Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 6


KABANATA 6

Jannarah

KABADO SIYANG HUMARAP sakaniyang ina na kasalukuyang nagluluto. Hindi pa rin siya nakakapagpaalam dito. Pwede naman siyang umalis na lang pero naaalala niya pa rin ang sinabi nito noong nakaraang araw.

Nakatatak na sakaniyang isipan iyon at hindi niya maiwasang makonsensya sa maling ginagawa niya.

Kagat labi siyang sumandal sa bukana ng kusina. Sana makapagpaalam na siya nang maayos dito.

"Anak, anong ginagawa mo diyan?" tanong ng kaniyang ina.

Umayos siya ng tayo at tumingin dito. Ngumiti siya.

"Uhm... Mama... ano kasi..."

"Ano 'yon, anak?"

Napakamot siya sa kaniyang batok. Pa'no ba niya kasi sasabihin dito?

"Ma ano kasi... Mawawala ako ng ilang araw kas--"

"Ano? Saan ka pupunta?" tanong agad nito.

Mariin siyang pumikit bago nagmulat ng mata para salubungin ang tingin nito.

"Ka-Kasi, Ma... Alam mo naman, graduating student ako... k-kaya kailangan kong magsleepover sa kaklase ko. Mga ilang araw lang naman, Ma." pagsisinungaling niya.

Saglit muna itong tumingin sa kaniya.
"Gaano katagal ba 'yang sleepover niyo?"

Tinuyo niya gamit ang dila ang ibabang labi.

"Mga limang araw."

Tinitigan siya nito na waring sinusuri siya. Which irritates her the most. Ayaw niya ng tinititigan siya nang matagal. Pero dahil ina niya naman ang kaharap kailangan niya pakalmahin ang sarili.

Saglit pa ay tumikhim ang kaniyang ina at ngumiti. "Sige, pero binabalaan kita, Jannarah. 'Wag na 'wag kang gagawa nang kalokohan sa tutulugan ninyo. Naku! Malalagot ka talaga sa'kin."

Gumuhit ang isang malapad na ngiti sakaniyang labi dahil sa pagpayag ng kaniyang ina.

"Opo, Mama. Thank you po," niyakap niya ito.

"Oh, awat na. Mag-ayos ka na ng mga dadalhin mong damit. Mag-ingat ka doon."

Tumango siya at patakbong tinungo ang kaniyang silid.

Pagkasarado niya ng pinto biglang naging seryoso ang mukha.

This is it Jan. Wala na 'tong atrasan.

***

Trad

SABADO NGAYON KAYA nagkukulong sa kaniyang silid si Trad. He's an indoor person. Taong bahay siyang pinalaki ng kaniyang mga magulang hanggang sa makasanayan na niya iyon ngayon ngang malaki na siya.

Mahilig siyang magbasa ng mga libro. Pero imbes na magbasa ng libro kagaya nang nakasanayan niya ay napagtripan niyang pagdiskitahan ang cellphone.


Agad niyang binuksan ang facebook account na ginawa niya. Kagat labi siya nang makita ang pangalan ng account na ginawa niya.

Sorry Jan, kailangan kong gamitin ang pangalan at picture mo.

Patawarin niyo po siya sa paggamit ng pangalan at picture ng bestfriend niya.

Wala na kasi siyang maisip na pangalan at saan kukuha ng picture. Okay na 'yong malapit sakaniya para safe. Si Jan kasi agad ang pumasok sa isip niya.

Busy siya sa pag-iscroll sa newsfeed nang tumunog ang messenger niya.

Namilog ang mata niya nung makilala kung sinong mukha ang lumabas sa chat heads. Oh god!

Nanginginig niyang pinindot ang chat head at ganoon pa rin ang gulat niya ng makitang nagwave ito sakaniya--no sa ginawa niyang account--dito.

Saglit niya pang tinitigan ang message ni Zild sakaniya.

Oh God. This is not happening right?

Bigla nanamang tumunog ang messanger at nag-iwan nanaman ito ng mensahe galing pa rin sa iisang tao.

Hey Jan.

Sa pagkakataong iyon, nagcompose na siya ng i-re-reply dito.

Jannarah (Tradious):

Uhm, hello Zild.

Sent. Itinapat niya sa kaniyang puso ang cellphone niya.

Kalma puso hindi ikaw 'yon.

Tumunog ulit ito agad niyang tinignan ang screen ng cellphone.

Zild:

Bakit hindi ka nanonood nang laro ko kahapon? I'm waiting for you.

Laro? Huh? Hindi niya maintindihan ang sinabi nito.

Jannarah (Tradious):

Sorry busy lang ako that time. My fault.

Iyon na lamang ang nasabi niya. Hindi niya alam ang sasabihin dahil hindi niya rin alam na inaya nito si Jan.

Nakaramdam siya ng kirot sa bandang puso niya. Gosh! Anong nangyayari sa kaniya?

Jealous I guess.

"No!" sigaw niya. Hindi naman siya nagseselos. Bakit naman siya magseselos eh gayong kachat niya naman ito?

Umiling siya. No he's not jealous. Pinagpatuloy niya nalang ang pagkikipagchat kay Zild.

-

Jannarah

TUMINGIN SIYA SA paligid. Masasabing tago ang lugar na ito dahil napapalibutan ito ng mga nagtataasang puno.

"Nandiyan na kayo?" tanong ni Gin sa kabilang linya.

"Oo, nandito na kami."

"Great. Now foolow my lead. Masyadong malawak ang lugar na 'yan tiyak na maliligaw kayo."

Tumango lang sila at sinunod ang sinabi ni Gin.

Masyadong malawak ang lugar kaya mahihirapan talaga silang makarating sa paroroonan. Umaga pa lang ay sinimulan na nila ang pagbyahe papuntang Pangasinan. Dito nakatira ngayong si Red Aggabao. Kaya kinailangan nilang pumunta rito at kuhanin ang pinakamamahal nitong alagang aso. Kung saan ito pumunta kasama lagi nito ang aso.

Natigil siya sa pag-iisip nang biglang tumigil sa paglalakad si Win na nasa harapan niya. Nabangga kasi siya sa likod nito.

Tumingin siya sa harapan nila. Kumunot ang kaniyang noo dahil wala naman siyang nakitang kakaiba.

"Bakit ka tumigil?" tanong niya.

Tumingin ito sakaniya at inayos ang suot na mask sa mukha saka pasimpleng itinuro ang hindi kalayuang puno sakanila.

Tinignan niya ang tinuro nito. Ganoon na lamang ang gulat niya nangn makita na cctv iyon. Akala niya ay naayos na ni Gin ang lahat ng cctv?

"Magtago tayo doon." tinuro nito ang mga halamanan sa kaliwa nila.

Tumingin ulit siya sa gawi ng cctv.

"Rocket, ikaw nang bahala diyan sa cctv. Maghahanap kami ng daan para malito ang nagbabantay sa cctv na 'yan." suhesyon ni Win.

Tumango lang siya at inilabas ang kutsilyo sa bag saka isinuot uli iyon. Inayos niya ang sumbrero't mask at lihim na tumakbo at maingat na hindi mahagip sa cctv. Pumwesto siya sa bandang likuran.

Akmang titirahin na niya ang cctv ng biglang may nagsalita sa ear piece.

"Huwag mong gagalawin ang cctv, Rocket. That's not an ordinary one. Kapag nasira iyan ay mas lalong kokomplekado ang sitwasyon niyo diyan. It will make a noisy sound once it breaks. Matalino rin ang lalaking 'yon." sabi ni Gin sa kabilang linya.

Binaba niya ang kutsilyo at pinindot ang ear piece niya. "Anong gagawin sa cctv na'to?" tanong niya.

"Hayaan niyo lang. I'll try to delete the footage. Kapag hindi gumana sumugod na kayo, hindi naman kayo mahahalata sa suot niyo."

Putek!

Baka mahuli sila dito. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mata at humingan ng malalim.

Para kay Mama.

Nagmulat siya ng mata at tumingin sa likod. Tinago na niya ang kutsilyo sa likod niya saka tumingin sa paligid at kinabisado ang lugar. Pinindot niya ang ear piece.

"Nasaan na kayo High, Win?" tanong niya sa kabilang linya.

"Ewan. Uh... Gin nasaan na kami?" tanong ni Win.

"Malapit na kayo sa mansiyon. Rocket nasa malayo na sila. Sundan mo na sila. I'll guide you."

Tumango siya at tinahak ang daan na tinuturo ni Gin.

Nang makarating sa paroroonan agad niyang nakita sila Win at High na nakatago sa may damuhan sa kanan. Lumapit siya sa mga ito.

"Anong plano?"

Tinuro ni High ang parteng hindi nasisinagan ng araw.

"Doon tayo dadaan. According to Gin, walang bantay sa daang 'yon, obviously. Ang gagawin lang natin ay akyatin iyon at nakawin na ang aso. Tapos ang usapan,"

Tumango silang dalawa ni Win bilang pagsang-ayon.

Naunang naglakad sa gawing iyon si Win, sumunod si High at siya ang panghuli. Umakyat na muna si Win.

"Clear, walang tao. Sumunod na kayo."

Sumunod na nga sila. Tumingin siya sa paligid. Nababalutan ng maraming damo ang bahay na iyon. Mukhang pinasadya. Nahagip ng mata niya ang isang pinto papasok ng mansiyon. Nasa may likod sila dumaan. Kaagad naman niya iyong pinuntahan. Akmang pipihitin na niya ang door knob ng biglang.

Fuck!

Nakasarado iyon. Nilapag niya ang dalang bag at kumuha ng hairpin. Sinubukan niyang buksan iyon na agad namang bumukas.

Hindi na masama.

Tumingin siya sa mga kasamahan sa likuran pero hindi na niya nakita ang mga ito. Kumunot ang kaniyang noo. Siguro humahanap rin ng ibang daan.
Nagkibit balikat nalang siya at pinihit ulit ang door knob saka binuksan.

"Once you move, you will die."

She froze.

Mag-ingat ka doon.

Ang boses ng kaniyang ina ang pumasok agad sa isipan niya.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro