Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 7


KABANATA 7

Tradious

"WHERE ARE YOU going, Mom?" tanong niya sa kaniyang ina na mukhang may pupuntahan dahil sa ayos.

Tumingala ito sakaniya saka ngumiti.

"May lakad kami ni Mareng Emerald." ang tinutukoy nito ay ang nanay ni Jan.

Tumango siya at bumaba na sa hagdan saka lumapit dito.

"Si Jan? Nasa bahay nila?" gusto niyang makausap ang dalaga. Nagtataka na siya sa kinikilos nitong mga nagdaang araw. At hindi siya mapakali.

"You don't know?" kumunot ang noo niya. Anong dapat niyang malaman kay Jan.

"What do you mean? May dapat ba akong malaman?" tanong niya.

"Five days na mawawala si Jan sa bahay nila. Group project I think? You should know that because she's your best friend," inabala na ang sarili sa paglalagay ng make up sa mukha.

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. Five days? Bakit parang ang tagal naman non.

"Alright. Enjoy," sagot na lang niya at tumakbo patungong silid.

I need to talk to her.

Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng night stand at dinial ang numero ni Jan.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try your call later.

Muli niya itong tinawagan pero gaya kanina out of coverage ang dalaga.

"Shit, Jan. Pick up your phone!" pagkausap niya sa telepono.

Ilang ulit niya pa itong sinubukang tawagan pero wala pa din. Kaya wala siyang choice kundi puntahan ang dalaga sa bahay nila.

"Manang, aalis po ako saglit." hindi na niya inantay ang sasabihin ng kanilang katulong. Dali-dali siyang pumuntang garahe at pumasok sa driver seat ng kotse saka pinaharurot papuntang bahay nila Jan.

I need your explanation, Jan. Siguraduhin mo lang na makakapagpaliwanag kang mabuti.

***

Jannarah

"HOY GISING NA!" sigaw ng taong pinipilit siyang gisingin. Idinilat niya ang mga mata at hinanap ang pinanggalingan ng boses.

Akmang tatayo siya ng maramdamang may nakabalot sa katawan niya. Tinignan niya iyon. Nakatali siya gamit ang bakal. Nanlilisik ang matang tumingin siya sa lalaking nasa harapan niya ngayon.

"Nasaan ako?" tanong niya sa malamig na tono.

Ngiting aso ang lalaking nasa harapan niya.

"Sa lugar na walang makakaalam na nandito ka." nagtawanan ang mga ito.

Masamang tinignan niya ang mga lalaking naroon. Doon niya lang napansin na ang lugar ay napapalibutan ng kulay itim. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa isang silid sila. Pero saan? Ang huli niyang naalala ay nasa mansiyon siya ni Red Aggabao sa Pangasinan at tinutukan siya ng baril etong lalaking nasa harapan niya ngayon. Sinubukan niyang manlaban pero hindi siya nakapalag sa mga ito. Ano ba namang laban niya. Mag-isa lang siya at hindi niya alam ang bilang ng mga ito. Doon niya naalalalang hinawakan siya ng isa sa likuran saka may itinapat sa ilong niyang panyo na nakapagpawala ng kaniyang malay.

"Pakawalan niyo ko dito." sinusubukan niyang makawala kahit imposibleng mangyari.

"Pakakawalan ka namin sa isang kondisyon." nagtaas baba ito ng kilay.

Tumingin lang siya dito. Nasaan na sila High at Win? Nakuha din ba sila ang mga ito.

Pinilit niyang mawalan ng ekpresyon ang kaniyang mukha.

"Anong kailangan niyo sa'kin." walang ganang tanong niya.

"Simple lang." pinakita nito ang hawak nitong larawan.

Ganoon na lamang ang gulat niya nang makilala kung sino.

"You know that guy?" ngumisi ito.

Nag-angat siya ng tingin dito at pinilit ang sarili niya na mawalan ng ekspresiyon sa mukha.

"Anong kailangan niyo sa kaniya?" she's referring to the guy in the picture.

"Kill him."

Bumilis ang tibok ng puso niya. Sa ilang taon niyang ginagawang pagnanakaw hindi pa siya nakapatay ng tao. Not even once and she will never try it. Pagnanakaw ang ginagawa niya hindi pagpatay.

"What if I don't?" Matigas niyang wika.

Kailangan niyang maging matapang sa harapan ng mga ito. Hindi niya pwedeng ipakita sa mga ito na natatakot siya sa pwedeng mangyari sakaniya. Isa siya sa mga taong magaling magtago ng ekpresiyon ng mukha. She's a perfect example of the word pretending.

"Simple lang. Mawawala ka sa mundong ito at walang nakakaalam. Kawawang Jannarah." nagulat siya sa pagtawag nito sa pangalan niya. Kilala siya nito.

Shit!

"Go kill me then, I'm not scared anyway." ngumisi siya.

Nagulat ito pero agad din namang nakabawi. Ngumisi ito ulit.

"Eh kung 'yong Nanay mo na lang tutal wala namang pakinabang 'yon?"

Nanlilisik ang matang tinignan niya ang lalaking kaharap.

"Huwag mong idadamay ang nanay ko dito!" nagtatagis ang bagang na sabi niya. Ibang usapan na kapag nadamay ang kaniyang ina.

"Then do what I said. Madali lang naman ang gagawin mo. Kill him and we're done. Plus babayaran ka pa namin. Just name your price."

Ikinuyom niya ang kaniyang kamao. Ano bang mapapala nila kapag napatay na niya ang taong 'yon?

Wala na kong choice.

"I'll ask you once again, Jannarah. Take it or leave it? I don't accept a no as an answer."

Yumuko siya at mariing na pumikit. Hindi pwedeng madamay ang kaniyang ina. Dalawa nalang silang magkaagapay sa buhay. Ayaw niyang may mawala pa ulit na mahal niya sa buhay. Hindi niya kakayanin.

Nag-angat siya ng tingin dito.

-

Tradious

NASA HARAPAN NA si Trad ng bahay nila Jan. Kailangan niyang malaman kung bakit hindi nito sinabi sakaniya ang pag-alis nito. Akmang hahakbang na siya palabas ng kaniyang kotse nang biglang may tumigil na taxi sa harap ng kotse niya.

Ganoon na lamang ang gulat niya pagkakikita kay Jannarah na lumabas ng passenger seat. May inabot ito sa driver at bumaling sa back seat ng taxi saka inilabas nito ang malaking bag. Umalis na ang taxi pero nakamasid pa rin doon si Jan. Mukhang malalim ang iniisip.

Bumuntong hininga muna ito at naglakad na papasok sa bahay. Lumabas siya sa kotse at tinungo ang gate ng bahay nila Jan.

Pinindot niya ang door bell. Maya-maya ay bumukas iyon.

"Anong kailanga-- Trad!" gulat nitong sabi pagkakita sakaniya.

Ngumiti lang siya ng tipid.

"Pwede ba tayong mag-usap, Jan."

Gulat pa rin ang mukha nito.

"A-Anong pag-pag-uusapan na-natin?" nauutal nitong sabi. Kumunot ang noo niya.

Mas lalong lumalim ang paghihinala niya na may tinatago nga ang dalaga sakaniya.

"About last time. 'Yonng nangyari sa likod ng building."

Kumislap ang mata nito sa takot pero agad ding nawala. Her face went blank.

"Wala tayong dapat pag-usapan, Tradious. Pagod ako, pwede bang sa lunes na lang." magsasalita pa sana siya pero mabilis nitong isarado ang gate.

This is crazy! Mamamatay siya sa kakaisip kung anong nangyayari ngayon kay Jan. Tell him this is not happening please.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro