2: The Red Sky
Kai's POV
Nasa harap ako ng isang salamin habang tinitignan ang repleksyon ng aking sarili. Isang simpleng checkered na polo ang aking suot kasabay ang brown shorts ko. Nakasabit sa aking leeg ang wireless headphones ko. Makailang ulit kong inayos ang aking buhok sa salamin ngunit nang maalalang baka pawisan ako sa init mamaya ay kinuha nalang ang ponytail ko sa itaas ng aking desk at itinali na lamang ito sa man bun. Nang makitang maayos na ang pagkakatali ng buhok ko ay hinila ko na ang nag-iisang maleta na aking dala palabas ng aking kwarto.
Tumungo ako sa sala at naabutan si Mama na naghihintay sa akin, ngunit laking gulat ko nang makita ang isang tao na kausap nito. Nakatalikod ito mula sakin ngunit kitang-kita ang hanggang beywang nitong buhok.
"Jane!" pagtawag ko sa kaniyang pangalan at dahil dito ay napalingon siya.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap ito. "Akala ko may trabaho ka ngayon?" tanong ko pagkahiwalay ko sa kaniya.
"Mabuti nalang talaga ay early off ako sa summer job ko. Kay nagmadali agad akong pumunta rito upang magpaalam sa iyo."
"Aw! I will miss you, Jane!" wika ko at marahang piniga ang kaniyang kamay.
"Mami-miss din kitang traydor ka! Bakit kasi sa probinsya ka pa mag-aaral ng kolehiyo?"
"Hindi pa naman sure iyon. Magbabakasyon lang muna ako doon kina lola dahil matagal na rin akong hindi nakabisita sa kaniya,"
"Si lola mo nga ba talaga?"
"Shut up!" pagputol ko sa kaniya, marahang pinisil ang kamay niyang hawak ko at pinandilatan ito ng mata. Mabuti nalang at hindi iyon nanotice ni mama.
Napatawa lamang ito sa akin. "Anyways halina at baka mahuli ka sa flight mo. Ihahatid na kita sa airport."
"Really?"
"Yep!"
"Mabuti nalang talaga at may kaibigan kang may sasakyan," singit naman ni mama.
Napatawa naman kaming dalawa ni Jane dahil sa tinuran ni mama.
Kinuha ni mama ang maletang dala ko. Pinigilan ko siya at sinabihang ako na ang bahala ngunit nag-insist ito na siya na ang magdala. Sa paglabas namin ng bahay ay ang tumungo na si Jane sa kaniyang sasakyan na nakaparada sa harapan upang paandarin ito. Ako na ang naglagay ng maleta ko sa likurang bahagi ng sasakyan habang sumakay na si mama, tumabi naman ako kay Jane. Nang maikabit ko ang aking seatbelt ay iniusad na ni Jane ang sasakyan.
"Ay ma? Na-message mo na ba si Lola kung kailan nila ako susunduin?" tanong ko kay mama habang binabagtas namin ang highway.
"Hindi pa anak, pero plano kong i-text ang lola mo pagka-check-in mo sa loob. Isang oras lang naman ang byahe mo papunta sa probinsya kaya sakto lang iyan."
"Sino ba ang kasama nina lola na susundo? Naku, baka hindi ko na makilala si lola at madaanan ko lang siya," saad ko at mahinang napatawa.
"Ha! Imposibleng mangayari iyon anak, kilalang-kilala ka ng lola mo, hindi pa nakakalabas ang buo mong katawan sa pinto, tatawagin ka na 'non." Napatawa din si mama.
"Grabe naman tita," wika naman ni Jane.
"Oo, parati kasing naglalike at nag-ko-comment iyang lola ni Kai sa bawat picture at video niya. Kaya alam kong alam ni nanay ang mukha ni Kai."
"Pero hindi natin alam ma, iba naman kasi ang picture kaysa sa totoong mukha no. Matagal na kaya akong hindi nakapunta sa Iloilo, baka mawala ako."
"Huwag kang mag-alala anak, nandoon naman si Tito mo Miguel at iyong kababata mong kaibigang si Ethan upang sunduin ka. Maraming mata ang magbabantay sa iyo doon kaya hindi ka mawawala."
Agad akong natahimik ng marinig ang huling pangalang binigkas ni mama. Para bang umatras ang katawan ko kahit diretso naman sa pag-usad ang sasakyan.
"Ah, mabuti naman kung ganon," ang sagot ko na lang at tumahimik na.
Sa buong byahe ay hindi na ako nagsalita pa. Hindi naman ako galit at alam naman nila mama iyon. Sadyang tahimik lamang ako na klaseng tao. 'Yong social energy ko kasi ay napakalimitado lamang. Maiksi lamang ang meter bar ko kung kaya't kailangan kong i-recharge ito from time to time. Kaya't minsan ay napapatahimik ako ng ilang sandali upang magpahinga, dahil malaking enerhiya ang nababawas ko sa bawat usapan. I know it's weird, kasi human interaction is one of our basic needs. But I'm the kind of person that thrives in silence and loneliness.
Labin-limang minuto lamang ang byahe namin mula sa bahay papuntang airport. Nang makarating kami ay sakto boarding time na dahil inaanunsyo na sa speakers ng airport.
"Anak ingat ka ha!" wika ni mama habang yakap-yakap niya ako ng pagkahigpit.
"I will, ma. Ikaw din, ingat dito."
Humiwalay ito ngunit hinawakan ni mama ang aking pisngi sabay halik sa aking noo. "Anak, ang pinagkasunduan natin, mag-cha-chat ka sakin araw-araw."
"Opo ma!" I slightly laughed trying to hide the tears that was about to fall from my eyes.
Kahit desisyon ko naman talagang mag-aral sa probinsya ay hindi ko maiwasang maging malungkot dahil maiiwan si mama sa maynila. Hindi ksi siya makakasunod sa akin dahil may trabaho siya dito.
Tuluyan na kaming naghiwalay ni mama. Lumapit naman ako kay Jane, at bakas din sa kaniyang mukha ang lungkot.
"Bitch! I will miss you," wika niya pagkayakap ko sa kaniya.
"Ma-mi-miss din kita."
"Basta pag may tsismis ka, bukas ang messenger ko sa tawag mo anytime anywhere, twenty-four-seven."
"Gaga!" I said as we separated.
"Totoo!" Tumawa ito. "But hindi ka naman iyong tipong tsismosa, kaya kung gusto mo lang ng emotional support I'm just here."
"Thank you, I'll keep that in mind Jane." Ngumiti naman siya bilang tugon. "Ma, baka makalimutan mong i-chat si lola na paakyat na ako ng eroplano ha," pagpapaalala ko kay mama.
"Don't worry anak, nasabihan ko na ang lola mo."
Binigyan ko ulit sila ng huling yakap, bago ako nagpaalam sa kanila. Sa huling paglingon ko habang papasok sa airport ay kumaway ako sa kanila.
Mabilis lang naman ang pag-akyat ko sa eroplano dahil kakaunti lang naman pala ang pasahero. Malapit lang naman ang upuan ko sa pinto kung kaya't nakapuwesto naman agad ako. Hindi naman nagtagal ay lumpiad na kami.
Habang nasa ere ay napadungaw ako sa bintana. Makikita sa horizon ng kalaingitan ang pagkalat ng kahel na sinag ng araw na papalubog na. Agad kong naalala ang sinabi sa akin ni lola noon. Sa tuwing kulay pula raw ang sinag ng araw sa hapon o kaya sa umaga, ay malapit na daw ang tag-init. Sigurado daw na tirik ang araw bukas.
Hindi naman agad ako naniniwala sa sabi-sabi dahil pamahiin lang naman siguro iyon. Hindi ko lang alam kung paano ito maipapaliwanag ng siyensya. Alam ko naman na kahit naman siguro tirik na ang araw bukas ay hindi masyadong mainit sa probinsya, hindi katulad sa maynila. May preskong hangin kasi doon, na wala sa maynila.
Isang oras o mahigit pa ang byahe ng eroplano papuntang Iloilo. Wala akong magawa dahil naka-airplane mode naman ang phone ko kaya't nagdesisyon na lamang ako na umidlip pansamantala.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro