Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

I met Dio when I was in Grade 11. He got so much attention from everyone because of his looks, and I also cannot argue with that.

He is a handsome man. But I was terrified on him before, nalaman ko kasi na mahilig pala siyang makipag-suntokan sa labas ng eskwelahan.

May one time nga na ako mismo ang nakakita sa kanya. He is punching some other guys, at kitang-kita ko talaga na walang kalaban-laban sa kanya.

So I threw my books on him, dumapo ang tatlong libro ko sa likuran niya, malakas na bumagsak.

"May problema ka ba?"

Those words came out on his mouth. Doon ako sobrang natakot. But that fear disappeared when he suddenly passed out in front of me.

Sinapok siya nang kaaway niya sa ulo gamit ang isang bote, pagkatapos ay tumakbo ang mga ito at naiwan akong hindi alam ang gagawin.

"What happened, Miss Fabian?" asked the principal.

I am trembling in fear. I don't know what to say or what to do.

"Answer them Aia!" mas lalo pa akong nanginig dahil sa sigaw ni Ate Shia.

Bakit kasi sa daming pwedeng pumunta para sa akin siya pa? I am more afraid on her!

"K-kasi ate... ano..."

Paano ba!? Sasabihin ko bang nangialam ako habang nakikipag-suntokan siya? Kaya ayon at siya naman ang nasapok sa ulo dahil na distract siya sa akin?

"Make it fast, Araiah. I'm running out of time." May pagbabanta na sa boses nito. "Talk to the principal, will you!?"

"O-opo ate!"

"Wala po siyang kinalaman sa nangyari sa akin." I gulped when I saw him. Pumasok ito at lumapit sa pwesto ko.

Bakit siya nandito, dapat nagpapahinga siya sa clinic!

Nakita ko namang may bandage na ang ulo niya, I'm glad that he's fine- wait what!? Why would I be glad!? Dapat nga mainis ako sa kanya, he's the reason why I'm here!

"Grupo nila Pablo po ang gumawa sa akin nito, pero ayos lang naman po ako Ms. Cardova, tinulongan niya po ako." He point his finger at me.

Wala akong naisagot, parehas lang kaming nakatitig sa isa't-isa.

"Aia, uuwi na tayo."

I immediately stood up. Sumunod ako kay ate Shia, at hindi na muling lumingon pa.

That was our first encounter. After no'n, we became more closer kasi ni libre niya ako sa canteen bilang pasasalamat daw dahil niligtas ko siya.

I found him cute since then.

Nalaman ko rin na kaya pala siya nakikipag-away, dahil may tinulongan siyang matanda, ninakawan kasi ng grupo nila Pablo kaya hinabol niya.

Palagi raw 'yung nangyayari, kaya palagi siyang napapaaway.

Because of that, I changed my perspective about him. He is not a bad person at all. In fact, he's a genious! Ka compete ko siya sa pagiging Valedictorian!

But we didn't take our situation seriously, kung para sa ibang tao magka-kompetensya kami, well hindi nila alam kung ano kami in private.

I was just 16, when I fall in love with him, while he is 18. He's 2 years older than me.

Ang kwento niya sa akin ay, natigil siya sa pag-aaral noong elementary siya kaya naman he's 2 years late. It doesn't matter at all, he is good.

We are not officially together, but we do love each other. He's waiting for me to turn 18, and if that happens, official niya na akong liligawan.

I found my peace on him. Pag sobrang gulo sa bahay, sa kanya ako nagtatago, pag sobrang pagod sa school, sa kanya ako nagpapahinga, pag sobrang ayaw ko sa paligid ko, sa kanya ako nakakaramdam ng ginhawa.

He is like that for me. He is my peace, and my everything.

Marrying someone that isn't him, is like a suicide for me. But here I am, listening to my father's lecture.

"Follow me this time Aia, if you're terrified, then don't be. I will help you to find a good match. I will guide you hija," he suggested while sipping with his coffee.

Tahimik lang akong kumakain. Nasa harapan ko naman si Mommy na nag-aalalang nakatingin sa akin. I just gave her a fake smile.

"I think talking about marriage is too soon for her, dad. Don't you think we should let her focus on her college?" nagsalita si ate Lein.

"She can focus on her college Lein of course, hindi ko naman siya ipapakasal agad. I am planning a good shot for her." Good shot huh? For me? Nah, for your self and for your greed dad.

"Even so, paano makakapag-focus? You're opening that topic to her! Gosh, let her rest kaka-graduate niya lang kahapon." I saw ate Lein rolled her eyes.

Daddy's brow frown. "Bakit ka nga ba naman nakikisali Adeleina? Just mind the business I gave to you, and also hurry your marriage with Xeron! You are already aware na after ng graduation mo, your wedding will take place."

"If you say so. I gotta go, dami ko pang gagawin." Pabagsak nitong nilagay sa plato ang table napkin na hawak niya.

I know that she is upset. But I am still proud of her, nagagawa niya kasi 'yung ganoon ng hindi natatakot. While here I am, takot, kahit ang sagotin siya ay natatakot akong gawin.

"That brat. Nasaan ba si Nik? Hindi ba siya dito natulog?" He asked mom.

"Dito hon, but maaga siya umalis kanina, silang dalawa ni Raqi. They are kinda busy." Mom explained, nagpatuloy lang ako sa pag kain.

"And how about Shia? She's really hard huh? Tell her to get back at me and apologize! Mapapatawad ko siya kung hindi niya na patatagalin pa ang kayabangan niya!" nakita ko ang inis sa mga mata ni daddy.

Mabilis itong tumayo at tinalikuran kami.

"Eat up, dear. Don't mind your dad, mainit lang ang ulo."

Hindi na ako sumagot. I continue to eat even if I have a hard time swallowing these foods in my plate.

"In 2 months anak, magsisimula na ang college mo, and also your 18 birthday. I can't believe it, and dalaga mo na."

"Mom, stop teasing me," I shook my head making her laugh.

After our breakfast ay bumalik ulit ako sa kwarto ko. I remember the gift ate Shia gave to me. Hindi ko pala nabuksan kagabi, because I was too distracted with Dio.

And speaking of him, mabilis rin siyang umalis kagabi pagkatapos nang kaunting pag-uusap namin.

Ngayong araw ay pupunta ako sa kanila, but before that gusto ko munang makita ang regalong binigay ni ate Shia sa akin.

I sat in my bed holding the little box.

Dahan-dahan ko itong binuksan, and here is it! A necklace with my name's initial on it!

A.

"I love this..." hinubad ko ang suot na kwentas, galing ito kay mommy matagal na niyang regalo sa akin. Hindi naman siguro siya magtatampo kung huhubarin ko muna? I'm pretty sure hindi!

I placed it on my drawer and turn my attention on my new necklace.

Maingat kong nilagay 'yun sa leeg ko at tinignan ang sarili sa salamin.

I love this! It suits me well!

Napansin ko naman ang maliit na papel sa loob ng box, I guess it's a letter.

Gusto ko tuloy matawa dahil sa nakasulat.

'grats kid.

'Yun lang! Grabe, kahit sa letter ginampanan pagiging cold niya? Pero, sobrang saya ko ngayon, I thought she never cared for me.

But she is.

Thank you ate Shia.


"Saan ka pupunta hija?" mom asked, puno ng pagtatanong ang mukha niya.

"Mall po, I want to buy gifts for my self," I lied.

"Oh... do you want me to come with you?"

"No! I mean... I am okay mommy, please let me feel that I am independent." I defended myself, nakita ko namang tumango siya at ngumiti. I feel relieved.

Baka bigla siyang magtaka dahil sa kilos ko.

Pagkatapos naming mag-usap ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. I told our driver to drop me off sa mall at balikan nalang ako after 5 hours.

Wala naman itong sinabi at umalis.

Nang makitang wala na ito sa paligid ay tsaka ako sumakay ng motor. Natuto lang akong sumakay nang ganito dahil kay Dio.

He taught me a lot of things that seems inappropriate for our family but it is actually fun.

"Dio! I'm here!" I waved at him.

Mahigpit naming niyakap ang isa't-isa.

"Ang sabi mo ala 1 ka pupunta? Sana sinundo kita para hindi ka nag commute mag isa," ngumiti lang ako dahil sa reklamo niya.

"Mas mataas ang oras natin, kaya huwag mo na akong sermonan. I love commuting!" umiling lang siya at hinawakan ang kamay ko.

"Ma, si Aia po nandito na."

I bit my lips when I saw his mom. Nakangiti ito sa akin, I slowly walk towards her, nagmano ako rito.

"Hi po, tita."

"Nandito kana pala, gusto ko sanang makipag-kwentuha sa iyo pero may lakad ako." Nakita ko nga sa suot niya na parang aalis siya.

"Ayos lang po, mag ingat ka po,"

"Salamat hija, at congratulations sa pagiging valedictorian mo."

"Thank you po."

Pinaupo ako ni Dio sa sofa nila at saglit na pumasok sa kwarto niya. Umalis na rin si Tita Cita kaya kaming dalawa ni Dio ang nandito.

"Magluluto ako para makakain na tayo,"

"Sure! Namimiss ko na ang luto mo, Dio..." malambing na ani ko.

I saw him gulped and eventually smiled.

"Come here, watch me. Nakakagana pag nasa paligid kita."

Ngumisi lang ako at tumango.

"Bakit feeling ko sinadya mong maging salutatorian para maging valedictorian ako?" I asked.

He is cleaning the meat right now. Saglit siyang tumigil at tinignan ako.

"Matalino ka, deserve mo ang maging valedictorian," he said.

"Matalino ka kaya!"

"Yeah maybe, pero mas matalino ka. Huwag mong pagduduhan 'yang katalinohan mo." Hinalikan niya ako sa noo at nagpatuloy sa paghuhugas ng karne.

"Nagpapaturo nga ako sa 'yo sa calculus." Mahina lang siyang tumawa.

Lumipas ang ilang minuto na nakatitig lang ako sa kanya. He's daring as always, kahig anong gawin niya napaka-attractive.

Kahit sa paghihiwa ng mga putahe ay napaka-entertaining panuorin.

And I do love watching him like this.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako sa kanila, this happened many times already, ever since no'ng grade 11 ako.

Dito ako pumupunta pag may free time o kaya'y walang tao sa bahay. Pero hindi pa ako nakakatulog dito, gala-gala lang.

And it is fun for me. Mas lalo akong nalalapit sa family niya. He's with his mom and 1 brother. Kaso mukhang gumala 'yung kapatid niya kaya wala dito.

After an hour natapos siyang magluto, we proceed to eat, and as always, his cooking skills never failed me.

Adobo at chicken curry ang niluto niya, both my favorites.

"Ang sarap! Ang galing mo talaga,"

Inabot niya ang labi ko at mahinang pinahid ang daliri niya sa gilid no'n.

"Eat more. Masaya akong nakikita kang kumakain nang ganyan."

Sumubo ulit ako ng kanin at hinayaan siyang titigan ako. I don't mind too, sanay na sanay kami sa isa't-isa.

But I suddenly stop when I heard my phone rang.

Dad's calling...

Ilang beses akong napalunok bago 'yon sagotin. I saw Dio's face, he is worried.

"D-dad?"

"WHERE THE HELL ARE YOU!?"

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro