Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four : Erica

Chapter Four : Erica

Benedict.

Tumayo ako sa higaan at lumabas na sa kwarto ko.

Pumunta ako sa kusina at kumuha sa ref ng malamig na tubig. Sinalinan ko ang baso ko ng tubig mula sa pitsel. Kaagad ko 'yun na ininom. Dalawang beses akong uminom ng tubig bago ako tumingin sa wall clock na nasa pader malapit sa kusina.

"7:16," basa ko sa oras. Ang haba rin pala ng tulog ko. Walang pasok ngayon dahil sabado. Gustuhin ko mang bumalik sa pagtulog, hindi ko na kaya dahil mahaba na masiyado ang tulog ko. Saan kaya ako pwedeng magpunta? Ayoko sa bahay na 'to lalo na ngayong weekend. Babalik nanaman ako sa 'maganda' kong k'warto, at didiktahan nanaman nila akong linisin 'yon dahil dinugyot nanaman ni Joshua.

Kung may kaibigan lang ako, siguro tumambay na ako sa kaniya tuwing weekend.

Bumalik ako sa kwarto ko matapos kong ibalik sa loob ng ref 'yung pitsel. Nilagay ko na lang din sa lababo ang baso ko. Wala akong pakialam kahit ubusin ko pa lahat ng baso sa kusina. Ako naman lahat ang naghuhugas no'n. Okay sana kung hindi ako, mahihiya akong gumamit ng iba't-ibang na baso.

Pumasok ako sa kwarto ko at binunot ang cellphone ko. Full charged na kasi ito. Umupo ako sa kama at tinignan ang mga notifications na lumabas. Ang iba rito ay galing sa facebook account ko. Hindi ko naman iyon ginagalaw kaya nagtaka ako kung bakit may notification akong natanggap. Binuksan ko iyon at isang friend request ang bumungad sa'kin.

Erica Dixon Gonzales sent a friend request.

Umukit ang isang matamis na ngiti sa labi ko. Pero at the same time napakunot ang noo ko. Paano kaya niya nalaman ang facebook account ko? Alam kaya niya ang buong pangalan ko? Parang ngayon lang nga ako nagkaroon ng friend sa fb na galing sa school namin. Kadalasan, foreigner ang ka-chat ko, o kaya mga hindi ko kilala sa personal. Sa gano'ng paraan, wala silang masasabi sa akin.

Nakaka-inggit lang 'yung mga kaklase kong lalaki na puro magtotropa. Magkakasamang naglalaro, magkakasamang tumatawa, masaya. Gusto ko ng gano'ng buhay pero ganito lang ako. Tangina, bakit kawawang-kawawa ako sa buhay na 'to? Sobrang saya ko ba sa past life ko kaya binabawi ngayon?

Nonetheless, I'm still hoping that his plan for me will come sooner.

Nag-pop ang mukha ni Erica sa cellphone ko matapos ko siyang I-accept sa friend request niya. Syempre hindi na ako aayaw dahil siya na ang unang lumapit sa akin. Hindi ko na siya tatanggihan, kahit alam ko na baka isa din siya sa mam-bully saakin.

Pero imposible naman 'yon 'diba? Binigyan pa nga niya ako ng pagkain noong mga oras na feeling ko namumulubi na ako.

7:25 AM
Erica : Free tonight?

Nagulat ako sa tanong niya. Never pa kasi akong tinanong ng kahit sino kung free pa ako. Ito rin ang unang beses na may mag-chat sa akin na kilala ako personally. I wonder kung bakit niya tinatanong kung free ako ngayong gabi. Kaya agad akong sumagot.

7:25 AM
Benedict : Yup. Why?
Benedict : Free ako buong araw.

7:26 AM
Erica : Yayayain sana kita sa Park. Meron kasi doong tutugtog mamayang gabi.
Erica : Sama ka?

Umukit ang ngiti sa 'king labi. Pakiramdam ko, ang matagal kong hinihintay na bagay, dumating na. 'Yung bang pakiramdam mo, nag-uumapaw sa saya ang puso mo—pota ang OA.

7:27 AM
Benedict : Be right there :)

7:27 AM
Erica : See you then.

Sa sobrang saya ko, nalinis ko ang buong bahay habang hinihintay na maggabi. Todo hugas ng pinggan, walis ng sahig, punas ng kung anu-ano sa loob ng bahay. Hindi ko na nga rin pinansin pa ang mga sinasabi ni Tita Jena at ng anak niya. Napansin nilang hindi ko sila pinapansin kaya pinarami nila ang gawain ko. Inapakan nila ang pinupunasan kong sahig kaya nagputik ulit. Pero wala akong pakialam.

Actually, thankful pa nga ako dahil naubos ang oras ko sa kanila. Para sa akin, bumilis ang oras kaya namalayan ko nalang na gabi na.

Agad akong naligo at nagbihis. Pumili ako ng simpleng damit lang dahil hindi naman kami pupunta sa malayong lugar. Walking distance lang naman ang park mula rito sa bahay. Kaya nga sobrang ganda ng spot ng bahay dahil bukod sa walking distance ang school at park, madalas pa itong dinadaanan kapag may parada o festivals.

Nagsoot lamang ako ng plain white v-neck shirt at maong na shorts. Nagsapatos din ako. Hindi bagay kung magtsi-tsinelas ako sa ganitong porma. Ewan ko ba, dati kahit ganito lang ang ayos ko at kahit nakatsinelas lang, wala naman akong pakialam. Siguro dahil nakakahiya kung makita ni Erica na gano'n ang suot ko? Isa pa, unang beses ko 'to na lalabas ng bahay for personal purpose at hindi dahil sa school works.

Never pa akong naconscious sa itsura ko. Ngayon palang talaga— conscious ba ang tamang term do'n? Ay pota. Basta gano'n.

Napatingin ako sa salamin nang tumayo ako pagkatapos magsintas ng sapatos. Hindi sa pag-bubuhat ng bangko, pero... makinis naman ang mukha ko at kahit ni isang tigyawat ay wala. Kaya siguro inis na inis si Joshua sa akin. Inggit siguro ang kumag dahil bako bako na ang mukha niya.

Kaso bakit ang hina ko? Bakit walang gustong makipagkaibigan sa akin? Gano'n ba kapag g'wapo? Kaunti lang talaga kaibigan? Takot ma-insecure ang mga tao sa'yo kaya ka nila nilalayuan?

Hays.

Sana lang talaga, si Erica na ang hinahanap kong solusyon sa problema ko. Ayos na ako sa isang kaibigan basta loyal at mapagkakatiwalaan. Kaysa naman sa marami ka ngang kaibigan pero back stabbers naman. 'Di ko naman sinasabing mga kaibigan ni Joshua ang backstabber pero parang 'yun na nga. Pera lang habol sa kaniya pero go na go siya. 'Di niya alam, tadtad na siya ng lait kapag nakatalikod siya.

Napa-iling ako.

Kung saan-saan na napunta ang iniisip ko habang nakatingin sa salamin.

Kaagad akong naglakad patungo sa Park. Hindi pa man ako nakakarating doon ay rinig na rinig na ang sigawan, tilian at ingay ng mga tao. Mayroon ding mga ilaw sa langit na nagmumula sa malaking stage sa park. Nagsasayawan ang iba't ibang kulay ng ilaw mula rito. Ang ganda pagmasdan.

First time ko ring pumunta sa ganitong event. Ewan ko ba, bakit feeling ko, nakakahiya pero at the same time, masaya at excited.

"Oh, nandito ka na pala." Someone touched my shoulder kaya napatingin ako sa kaniya. Si Erica. She's wearing a beautiful smile that will attrack everybody that will see it.

"Ah. Oo. Salamat pala sa pag-aaya," sambit ko sa kaniya. Nahihiya akong napangiti.

"No prob!" aniya.

"And for our first song for tonight! Fireflies!" Anunsyo ng lalaking nasa stage. Pamilyar ang itsura niya. Parang palagi ko siyang nakikita? Pero hindi ko maalala kung anong pangalan niya, o sino siya. Basta ang alam ko, pamilyar ang itsura niya saakin. Siguro nakita ko na siya sa TV?

Malakas na sigawan ang naririnig sa buong Park. Mas nagliwanag ang stage at nagsayawan ang mga ilaw na animo'y nakikisabay sa tugtog nang magsimula ng kumanta ang banda. Mayroong nag-gigitara, gumagamit ng electric guitar, piano, drums, at may vocalist sa gitna. Tatlo ang vocalist, dalawang lalaki at isang babae.

"Whooohoo!" sigaw ni Erica na tuwang-tuwa na kakanta na ang banda. Tinignan ko ang ngiti sa labi niya, at panandalian akong nainggit.

Sana, naging ganito din ako kasaya noon.

"You would not believe your eyes
If ten million fireflies
Lit up the world as I fell asleep."

Mas lalong naghiwayan ang mga tao. Kasabay nito ang pagtaas ng mga kamay nila at pagkanan-kaliwa ng mga ito. Feeling ko, ito na ang pinakamasayang gabi sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung paano ie-explain sa sarili ko ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

First verse pa lang 'to, pero damang-dama ko na lahat ng excitement.

"Cause they fill the open air
And leave teardrops everywhere
You'd think me rude but I would just stand and stare."

If I have the power to stop the time, I'll definitely stop it right here, right now. Gusto kong tumigil ang oras para mas matagal ko pang makita ang ilaw na nagsasayawan sa kalangitan. Ang mga taong kasama ko na nagsasaya kasabay ang pagkanta ng banda. Gusto kong pahintuin ang oras ngayon para habang buhay na akong maging masaya.

"I'd like to make myself believe that planet earth turns slowly
It's hard to say that I'd rather stay awake when I'm asleep
'Cause everything is never as it seems."

Napatingin ako sa gilid ko, kung nasaan ang unang babae na nagpasaya sa akin. Itinuturing ko na rin siyang unang kaibigan.

Nakangiti siyang napatingin sa amin. Mas lumawak ang ngiti niya nang makitang nakatuon ang mga mata ko sa kaniya. For a moment, I felt like the time actually stopped. A smile formed into my lips, letting the words I'm holding back, be heard.

"Thank you, Erica. Thank you for making me happy."

End of Chapter Four.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro