, buhay mayaman. Waldas dito, waldas doon. Hindi ko lang maintindihan, bakit hindi nararamdaman ni Papa iyon?
Manhid ba siya? O pinababayaan nalang niya dahil ayaw niyang mawalan ng isa pang asawa? Hindi kasal si papa at Tita Jena. Hindi pa kasi napapawalang bisa ang kasal nila Mama at Papa.
Mayaman si Papa, gano'n din si mama. Pero hindi ko din maintindihan kung bakit pakiramdam ko namumuhay ako bilang isang katulong. Hindi ako payat, hindi rin mataba. Sakto lang dahil nakakakain ako tatlong beses sa isang araw. Kapag weekdays kung kelan wala si Papa, sabay kumakain si Tita Jena at Joshua. Ayaw nilang kasabay ako dahil baka daw mahawa sila sa sakit ng puso ko.
Siguro nga kung napapasa ang sakit ng puso, tinapyas ko na ito at ibinigay sa kanila ng buong-buo. Para man lang ba hindi masayang ang effort nila na alilain ako. Dito lang naman ako malakas e, sa pag-iisip. Siguro nga kung nakakamatay ang pag-iisip at pag-tingin, dalawang taon ng nakalibing si Tita Jena at Joshua.
"Nakahanda na ba ang almusal?" Mataray na tanong ni Tita Jena. Umurong ako dahil ayokong tamaan siya. May pagkatamad kasi ang isang ito. Kahit alam niyang may mababangga na siya, gusto niya ako pa ang mag-aadjust. As if naman na may red carpet siyang sinusundan.
"O-opo," maikling tugon ko.
Tinawag na niya ang anak niya. Tsk. Tinignan ako ng masama ni Joshua kahit wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Pumasok akong muli sa kwarto ko. 'Yung luma at sobrang daming sapot. Mag-sschedule nga ako ng araw ng paglilinis dito.
Pumunta na ako sa banyo at naligo. Hindi na ako mag-aabala pang kumain. Hindi naman din nila ako aalukin. They doesn't even care about me. Kung alilain nila ako para ngang wala akong sakit sa puso. Buti pa nga ang kasambahay may sahod, ako na mismong anak ng mayaman ni singkong duling wala.
Naligo na ako pag-katapos ay nag-bihis na ng uniporme. Kailangan kong pumasok ng maaga ngayon. Mayroon kaming exam. Anong oras na rin akong natulog kagabi kaya medyo bagsak ang mga mata ko. Pero kakayanin ko.
Maka-graduate lang talaga ako, aalis na rin ako sa bahay na ito.
Kinuha ko ang alkansya na nakatago sa ilalim ng kabinet ko. Kumuha ako doon ng fifty pesos panggastos. Whole day kami kaya fifty ang kinukuha ko doon. Mabuti nga at binibigyan ako ni Papa ng allowance. Wala namang nagtatangkang pumasok dito sa kwarto ko dahil hindi nila alam na may pera ako.
Sinukbit ko na ang bag sa balikat ko at walang paalam na umalis na sa bahay. Walking distance lang naman ang school na pinagpapasalamat ko dahil hindi na ako mamamasahe, less hasle and less bawas ng baon.
"Good morning po," magiliw na bati ko sa gwardiya ng paaralan namin. Ngiti lamang ang itinugon niya saakin.
Hindi ko sisimulan ng kahit anong panget at bad vibes ang araw ko. Baka maka-apekto ito sa score ko sa gaganaping exam ngayong araw.
Suminghap ako ng sariwang hangin at bumuntong hininga ng malalim bago tuluyang naglakad papasok ng paaralan ng may ngiti sa mga labi.
Nang mag-bell ay agad akong tumakbo papasok ng class room. Hindi ako pwedeng malate dahil kapag nalate ka, hindi ka na bibigyan ng test paper.
Dahil sa ginawa kong pagtakbo, nakaabot ako sa room at agad na nag-take ng exam.
~•~
Natapos ko na ang exam sa tatlong subject. Lunch na namin.
Mayroon pang dalawang exam mamaya after lunch.
Minabuti ko na munang lumabas ng class room at napagdesisyunan na pumunta sa canteen.
Pagdating sa canteen, umorder kaagad ako ng kanin, siomai at C2. Ganito lagi ang kinakain ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ako nauumay sa lasa. Siguro manhid na ang dila ko at nasanay na sa ganitong pagkain? Tsaka ito lang din ang kaya ng fifty pesos ko.
Kumukulo na ang tyan ko. Kinuha ko ang sukli sa counter at agad na kinuha ang toyo sa tabi nito. Naglagay ako ng toyo sa siomai. Pagkatapos, naghanap ako ng bakanteng upuan. Nakahanap ako sa medyo dulong bahagi, kaya naglakad ako papunta roon.
Hindi pa man ako nakakarating, nasagi na ako ng isang grupo ng mga lalaki. Or should I say, sinagi talaga nila ako for purpose. Malakas ang sagi kaya nagdulot ito ng pagbagsak ng pagkain ko sa sahig at tumulo ang toyo sa polo ko. Fuck this life.
"Sorry dude," kalmadong sabi ng leader nila.
Natatawa naman ang mga kasama niya. Gusto kong magalit pero natatakot ako sa pwede nilang gawin saakin kaya pinadaan ko na lamang sila. Sila ang Campus Bullies. Obviously, ang gusto nila ay pahirapan ako.
Tangina lang. Sa bahay alila na ako, tapos pagdating dito sa eskwelahan pinapahirapan pa rin ako.
Tingin ko nga ako lang ang puntirya nila rito. I need to calm myself. Kung magsimula ako ng away dito, hindi rin naman ako mananalo. Baka diretso kabaong ako kapag nakipag-away ako ngayon, kaya hahayaan ko nalang, ulit.
Kumulo na naman ang tyan ko kaya agad akong namroblema.
Paano na ako kakain nito? Hindi na sapat ang dala kong pera pambili ng lunch.
Tsk.
Napagdesisyunan ko nalamang na pumunta sa garden at mag-review na lamang para sa susunod na subject na ie-exam. May nabasa ako na kapag gutom mas madaling makakapag-review. Pero mukhang mali ang nabasa ko.
Dahil gutom na gutom na ako at hindi na ako makapag-concintrate sa nirereview ko.
End of Chapter One.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro