Prologue
"CONGRATULATIONS, Aia," Mommy hugged me tightly and kissed my forehead. I smiled gently and looked at the camera.
"1, 2, 3, smile!" said the cameraman. He took three photos before I stepped away from my mom. Nawala ang ngiti sa labi ko.
"As always, my dear, you never disappoint me," Dad kissed my forehead. "Let's go home, the guests are waiting," I nodded.
Mommy and I followed him.
Saglit kong nilibot ang tingin ko sa paligid at namangha nang makita siya.
He stands tall with an athletic build, his dark, tousled hair, which falls effortlessly around his forehead, glistens slightly under the sunlight. Walang kapintas-pintas ang mukha niya.
His eyes are a captivating, framed by thick, well-groomed eyebrows that add to his expressive gaze.
Walang sandali na hindi ako namamangha sa kanya. Ang nararamdaman ko ngayon, ay siya ring naramdaman ko noong una naming pagkikita. He is just perfect.
His lips are full and perfectly shaped, often curling into a charming, easy smile that can light up a room.
In top of that, I saw him smiling at me. I took a deep breath and smiled back at him.
"Congrats..." I whispered. I knew he understood what I meant because his smile grew even wider.
Mabilis na sandali lang 'yun dahil nagaaw na ni Mommy ang atensyon ko.
"Araiah, let's go baby," mom said. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa kotse.
Maingat akong pumasok sa loob at umupo katabi ni Mommy.
"Bakit hindi sumama sila ate sa inyo?" I asked, wondering why my sisters didn't come. Nakakatampo lang dahil parang wala sa kanila ang may pakealam na graduate na ang bunso nila.
"They are kinda busy, Aia. College na ang mga kapatid mo, siguradong maiintindihan mo sila dahil mag co-college kana rin."
Hindi na ako sumagot at sinandal ang ulo ko sa bintana.
Nang makarating kami sa bahay ay dinumog kami ng mga kaibigang businessman ni Daddy.
They are congratulating me, other gave me some gifts too. 'Thank you' at ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko, at nilapag sa kama ang mga regalong natanggap ko mula sa kanila.
"Aia! Congrats, bunso." A warm hug welcomed me.
"Ate," I murmured. Ngumiti ako at niyakap siya pabalik.
"I'm sorry I didn't make it to your graduation, galing akong Makati, may tinatapos kaming thesis." She explained.
"I understand ate, pero you should treat me or something! Magtatampo talaga ako," I pouted.
Mahina siyang tumawa at tumango.
Among my sisters, si ate Raqi ang masasabi kong mas malapit sa akin. She's the middle child, lima kaming magkakapatid, pangatlo siya.
3rd year college siya ngayon, kaya malimit ang oras naming dalawa. Unlike before, we spend so much timw together.
Pero kahit naman ganoon ay walang nagbabago sa relasyon namin, we are still close as we are before.
"How about my other sisters? Ikaw lang ba ang nandito?" Tanong ko habang hinuhubad ang togang suot ko.
"Lein and Nik will be here, si Shia ang sigurado akong hindi pupunta, she's not in a good terms with dad." She playfully smiled.
Nagulat nalang ako nang ilabas niya mula sa kanyang bulsa ang isang piraso ng yosi.
"Ate!" I shut the door at ni lock iyun.
"Chill."
"'Wag sa kwarto ko ate, I'm pretty sure mabuboking tayo!" Kinuha ko 'yon mula sa kamay niya at nilagay sa basurahan na nasa gilid ng kama ko.
"All right. Bumaba na tayo? Mga bisita mo naghihintay," umirap ako at tinignan ang mukha ko sa salamin.
"They are not my guests tho, they are dad's."
Which is totoo naman. Wala nga akong kaibigan na inimbita, lahat ng nandito ngayon sa bahay namin ay puro mga kasamahan ni dad sa company niya.
Ang iba naman ay mga kumare ni mom.
"Kahit pa, kailangan mong magpakita sa kanila, ipagmamalaki ka nanaman ng daddy mo sa kanila," tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya.
"What? 'Daddy mo'? Hello, daddy mo rin!" Sabay kaming tumawa.
Sumunod ako sa kanya, she's holding my hand habang pababa kami sa hagdan.
Naagaw ko agad ang atensyon ng mga bisita namin. I faked a smile, dumapo ang tingin ko sa dalawa ko pang kapatid.
Si ate Lein and Nik, parehas silang nakangiti sa akin.
Ate Lein is the second daugther, while Ate Nik is the fourt one. Wala si ate Shia, ang panganay sa amin. She's totally a cold one, sa lahat ng kapatid ko sa kanya ako nakakaramdam ng takot.
But that doesn't mean na masaya akong wala siya rito, kasi in some point, I wish she's here.
"The valedictorian." Aunt Sendi hugged me. Kaibigan siya ni Mommy, ka sosyo rin sa company namin ang family niya. "Congratulations dear!"
"Thank you tita,"
"The food is ready, let's eat everyone." Si Mommy.
Malaking lamesa, maraming pagkain- puno ng pagkain, a lot of visitors, maingay, may nag tatawanan, at may iilang kumakausap sa akin.
That is my situation in this big, long, table in front of me. Hindi ako masyadong nakakapag-pukos sa pagkain dahil kaliwa't-kanan ang mga salitang naririnig ko.
This kind of situation is making me anxious.
Hindi bago sa akin ang ganito, na may maraming tao sa bahay, dahil noon tuwing may celebrasyon, tumatambay lang ako sa loob ng kwarto.
I don't really interact.
Ngayon lang ako nakisalamuha dahil para sa akin ang celebrasyong ito.
I don't have a choice.
"How's the yougest?"
"Ate Lein! I miss you," mahigpit ko siyang niyakap. "I thought you wouldn't make it today!"
"I really can't! Kaso malakas ka sa akin eh." May halong tukso na ani nito.
"How about my hug?" si Ate Nik. Mahigpit ko rin siyang niyakap.
"You're really doing good sa senior high journey mo ha,"
"Thank you ate Nik, of course nagmana ako sa inyo!" Sabay-sabay silang umirap.
"Kulang si Shia, kaso alam naman nating hindi siya makakapunta." Ate Lein said. "But she told me to give this to you," maliit na box ang inabot ni ate Lein sa akin.
"A gift? Really!?" napuno ng saya ang puso ko.
She never sent me a gift! Sa lahat ng kapatid ko, parang sa kanya ako malayo, I mean hindi kami malapit sa isa't-isa. She has her own priorities, si Ate Lein lang ang madalas nakakausap niya.
"Yeah, I guess so." Ate Lein replied.
"Eh kayo ha!? Gift ko?" Isa-isa silang umiwas ng tingin, I rolled my eyes at binalik ang tingin sa regalong binigay ni ate Shia.
Sa regalo niya lang ako nagka-interest! I can't wait to open this.
"Aia, Hija, come here." Napalingon ako nang tawagin ni Daddy.
He's with the company board members, mukhang may seryoso silang pinag-uusapan. Lumingon ako sa mga kapatid ko, ngumiti lang sila.
"Dad, what is it?" I curiosly asked.
"Malapit na ang 18th birthday mo, we are in preparation for that." He said.
"Yes dad,"
"What I want to say is, after your 18th birthday, you're going to be 19, and after that, 20. Dapat ngayon pa lang pumili kana ng gusto mong mapangasawa," I was almost choked by my own saliva.
"D-dad! That is too soon!" I hesitated.
"Darling, pag sapit mo ng 20, you're going to be engaged, kaya nga gusto kong pumili kana ngayon pa lang, ng sa ganoon ay may panahon ka pang kilalanin ang mapapangawasa mo." He explained. Ngunit ayokong intindihin.
"Daddy, I... I don't know, I am not ready for this." Tutol ko sa kanya.
"You need to, from now on you should think about what I said. Mr. Lim, Yap, Veles, and Mr. Perez family will be your choice." Tinuro niya ang mga ito.
Kilalang mga businessman rin, lahat ay kilala ni daddy. Ngunit kahit sino pa sa mga anak nila ay wala akong gustong pakasalan.
I don't want to get married with a man I don't love.
Growing up, I thought I was an exception from my dad's greed. Noon akala ko hindi ako matutulad sa mga ate ko na palaging sinusunod si daddy.
Kaya nga sa aming lima ay hindi ako masyadong napapansin ni daddy dahil busy siya sa ibang kapatid ko. He is busy pairing them with a man.
'Yan ang unang dahilan kung bakit magka-galit sila ni ate Shia. Because she choosed to disobey him.
Pero sa mga sinabi niya kanina, I was dumbfounded. He wanted me to marry a man I do not love.
"Aia..."
A voice suddenly pop in my mind. Nakakarinig na ba ako ng mga bagay-bagay? Did I think too much?
"Aia,"
Napabalikwas ako nang mas lumakas ang boses. I think I'm not hallucinating. May tao sa labas ng bintana ko!
Maingat akong naglakad papalapit doon at tsaka binuksan.
"Oh my gosh! Dio! What are you doing!"
Tinulongan ko siyang pumasok sa kwarto ko. He's almost hanging in the window, kulang na lang ay mahuhulog siya.
"I'm sorry, kanina pa kita tinatawag pero mukhang malalim ang iniisip mo. May nangyari ba?" Umiling ako at mahigpit siyang niyakap.
"I miss you Dio, thank you for coming, kahit sa bintana ka nanggaling." I laughed.
"Kung puwede lang sa mismong pintoan niyo ay ginawa ko na Araiah, kung hahayaan mo lang ako, ipaglalaban kita." His eyes is full of sincerity.
I found my self hugging him more.
Hindi ko naman pwedeng hayaan siya na gawin iyon. Dad is a strict man, takot ako sa kanya, at natatakot ako sa maaari niyang gawin. He is full of authority, wala siyang kinakatakotan, because in the eyes of other people, even me, siya ang pinaka-nakakatakot.
"I love you, Dio. I'm sorry because we need to hide our relationship." Bulong ko sa kanya.
Humiwalay siya sa akin.
"You're crying. What a crybaby, huwag na sayangin ang luha Aia, naiintindihan ko naman. Kaya nagsusumikap ako para sa 'yo, para sa atin." Yes I know that. Sobra-sobra na ang nagagawa niya para sa akin.
I am lucky to have him.
"Dio... si Daddy gusto niyang... mamili na ako ng lalaking gusto kong pakasalan," I looked directly in his eyes.
I saw how the shine turn into pain between his eyes.
"Araiah... hindi ko kaya," he whisper in pain. At nasasaktan ako dahil doon.
"Hindi ko rin kaya Dio, kasi ikaw lang 'yung gusto kong pakasalan. You've done enough for me, too much pa nga 'e. So, let me handle this one, sinabi ko sa 'yo kasi gusto ko alam mo. But you don't have to worry, you own me Dio. Sayo ako."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro