1: The Gay Rebirth
Ethan POV
"Try this!..."
"I'm not ready..."
"Don't..."
"See! You liked it..."
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naglalakad sa isang eskinita. Walang tao o sasakyan ang dumaraan ngayon dito. Hindi ko rin matandaan kung ilang minuto na akong naglalakad.
Hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang black latex pants at puting sando na halatang napakaraming gusot na ito. Nakakabit pa rin sa aking likuran ang pakpak ng anghel na pinahiram sa akin ng kaibigan ko.
Yakap ko ang aking sarili dahil sa lamig ng umagang tumatama sa aking balat. Hindi ko alam kung bakit pero maya't-maya ang aking pagtingin sa aking likuran lalo na sa bawat pagkalas ng kung ano mang basurang iniihip ng hangin. Alam kong walang sumusunod sa akin ngunit hindi ko ito mapigilan.
Hindi ko rin alam kung bakit parang nanginginig ang mga tuhod ko. Mistula ba na sa Ilang lakad na lang ay bibigay na ito. Para bang ilang milya ang aking tinakbo. Pakiramdam ko'y lumulutang, siguro'y sa alak na aking ininom kagabi.
Napatangila ako sa kalangitan at nakitang ang kaninang itim na kalawakan ay ngayo'y naging asul na. Dahil dito ay binuksan ko ang aking phone at tinignan ang oras na nakalagay dito. Five-thirty na ng umaga.
Papatayin ko na sana ang phone ko ng lumitaw ang chat head ng groupchat naming magkakaibigan.
Danielle Ann: Kamusta na kaya si bakla?
Danielle Ann: @Orion Ethan pakigalaw ang baso
Aiden: For sure, nasa langit pa rin iyon.
Ito ang nakalagay sa notification board. Binuksan ko nalang ang chat message upang makita ang buong mensahe.
Janrivv: Truuuuuu.
Janrivv: Ayan na siya.
Aiden: Bitchhhhhh
Aiden: how's the gay rebirth?
Me: Okay lang.
Okay lang. Tama okay lang naman talaga kahit sa totoo ay hindi ko matandaan ang buong mga nangyari.
Danielle Ann: Okay lang? Ang tipid mo namang sumagot bakla!
Me: Sorry. Hindi pa kasi ako nakakauwi.
Aiden: Inumaga talaga si Ethan oh! I'm so proud of you!
Me: Talk to you later kapag nakauwi na me sa bahay. 😉
Pagkarating ko sa highway ay tumungo ako sa isang waiting shed at umupo doon. Nakatulala lamang ako, habang pinagmamasdan ang paminsan-minsang pagdaan ng pribadong sasakyan. Maya-maya pa ay tumigil ang bus at bumukas ang pinto nito. Umakyat naman ako, sinabihan ang konduktor kung saan ako bababa at tumungo sa front seat ng sasakyan nang ibinigay na nito ang ticket ko.
Nag-umpisa nang tumakbo ang bus. Habang bumabyahe ay iniikot ko lamang ang aking mata sa paligid. May mangilan-ngilan ng tao ang nagja-jogging sa bike lane. Dito kasi sa Iloilo ay may sariling daan ang mga bisikleta, at hindi ka matatakot na mabangga o masagi ng sasakyan dahil sa barrier at sa lawak din nito.
Ang kaninang tahimik na kalsada ay napupuno na ng mga sasakyan. Maraming pampasaherong bus na puno ng mga pasahero ang nakakasalubong ng sinasakyan ko. It's a weird feeling to know that most people were about to start their day while I was about to end mine.
Isang kamay ang pumatong sa aking balikat dahilan na ako'y napatalon sa aking kinauupuan. Takot at kaba ang bumalot sa aking katawan.
"Hindi ka ba bababa?" tanong ng konduktor sa akin.
Inikot ko ang aking mata sa paligid at napagtantong nandito na ako sa bayan namin. Tumayo naman ako agad at dali-daling bumaba ng bus ngunit nang nasa pinto na ako ay pinigilan ako ng konduktor upang ipaalam na hindi pa pala ako nakakabayad ng pamasahe. Humingi ako ng pasensya kay manong at binayaran ito.
Sumakay na rin ako ng tricycle pauwi sa bahay namin. Ang kaninang purong gusali na aking nakita ay napalitan na ng kahoy at palayan. Alas-sais na ng nakauwi ako sa bahay. Hindi naman kalayuan ang bayan namin sa city ngunit nasa parte kami kung saan palay at mga tanim ang pangunahing negosyo ng mga tao.
As expected, sarado pa ang pinto pagkarating ko sa harap. Ngunit alam kong bukas na ang gate namin.
I knocked first before I entered the house. A sense of safety and relief hits me.
"Nay! Pang! Nandito na po ako," pagbati ko sa bahay.
Naabutan ko si Nanay at Papang na umiinom ng kape at ng kanilang pandesal sa hapag-kainan. Lumapit ako upang magmano sa kanila.
"Good morning nak!" wika ni papang.
"Kamusta ang birthday night out mo kagabi? Nag-enjoy ka ba?" tanong naman ni Nanay, nakangiti ito sa akin.
"Opo!" sagot ko nalang.
"Mabuti naman anak. Nakatulog ka ba ng maayos kina Janrivv?"
"Kaunti lamang po," pagsisinungaling ko dahil sa totoo'y hindi ako nakatulog. Hindi din ako natulog kina Janrivv.
"Maliligo muna ako Nay!" sabi ko, upang makaalis na din. Hindi kasi ako komportableng mag sinungaling kay nanay, pero kailangan ko.
"Sige anak! Ipagtitimpla kita ng gatas," nakangiting sagot nito, hinigop ang tirang kape sa kaniyang mug at tumayo.
"Ano pala gusto mong ulamin anak?" pahabol na tanong ni papang bago ako makaalis ng hapagkainan.
"Initin nalang natin Pang ang handa kahapon, sayang pa po iyon. Pahinga muna kayo ngayong araw," sagot ko naman. Alam ko kasing napagod din sila sa mga paghahanda sa kahapong birthday celebration ko.
Sumang-ayon naman si papang sa aking sinabi.
Katulad ng sinabi ko kay Nanay ay tumungo na ako sa kwarto. Kumuha ako ng damit sa aparador at pumasok sa CR.
Hinubad ko ang aking damit at pinagmasdan ang aking katawan sa salamin na nasa aking harapan. I rolled my eyes as I saw my messy reflection and started the shower. Nang nabasa ko na ang buo kong katawan ay kinuha ko ang sabon at maiging ikinuskos ito sa aking balat. Binanlawan ko ang katawan ko at sinabunang muli lalo na ang mga markang gusto kong burahin.
Mas bumuti na ang aking pakiramdam nang nakalabas ako ng CR. Wala na ang kaninang pandiriri na aking iniisip dahil siguro sa samu't saring pawis kagabi. Sinuot ko ang preskong damit na aking nakuha at tumungo na ulit pabalik sa hapagkainan.
Naabutan kong nakahanda na sa mesa ang kanin at ang estopado na kahapong handa. Nakapuwesto na rin sa mesa sina nanay at papang. Makikita din na may isang bakanteng pinggan sa mesa at katabi nito ay baso ng gatas na itinimpla ni nanay para sa akin. Umupo ako sa harap nito at sinamahan sila.
Iniabot sa akin ni Papang ang pinggan na may kanin, kumuha naman ako at ibinalik sa mesa. Nilagyan ko rin ng mantika ng estapado ang kanin at karne na rin ng baboy.
"Siya nga pala anak, natatandaan mo pa ba ang kababata mong kaibigan? Iyong kalaro mo noon" pamukas pag-uusap ni nanay habang nginunguya nito ang kanin.
Isang tao agad ang pumasok sa aking isipan, "Si Kai? Bakit po? Kamusta na po siya?"
Pumasok sa akong isipan ang tanging alaala na aking natatandaan patungkol kay Kai. Onse anyos pa kasi kami noon. Pareho kaming madungis na naglalaro sa palayan ni tito miguel. Harvest season noon kaya maraming dayami ang nagkukumpulan. Parati kaming nagre-wrestling doon, gumagawa ng butas dahil nagpapanggap kaming ibon. Payat na bata si Kai ngunit hindi ko alam kung ganoon pa rin siya ngayon. Marami nga ang nagbago sa akin, ano pa kaya sa kaniya?
"Okay naman siya anak. Naikuwento kasi ng lola niya kanina na uuwi daw iyon dito sa Iloilo. Dito raw mag-aaral ng kolehiyo."
"Talaga Nay? Pati sila Tita dito na rin sila titira?"
"Ay hindi anak, si Kai lang daw. Titira siya doon sa lola niya, kaya nga naikwento niya sa akin dahil nagpapatulong si Lola Lolit mo na kapag nandito na siya ay igala mo sana at ipakilala din sa ibang tao si Kai."
"Ang tagal na din since ang last na nagkita kami ah. Summer noong magha-highschool kami sila nagbakasyon dito. Iba na siguro ang itsura noon." Inaamin kong nae-excite ako na uuwi si Kai kahit nahihiya din ng kaunti. "Sige po nay, sabihan niyo po si lola na ako na ang bahala. Kailan po ba siya uuwi?"
"Sa susunod na araw. Susunduin siya sa airport ni Miguel. Napatanong nga kung sasama ka sa pagsundo kay Kai nang magkita kayo ulit."
"May gala kami ng kaibigan ko sa araw na iyon, pero don't worry I'll tell them na mas importante ito. Maiintindihan naman siguro nila iyon."
"Sige sasabihan ko si Miguel. Magtatanong na rin ako kung anong oras dadating si Kai."
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro