KABANATA 4
A/N: Hey you! Enjoy reading.
KABANATA 4
MAINGAT SIYANG PUMASOK sa kabahayan at pumasok agad sa kaniyang silid.
Tinapon niya sa gilid ng kama ang kaniyang bag at humiga na. Nakakapagod.
Ipinikit niya ang kaniyang mata nang tuluyan siyang dalawin ng antok.
Nagising siya nang ramdaman ang sinag ng araw sakaniyang mukha. Agad siyang bumangon at kinuha ang bag na ginamit niya kagabi saka itinago sa pinakatagong parte ng kaniyang cabinet. Kinuha na niya ang uniporme saka nagtungo ng banyo.
"Good Morning, anak. Kain ka na." nakangiting sabi ng kaniyang ina.
Tumango lamang siya saka ngumiti at naupo na para kumain. Pagkatapos ay kinuha niya ang bag niya sa kwarto at umalis na.
"Bye, Ma. Ingat ka parati."
Naglakad na siya papuntang kalsada at pumara ng tricycle.
Wala siyang ganang pumasok ngayon pero kailangan.
"Kamusta ang tulog mo?" Napatuwid siya nang tayo at tumingin sa likuran niya. Si Trad iyon at may ngiti sa labi.
"Okay lang naman, ikaw?" ngumiti siya pabalik dito.
"Feels good. Alam mo bang gumawa ako ng facebook account." malapad nitong ngiti.
Kumunot ang noo niya at naglakad ulit. Nakisabay naman ito nang lakad sakaniyang tabi.
"Bakit gumawa ka nanaman ng facebook account?"
"Babae ang ginawa ko." saad nito.
Tumigil siya sa paglalakad at tumingin dito. "Babae? Bakit?"
"Gusto kong i-chat si Zild." nagniningning ang mga mata nito.
Nawala lahat ng emosyon sa mukha niya at humakbang ulit.
"Gan'on ba. Sige una na ako sa klase ko," hindi niya na hinintay pa ang sagot nito. Hindi kasi sila magkaklase ni Trad ngayon.
Naupo na siya sa may likurang upuan pagkarating niya. Hiniga niya ang ulo sa arm chair.
"Sleepless?" tanong ng baritonong boses sakaniya.
Hindi niya sinagot kung sino man iyon. Dama niya ang puyat kagabi. Pa'no ba naman alas dos na siya ng gabi nakauwi.
"Well, I guess so."
Kahit inaantok siya ay tumingin siya sa pinanggalingan nang boses na iyon sakaniyang kaliwa. Nagulat siya nang makilala kung sino ito pero agad ding nawalan nang emosyon ang kaniyang mukha.
"Yes. Kaya please 'wag kang maingay nakakaistorbo ka sa tulog nang iba." naiinis niyang saad at hiniga ulit ang ulo sa arm chair.
"Oh. Sorry my mistake." hindi niya nalang pinansin pa ito.
Nag-angat siya nang tingin para harapin ang binata.
"Look Zild. Natutulog ako kasi puyat ako so kindly please, please lang. Huwag kang istorbo."
Nasira ang araw niya dahil sa nabalitaan niya tungkol kay Trad tapos dadagdag pa ito. Bakit ba kasi kailangan pa nitong gawin 'yon? Oh because he's attracted to Zild.
Buti na lamang at tumahimik na si Zild.
Wala siyang balak makinig ngayong araw sa kanilang guro kaya tumayo na lang siya at lumabas ng classroom.
"Hey, Jannarah!" habol na sigaw ni Zild pagkalabas niya.
Nababagot siyang tumingin dito.
"What?" cold niyang sabi.
Napakamot ito sa batok at nahihiyang ngumiti.
"Pwedeng... manood ka mamaya... sa laro ko? You know."
Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi nito. Nagbibiro ba ito? Bakit kailangan pa nitong manood siya ng laro nito?
Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa.
Tumikhim siya. "Uhm... Ta-try ko pa." sabi niya.
Nag-angat naman ito ng tingin saka malapad na ngumiti.
"Really?"
Tumango siya.
"Yes! Thank you, Jannarah."
Ngumiti lang siya ng tipid dito at umalis na.
Pero naguguluhan pa rin ang utak niya sa sinabi ni Zild sakaniya. Bakit siya nito yayayain? Hindi ba parang nakakapanibago ang ginawang iyon ni Zild?
Umiling na lang siya at naglakad na patungong likod ng kanilang building. Kung saan tahimik at walang mangangambala sa tulog niya. Badtrip bakit kasi umuwi siya ng alas dos?
***
Trad
"OKAY SO THAT'S it for today. Good bye, class."
Sabay sabay na namaalam ang mga kaklase niya maliban sa kaniya.
Palaisipan pa rin ang nangyari kanina. Nagtataka siya sa kinikilos ng dalaga kani-kanina lang.
Bakit kaya? Anong problema nito?
Maraming tanong sa kaniyang utak na gusto ng sagot. Mababaliw siya sa kakaisip sa kinikilos ni Jan. Kaya agad niyang kinuha ang bag niya at dali-daling pumunta sa classroom ng dalaga. Kailangan niya itong makausap.
Pagkarating niya sa classroom ng dalaga ay tumingin siya sa maliit na bintana sa may pinto upang silipin kung naroon nga si Jan. Kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya nakita ang dalaga.
Nasaan nanaman ang babaitang 'yon?
Akmang aalis na siya nang biglang tumunog ang notification sakaniyang cellphone. Kinuha niya iyon at tinignan.
Zild Buenaventura sent a friend request.
Namilog ang kaniyang mga mata sa nakita. Hindi niya akalaing i-aadd siya ni Zild.
"Oh my god! This is not happening! Omg!" lumingon lingon siya sa paligid at impit na tumili nang masiguro na walang tao na nakita.
Relax Trad, friend request lang 'yan. Relax please.
Pero kahit anong pigil niyang pakalmahin ang sarili ay hindi pa rin siya kumakalma. Nadadagdagan lang lalo ang excitement na nadarama. Good God, hindi niya inexpect 'to, pero thank you na rin.
Malapad ang kaniyan ngiti habang naglalakad patungo sa likuran ng kanilang building. Doon niya ibubuhos ang tili niya dahil sigurado siya na walang makakarinig sakaniya roon.
"Waaaaaah! OMG! Omg! Waaah! Nagfriend request sa 'kin si Zild!" sigaw niya na parang walang taong makakarinig sakaniya which is true. Sound proof ang building kaya feel na feel niya ang pagsigaw.
"OMG! Nagfrie--"
"Pwede bang manahimik ka sa kakasigaw?" sigaw ng pamilyar na boses sa harap na malaking puno.
Nanigas siya sa kinatatayuan.
Please don't tell me na may tao dito ngayon?
Malalaman nila ang sekreto niya. Mapuputol na ang maliligayang araw niya, shit!
"Salamat at wala nang ingay." sabi ng tao na nasa likuran ng malaking puno na nasa harapan niya ngayon.
Kahit na gulat ay pinilit niyang ihakbang ang paa papalapit sa punong nasa harapan niya. He should know who's that guy--no a girl--no a-- ah basta!
Nasa harapan na siya ng puno at sisilipin sana kung sino ang nasa likod nun nang biglang...
"Bulaga!" sigaw nito.
"Waaaah!" tinakpan niya ang mata sa gulat.
"Grabe 'yong itsura mo, Trad. Kung nakikita mo lang." malakas pa itong tumatawa.
Inalis niya ang pakakatakip sa mukha at tumingin dito. Tinignan niya ito ng masama.
"Gago ka, Jan. Ikaw lang pala." natigil ito sa pagtawa at tumingin ng gulat sakaniya.
"Minumura mo ba ako?" gulat nitong tanong sakaniya.
Ilang segundo niya itong tinitigan at parang nanariwa sakaniya ang mga sinabi niya dito. Bakit nakapagmura siya? Ang bobo niya sobra.
"I-I'm so-sorry." hingi niya ng tawad.
Ilang minuto muna itong tumitig sakaniya at tumikhim. Nawala na ulit ang lahat ng emosyon sa mukha nito.
Anong? Pa'no nito nagagawa 'yon?
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa klase ka?" usisa ni Trad.
Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito. Wala siyang mabasa ni kahit isang emosyon sa mukha nito na nakakapangamba. Nakakatakot ang aura nito lalo't walang emosyon ang mukha nito. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng takot sa babaeng kaharap niya ngayon. Hindi ito ang Jan na kilala niya.
"Wala." kinuha nito sa likod ng puno ang bag at umalis na.
That's not her. That's not the Jannarah that I knew. Ibang tao iyon.
--
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro