Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

"SAAN ka ba nanggaling?" dad's voice echoed. I slightly bit my lip, finding a good reason to answer him. Palihim ko ring pinipisil ang kamay ko.

"Hon, nagpaalam siya sa akin, namasyal lang siya sa mall." Mom interrupt.

Lumapit ito sa akin. She tapped my shoulder. "Ang ate Lein mo nasa hospital, she got shot." My eyes widened because of what mom said.

Lumipat ang tingin ko kay dad na ngayon ay hinihilot ang sintido niya.

"P-po?"

"Dinala na siya sa hospital, her condition is not critical. But she needs to stay in the hospital for now. Nakabantay ang mga tauhan natin sa kanya, that's why your dad is angry akala niya'y may nangyari rin sa 'yo."

"I'm sorry dad for worrying you. Pwede bang puntahan natin si ate Lein?" mabilis na umiling si daddy.

"No. Ako lang muna ang bibisita sa kanya, you're not allowed to go anywhere for now," he said.

Gusto ko pa sanang umalma pero tinalikuran niya na kami. Mommy walk me to my room. Pinaupo niya ako sa kama ko at hinaplos ang buhok ko.

"You need to listen to him. Dahil sa nangyari sa ate mo, mas lalong magiging delikado ang sitwasyon mo at ng iba mo pang kapatid. For now, you need to be my side." Tipid lang akong ngumiti at tumango.

"But mom, sino ang bumaril kay ate? Isa nanaman po ba sa mga kaaway ni daddy?" I heard her sighed.

"Business is really scary hija, do not worry your self. Everything is under your dad's control."

After my conversation with mom I let my self rest for a moment. Nag-aalala ako kay ate, kahit na sinabi nilang maayos lang siya.

What if isa kina ate Raqi o ate Nika ang mapahamak? Or even ate Shia. I really hope dad will settle this. Kahit wala pa akong masyadong alam sa mundong ginagalawan nila, it's certain na konektado ito sa business niya.

He has so many enemies. That is why our family is always in danger.

And now we're dealing in it.

Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko at inabot ang cellphone kong nasa ibabaw ng aking study table.

3 new message.

From Dio.

I read the news. I hope everything will be fine.

Please keep yourself safe.

I love you.

Ngumiti ako at nagtipa ng reply.

Thank you Dio. I think I can't see you for the meantime, but when everything will be fine, I will surely be with you. I love you.

Pagkatapos kong matanggap ang tawag mula kay daddy kanina ay mabilis akong umalis galing kina Dio.

He insisted na e-hatid ako pero ako na ang umayaw. The possibility of us getting caught is so high.

Naintindihan niya naman ang pinupunto ko kaya hinayaan niya akong umalis, bakas nga lang sa mukha niya ang sobrang pag-aalala.

I lay my head down on my pillow and let my self fall asleep.

Nang magising ako ay naramdaman ko agad ang sinag ng araw na dumampi sa mukha ko.

Dumagdag pa ang katok mula sa aking pintoan na siyang nag pagising talaga sa akin.

"Ma'am Araiah? Pinapatawag ka po ng daddy mo, kakain na raw," it was Manang Gina, one of our maids.

"Yes po, mag-aayos lang ako," I politely answered.

I entered my bathroom and started my mourning routine. Nanghilamos muna ako at pagkatapos ay nag apply ng facial oil. I brushed my teeth and to finish, I applied my sunscreen.

Maingat ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan. Dito pa lang ay rinig ko na ang boses nila daddy galing sa aming dining.

And when I finally reached there, agad akong natulala nang makita kung sino ang kasabay nilang kumain ni mommy.

Ate Shia!

"Ate..." I greeted her with a smile.

Nawala rin ang ngiti ko nang alisin niya ang tingin sa akin at binalik kay daddy.

"Whatever, I told you already dad, you can never force me to marry anyone. I'm not here also to pleased you," bakas sa boses ni ate Shia ang inis.

Umupo sa katabing upuan ni mommy, siya lang ata ang nakapansin sa akin, kahit si daddy ay galit ang mukhang nakatingin kay ate Shia.

"Masyado nang lumaki ang ulo mo, I don't really understand you, you always obey my orders before, even the hardest one. Bakit ang pagpapakasal na alam kong maliit na bagay lang sa 'yo ay hindi mo magawa?" Kumurba ang inis sa mukha ni daddy.

Parang balewala sa kanila na nandito kami ni mommy, they are talking as if they are the only one who's here.

"Maliit na bagay? I will never forget what you did, I can never respect you after that. Ah... you don't deserve any respect at all." Ate Shia smirked, napatikom lalo ang bibig ko dahil do'n.

"S-shia! Don't talk to your dad like that anak!" Mom interfere.

Ilang segundo lang ay narinig ko agad ang malakas na sampal ni dad kay ate Shia.

"How dare you! Baka nakakalimotan mong nandito ka sa pamamahay ko! You ungrateful brat!"

"Ungrateful? Oh yes, I am! What do you expect me to feel after what you did? Luluhod ako sa 'yo? And for your information daddy, hindi ko nakakalimutang bahay mo 'to! Hindi naman ako nang-aangkin. If it's not because of Lein, I will never came here." Padabog na tumayo si ate Shia at nag lakad papaalis.

Namalayan ko na lang ang sarili kong, tumayo rin at sumunod sa kanya.

"Ate!" I called her.

She stopped walking, lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Pag ganyan talaga, natatakot tuloy akong magsalita!

"A-ate... I know this is not the right time to say this but... I hope you'll be okay." I bit my lower lip.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kwentas na suot ko.

"And thank you for your gift."

"Aia, do you want to live with me?" Tila nabunotan ako ng tinik dahil sa narinig ko.

Nang e-angat ko ang tingin sa kanya ay walang emosyon ang mukha niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at para bang hinihintay ang sagot ko.

"Ate, hindi ko po maintindihan, anong ibig mong sabihin?"

"Nevermind." She answered.

Pagkatapos ay tumalikod na siya at nagpatuloy sa paglalakad, habang ako ay naiwang gulong-gulo ang isip.

What does she mean by that?

Ate Shia, for me she's a mysterious woman. Kapatid ko siya pero malimit lang ang alam ko tungkol sa kanya, I don't even know if may alam nga ba ako.

Kahit ang rason kung bakit sila magka-galit ni daddy ay hindi ko alam. Pero pakiramdam ko'y may maling nagawa si daddy sa kanya, kaya ganoon na lang siya magalit.

It's been 5 years since it started. 5 years na ang nakalipas simula ng umalis si ate Shia sa poder ni daddy at binuhay ang sarili niya.

I know she had a big reason for that.

Sinubokan kong mag tanong kay mommy, pero pati siya ay nananahimik.

I let out a sigh.

Hindi na ako bumalik sa hapag-kainan at dumiretso na sa kwarto ko.

I stared at my self in the mirror.

Napaisip ako sa sinabi ni ate Shia sa akin. Ibig niya bang sabihin ay sumama ako sa kanya at umalis rin dito sa bahay?

Does she wanted to take me out here?

May kung anong saya ang sumilay sa puso ko. But remembering mommy, nawala ang saya na 'yon.

Mom only have me.

I mean, nandito pa rin naman ang ibang kapatid ko but unlike me, they are busy. Kaya wala sila masyadong oras dito sa bahay.

Iniisip ko pa lang na magiging busy rin ako ay nalulungkot na ako para kay mommy.

I don't want her to feel alone.

I was deep in my mind, I didn't even notice na nakatulog na pala ako.

But I suddenly heard a noise.

Sa may bintana.

Alam ko na agad kung sino ang nandoon. Kinusot ko ang dalawa kong mata bago tumayo at binuksan ang bintana.

Dio.

"Na disturbo ko ata ang tulog mo," he whisphered. Malambing ang boses niya at may ngiti sa labi.

"Dio, kung ikaw rin lang ang mang iisturbo, e ayos lang," I hugged him tight.

"Kamusta ka?" Pinaupo ko siya sa dulo ng kama ko at saglit na iniwan siya para e-lock ang pinto.

"Things aren't going smoothly in this house, nasa hospital si ate Lein, tapos kanina nandito si ate Shia, pero nag away lang sila ni daddy." I rant.

Umupo ako sa tabi niya at maingat na sinandal ang ulo ko sa kanyang dibdib. I could feel his heartbeat.

"Nakikinig ako, Aia,"

"Ate Shia told me kung gusto ko raw ba sumama sa kanya, I was thinking about it," I explained.

He slowly brushed my hair with his hand. "Ano napag-isipan mo? Gusto mo ba?" he asked.

Ilang segundo bako ako umiling.

"I can't. Kahit magulo sa bahay, ayokong iwan si mommy,"

"You should tell her that. Maiintindihan ka ng ate mo,"

"I know right. How about you Dio? How is your day? Palaging ako pinagkwe-kwento mo!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Mahina siyang tumawa at niyakap ako.

"To be honest, I have a good news. Good news siya para sa akin, but I don't think so this is the right time to say it, not now that you are facing problems." He said.

Tinaasan ko siya ng kilay at umiling.

"What do you mean! Dio, tell me, what is it? I want to hear it," hinawakan ko ang kamay niya at pinisil 'yun.

He gulped and turn his gaze away.

"Alright, sasabihin ko." Inagaw niya ang kamay niya mula sa akin at nilipat 'yun sa pisnge ko. "I got accepted, sa university niyo. Natanggap ako sa scholarship."

Lumawak ang ngiti ko at mahigpit siyang niyakap.

"See! I told you! Ang galing mo, you had so many doubts! But look, you made it. That would mean na iisa lang tayo ng university!" I get excited for a moment, I didn't even notice na sobrang dikit na pala ng katawan namin.

Dio's face is so close to mine.

He tried to stay away from me, but I locked his neck with my hands.

"Dio... I'm so proud of you,"

After letting those words out, I instantly felt his soft lips in mine.

I kissed him!

.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro